MasukHabang naglalakad siya papunta sa iskinita kung saan papunta sa kanyang boarding house medyo nakaramdam siya ng hilo kaya agad siyang tumayo ng maayos at tumigil pansamantala . Nanginginig ang kamay niyang tumakip sa kanyang labi at tyan .Bakit hindi niya naisip na dalawang buwan na pala siyang walang dalaw simula nangyari ang panggagahasa sa kanya ng lalaking iyon .
Nagmadali siyang bumalik sa botika at bumili siya ng pregnancy test dinahilan nalang niya ang isa sa kaboarmate niya na nagpapabili ng pregnancy test . Halos tumakbo na siya papunta sa boarding house para tignan kung totoo nga ba ang hinala niya . Kaya pala iba ang nararamdaman niya pero bakit wala man lang siyang maramdaman na paglilihi . Nagtaka naman si Arian ng makita si Krystal na nagmamadaling pumasok . Habang nakatingin siya sa dalawang guhit ng pregnancy test ay halos manghina siya sa nakita . " totoo ngang buntis ako ..dalawang buwan na pala ang nakalipas simula ng nangyari ..ahhh ipapalaglag kita '' Dahil nag aalala bigla si Arian pumasok na siya sa kwarto nito . '' Krystal ayos ka lang ba ?" '' ate Arian buntis ako ..nabuntis ako ng hayop na iyon '' tila hindi makapaniwala si Arian sa narinig .Alam niya ang pinagdadaanan ni Krystal dahil napaamin niya nung nilagnat ito ng ilang araw . Sinabi nito ang totoong nangyari at laging daw nito napapaniginipan ang lahat . '' oh God .... pero Krystal huwag mong isipin na ipalaglag yan '' pakiusap niya .Umiling agad si Krystal dahil hindi pwedeng mabuhay ang bata sa kanyang tyan .Ayaw niyang makita ang bunga ng panggagahasa sa kanya ng lalaking iyon . Lalong umiyak si Krystal dahil nadagdagan na naman ang pasanin niya sa buhay . Unti unti na niyang natatanggap ang katotohanan pero bakit may panibagong dagok na naman na dumating . Lalong umiyak si Krystal dahil hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin .Sa lagay niya ngayon hindi niya kayang maging ina .Sarili pa nga problema na niya paano pa kaya magkaroon siya ng anak . '' ssssshhhh walang kasalanan ang angel sa tyan mo ... relax mo lang ang sarili mo at mag isip ka ng maayos '' '' parang ang dali lang sabihin niyan ate dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko.. hindi pwedeng mabuhay ang bata na ito dahil naalala ko lang ang nangyari sa akin noon at isa pa mahirap ko na ngang itaguyod ang sarili ko magkakaroon pa ako ng makakasama sa hirap at ang masaklap galing sa taong sinira ang lahat ng meron ako '' halos hindi na niya alam kung nasabi ba niya ng tama ang mga salitang lumabas sa kanyang labi dahil patuloy parin siya sa pag iyak na para bang sa pag iyak nalang niya nararamdaman ang kunting gaan ng kanyang pakiramdam. '' Krystal ..alam mo ba yang pinagsasabi ..inosente ang batang yan ..gusto mo bang pati ikaw magkasala .Blessings yan Krys kaya huwag mong isipin ang mga bagay na yan okey '' parang pagod na ang kanyang utak mag isip .Sobrang drained na ito dahil sunod sunod ang dagok na meron sa kanyang buhay . Ano ba dapat ang kanyang gagawin . Naguguluhan na siya at naawa na rin sa kanyang sarili . '' ate ...hindi ko na alam '' '' andito ako ..'' ''tama si ate andito kami '' '' Mela ?" tila hindi makapaniwala si Krystal na sumunod pala sa kanya ang kanyang kaibigan .Naluluhang tumango si Male at niyakap si Krystal .Kaya pala titigil sa pag aaral ang kanyang kaibigan dahil sa mabigat nitong pinagdadaanan .Kung alam niya lang gagawin nila lahat mahanap lang nila ang lalaking lumapastangan sa kanyang bestfriend pero ni hindi man lang nagsabi sa kanya si Krystal kaya paano niya ito matutulungan . '' narinig ko lahat.May hinala na ako na may ibang nangyayari sayo .Sinundan kita agad at akma sana na tawagin kita pero narinig ko ang usapan niyong dalawa . Krystal nandito kami .Kung gusto mo tumira ka muna sa condo ko .kasama mo ako .Sama kana din ate Arian para may kasama kami '' gusto niyang bantayan ang kanyang kaibigan