MASARAP sa pakiramdam pero mahirap nga pala ang maging isang ina. Iyon ang napatunayan ni Helena habang hinehele niya si Baby Amanda.Ito ang unang gabi nila ng kan’yang sanggol sa mansyon. Hindi muna sa nursery room niya ipipirme ang anak habang hindi pa sila nakakapag-hire ng magiging yaya nito. Gusto niya munang enjoy-yin ang pag-aalaga rito habang bakasyon pa siya sa trabaho at ang gusto niya ay katabi ito sa pagtulog. Katabi nila ni Markus.Oo, katabi nila ni Markus. Nakapagitan ito sa kanila. Nasa gitna nila.Kasi ano pa ba ang dapat asahan ngayong nagkamabutihan na sila ng lalaking pinakasalan niya? ‘Di ba dapat ay magkatabi na nga sila nitong matutulog sa kama? At kung sakaling darating na sila sa punto na gawin nang ganap ang pisikal na ugnayan nila bilang mag-asawa, nakahanda siyang ibigay ang sarili niya rito.Napangiti si Helena sa isipin na iyon. Tunay na silang mag-asawa ni Markus. Sa totoong kahulugan ng salitang iyon. Hindi niya iyon inaasahan pero dumating. At nangyar
ANG sumunod na mga araw ay naging saksi ang mga taong nasa paligid nila sa pagmamahalang ipinamamalas nina Markus at Helena sa isa’t-isa. Tuluyan nang nagpasya si Markus na sa mansyon na sila tumigil na mag-anak alang-alang kay Doña Amanda na hindi man diretsong nagpahayag sa kan’ya ng kagustuhan nitong manatili na lamang sila roon, batid niyang iyon ang nais ng matanda. Patunay ang sobrang kaligayahan na nararamdaman niya rito ngayong kapiling na uli nito ang nag-iisang apo at ang apo nito sa tuhod.Wala namang naging problema si Markus sa pakikitungo sa abuela ng asawa. Ramdam niya rin ang pagmamahal at pagpapahalaga nito sa kan’ya bilang padre de pamilya. Sa mga desisyon na may kinalaman sa kan’yang mag-ina, hindi nakikialam ang donya at hinahayaan na siya ang gumawa ng hakbang. Anito pa’y nakuha na niya ang tiwala at simpatya nito sa kan’ya.“Thank you Mac, ha?” ani Helena isang araw.Nakaupo sila noon sa gilid ng swimming pool. Nakahilig ang ulo ni Helena sa balikat ng asawa haba
TINATAHIP ng matinding kaba ang dibdib ni Helena nang mga sandaling iyon. Iyon ang unang gabi na magtatabi na sila ni Markus na silang dalawa na lamang at wala na sa pagitan nila si Baby Amanda. May sariling yaya na ito na nag-umpisa noong isang araw.Makaraan ang mahigit dalawang buwan, kanina ay kinumpirma sa kan’ya ng kaibigang doktor na si Raquel, na puwede na siyang ‘magpatabi’ uli. At sa pagkakataon na iyon ay sa lalaki nang pinakasalan niya.“Ready?” May panunukso pa sa tinig ni Dra. Raquel nang itanong iyon sa kan’ya kanina.Namula si Helena. Biglang nahiya at hindi makasagot sa kaibigan.Natawa si Raquel. “Alam mo, para kang teenager na nag-blush diyan!” natutuwa ang doktora sa kaibigan. Pagkuwa’y hinaplos nito ang pisngi ni Helena. “You deserve to be happy, sis. This time, with Markus. Your husband. Unti-unti, napapalagay na rin ang loob ko sa asawa mo. Mabuti siyang tao. At karapat-dapat din siya sa pagmamahal mo.”Naluluhang napatango si Helena. “I told you, ‘di ba? Na mas
NAGISING si Baby Amanda nang pumasok ang mag-asawa sa nursery. Kumislot agad ito sa higaan na para bang naramdaman ang presensiya ng mga magulang. Ibinuka agad ang bibig at nag-umpisang ‘umuha’ ng mahina.“Aba, ang anak ko, naramdaman agad ang pagpasok ng daddy niyang pogi, ah? Hmmn…o, siya halika na. Kakargahin na ‘yan ni Daddy…!” ani Markus na siyang-siya sa anak na nasa bisig niya na. Idinikit niya ang pisngi sa sanggol bilang paraan ng paghalik niya rito.“Pogi talaga, mahal?” sabi ni Helena na tinawag si Markus sa ibang endearment. “Ang yabang naman ng mister ko…!”Lumapad ang ngiti ni Markus. Ang sarap nang napakinggan niya. ’Mahal’ daw. At kinilig siya. Hindi lang nagpahalata.Kinabig niya si Helena padikit sa kanila ng anak nito. “Tingnan mo, nakasimangot ang anak mo. Kinokontra mo kasi ako, eh…!”Nagtawanan sila. Nakitawa rin ang yaya na si Lorna.“Himbing na himbing na nga po ‘yan kanina. Siguro nga po’y naramdaman na paparating ang daddy at mommy niya kaya ayan, nagising.”
