مشاركة

CHAPTER 4

مؤلف: lhyn
last update تاريخ النشر: 2025-12-08 19:31:05

may pinagdadaanan siya nanatili paring pumapasok sa paaralan si Krystal . Pero itong nagdaan na linggo hindi siya nakapasok dahil sumama ang kanyang pakiramdam .Isang linggo lang siya nakahiga at nilagnat . Mabuti nalang at inalagaan siya ng mga kasama niya sa boarding house .

Pagpasok niya nakita siya kaagad ni Mela ang kanyang matalik na kaibigan.Wala siyang masabi dito dahil napakadami na ang utang niya .Ito lagi ang taga salo kung wala siyang pera at sumaktong may project silang bibilhin .Masaya siya dahil nakilala niya ang tulad ni Mela kahit anak mayaman ang babaeng ito ay hindi siya tinuring na iba .

'' Krystal kamusta bakit ngayon ka lang pumasok ?" hinayaan niya lang na yakapin siya ni Mela . Para siyang lantang gulay na walang kagalaw galaw . Pakiramdam niya nakakatamad na mabuhay sa kanyang pinagdadaanan .

'' pasensya na at nagkasakit kasi ako '' totoong nagkasakit siya at umabot ito ng isang linggo .

''mukha nga ang lalim kasi ng mga mata mo .Tumigil kana kasi sa trabaho masyado ka ng napupuyat at baka katawan mo naman ang bumigay niyan '' ngumiti lang siya .Kahit may nangyari sa kanya sa bar nanatili parin siyang pumasok dahil gusto niyang tapusin ang sem ngayon .May pera ngang binigay ang lalaking iyon pero never niya ito ginamit .Nanatiling nakatago at pinapangako niya sa kanyang sarili na hindi niya iyon gagamitin .Pwede kung sa libing na niya .

'' ayos lang ako Mela .Kamusta pala hinanap ba ako ng mga prof natin ?"

'' oo at nanghihinayang sila sayo dahil isang linggo ka ng hindi pumapasok ..pumunta pa nga ang isa sa prof natin sa bar na pinagtatrabahuan mo at ayon doon hindi ka pa daw pumapasok .Ayos ka lang ba talaga ..mabuti nalang at tapos na ang sem na ito .Tara na at mag enroll akala namin hindi kana mag aaral e ''kaya siya pumasok dahil may importante siyang gagawin .

Malungkot siyang tumingin kay Mela at mapait na ngumiti .Tumingin siya sa ibang bahagi ng paaralan para hindi matuloy ang kanyang luha na gustong lumabas .

'' titigil muna ako sa pag aaral Mela'' malungkot niyang binalita ang kanyang pasya .

Lumaki ang mga singkit na mata ni Mela dahil sa sinabi nito .Bigla siyang nag aalala at bakit bigla bigla nalang magdesisyon ang kanyang kaibigan .

'' halla bakit naman ?"

'' gusto ko pa kasi mag ipon may be next year na ako mag enroll ''pagdadahilan nalang niya .Ito lang naman ang alam niyang sabihin para hindi na mag isip pa ng kung ano ang kanyang kaibigan .

Hindi alam ni Mela kung ano ba dapat ang kanyang sabihin .Iba pa naman si Krystal kung magdesisyon talagang hindi na ito mababago .Nagtataka siya kung ano ba ang dahilan bakit gusto nitong tumigil . Gayong maayos naman ang scholar niya .Yun nga lang sa trabaho ,bihira kasi tumanggap ang kanyang kaibigan ng tulong kaya kahit hirap ito magdadalawang isip pa kung tatanggapin ni Krystal ang tulong galing sa kanya .

Nagpunas siya ng luha na hindi talaga nagpatinag at kusa ng tumulo .

'' pasensya na sige at kailangan ko pang pumunta sa dean natin '' walang nagawa si Mela kundi tignan ang kaibigan nitong palayo mula sa kanyang kinatatayuan .Alam niyang may nangyayari na hindi maganda sa kanyang kaibigan dahil hindi ganun ang ugali nito .Sanay naman siyang hindi nagsasabi ng problema ang kanyang kaibigan pero iba ngayon nararamdaman niyang may something ito at mabigat .

Humugot muna ng hangin at lakas loob si Krystal bago pumasok sa opisina ng Dean ng paaralan . Gusto na niyang matapos ang lahat .

