WALA si Donya Amanda ng araw na iyon. Madilim-dilim pa nang magpasya itong mag-biyahe patungong Quezon upang bisitahin ang malawak na plantasyon nila ng pinya sa lugar na iyon. Tatlo hanggang apat na araw umano itong mawawala. Mas’yado kasing mahaba ang biyahe mula Maynila at hindi uubra na magbalikan ang matanda. Medyo mahina na ito at may diperensiya rin sa puso. Ganoon pa man, sa mga paglalakbay nito na katulad noon, kampante naman si Helena na umalis ang abuela kahit malayo ang pupuntahan nito dahil lagi nitong kasama ang private nurse niya na si Nancy at isa pa nilang mapagkakatiwalaang kawaksi na si Melba. Listo rin ang matagal na nilang family driver na si Mang Dencio.
Alam ni Helena na maaasahan niya ang mga taong nakapaligid sa kan’yang lola kaya ilang araw man niya itong hindi makita at makasama, panatag ang kalooban niya na may mag-aalaga at mag-iintindi rito.
Kagabi, pinipilit pa siya nitong sumama sa kan’ya. Para raw makapagpahinga naman siya sa opisina kahit ilang araw lang, pero matigas ang tanggi niya.
“I’m sorry, lola. Gustuhin ko mang magpahinga, but loaded ang schedule ko this week. Remember Mr. Tomas Chan?” sagot niya sa pangungulit nito kagabi.
“Oh, the newly appointed CEO of ‘The Big C.’ What about him, iha? Natuloy na ba ang negosas’yon sa pagitan ninyo?”
Hinasa ng husto ni Donya Amanda ang apo sa kanilang mga negosyo partikular sa pamamahala ng kompanya nila na nagsu-supply ng pinya sa mga kompanya rin na ang pangunahing produks’yon ay mula sa ipinagmamalaki nilang Formosa. Ang pinakamatamis na pinya na ang origin ay nagmula sa isang parte ng kabikulan, sa bayan ng Daet, Camarines Norte.
“Well, iyan ang pag-uusapan namin, lola. I have an appointment with him any time this week. And he already gave me his assurance that we will have a closed deal regarding our negotiation a week ago. Formality na lang ang kailangan. And of course, the contract signing. Kaya naman ipinahahanda ko na rin ang kontrata.”
“You impressed me a lot, iha.” Nasisiyahang wika ng sisenta’y singko anyos na matanda. “Manang-mana ka talaga sa ama mo sa pagpapatakbo ng negosyo. Kung ganoon pala, madadagdagan na naman ang kumpanyang paglalaanan natin ng ani sa ating pinyahan?”
“Yes, lola. At malaki rin ang magiging demand ng The Big C sa ating kumpanya. Mr. Chan told me on our last conversation that they are planning to expand their company this year. So, you also need to tell our staff to plant the remaining lot on the plantation to increase our harvest.”
“Well, this is the time. Tamang-tama pala ang magiging lakad kong ito. Pagdating ko doon bukas, magpapatawag ako ng meeting. Kailangan kong mai-discuss ito sa katiwala natin na si Gaspar.”
“Oh…! That’s great, lola. At pagdating naman sa bagay na iyan, alam kong diyan kayo eksperto. You can handle it very well dahil may puso kayo sa ating mga tauhan.”
“Magbobolahan pa ba tayo, apo?”
Nagtawanan sila. At hindi na siya napilit ng matanda na sumama sa kan’ya.
***
KINAGABIHAN, nang wala na si Donya Amanda, malayang naisambulat ni Helena ang emosyon na ilang araw niya nang pinipigil.
Sa kan’yang silid, buong wagas na iniiyak ng dalaga ang sakit na nararamdaman.
Siya si Maria Helena Montenegro. Bagama’t isang babae pero malakas. Ma-awtoridad ang kan’yang karakter. Pinatapang siya ng maraming hamon sa buhay. Pinatatag siya ng mga na-encounter na problema’ng naranasan niya kaagad noong siya ay menor de edad pa lamang.
