เข้าสู่ระบบChapter 3
Nagising ako dahil sa malakas na tunog mula sa aking cellphone. Huh? Alas otso na.
"Brielle, nasusunog na yung bacon!"
Mabilis akong tumayo para magpunta sa kusina. Teka, pinatay ko yung kalan kanina kasi tumunog yung doorbell. Nag-usap kami ni Caden at dinala niya ako sa isang lumang bahay. Sabi pa niya sa 'kin hindi na raw ako babalik dito.
Maya-maya pa ay dumating si Grace.
"I thought we would meet at the cemetery? We have been waiting for you for over an hour." inis na sabi ni Grace.
"Sorry. Sumama kasi bigla yung pakiramdam ko kanina." sabi ko.
Nagmadali na akong kumilos para maabutan namin si Leo. Hindi na sana maulit yung nangyari kanina, ayaw ko nang bumalik sa lugar na 'yon. Nakakatakot.
****
Habang nasa kotse kami ay hinahawakan ko ang aking labi. Totoo kayang hinalikan ako ni Caden? Totoo kaya ang mga nangyayari sa tuwing nagpupunta kami sa ibang lugar? Teka! Naalala ko yung babae, pati yung sinabi niya sa akin tungkol sa mga magulang ko.
Nakaramdam na naman ako ng kakaibang kaba.
"Okay ka lang ba talaga, Brielle?" tanong sa akin ni Rex.
"Uh- oo naman. Okay lang ako." sabi ko.
"Sure ka ha? Baka mamaya mawalan ka bigla ng malay." sabi naman ni Grace.
Umiling lang ako.
"Kaya kong magtrabaho. Para rin 'to sa ikalilinaw ng kaso ni Leo." saad ko.
Hindi na sila nagsalita pa.
Nakarating na kami sa sementeryo at sakto namang nagkukumpulan na ang mga tao, mayroong pulis at mga media. Nauunang maglakad sila Rex at Grace habang ako naman ay dahan-dahan pa ang paglalakad dahil inaayos ko yung device.
Napatigil ako sa paglalakad dahil may lalaking nakaharang sa daan. Mula sa paa ay tinaas ko ang aking tingin hanggang sa kaniyang ulo. Napaatras ako ng bahagya. Tiningnan ko ang aking mga kasama, nandoon na sila sa puntod.
"Hanggang dito ba naman?" sabi ko.
"Bakit? Ah, hindi mo pa pala alam." saad ni Caden atsaka ipinakita ang isang maliit na box sa akin.
"Ano yan?" inis kong tanong sa kaniya.
"Hmm— proposal." nakangiti niyang tugon.
Natawa naman ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ako na-inform na joke pala ang isang 'to.
"Ano'ng nakakatawa doon?" tila naiinis niyang tanong sa akin.
Hindi na ako sumagot at nilagpasan ko na lamang siya. Walang patutunguhan 'tong pag-uusap namin. Proposal? Pfft! Nakakatawa. Hindi pa man ako nakakalayo ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo, dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Iminulat ko ang aking mga mata. Hays! Sinasabi ko na nga ba. Dinala na naman ako ni Caden sa ibang lugar. Teka— wala kami sa gubat. Hindi madilim, hindi nakakatakot at hindi rin maingay. Tumayo ako at pinagmasdan ang paraiso kung saan ako dinala ni Caden.
Naglakad ako patungo sa dalampasigan.
"Ang ganda." sabi ko sa aking sarili.
"Maganda ba?"
Napalingon ako. Isang maaliwalas na Caden ang nakatayo sa aking harapan. Naka-white polo shirt, simpleng pantalon at may hawak pang bulaklak. Napangiti naman ako. Wow! Mas gwapo siyang tingnan at mas malinis.
"O-Oo naman, maganda rito." sabi ko.
Lumapit sa akin si Caden para ibigay yung bulaklak na dala niya.
"Gusto mong maupo?" tanong niya sa akin.
Tumango naman ako at naupo kaming dalawa sa sahig na puno ng white sand. Maganda ang view, asul ang kalangitan at ganun din ang dagat. Sariwa ang hangin, paraiso nga talaga. Matataas ang mga puno, at maraming magagandang bulaklak sa paligid.
First time kong mapangiti ng ganito. This is the best day of my life.
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko kay Caden.
"Naisip ko kasi na palagi kang umiiyak kapag nakikita mo ako. Kaya heto bumabawi ako sayo. Okay ba?" saad niya.
"Hmm- oo naman. Isang tanong pa." sabi ko sa kaniya.
