“IBIGAY N’YO SA AKIN ANG ANAK KO!” diretso nang sabi ni Efraim. Na para bang ang hinihingi ay isang bagay lamang na kaydaling ibigay.Sa isip nito, kailangan niya pa bang magpaligoy-ligoy? Na tagalan pa ang usapan na iyon gayong iisa lang naman ang nais niyang tumbukin?Pero kung hindi nagustuhan ni Helena ang tinumbok niyang iyon, mas higit si Markus.Sapol ang kaliwang panga niya sa suntok na ipinatikim sa kan’ya ng asawa ni Helena. Ang pagtitimpi ni Markus kanina pa ay kumawala na. Ang mabagsik na kamao nito ang natikman ng isang pisngi ni Efraim na nagpatalsik ng dugo sa bibig nito.May ibang nakasasaksi sa kasalukuyang komosyon na iyon, pero nanatili lamang na mga nagmamasid ang ika nga eh, mga ‘marites’ sa tabi-tabi.Ganoon pa man, bagama’t nasaktan, hindi nagpahalata si Efraim na ininda niya ang suntok ni Markus. Hindi siya gumanti rito at pinanatiling kalmado lang ang sarili. Pasimple lang nitong pinahid ang nagdugong bibig ngunit matalim ang sulyap na ipinukol kay Markus.Si
“KUNG kailangang magmakaawa ako kay Helena, gagawin ko, Glenda. Ibigay niya lang sa akin si Mandy. Ang anak ko. Ang anak namin!” ani Efraim sa garalgal na tinig. “Magkakaanak pa naman siya. Sila ng asawa niya. Hindi magiging kawalan kunin ko man sa kanila si Mandy. At kambal ang dinadala niya sa sinapupunan niya ngayon. Marami pa silang pagkakataon na magkaroon ng mga anak. Hindi tulad natin. Na baka, baka…!” Sa haba ng mga sinabi ni Efraim, tuluyan nang nabasag ang tinig nito. Umiyak na. At hindi na naituloy ang gustong sabihin.“Baka ano, Efraim?” Nagsisikip din ang dibdib na turan ni Glenda.“S-sweetheart --- ““Baka ano?” pabulyaw na ulit ni Glenda.“I’m s-sorry, I’m sorry, sweetheart…!”“Ituloy mo ang gusto mong sabihin, Efraim! Baka ano? Baka hindi na tayo magkaanak? Ano, sumusuko ka na rin ba? Ayaw mo nang umasa kasi baka mabigo na naman tayo?” umiyak na rin si Glenda sa kabilang linya.Bakit ba napakasakit sa dibdib isipin ang bagay na iyon? Na kahit kung tutuusin, nandoon pa
“KUMUSTA KA NA, MAHAL?” malambing na sabi ni Markus sa kabiyak nang dumating ito mula sa opisina isang gabi. Dinampian pa nito ng masuyong halik sa labi si Helena na mahigpit namang yumakap sa kan’ya.Masigla si Helena nang mga sandaling iyon habang minamasdan si Mandy na pinakakain ng yaya nito.“Oh, finally you’re here. Kanina pa kita hinihintay, mahal. Nagugutom na nga ako.” Malambing din na wika ni Helena na kumapit pa sa braso ng asawa.Kumunot ang noo ni Markus. “Di ba sabi ko, kapag nagugutom ka na, huwag mo na akong hintayin. Sana’y kumain ka na. Aba, pati ‘yang mga anak mo, magugutom din.”“No worries, mahal. Nag-milk naman ako and some cookies kanina. Gusto ko lang talagang sabay tayong mag-dinner today since lagi akong tulog na pag dumarating ka. Saka nagpaluto rin ako ng paborito mong sinigang na baka.”“Wow, sarap! O, eh bakit ngayon hindi ka pa natutulog?” ani Markus na nilapitan muna si Mandy at hinalikan. “Hmmnn, bango ng baby ko, a? Aber, paamoy nga si daddy sa kilik
“GANO’N? Kung hindi pala kita isinamang mag-grocery hindi ko pala malalaman na birthday ni Risa ngayon?” Kunwari’y galit na sita ni Aling Lora kay Tinay matapos silang lumabas ng supermarket at maupo sa food court ng isang shopping mall. “Nay, ayaw talagang ipaalam ni ate Risa ang ganap niya ngayon. Kasi, baka mag-abala pa raw kayo. Ako lang talaga ang niyaya niya dahil alam niyang wala akong pasok ngayon.” Paliwanag ni Tinay. “Kakain nga kami sa labas tapos magpapa-take out na lang daw siya para sa bahay. Para sa inyo. And since, nalaman niya na magkasama tayo ngayon, sabihin ko na raw sa inyo. Isasama na namin kayong kumain sa labas.” “May pa-since-since ka pang nalalaman diyan. Hay, ewan. Ako’y naiinis pa rin…!” “Ang OA naman ng nanay ko…!” biro ni Tinay. “O, siya. Hala. Ayan na si ate Risa. Sa kan’ya kayo magsabi ng sintemyento n’yo.” Sinundan ng tingin ni Aling Lora ang itinuro ng anak. “Si Risa ba ‘yan? Ang ate Risa mo nga ba talaga ‘yan?” hindi makapaniwalang turan nito haba