Magkasamang nasawi sa plane crash ang kan’yang mga magulang. Kinse anyos pa lamang siya noon. Ni hindi pa nakaka-graduate ng high school.
Ilang buwan makalipas ang trahedyang iyon sa buhay niya, ang inaasahan niyang isa sa gagabay sa kan’ya, ang lolo Roman niya, ay nasawi rin sa isang insidente.
Habang ito ay nagdi-deliver ng speech niya bilang guest speaker sa dinaluhang Lawyers conference, inatake ito sa puso at hindi na umabot sa ospital. Ang masaklap pa, nangyari iyon isang araw bago ang high school graduation niya.
Umakyat siya sa stage upang tanggapin ang medalya ng pinakamataas na karangalang iginawad sa kan’ya, pero ang katuwaan na dapat ay umuusbong ng mga sandaling iyon ay hindi niya nadama.
Tigmak sa luha ang kan’yang mga mata habang isinasabit iyon sa leeg niya ng kan’yang gurong adviser. At hindi niya na nagawang tapusin ang valedictorian speech dahil sa labis na paninikip ng kan’yang dibdib sa sobrang kalungkutan na nadarama ng mga sandaling iyon.
Ang lola Amanda niya, dahil sa magkasunod na pangyayaring iyon, parang gusto na rin nitong bumigay. Muntik na rin siyang iwanan nito. Siya na solong anak lamang. Na ignorante pa sa maraming aspeto ng buhay. At walang malalapit na kamag-anakan.
Hindi niya alam noon kung paano kakayanin ang sakit na idinulot ng mga insidenteng iyon. Kung paano siya mag-uumpisang bumalik sa normal na sitwasyon lalo at nakita niya kung paano dinidibdib ng kan’yang lola ang pagkawala ng mga mahal nila sa buhay.
Isang araw, hindi na siya nakatiis. Masinsinan niyang kinausap si Donya Amanda. Umiyak siyang mabuti sa harapan nito. Nakiusap. Nagmakaawa. Na pilitin nitong maging malakas para sa kan’ya. At sabay nilang lalabanan ang mga pagsubok na iyon na dumating sa kanila.
Wala siyang nakuhang positibong sagot mula dito. Nanatili lang ito na nakatitig sa kan’ya. Hinaplos lamang ang kan’yang pisngi. At nadagdagan ang kalungkutan niya dahil doon. Hindi na ba siya mahal nito? Naitanong niya sa sarili.
Ngunit isang umaga, paggising niya, nakita niya itong muli na puno ng sigla. Na parang walang anumang nangyari. Naroroon uli ang determinasyon na ipagpatuloy ang buhay.
Patakbo siyang yumakap dito. At iyon ang naging umpisa. Tinuruan siya nito ng maraming leks’yon sa buhay. Bukod sa kan’yang mga pinag-aralan buhat sa eskuwelahan, kay Donya Amanda niya natutunan ang lahat ng pasikot-sikot sa maraming sitwasyon. Tinuruan siya nito na maging maabilidad. Mapa-personal man o pagdating sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo. Isa lang ang hindi niya nasunod sa mga itinuro nito – ang maging ‘mapili’ pagdating sa pag-ibig. Hindi niya pinili at pinag-aralang mabuti ang itinibok ng kan’yang puso. Hindi niya sinunod ang payo ng abuela na isang ‘karapat-dapat’ ang dapat niyang pag-alayan ng buong buhay niya. Because she truly deserves to be loved faithfully.
May isang bahagi ng pagkatao niya ang naging mahina nang matuto siyang umibig. Kay Efraim Sandoval – ang mahigpit niyang katunggali noon sa kolehiyo.