Tumingin ako kay Caden. Ang ganda ng mga mata niya, kulay asul.
"Ano 'yon?" tugon niya sa akin.
"Bakit mo 'to ginagawa sa tuwing nagkikita tayong dalawa? May kasalanan ba ako sayo?" lakas-loob kong tanong sa kaniya.
Umusog ako ng bahagya palayo sa kaniya. Baka kasi magalit siya, mahirap na. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at naghihintay ng kasagutan.
"Hindi ko pa pwedeng sabihin." sagot ni Caden.
"Huh? Bakit naman?" nagtataka kong sabi.
Hinawakan niya ang aking kamay at niyaya niya akong maligo sa dagat. Nakangiti si Caden, masaya at tila walang dalang problema.
"Are you happy now?" tanong ko sa kaniya.
Ngumiti si Caden atsaka ako sinabuyan ng tubig. Syempre bumawi ako sa kaniya, sinabuyan ko rin siya ng tubig na naging dahilan ng paghaharutan naming dalawa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to, basta ang alam ko'y napapasaya ko si Caden ngayon.
Hindi muna niya iniisip ang mga problemang kinahaharap ng pamilya niya ngayon. Sana'y nakatulong ako sa kaniya, sana nabawasan ko yung bigat ng pakiramdam niya, sana napasaya ko siya. At sana rin ay tigilan na niya ako sa pangungulit.
Marahil ay ito lamang ang gusto niyang gawin ko. Tumigil ako sa pakikipag-harutan sa kaniya, tinitigan ko siya ng maigi. Hindi normal na tao si Caden, hindi ilusyon ang mga nakikita ko kundi KATOTOHANAN. Anong klaseng nilalang siya? Saan siya nagmula? Ano'ng pakay niya?
Bigla kong naalala ang tungkol sa interview ni Leo doon mismo sa sementeryo sa puntod ng kaniyang mag-ina. Nagmamadali akong umahon atsaka pinulot ang aking bag.
"Caden kailangan ko nang bumalik!" saad ko.
"Bakit? May problema ba?" biglang naging itim ang kulay ng kaniyang mga mata.
Heto na naman ang takot sa dibdib ko.
"Kailangan ko nang bumalik sa sementeryo. Please, pagbigyan mo ako." pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Akala ko ba okay na tayo?" nagsalubong na ang kaniyang kilay.
Umiling naman ako. Kasabay nito ang aking pagkahilo at pagbagsak sa sahig. Aish! Ito ang isa sa pinaka-ayaw kong mangyayari kapag nasa harapan ko si Caden.
"Brielle!"
"Hoy, Brielle!"
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Sementeryo. Nandito na ulit ako!
"Nawalan ka na naman ng malay. Sabi kasi namin sayo magpahinga ka na lang." sermon ni Grace sa akin.
"Namumutla ka." sabi naman ni Rex habang kinakalikot ang isang box na maliit.
Inagaw ko sa kaniya yung box. Ano ba ang laman nito? Huh? Pendant? A small bottle pendant. Ano naman ang gagawin ko rito? Tss! Tapos sabi ni Caden kanina proposal daw. E bote lang naman pala ang laman.
Tinago ko na lang muna yung box sa bag ko at bumalik na kami sa lugar kung saan nagaganap ang interview kay Leo. Nang marating na namin ang puntod, tumigil si Leo sa pagsasalita atsaka siya tumingin sa akin.
"Mag-iingat ka." sabi niya dahilan para mapalingon ang mga tao sa akin.
Nagtaka naman ang mga kasama ko.
"Bakit ka mag-iingat? Nakikita ba niya ang future mo?" biro ni Rex sa akin.
Kakaiba na naman itong nararamdaman ko.
"Siya! Siya ang susunod na target ng Rhett Family." nakaturo pa rin si Leo sa akin.
What?
Ako?
Imposible!
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong ng isang babae.
"Hindi ninyo maiintindihan ang totoong motibo ng pamilya ng mga halimaw na 'yon! Mamamatay-tao sila, mga walang puso't kaluluwa." tila nanginginig sa galit si Leo.
Palagi na lang niyang sinasabi na halimaw ang pamilya ni Caden. Gusto kong magsalita, pero natatakot ako. Lalo pa't palaging sumusulpot si Caden saan man ako magpunta.
"Bakit ninyo nasabi na ang babaeng ito ang susunod na biktima?" dagdag pa ng reporter.
"M-May bakas ng halik ng isang halimaw ang kaniyang labi." seryosong tugon naman ni Leo.