dahil sa naririnig niya kanina pasuko na ito sa buhay . Niyakap niya ito ng mahigpit at tuluyang umiyak na siya at gayon din si Krystal mula sa kanyang balikat .Ramdam niya ang bigat na daladala ng kanyang kaibigan . Nang mahimas masan na sila .Naging tahimik ang kwarto ni Krystal at si Mela nanatili paring nakahawak sa dalawa niyang palad .Si Arian naman nakayakap mula sa kanyang likuran .Kahit papaano parang gumaan ang pakiramdam ni Krystal dahil sa init ng presensya ng dalawa para sa kanya . '' ayos lang ba sa mga magulang mo na tumira kami doon '' tanong ni Arian sa kanya . Agad naman umiling si Mela dahil mababait ang kanyang mga magulang .Gusto pa nga nila tulungan si Krystal ngunit tumanggi lang ito . ''hindi huwag kayong mag aalala .Mas maganda na doon mo aalagaan ang pinagbubuntis mo .Huwag dito at baka ma stress ka lang sa mga tao '' nagkatinginan sina Arian at Krystal may punto naman si Mela dahil puro chismosa ang ibang mga boarders at mga kapitbahay . Pumayag na ang dalawa kaya nagsabi agad si Mela na mag impake na sila at magpaalam sa landlady ng boarding house. ''salamat Mela '' '' anything for you sis .Huwag mo lang pahirapan ang sarili mo .Andito ako lagi para sayo . Huwag kang mag aalala hahanapin natin ang taong lumapastangan sayo '' nagtanong tanong siya bar ngunit walang masabi ang mga katrabaho niya doon ultimo ang manager .Kaya walang silbi kahit anong gawin niya . '' huwag na Mela dahil alam kong malaking tao iyon'' '' paano mo nasabi ?" tanong nito .Tumayo siya at kinuha sa maleta nito ang isang kumpol ng tig isang libo . '' ito binigay niya sa akin '' kiniwento niya ang buong pangyayari sa kanyang kaibigan . Kunot noong napatitig si Mela sa pera . '' ito lang ang halaga ng katawan mo '' '' hmmm oo '' naluluha na naman siya dahil tuwing nakikita niya ang pera naalala niya lahat kung paano siya napagsamantalahan. '' hayop talaga ang lalaking iyon '' '' gusto ko nga sanang itapon na yan '' '' ayy huwag kailangan mo ito sayong panganganak '' bakit hindi niy naisip ang bagay na iyon .Mabuti nalang at hindi niya ito binigay sa mga namamalimos sa tabing daan nung sobrang depress na siya . '' pero galing sa kanya '' '' ano naman anak niya ang dala mo kaya gagamitin mo ito para sa bata '' tumango nalang siya at sinabi kay Mela na siya nalang ang magtago .Bahala na kung saan nito gagamitin dahil wala siyang maisip na paraan para tulungan muna ito sa gastusin sa kanyang pagtira sa condo nito .Agad naman pumayag si Mela at nilagay niya sa bag nito ang pera .Hindi niya rin gustong gamitin pero may batang inosente na nangangailangan ng financial .'' hinahanap ng mga bata ang ama nila ''Buntong hininga lang sya at nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa kambal na naglalaro mula sa playground kasama ang mga Katulong ng chairman na nagbabantay sa kanila .''Hindi ko alam kung nararapat bang sabihin sa kanila na ang tinatawag nilang daddy ay totoo nilang ama . Matatalino ang mga anak ko at hindi ko alam kung paano ilihim sa kanila ng matagal ang tungkol sa kanilang ama '' '' kailangan mong isipin ng maayos Krystal dahil mga anak mo ang mas mahalaga dito '' napapikit ang kanyang mga mata habang ninamnam ang mga init ng araw na dumadampi sa kanyang mukha .Sino ba sya para pagkaitan ng kasayahan ang mga anak niya pero hindi sya robot na walang damdamin .Hanggang ngayon nasasaktan parin sya ,'' Yung feelings KO BA Hindi mahalaga .. Hindi KO alam Kung tama BA pero parang ang labo na ..Hindi KO Siya mapapatawad at yun ang totoo '' galit niyang salita ngunit malumanay lang ito .Ramdam naman ni Sunshine ang galit ni Krystal kahit hi
Hello po sorry kung di ako nakapag update ng matagal .Kakapanganak ko kasi nung april 8 at under rest muna ako to avoid stress ... Hayaan niyo at makapag update din ako pag may time na ako medyo nagpapalakas palang kasi ako ngayon .... Hopefull maintindihan niyo ako ..