At kung noong nasa college sila, madalas niya itong sapawan o pabagsakin, pagdating pala sa pag-ibig, ito naman ang magpapabagsak sa kan’ya. Nagawa siya nitong paibigin at lokohin lang pala pagkatapos.
Ayaw na sana niyang alalahanin, pero alam niya, mananatili iyong sariwa sa kan’yang gunita.
At heto nga, minsan pa’y pilit uling bumalik sa isip niya ang natuklasan na naging dahilan ng pagkakasira nilang dalawa.
“You fooled me, Efraim! How could you do this to me?” umiiyak niyang sumbat dito.
Pinilit niya ito na magkita silang dalawa sa isang kubling lugar dahil ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kan’ya at ni tawag sa telepono ay hindi nito ginagawa.
Ngunit sa halip na ipaliwanag nito ang dahilan ng tila panlalamig nito, para siyang sinampal sa diretsahang narinig niya mula rito. “I want to end this, Helena. Whatever you call it. This kind of situation between you and me.”
Nagtatanong ang mga mata niya. “Whatever you call it? Ano iyon? Hindi ba’t may relasyon sila? Nagmamahalan sila? Anong sit’wasyon ba mayroon sila?”
“I don’t love you and never have loved you.” Diretsahan nitong saad. Parang isang kulog na dumagundong iyon sa pandinig ni Helena.
“E-efraim…? Hindi magandang biro ito ---!” ani Helena. Hindi siya naniniwala. Ayaw niyang maniwala.
Ngumisi si Efraim. “And who said I was joking? This is the truth, Helena. And I am saying this to you, seriously.” Mapait na napangiti ang lalaki.
“Akala ko matalino ka. Mali pala ako. Tanga ka pala because you didn’t realized my true intentions, why I wanted to be close to you.” Ngumisi pa ito. Nakakainsulto.
Maang na napatitig ang luhaan niyang mga mata sa nobyo. Unti-unti, nakukumbinsi na siya ng narinig mula rito. “Seriously…” usal niya sa sarili. Pinipilit niyang magpakatatag sa mga sinasabi nito. Kahit na nga ba ramdam niya na parang matutumba siya dahil sa pangangatog bigla ng kan’yang mga tuhod.
Nagsindi ng sigarilyo si Efraim. Ibinuga ang usok noon at tumanaw sa malayo. “Since college, you are always on top. No matter how hard I tried, hindi kita maungusan. And that was an insult to me, alam mo ba iyon?
“Then one day, mas nakilala pa kita. That you are the grandaughter of Judge Romano Montenegro. And you know what? Siya lang naman ang hukom na nagdiin sa papa ko kung bakit siya nakulong!
“Nagpatong-patong ang galit ko sa’yo, Helena. Why me? Why us? Bakit hindi kita magawang higitan? Bakit lagi mo na lang akong nilalamangan? Maging ang pamilya ko! At hindi lang ako ang nagdusa…
“How can I forget that day, Helena? Ang araw na ginusto ng ama ko na wakasan na lang ang sarili niyang buhay doon sa kulungan kaysa patunayan na inosente siya, ha?” nanlilisik ang mga mata ni Efraim ng mga sandaling iyon. Parang gustong lamunin ng buo si Helena.
Naumid ang dila ng dalaga. “H-how could that happened? Wala akong nalalaman sa mga sinasabi mo…!” anito nang makabawi sa pagkabigla.
“I don’t care may kinalaman ka man o wala! Damay ka pa rin…! Dahil kadugo ka ng taong sumira sa buhay ng ama ko! Na sumira sa buhay namin!
“What’s important now is --- nakapaghiganti na ako sa‘yo…! And feel it, Helena…! Feel it!” tinalikuran na siya ni Efraim matapos nitong durugin sa paa nang gigil na gigil ang itinapon na sigarilyo at muli siyang tapunan ng matalim na sulyap.
“You are so unfair, Efraim. I don’t deserve this…!” humagulgol si Helena habang sinusundan ng tingin ang papalayo nang kotse ng nobyo. Hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa mga mata niya.