''Krystal Samonte bakit ngayon ka lang''

'' a dean gusto ko lang sana ipaalam na hindi na ako mag eenroll this coming sem .Kaya ako naparito para ipaalam na sa iba niyo nalang ibigay ang scholar na meron sa akin '' nagulat bigla ang dean sa sinabi nito .Hindi niya inaasahan na titigil ang isa sa pinakamatalinong studyante ng kanilang university.Tinanggap nila ang trabaho nito dahil gusto nito makapagtapos at maayos naman ang grado nito habang nagtatrabaho sa bar .Pero bakit bigla itong titigil .Tinitigan niya ang mukha ng dalaga mukhang galing ito sa sakit dahil pumayat ang mukha na parang ang lalim ng problema .

'' anong problema Krystal may masama bang nangyari sayo ang payat muna kasi .Medyo bumababa pa ang score mo ngayong final kaya nagtaka kami .''bumuhos na ang pinipigilang luha ni Krystal habang nagtatanong ang dean sa kanya .Mababaw lang ang kanyang emotion lalo't talagang mabigat ang kanyang pinagdadaanan .Isang gabi lang pala masisira ang kanyang pangarap .Hindi niya alam kung kaya pa niyang bumalik sa pag aaral dahil parang wala ng silbi .

'' siguro po bumigay na ang katawan ko kaya ito .. Kailangan ko kasi muna ng pahinga ..sana po maunawaan niyo ang aking pasya ''

'' sigurado kana ba ?" hinawakan siya ng dean sa kamay .Ni hindi siya makatingin sa mukha ng dean at nanatili lang siyang nakayuko habang tumatango sa ibang tanong ng ginang .

'' opo ...mag iipon muna ako baka sakali makapag enroll ako next year '' sagot nalang niya para matapos na ang kanilang usapan .

Nanghihiyang talgaga ang dean sa dalaga pero mukhang wala hindi na ito mababago at baka lalo lang mahihirapan kung ipipilit pa nila .Alam niyang hindi financial ang problema dahil kaya naman ng scholar punahan ang ibang kailangan nito pero kulang parin .Pero kahit ganun hindi mahihirapan ang dalaga lalo't masipag ito mag working student .

''sayang naman..Isang tao kalahati nalang gragraduate kana ''

Pilit na ngiti nalang ang sumilay sa kanyang labi kahit gusto na niyang ilabas ang namumuong luha sa kanyang mga mata .

'' may next time pa naman Dean hindi naman siguro aalis ang paaralan na ito ''

Segundo muna ang nakalipas ng magkatitigan sila. Malakas ang loob ni Krystal at never siyang nagpakita ng kahinaan pero sinubok siya ng tadhana .Sinira lahat ng lalaking iyon ang lahat ng meron siya .

'' ayyy sabagay pero sige kung yan ang pasya mo ..Ingatan mo kasi ang sarili mo sayang ka naman ang talino mo pa naman ''

'' makakabalik pa ako Dean kaya huwag po kayo mag aalala '' kahit labag sa loob ng dean na tanggapin ang pasya ng dalaga wala na siyang nagawa .Naawa siya dito dahil ulila ng lubos ang dalaga pero mataas ang pangarap maging sikat na interior designer.Nanghihinayang siya dahil ito sana ang isa sa magdadala sa kanila ng karangalan pagdating ng panahon .Maging isang magaling na architecture sana ito.Pero aasa siya na babalik si Krystal dahil mataas ang pangarap nito at tutulungan niya balang araw kung babalik man .

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 159

    KINABUKASAN...Maliwanag ang araw. Puno ng kulay at tawanan ang malawak na bakuran ng Paaralan. Mga mag-anak ang magkakahawak-kamay, nagpipicture, at naghahanda para sa iba’t ibang palaro.Nakatayo si Krystal sa gilid, suot ang puting t-shirt na may logo ng paaralan, habang inaayos ang kwintas ni Thalia. Si Thunder naman ay abala sa paglalaro ng bola kasama ang ibang mga bata.Masaya sila. Nakangiti sila. Pero alam ni Krystal na sa likod ng mga ngiting iyon, may pagkukulang. Ramdam niya iyon sa tuwing sumusulyap si Thunder sa mga batang may kasamang tatay na binubuhat sila o tinutulak sa swing.“Okay lang ba tayo?” bulong ni Krystal sa sarili, pilit na pinatibay ang loob.Nagsimula na ang mga palaro. Una na rito ang “Tatay-Anak Relay”.Nagsigawan ang mga bata habang tumatakbo ang mga ama kasama ang kanilang mga supling. Masaya ang paligid, pero para kay Krystal, bawat sigaw ng “DADDY!!” ay parang kutsilyong tumatarak sa kanyang puso.Hanggang sa...“Next! Next group!” sigaw ng guro. “