“MAY napapansin ako, apo.” ani Doña Amanda sa harap ng pag-aalmusal nila kinaumagahan.Nagtatanong ang mga mata ni Helena sa abuela.“Ang saya-saya mo ngayon.” nanunukso ang tono ng matanda.“Lagi naman akong masaya lola. Of course with you, with my husband and now, because of my Baby Amanda.”“Hmmn…iba ang saya mo ngayon, apo.” Ayaw paawat ng donya. Sumulyap pa ito kay Markus na ngingiti-ngiti lang sa pagitan ng pagsubo. “Baka masundan agad ang apo ko sa tuhod?!”Nasamid si Markus. Bale ba’y humihigop na ito ng kape.Ang lakas ng tawa ng matanda.“Ang lola talaga, nang-iintriga!” alangang matatawa o maiinis si Helena sa abuela. Hinagod nito ang likod ng asawa. “Okay ka lang, mah – M-mac?” Pinigil niya muna ang sarili sa pagsambit ng bagong endearment sa asawa dahil lalo silang tutuksuhin ng matanda.Tumango si Markus. Pinahid na lang nito ang talsik ng kape sa kan'yang polo shirt at natawa na lamang sa lola ng kabiyak sabay ganti na lang ng biro. “Okay lang po ba lola na sundan aga
KANINA pa pabalik-balik ng lakad sa pasilyo ng ospital si Efraim. Hindi mapakali. Halata sa anyo ang stress. Ang mabigat na dinadala.“Efraim…!” Labyaw dito ng tiyahing si Mary. “Can you calm down? Come here. Instead of worrying, let's pray. Please?” Tinapik pa ng may edad na babae ang bakanteng upuan na katabi nito para maupo doon ang pamangkin. “I’m worried about you too, hijo. Hindi lang kay Glenda. Baka kung mapa’no ka rin diyan!”Napahinuhod si Efraim. Tumabi nga ito sa tiyahin na agad hinawakan ang mga kamay niya at sumambit ng taimtim na dasal.“I c-can’t help it, auntie…” napaiyak na ang lalaki matapos ang panalangin ni Mary. Umiyak ng labis sa sariling mga palad.Hinagod ni Mary ang likod nito. Niyakap ang pamangkin.“It’s been four years. And this is the third pregnancy of my wife. Ano, mawawala na naman ba? Sobra kaming nag-iingat. Sobra ko siyang iniingatan, auntie…!”“Ssshh…! I know, I know.” Napaluha na rin si Mary. “Makakaligtas ang anak ninyo ngayon. Pakikinggan ng Diy
“MARKUS…!” may tumawag sa pangalan ni Markus habang papalabas na siya ng building ng P&A Corp.,matapos ang nakakapagod na maghapong pagta-trabaho sa opisina.Nilingon ni Markus ang tumawag sa kan’ya. Nasorpresa siya nang malamang ang dating kaibigan na si Lester ang nagtawag. Kasunod niya ito na kalalabas lang mula sa elevator.‘Dating kaibigan,’ dahil umpisa nang ma-involved siya noon kay Helena, at inisip nitong binalewala niya ang pagkakaibigan nila dahil sa hindi niya pagsasabi rito ng mga naging ganap sa buhay niya, umiwas na ito sa kan’ya at maging siya man, hindi nag-reach out na ibalik sa dati ang samahan nila.Huminto siya sa paghakbang upang makaantabay ito sa kan’ya.“S-sir Markus ---” ani Lester na nag-aalangan.Kumunot ang noo ni Markus. “Makoy, Lester. Kagaya ng dati. Ako pa rin si Makoy na kaibigan mo. Dati…”Napayuko si Lester. Napahiya. Nahalata iyon ni Markus. “N-nakakailang nang tawagin kita ngayon sa pangalan mo lang. Boss na kita.”Natawa ng mahina si Markus. “Da
MARAMI nang nangyari sa buhay nina Markus at Helena sa loob ng halos apat na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Sa kabila ng sa maling paraan sila nagkaroon ng kunwari’y ‘relasyon,’ nauwi naman iyon sa totohanan at nasumpungan nilang mahalaga sila sa isa’t-isa.Si Markus ay nakatapos ng kolehiyo at nagkaroon ng degree. At dahil alam niya na’ng deserving na siya para tumaas ang lebel ng trabaho niya sa kumpanya ng mga Montenegro, tinanggap niya ang posisyong ibinigay sa kan’ya ng kabiyak niyang CEO ng P&A Corp. Siya na ang Marketing Director ngayon sa kumpanya na responsible sa direction, guidance at leadership ng marketing. Ang tanggapan niya ang tipikal na namamahala sa marketing strategy ng kumpanya pagdating sa kanilang mga produkto. Bagay na nagagampanan niya nang buong husay kaya naman napabilib niya ng husto si Helena. Anito, hindi siya nagkamali ng pagtitiwala kay Markus. Si Doña Amanda’y ganoon na lamang din ang paghangang nabuo sa kabiyak ng kan’yang apo.Hindi na rin tu