Masakit. Sobrang sakit…Hindi pala siya minahal ni Efraim? Gumanti lang ito sa kan’ya. Dahil lagi niya itong nalalamangan noon at hindi iyon matanggap ng ego nito.
Pinaibig lang siya nito. His way of revenge. At ang higit na masakit, sa kan’ya nito isinisisi ang kamatayan ng ama nito. Ano ang kinalaman niya doon? Ano kasalanan niya doon?
At heto nga siya ngayon. Nakaharap sa katotohang buntis siya. Iyon ang naging bunga ng pagtitiwala niya kay Efraim. Buong puso niyang ibinigay ang sarili dito dahil umasa siyang tunay ang pagmamahal nito sa kan’ya katulad ng pagmamahal niya rin dito. At nangako ito na pakakasalan siya nito.
Tama si Efraim. Tanga siya. Isang malaking tanga!
Paano na siya ngayon? At paano niya ipagtatapat sa lola Amanda niya ang katotohanang ito?
Parang nawala sa sariling wisyo si Helena dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Nagwala ito sa sariling silid. Lahat ng mahawakan ay ibinabato. Ibinabalibag.
“Efraim…!!!” sigaw nito habang tigmak sa luha ang mga mata. “How could you do this to me??? Oh my God…! Help me please? I don’t deserve this…!!! I’m sorry, lola. I really am…!!!”
“Kumusta ka na?” tanong ni Raquel matapos hagkan ang pisngi ni Helena nang muli silang magkita nito. Sinadya niya ang kaibigan sa opisina nito dahil labis din siyang nag-aalala dito. “Obviously, you didn’t sleep well last night, did you? Halatang-halata ang eyebags mo. Hindi iyan makabubuti sa ipinagbubuntis mo, Helena…”Tumango si Helena. “I know, pero hindi ko maiwasan.” Huminga pa ito ng malalim. “Iniisip ko ang lola. Kung paano ko ito sasabihin sa kan’ya. Baka makasama sa kalusugan niya ang nangyaring ito, Raquel…” Naluluhang pahayag ng dalaga.Naaawang pinagmasdan ni Raquel ang kaibigan.Bumuntong-hininga pa muna uli si Helena bago muling nagsalita. “Bakit nga ba naging tanga ako sa pag-ibig, Raquel? Bakit hindi ko nahalata na hindi ako totoong mahal ni Efraim?” Tumawa pa ito. Mapait.“Ni hindi ko man lang naalala kung gaano siya kasuklam sa akin when we were still in college. Iyong kapag nauungusan ko siya, kulang na lang, malusaw ako sa matalim niyang titig sa akin. But then, t
“COME IN…” ani Helena matapos kumatok sa pinto ng private office niya si Aireen. Ang kan’yang secretary.Inutusan niya ito na kunin lahat ng files ng kanilang mga lalaking empleyado. Nagtataka man at hindi nalaman ang dahilan ng kan’yang babaeng ‘boss,’ agad na tumalima si Aireen at ngayon nga ay nasa harapan na ni Helena ang hiningi nito sa kan’ya.“Thank you, Aireen. You can go back to your work.” ani Helena na hindi tumitingin sa sekretarya at abala sa ilang papeles na pinipirmahan. Bahagya lang nitong sinulyapan ang mga inilapag ni Aireen sa kan’yang mesa.“Okay, Mam.” Tatalikod na sana ito nang may maalala uling sabihin. “Ah, Ma’m, let me remind you again,” nakangiti nitong sabi. “you have a dinner meeting with Mr. Alfonso. He called again earlier and asked about your availability tonight.”Tumango si Helena. “Okay, I got it.” Lumabas na si Aireen matapos marinig ang kan’yang sagot.Si Mr. Alfonso ay matagal nang kliyente ng kanilang kumpanya. Hinihimok siya nito na mag-sponsor s