  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 158

    Nakatitig lang si Krystal sa puting kahon na nakapatong sa kanyang mesa. Ilang minuto na siyang walang kibo, parang natansan ang lahat ng lakas niya dahil sa maikling sulat na galing kay Rafael.“bakit kaya ganyan sya?" tanong ni Krystal sa kanyang sarili .Narinig naman iyon ni Arian at lumapit sya sa kanyang kaibigan .Naging assistant na sya ni Krystal at iyong ang kanyang pinagpapasalamat dahil lagi silang magkasama ." hanggang ngayon ba hindi mo pa sya mapapatawad?" agad na tanong nito pagkalapit kay Krystal .Napatingin ulit si Krystal sa kahon na pinadala ni Rafael sa kanya ." alagaan mo ang sarili mo Krystal dahil kailangan ka ng mga anak natin " parang gusto niyang sumigaw dahil parang nanadya lang si Rafael .Bawat salita ay parang tinik na tumutusok sa kanyang konsensya. Gusto niyang itapon ang kahon. Gusto niyang sunugin ang papel. Ito si Rafael—magaling maglaro ng damdamin, magaling magpaamo. Dapat sanay na siya. Dapat matigas na ang puso niya pagdating sa lalaking iyon."

  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 157

    : ✦ ALEJANDRO COMPANY At sa ilalim ng pangalan ng kumpanya, nakasaad ang pangalan ng taong naging sentro ng kanyang impyerno at paraiso. Rafael ALEJANDRO – Chief Executive Officer “Ang pamilyang Alejandro ang makikipagsanib sa atin,” paliwanag sa kanya ng vice chairman na walang kaalam-alam sa nakaraan nila. “At dahil ikaw ang pinakamahusay sa disenyo at pagpaplano, ikaw ang magiging Head ng Proyekto. Ibig sabihin... ikaw ang direktang makikipag-ugnayan kay Mr.Alejandro.” Nanlamig ang buong katawan ni Krystal. Ang hawak na folder ay halos madurog na sa lakas ng kanyang pagkakuyom. Bakit? tanong niya sa sarili. Bakit kailangang siya pa? Bakit sa libo-libong tao sa mundo, kami pa rin ang pinagtatagpo ng tadhana? “Sir... baka may ibang pwedeng pumalit?” garalgal na tanong niya. “Mayroon pa namang ibang kwalipikado—” Umiling agad ang chairman “Hindi pwede, Krystal. Ikaw ang napili. At gusto rin ni Mr.Alejandro na ikaw ang makakatrabaho. Espesyal ang hiling niya.” Espesyal. Ang

  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 156

    Pagkalabas nila sa ballroom, humingang malalim si Krystal. Tila guminhawa ang pakiramdam niya dahil wala na ang mabigat na enerhiya na bumabalot kanina sa loob ng ballroom. “Tara, magpahinga muna tayo,” alok ni Lucas. Inabot niya wine glass kay Krystal. “Tabing dagat. Mas presko dun.”malapit lang sa venue ang tabing dagat at nakita niyang maayos nga kung doon sila magpahinga muna para ma relax Tumango si Krystal. Hindi siya tumingin kay Rafael na nasa gilid, hawak ang baso pero hindi iniinom. Mukhang kanina pa ito nakatitig sa kanya . Pag-upo nila sa buhangin, tahimik lang muna. Alon lang ang maririnig. At hangin. At malayong musika mula sa loob. Ininom ni ang Krystal wine. Isa. Dalawa. Tatlo. Mabilis. Parang namanhid sya dahil sa tama ng wine . “Ang bigat sa dibdib, Lucas,” bulong niya. Hindi siya lumingon. Nakatingin siya sa dagat. Madilim. Walang buwan ngayong gabi. “Ang bigat maging ako.”ito na siguro ang pagkakataon para sabihin niya ang lahat kay Lucas ..ang nakaraan nila