Napaatras ako ng bahagya. Hindi ko na kayang ipaliwanag pa ang mga nangyayari. Paano nalaman ni Leo 'yon? Paano niya nakita? Normal pa ba siya? O mayroon din siyang abilidad na makapunta sa ibang dimensyon?
Napalunok ako sa kaba. Tila pinaniniwalaan siya ng iilan. Pero kailangan kong depensahan ang aking sarili upang hindi masira ang aking imahe bilang journalist. Ayaw kong mapahiya si Papa, at mas lalong ayaw kong madismaya si Mama sa akin.
"Hindi totoo 'yan." depensa ko.
"Totoo! Binalaan na kita noon." saad ni Leo.
Magaling siya. Alam niya kung ano'ng ginagawa ni Caden. Pero bakit ako?
"Mr.Leo, ang isang normal na tao ay hindi magsasalita ng ganyan." sabi ko.
"Tama."
"Tama."
"Oo nga."
"Tama siyan"
Napatingin si Leo sa mga media na sumasang-ayon sa aking sinabi.
"Paano mo nasabi 'yan? Samantalang nakikita ng dalawa mong mga mata ang buong katotohanan. Ang magkapatid na Rhett ang pumatay sa mag-ina ko! Alam mo 'yan. Huwag kang magsisinungaling!" tumayo si Leo atsaka lumapit sa akin.
Buti na lamang at naka-posas siya, kundi ay baka sinaktan na niya ako. Inawat agad siya ng mga pulis dahil napipikon na siya. Wala naman akong sinasabing masama tungkol sa kaniya. Bagkus ay gusto kong tulungan siya.
"Thalia—"
Tinakpan ko ang aking tenga. Narinig ko na naman ang pangalang 'yon! Lumingon ako sa likuran, walang tao. Muli kong ibinalik ang aking atensyon kay Leo na ngayon ay nagwawala na. Nagagalit, at kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa Rhett Family.
Hindi siya natatakot na maaari siyang puntahan ng isa sa miyembro ng Rhett Family at baka patayin siya. Ano ba'ng kakayahan niya? Bakit madami siyang nalalaman? It's an another mystery. I need an answer to this.
"Patunayan mong halimaw kami!"
Napatigil kaming lahat sa pagsasalita, ganun din si Leo at napatingin kami sa lalaking naglalakad patungo sa kinauupuan ni Leo. Si Caden, naka-puting suit siya at may dalang payong na itim.
"Tingnan ninyo!" tumayo si Leo.
Umatras ako ng kaunti. Nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari. Niyaya ko sila Rex at Grace na lumipat ng pwesto.
"Leo, Leo, Leo. Ang lakas naman ata ng loob mong siraan ang pamilya namin matapos mong patayan sila Lolo't Lola." saad ni Caden.
"Kakaiba siya! Tingnan ninyo!" malakas na saad ni Caden.
Mukhang normal na tao lang si Caden, mukhang inosente. Ang hirap nito!
Nagpaalam si Grace na may kukunin lang siya sa kotse, at naiwan naman kami ni Rex para i-record ang diskusyon nila Leo at Caden.
"Aaaahhhh!"
Awtomatiko akong napatakbo para puntahan si Grace. Nanginginig siya at namumutla. Tinuturo niya sa akin ang compartment ng kotse, marahan ko itong sinilip ang isang hindi inaasahang bagay ang aking nakita. Maski ako ay napaatras din.
Yung batang babae sa balita, nasa compartment siya! Nakaupo, duguan, pero buhay at humihinga pa. Tumingin ako kay Caden, sabay ibinalik ko ang aking tingin sa batang babae. This is insane!
"O-Okay ka lang ba?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Dahan-dahan nitong inangat ang kaniyang ulo at mas nakakatakot pa pala ang aking masasaksihan. Namumuti ang bilugan niyang mga mata at may tahi ang kaniyang labi. Hinawakan ko ang kamay ni Grace at niyaya siyang bumalik kung nasaan kami kanina.
Binigay ko sa kaniya yung rosary na palagi kong dinadala kahit saan ako magpunta.
"Kalma ka lang, huwag kang magpapahalata na may nakita ka." bilin ko kay Grace.
Tumango naman siya kasabay ng kaniyang paghikbi.
"Alam kong may isang babae rito na nagugustuhan mo at plano mong dalhin sa mundo ninyong mala-impyerno!" galit na saad ni Leo.
Ano ba'ng sinasabi niya?! Inilibot ni Caden ang kaniyang mga mata, saktong nakita niya ako at hindi ko na naman maintindihan ang aking nararamdaman. Lagot na!