HABANG SAKAY ng jeep pauwi sa kanila, hindi maipaliwanag ni Markus ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing ipatatawag siya ng kan’yang amo na sobra niyang hinahangaan noon pa mang unang tapak niya sa kompanya nito, at makita niya ang isang higanteng poster nito na nakakabit sa dingding ng building ng Montenegro P&A Corp.Mula noon, inasam niya na, na sana, isang araw ay makadaupang palad niya si Helena Montenegro. Iyong harapan at malapitan na masisilayan niya ang kagandahan nito. Napakas’werte niya na siguro kapag nangyari iyon. At iyon nga…! Nangyari na nga kanina ang pinakaasam niya.Akalain niya ba talaga? Na ipatatawag siya nito? Na kakausapin? At hindi siya makapaniwala. May hihingin pa itong pabor sa kan’ya…?Ano nga ba iyon? Hindi niya mahulaan…A, anopaman iyon, hindi niya iyon tatanggihan. Para kay Helena. Sa minamahal niyang si Helena…Minamahal? Naloloko na yata siya sa pumasok na iyon sa kokote niya. ‘Totoo ‘yon! Minamahal mo talaga si Helena! ‘Di ba ng
HANGGANG sa pagtulog, hindi pa rin lubos maisip ni Markus kung ano ang pag-uusapan nila ng kan’yang amo bukas. Nagtataka siya sa sarili. Bakit ba ganoon na lamang siya ka-apektado sa magaganap bukas? Hindi tuloy siya dinalaw kaagad ng antok.Alas sais ng gabi pa ang usapan nila ni Helena, pero makakain ng tanghalian, gumayak na si Markus para mag-byahe patungong Alabang mula sa kanila sa Novaliches. Hindi naman kailangang mag-grab siya mula sa kanila. Sa bus lamang siya sasakay at pagdating sa Alabang, saka na lang siya magta-taxi papunta sa village nina Helena, pero bago iyon, dadaan pa muna talaga siya ng mall para bumili ng maganda-gandang polo shirt na kahit paano ay pagmumukhain siyang malinis at presentable sa harapan ni Helena.Pasado alas kuwatro ng hapon, tapos na siyang mamili sa mall at suot-suot niya na rin ang bagong poloshirt na binili niya. Combination of striped white and blue ang kulay noon. Bagay sa medyo bago pa niyang pantalong maong na hinagod mabuti ng plantsa ka
"PAKASALAN MO AKO. PANAGUTAN MO ANG BATANG DINADALA KO SA SINAPUPUNAN KO. SAGIPIN MO AKO SA PROBLEMANG IBIBIGAY KO SA LOLA KO SAKALING MALAMAN NIYA NA NILOKO LANG AKO NG LALAKING PINAGTIWALAAN KO. TATAPATAN KO ANG PABOR NA IBIBIGAY MO SA AKIN, MR. ANGELES. NAME IT AND YOU WILL HAVE IT."NASA bus na siya pauwi sa kanila pero hindi maalis sa isip ni Markus ang mga salitang iyon na binitiwan sa kan’ya ng amo niyang si Helena Montenegro. Paulit-ulit iyon na tila ba sumisigaw sa isipan niya. Na buhat kanina’y nakapagkit na sa utak niya.Ma-awtoridad. Hindi nakikiusap kun’di tila nag-uutos. Dahil ba empleyado lang siya nito? Dahil ba ang akala nito, kaya nitong bayaran ang kan’yang dangal? Na kaya nitong tapatan ng salapi ang kahirapan ng pamilya niya?Nagtagis ang bagang ng binata. Ngunit sa isang sulok ng puso niya, ay may bumubulong. Ang tinig din ni Helena.‘Pakasalan mo ako…’At parang ibig niya iyong sagutin ng ‘oo.’ Dahil kung ang pagbabasehan ay ang pagtatangi niya sa amo, gugustohi