“HINDI kita kasama, Efraim. Ako lang ang makikipag-usap kay Helena. Babae sa babae.” Malumanay ang boses na sabi ni Glenda sa asawa ilang sandali matapos itong dumating ng Maynila. “Ako na ang bahalang komontak sa kan’ya.”“But sweetheart -- ?” tutol ni Efraim.“No buts, hon. Please. Ipaubaya mo muna sa akin ito. Saka tayo mag-isip ng panibagong gagawin kung walang mangyayari sa usapan namin.” Hindi rin tiwala si Glenda sa mga sinasabi niyang iyon, pero kailangan niyang magbakasakali.Napatango na lang si Efraim. Yumakap si Glenda sa kan’ya. Na para bang ang yakap na iyon ay sapat na upang bigyan nila ng katiyakan ang mga sarili na magwawagi silang dalawa sa laban na susuungin nila.“I love you, sweetheart…” ani Efraim na hinalikan pa sa noo ang kabiyak.“Me too, hon…kaya nandito uli ako. Para samahan ka. Lalo na para sa anak mo. Kahit na nga ba, hindi pa sapat ang panahong inilayo ko para gamutin ang mga sakit na dumating sa buhay natin…”Napabuntong-hininga si Efraim. “Naniniwala ak
MADILIM ang anyo ni Efraim nang malaman mula kay Glenda ang naging resulta ng pakikipag-usap nito kay Helena.“Nagmatigas siya sa kabila ng mahinahon mong pakikipag-usap sa kan’ya. Sa kabila ng pakiusap mo…”“Hindi ko siya masisisi, Efraim. Kahit sinong ina, hindi ibibigay ang anak niya. Maliban na ang inang iyon ay isang masamang ina.”“Ama ako ni Mandy, Glenda. May karapatan ako sa bata…!” Tumaas ang boses ni Efraim.“Hindi ka naging ama sa anak mo, Efraim…!”“Dahil hindi ko alam na nagkaanak ako kay Helena! Inilihim niya ‘yun sa akin. Pinagkaitan niya ako ng karapatang malaman na nagkaanak ako sa kan’ya!"“Dahil iniwan mo siya. Niloko mo lang siya. Ginamit mo lang siya para makaganti ka…!”Napatitig si Efraim sa asawa. “Sweetheart, kakampi ba kita o kaaway?” kunot ang noong tanong niya rito. “Akala ko ba, nagkakaintindihan tayo? Akala ko ba nauunawaan mo ako?”Pormal ang anyo, umiling si Glenda. “Kanina, habang kausap ko si Helena, naramdaman kong mabuti ang galit niya sa ‘yo, Efra
NANG gabing iyon sa kan’yang silid, umiiyak si Clarisa. Hindi niya pa rin lubos na mapaniwalaan kung bakit nagawa ni Markus na ipagbili ang sarili nito kay Helena kapalit ng lahat ng kaginhawahang tinamo nito at ng pamilya nito.Kaya pala. Kaya pala nagkaroon ng pagkakataon si Markus na mapalapit kay Helena at nabigyan ng katuparan ang pagmamahal nito sa babaeng iyon dahil si Helena ang unang gumawa ng hakbang.Kung hindi sana si Markus ang pinili ni Helena na managot sa batang dinadala niya, hindi sana ito nagkaroon ng tsansa na maging bahagi ng buhay nito si Helena.At ngayon, heto na sila ngayon. Totoong nagmamahalan na talaga. Nauwi sa totoong pag-ibig ang nadaramang pagkagusto ni Markus noon kay Helena. At si Helena, natutunang ibigin din si Markus.Naging mag-asawa man sila noon ng dahil lang sa kasunduan, pero ang pagsasama nila ngayon, wala nang halong pagkukunwari. Mag-asawa na sila sa tunay na kahulugan noon. Iniibig na nila ang isa't-isa.Napahagulgol si Clarisa. Pakiramdam
MASAYANG nagsalo-salo ang lahat sa masaganang tanghalian na ipinahanda ni Doña Amanda bilang selebrasyon na rin aniya ng birthday ni Clarisa.Makakain ng tanghalian, nagkayayaan pa ang mga kapatid ni Markus na maligo sa swimming pool. Tuwang-tuwa ang lahat kay Mandy dahil sa edad nitong apat na taon ay marunong nang lumangoy ang bata.“Tingnan mo ang anak mo, mahal. Medyo sanay nang lumangoy.” Ani Markus na siyang-siya sa pagmamasid sa anak habang nakaupo sila sa ‘di kalayuang mag-asawa.“Sinabi mo pa, mahal. Ang suwerte ni Mandy sa kan’yang yaya. Hindi lang magaling mag-alaga ng bata si Yaya Lorna. Magaling din magturo sa paglangoy.” Sabi naman ni Helena.“Risa,” tawag ni Markus sa kaibigan na kausap ni Aling Lora. “Hindi ka ba maliligo?”Umiling ang dalaga.“C’mon, Risa. If you want to go swimming I’ll give you a bathing suit. Halika sa itaas. Mamili ka.”Umiling uli si Risa. “H-hindi puwede, eh. Kasi…” lumabi pa ito kunwari.Nahimigan naman ni Helena ang ibig sabihin nito. “Ah, ok