Ngumiti si Caden atsaka ibinalik ang atensyon nito kay Leo.
"Ang galing mo naman." natatawang sabi ni Caden.
"Hindi mo alam kung anu-ano ang mga nalalaman ko, Caden Rhett." nagsimula nang manlisik ang mga mata ni Leo.
Inawat na sila ng mga pulis dahil kailangan nang bumalik ni Leo sa kulungan. Nagkaniya-kaniya na rin kami ng daan paalis.
Muli kong nilingon si Caden, pero mabilis itong nawala. Hays! Hindi pa natatapos ang mga problema ko, marami pa akong dapat ayusin.
****
Nakabalik na kami sa publishing house at kasalukuyan kong pinapakalma si Grace. Hanggang ngayon kasi ay tulala pa rin siya at tila na-trauma doon sa batang babae.
Ayon sa balita, nailibing na ang bangkay ng bata. Pero yung nakita namin kanina, kakaiba at sobrang nakakatakot. Sino naman ang may kagagawan 'nun? Tao? O halimaw? Rhett Family? Aish! Hindi dapat ako nambibintang basta.
****
|Charlene's POV|
This mansion is no longer happy! Simula 'nung namatay ang grandparents ko ay nawalan na ng sigla itong mansyon. Palaging tahimik, minsan pa'y nag-aaway kami ni Caden dahil sa walang kwentang bagay. Sobrang na-mimiss ko na sila Lolo't Lola. Silang dalawa lang naman kasi ang parati kong kasama when I'am craving on human's blood and flesh.
Kaya sa sobrang gutom ko ay lumabas ako mag-isa nang hindi nagpapaalam kahit kanino.
Hmm- saan ako kaya pupunta? Aha! Nakakita ako ng isang batang babae na naglalakad papasok sa isang subdivision. Syempre sinundan ko. Bata pa ang isang 'to, sariwa pa ang laman. Tumakbo ako ng mabilis para harangan siya.
"S-Sino po kayo? Paano ka nakapasok dito sa subdivison namin?" nagtatakang tanong ng bata sa akin.
"Hindi mo ako kilala? Okay, I'm Charlene Rhett. At alam mo ba kung bakit ako nandito?" lumapit ako sa kaniya.
Umaatras siya sa tuwing lalapitan ko siya. Tinitigan ko ng maigi yung bata, maya-maya pa ay sinakal ko na siya. Hindi na ako makapagpigil, gutom na gutom na talaga ako. Sinimulan kong dukutin ang puso niya, tumitibok pa ito. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Umiiyak siya.
"Masakit ba?" pang-aasar ko pa sa kaniya.
Ngumiti ako sabay kinain ang kaniyang puso.
"Uhm! Umiibig ka na? Hays. Huli na ang lahat, pasensya ka na't gutom ako." dinidilaan ko pa ang kaliwa kong daliri.
Muli akong lumapit sa kaniya para sipsipin ang sariwa't malinamnam niyang dugo. Wala nang magagawa ang isang 'to dahil wala na siyang buhay. Waaah! Ang sarap. Ngayon na lang ulit ako nakatikim nito.
"Craving satisfied!" huli kong sabi atsaka ako nagmadaling umalis.
Dumeretso na ako sa Amazing Wines. As usual madami pa rin tao. Yung iba sa kanila ay naghahanap lang ng tsismis na maikakalat nila tungkol sa pamilya namin.
Naaamoy ko kung sino sa kanila ang totoo at hindi. Wala akong dapat ipag-alala. Kaya kong protektahan ang pamilya ko mula sa mga taong mapanakit at mapanamantala.
Mukhang maayos naman ang restaurant kaya nag-decide na akong umuwi.