  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 155

    Pagkasara ng pinto ng CR, doon lang bumagsak ang maskara ni Krystal,maskara na akala mo ang tapang niya . Tumakbo siya papunta sa pinakadulong cubicle. Lock. Upo. Yakap ang sarili habang umiiyak .Wala siyang pakialam sa mukha niya sinadya niya talagang hindi gumamit ng make up dahil minsan natulo bigla ang mga luha niya at ngayon hindi lang tulo kundi buhos na .na para bang walang katapusan . Tahimik lang sa labas. Tunog lang ng tumutulong gripo at ng hangin ng aircon ang naririnig sa loob ng banyo .Biglang sumabog ang kinikimkim niyang galit at inis .Hindi niya alam kung saan ba ito galing .Nakita niya lang naman si Rafael kanina ,naging matapang sya habang kausap nito kanina na animo lagi silang nag uusap . Hindi siya umiyak nang malakas. Hindi siya sumigaw. Puro hikbi lang. Pigil. Para walang makarinig. Para walang makakita na wasak siya.Kagat labi lang sya habang pigil ang kanyang iyak . Pinunasan niya ang kanyang mukha . . Sayang ang ngiti na pinilit niya kanina sa harap n

  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 154

    Rafael's POV Hindi ako mahilig sa event. Lalo na charity gala. Plastik lahat. Ngiti. Camera. Champagne. Kung hindi lang para sa mga bata ang gala na ito hindi sya aattend . Pero nandito ako. Kasi sabi ni Marco: “Boss, pupunta si Krystal. May invitation siya bilang representative ng company.”lingid sa kanilang kaalaman si Lucas ang nabigyan bilang representative ng kompanya. Kaya nandito ako. Naka-tuxedo. Nakangiti sa camera. Pero ang mata ko naghahanap sa isang pigura na pinakasasabikan niyang makita . Tapos nakita ko siya. Krystal. Naka-black gown. Simpleng design. Pero bagsak na bagsak sa kanya. Buhok naka-low bun. May isang hibla na nalaglag sa pisngi niya .Mas gumanda ang babaeng sobra kong mahal .Pero pumayat na para bang wala parin kinang sa mga mata nito .Nakangiti ngunit hindi ang mga mata . 7 years ago, naka-uniform lang siya sa bar. Basang-basa ng pawis at luha dahil sa ginawa ko noon sa kanya m Ngayon elegant siya. Malakas. Pero pag dumaan siya sakin... amoy baby po

  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 81

    '' gusto ko sana iha samahan mo si Rafael sa ibang bansa para magpagamot . Don't worry sa sahod ako ang magbibigay . Pero kung may ibibigay man ang anak ko sayo tanggapin mo din . Nalaman ko na nagresign kana sa trabaho kaya sinamantala ko ang pagkakataon na ito para kahit papaano makausap kita ng

    last updateآخر تحديث : 2026-03-27
  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 80

    "mukhang ito na ang pagkakataon para makausap ko si Krystal" masayang saad ni Ressy sa asawa nito .Nalaman niya na pinaalis sila sa condo kung saan nakatira ngayon si Krystal. Hanggang doon lang ang kanyang nalaman simula nag resign ito . Gusto niya gagamitin niya ang pagkakataon na ito para mapasu

    last updateآخر تحديث : 2026-03-27
  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 69

    Araw na sana ng pagkikita ng dalawang pamilya ng biglang nagkaroon ng emergency naisugod sa hospital ang lola ni Mela kaya hindi natuloy ang pakikiusap ng mga ito sa magiging fiance niya . Papunta na sana sila sa restaurant kung saan naghihintay na ang mga taong kakausapin nila ng biglang nawalan n

    last updateآخر تحديث : 2026-03-26
  • KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret    CHAPTER 70

    '' kailangan mong umuwi ng maaga dahil matutuloy ang dinner natin sa magiging fiance mo iho '' Buntong hiningang napatingin si Richard sa palayong Krystal. Inutusan niya ito magpapirma sa ibang department para sa ibang documento na kailangan. Wala ang kanyang assistant kaya ito nalang ang naisip

    last updateآخر تحديث : 2026-03-26
فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status