'''ano ang ginagawa mo dito ? " Kailangan muna magpakumbaba ni Roderick dahil para sa mga apo na niya ito . Natatakot siya na baka nasabi na ni Rafael ang tungkol sa nagawa niyang kasalanan . '' nasaan ang apo ko Rafael '' '' tinatanong mo sa akin kung nasaan ang apo mo gayong ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari ito lahat kay Krystal '' galit niyang tanong . '' I didn't know na siya ang babaeng pinain sayo '' hindi na niya sana aminin pa pero wala na siyang kawala dahil sa guilt na nararamdaman niya ay parang hindi na niya kayang magsinungaling pa .Ni hindi nga niya magawang magalit kay Rafael . Dahil sa galit nito hindi na niya namalayan na nakwelyuhan na pala niya ang lolo ni Krystal .'' now you know .. ano ang naramramdaman mo ?" '' na nasabi muna ba sa kanya ang tungkol .. ''Medyo malakas ang pagkabitaw nito sa kanya kaya natumba sa sahig si Roderick. Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito . '' no !! ayaw kong dagdagan ang sakit na nararamdaman ngayon
Nainis naman si Roderick ng makitang hindi natuloy ang paglabas ng video wala pa sa exciting part . Dahil sa inis pinatuloy niya ang video sa kanyang tauhan para panooring kung ano ang naganap sa VIP room . '' sir teka kaya niyo bang panoorin ito ? " nagtaka naman siya ng biglang pinindot ng kanyang tauhan ang pause button. Hindi niya lang napanood ang iba dahil may tumawag sa kanyang cellphone. '' ano ba nangyayari sayo ?" galit niyang tanong sa kanyang assistant. Medyo nag alinlangan naman ang assistant kung tama bang sabihin niya ang totoo pero dahil may takot ito sa kanyang amo wala na ata siyang magagawa . ''sir si ma'am Krystal kasi ang nasa video na kasama ni Rafael '' '' what ? "' dali dali niyang pinindot ang play button at pinanood ang video .Bigla siyang nanghina ng makita si Krystal nga ang babaeng nasa VIP room. '' paanong nangyari ito ?"kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan si Lucia mabuti nalang at hawak niya .'' paanong si Krystal ang nasa video
Nagsidatingan ang mga bisita mula sa venue kung saan magaganap ang selebrasyon para sa matagumpay na pag papatayo ng proyekto . Lahat ay nagdiwang at hindi makapaniwala na wala pang isang taon nagawa na ito ng maayos at walang problema . '' ito ang hinahangaan ko sa kompanya ng mga Alejandro ang mabilis at pulido nilang proyekto '' saad ng isang lalaki na isa ding businessman. '' diba nasira ang kanilang mga pangalan dahil sa gumuhong proyekto nila ''saad naman ng kausap nitong babae . '' well alam mo naman ang isang business maraming pwedeng mangyari .. pwedeng may sumira para bumagsak ito at pwedeng may kapalpakan pero napatunayan naman ng mga Alejandro na hindi nilan kasalanan dahil mga Mauricio mismo ang gumawa ng kanilang kapalpakan sa gusali at lahat ng kaso para sa kanila ay naiurong '' sumang ayon naman ang mga ibang nakikinig sa usapan ng mga ibang bisita . Medyo naantig si Krystal sa mga papuri ng mga bisita sa pamilya ng kanyang asawa . Nauna na siyang dumating dahi
'' malapit na ang selebrasyon madam gusto niyo bang magpakilala na sa kanila ? " umiling lang si Sunshine.Hindi pa sa ngayon ang araw na pwede siyang magpakilala bilang president ng Duentes. Magiging tago muna ang pagkakakilanlan niya pero kailangan gumawa na siya ng paraan para maipakalat sa buong mundo na may anak siya at ito ang taga mana ng yaman na kanyang maiiwan .Kung ang Duentes medical supply at pharmacy ay pwede niyang ibigay sa pamangkin ng kanyang asawa pero ang hospital na kanyang pinatayo ito ang gusto niyang ipamana sa anak niya .Marami din siyang assets na galing sa mga iba niyang negosyo at iyon pa ang gusto niyang ibigay sa anak niya .'' hindi .. dahil may mahalaga akong gagawin at ikaw na muna ang magpapakita sa kanila '' marami siyang pwedeng asikasuhin at lahat ng iyon ay para sa kanyang anak .Handa na siyang magpakilala sa anak niya at ito na ang panahon hindi pwedeng patagalin pa niya .'' sige madam '' '' pagkakataon kuna ito para makasama ang anak ko ..
"lola hindi mo pwedeng pakialaman ang mga kaibigan ko" kahit anong pagmamakaawa ni Mela nanatili parin galit ang kanyang lola . Nalaman na nito na kaibigan niya si Krystal na siyang dating nobya ni Richard . "isang ahas ang kaibigan mo Melanie sa tingin mo papayag ako na makalapit pa ang babaeng
''' Ivan bakit parang may hinihintay kapa ? " tinignan ni Rafael ang kanyang relo at ilang minuto nalang flight na nila . Sasamahan muna siya ni Ivan sa ibang bansa para sa mga ibang dokumento na aasikasuhin nito bago babalik ng bansa . Kung hindi lang sana makulit ang kanyang ina hinding hindi n
'' gusto ko sana iha samahan mo si Rafael sa ibang bansa para magpagamot . Don't worry sa sahod ako ang magbibigay . Pero kung may ibibigay man ang anak ko sayo tanggapin mo din . Nalaman ko na nagresign kana sa trabaho kaya sinamantala ko ang pagkakataon na ito para kahit papaano makausap kita ng
"mukhang ito na ang pagkakataon para makausap ko si Krystal" masayang saad ni Ressy sa asawa nito .Nalaman niya na pinaalis sila sa condo kung saan nakatira ngayon si Krystal. Hanggang doon lang ang kanyang nalaman simula nag resign ito . Gusto niya gagamitin niya ang pagkakataon na ito para mapasu