~
🖊 author_mj
Brielle’s POVI didn’t expect silence to be the loudest thing left.After the council fractured.After the humans retreated.After the mansion stopped bleeding secrets.The world didn’t end.It simply… paused.Leo was still alive.That alone felt impossible.They brought me to him at dawn, when the mansion’s shadows were weakest. The seals had been eased—not broken, never broken—but softened enough for him to breathe without the walls pressing back.He looked nothing like the monster the stories promised.Just a man sitting on the edge of a stone bed, hands resting on his knees, eyes tired in a way that came from centuries of choosing others over himself.“So,” Leo said quietly, looking at me. “You’re the one who refused to believe the lie.”I swallowed. “I didn’t do it for you.”A faint smile. “That’s why it worked.”Caden stood behind me, silent. He hadn’t spoken much since the battle. Leadership had carved something deeper into him—less prince, more consequence.“You’re free,” Cade
Caden's POVDawn broke like a warning.I felt the humans long before they crossed the outer gates—their fear sharp, metallic, laced with fury. Heartbeats thundered against the earth in uneven rhythms, dozens of them, armed and desperate. That kind of desperation always came with demands.And today, they carried a name.“Leo.”The first shout echoed through the valley just as the mansion’s wards flared to life. Flames of old magic crawled across iron gates, responding to the threat. I stood at the highest balcony, hands clasped behind my back, watching torches gather like fireflies with teeth.So the truth was no longer buried.“Summon the council,” I said to the guard behind me. “Immediately.”Within minutes, the great hall filled with shadows. Elders emerged from darkness, from smoke, from thin air itself—creatures who had ruled before kingdoms had names. Their eyes fixed on me, sharp with accusation and hunger for control.“You allowed this,” one of them snarled. “A mortal inside ou
I found the truth where no one bothered to look anymore.Behind a sealed door buried beneath the west wing, past a corridor even the servants pretended didn’t exist. The air down there tasted old—dust, iron, and something like regret.My candle trembled in my hand.This was where Leo ended up.The room was small, carved from stone, stripped of anything unnecessary. No chains. No torture devices. Just a desk, a broken chair, and walls etched with symbols I didn’t recognize at first.But I felt them.They weren’t wards to keep Leo in.They were seals—to keep something else from getting out.I swallowed.So this was the lie.Leo wasn’t imprisoned because he betrayed the vampire council.He wasn’t a criminal.He was a containment.On the desk lay a leather-bound journal, brittle with age. I hesitated before opening it, as if the words might bleed.If you’re reading this, then I failed.My chest tightened.Leo had discovered something centuries ago—a fracture in the boundary between worlds
Brielle’s POV Caden was dangerous.Not because he was a vampire prince.But because he noticed things.“Caden,” I called, forcing softness into my voice as I approached him.The moment his eyes landed on me, I felt it—that invisible wall he never fully lowered. Every step I took closer felt like stepping into a snare.“Do you need something?” he asked.“I was wondering…” I tilted my head, letting curiosity play across my face. “Would you mind if we walked around the mansion?”His reaction was instant.One second, he was standing across the hall. The next, I was pressed against the wall, cold stone biting through my dress as his arm blocked my escape. His eyes burned into mine, ancient and sharp.“Who are you?” he demanded.My heart slammed hard against my ribs—but I laughed.Light. Careless. Believable.“What?” I said. “It’s me. Brielle.”He didn’t move.“Why do you want to walk around the mansion?”Because Leo’s secrets are buried here.Because you’re guarding them.Because I need
Brielle continues her plan to seduce the vampire prince, and if Caden finally trusted her, she's able to know about Leo's case. "Caden," she approached the prince. Caden couldn't help but to feel nervous around her. "Do you need something?" he asked. "Would you mind if we walk around the mansion?" Caden's expression changed. He stare at Brielle, knowing if she is planning something or what. He approached Brielle and pinned her on the wall. "Who are you?" he asked. Brielle laughed, "What? It's me, Brielle!" "Why do you want to walk around the mansion?" he asked again. She gulped.Caden's sharp gaze followed Brielle as she strolled through the dimly lit corridors of the ancient mansion. His instincts, honed over centuries, whispered a warning of potential danger. The subtle rustle of her footsteps echoed in the silence, amplifying his suspicion. As the vampire prince, Caden couldn't ignore the nagging feeling that Brielle harbored secrets that could disrupt the delicat
Brielle's breath caught in her throat as Caden Rhett, the enigmatic vampire prince, guided her into the dimly lit room."Caden, what... what just happened?" she stammered, her eyes wide with both confusion and a hint of curiosity.His crimson gaze met hers, a sly smile playing on his lips. "My dear Brielle, I merely used a touch of my powers to make this encounter more... memorable," he whispered, his voice sending shivers down her spine.As the room's atmosphere thickened with tension, Caden closed the distance between them. "You have a unique energy, Brielle, one that intrigues me," he murmured, his velvet tone wrapping around her like a silk thread. Brielle, torn between fear and fascination, couldn't deny the magnetic pull of his presence. "What are you?" she asked, her voice barely audible. Caden chuckled softly, his breath brushing against her ear, "I am a creature of the night, and you, my dear, are now part of this nocturnal dance."Brielle struggled to conceal the burgeoning