ILANG oras nang nakahiga si Markus buhat nang makauwi siya mula sa pagkikita nila ni Helena pero hayon at hindi siya dalawin ng antok.Paano niya ba makakalimutan ang pinag-usapan nila ng among babae? Ang proposal nito sa kan’ya? Na kung sakaling tanggapin niya, ang kapalit noon ay kaginhawahan ng buo niyang pamilya.Tumayo si Markus. Inaninag sa pusikit na liwanag ang relo sa dingding. Pasado ala una na ng madaling araw pero sa halip nga na naghihilik na siya, heto at gising na gising pa rin ang kamalayan niya.Sinilip niya ang mga kapatid sa silid ng mga ito. Malungkot niyang pinagmasdang isa-isa ang tatlong kapatid. Nadama niya uli ang awa sa mga ito na katulad niya, mula nang isilang ay kahirapan na ang kapiling sa buhay.Kung sana ay natapos niya ang kolehiyo, disin sana’y mas maganda ang trabaho niya ngayon. Mas malaki ang suweldo. Hindi isang pipitsuging staff lang sa accounting department ng kompanya ni Helena. Maaaring doon din siya nagta-trabaho ngunit nasa may kataasang pos
“MAG-K’WENTO ka naman, oy!” ani Clarisa kay Markus nang magkita sila nito ng hapon na iyon. Sinadya ng binata ang kaibigan sa bahay ng mga ito para makumusta na rin ang nanay nitong may sakit. “Tungkol naman saan?” “Sa lakad mo kahapon. ‘Di ba, nagpunta ka sa bahay ng boss mo kahapon?” “Wala ‘yon. Trabaho lang.” “Kuu, ako nga’y ‘wag mong charutin, Markus! Trabaho lang, pinapunta ka pa sa mans’yon niya sa Alabang?” “Eh ano naman? Anong masama doon? Para kang si Aling Lora…!” “Aling Lora?” “Nanay ko! Maurirat!” Kinurot ni Clarisa si Markus. “Kasi naman, malihim ka na ngayon!” “Kailangan ba lahat ipaliwanag ko sa ‘yo? Dyowa ba kita?” biro ng binata. Lumabi si Clarisa. ‘Sana nga.’ Sabi ng isip nito. “Kumusta nanay mo?” “Okay naman. Kinausap ko si Aling Aning. Na umpisa bukas, samahan niya dito sa bahay habang nasa trabaho ako. Para mabantayan at maiwasang hindi na atakehin uli.” “Tama ‘yon. Mahalin mo nanay mo. Nag-iisa lang ‘yan.” “Naman! Kaya nga kahit nahihirapan na ako s
NANG magising si Doña Amanda ay ang magandang mukha ng nag-iisa niyang apo na si Helena ang bumungad sa kan’ya. Buong pagmamahal itong nakamasid lang sa kan’ya.“I-iha…” anitong nakangiti. Hinaplos niya ang pisngi nito.Si Helena nama’y hinaplos ang buhok ng matanda at kinintalan ito ng halik sa noo. “Kumusta na ang pakiramdam ng pinakamamahal kong lola?” malambing na saad ng dalaga habang matamis na nakangiti rito.“I’m fine, I’m fine, iha.” Masigla ang boses na sagot nito. “Pero, ano ba ang nangyari sa akin at nandito ako?” Inilibot pa ng matanda ang mga mata sa kabuuan ng silid.“You had a mild attack after your trip from Bicol, lola. But we don’t have to worry about it. According to your Doctor, napagod ka lang sa biyahe. Tamang pahinga lang daw para bumalik uli sa dati ang pakiramdam mo and at the same time, you’ll undergo some tests while you’re here para mabigyan ka na rin ng ibang meds and vitamins.”Tumango-tango si Doña Amanda. “Napagod nga siguro talaga ako, iha. Nanibago n