"I don't know, but when I saw you again, Kayt, I thought you would change the way you treat me. But here, you are still the same charming and thoughtful friend of mine," Renton said sweetly.
Nang tuluyan makarating ulit sila mula sa pinagparadahan ng sasakiyan ng dalaga.
Mula sa malalamlam na ilaw na nagmumula sa bombilya mula sa may hindi kalayuan poste. Makikita ang magandang pagkakangiti niya.
"That occurred a long time ago. Everything is fine with me. What matters is that we have this time together, Kuya Renton." She significantly sweetened the phrase.
Hindi na siya nagdalawang-isip at inabot niya ang braso ng lalaki at hinimas iyon.
Hindi naman inosenti ang dalaga para hindi makaramdam sa motibo nito sa kanya.
Napatango-tango si Renton ng ilang beses. Mukhang pinagpawisan din ito.
"Aasahan kita sa bahay sa mga susunod na Araw." Hindi na niya ito pinasagot dahil isang mabilis at nakaw na halik sa pisngi ang iginawad niya rito.
Lalo itong natulala sa aksyon niya. Pumasok na siya mula sa loob ng sasakiyan. Napasulyap pa siya sa mismong kinaroroonan ni Renton na nakatutok pa rin sa direksyon ng nakasarado niyang bintana.
Pinagkrus niya ang magkabilaan braso mula sa dibdib. Habang naglalaro ang mapanuksong ngiti mula sa labi.
DUMATING siya sa mansyon, akala niya ay tulog na lahat ng kasambahay. Ngunit hindi pa pala, dahil naroon naman sa may paanan ng hagdan si Toyang. Naghihintay sa kanyang pagdating.
Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad. walang balak na makipag-usap. Kung hindi lang siya hinabol at pinigilan ng matandang kawani.
"Pasensiya ka na S-senyorita, kung hindi ko naihanda ang gusto mong hapunan ngayong gabi. Hayaan mo, bukas na bukas ay ipagluluto kita ng masarap na almusal," wika ni Toyang na humihingi ng pasensiya ang tono.
Binalingan siya ng matipid na ngiti nito.
"It's okay Manang. Nag-enjoy naman ako sa pagkain sa labas. Matulog ka na." Pagtatapos nito at tinapik-tapik pa nito ang ulonan ng matandang babae. Bago tuluyan pumanhik sa engrande at matarik na hagdan.
Nanatili naman nakayuko si Toyang, hanggang sa makapasok sa mismong silid nito ang dalaga.
UMAGA, mapapansin ang abalang mga katulong sa loob at paligid ng grandioso na mansiyon ng mga Aghubad. Panahon pa ng pananakop ng mga Americano at Espanyol naipatayo ang naturang pamamahay.
Niluma na ng panahon at may mga dumaan na sakuna, ngunit napapanatili pa rin presentable at matibay ang bawat haligi.
Maging ang trahediya man na kinabibilangan ng pamilyang nagmamay-ari ay naging matibay pa rin ito.
"Bilisan niyo na ang bawat galaw at maaring bumaba na si Senyorita," malakas na utos ni Toyang sa mga kasamahan.
Ayaw na niyang maulit ang nangyaring kapalpakan kahapon. Kaya maging ang kaliit-liitan detalye ay labis niyang pinagtutuunan pa ng pansin.
Patapos na sila sa paglalagay ng plato ng mula sa bumukas na magkabilaan pintong yari sa narra ay sumungaw mula roon ang dalaga.
"Magandang Araw Yaya Toyang! Mukhang nagpapakaabala po kayo rito. At hindi niyo napansin ang mga pagtawag ko," sabi ni Kaytie na kumawit pa sa braso ng matandang katulong na nagulat sa inasta niya.
"Ah! eh, halika na at ng maupo ka. Lahat ng ito ay para sa iyo... ija," tugon naman ni Toyang na napakurap-kurap pa sa harapan ng kanyang alaga.
Bagama 't nagtataka si Kaytie sa kakaibang ikinikilos ng kanyang Yaya. Minabuti na lang niyang sundin ito. Inilibot naman niya ang tingin sa mga pagkain na nakahain sa lamesa.
"Ano po bang meron at sobra-sobra po yatang makakain ang ipinahanda niyo ngayong umaga," wika niya.
Ngumiti lang naman si Toyang dito. Tuluyan nawala ang nakabarang kaba sa dibdib. Magaan ang bawat galaw at hakbang na kinuha niya ang ceramic kettle at naglagay ng mainit na tubig mula sa tasa. Ipinagtimpla niya ng mainit na tsokolate ang dalaga.
"Gusto ko lamang maging espesyal ang araw na ito sa iyo ija. Sobra mong tagal na nawala at na-miss ko ang mga panahon na naalagaan pa kita, sana narito ka na lang palagi kasama ako," matamis nitong sabi, habang may luha sa mata.
Kaytie's lips lifted to reveal a genuine smile. As she overhands Toyang's palms, she says, "Don't be sad, Yaya; I'm always around."
KASALUKUYAN ikinukumpas niya ang katawan sa saliw ng isang ballerina song, 'The Dying Swan'. Nakapusod ang mahaba niyang buhok, walang nakatakas na hibla.
Suot niya lang naman ang isa sa mga baon niyang tutu pink outfit. Sa ilang taon na pagkawala niya sa tinubuan Bayan. Ibinuhos niya ang atensyon sa pagpapaunlad sa sariling kakayahan bilang ballerina.
Buong gilas siyang nagpa-ikot-ikot sa madulas at maluwang na dance studio. Bata pa lamang ay ipinaayos na ang silid na iyon para sa ginagawa niyang pag-iinsayo ng ballet sa Bansang Europa.
Musmos pa lamang ay nakakitaan na siya ng talento sa larangan iyon. Laking-tuwa niya at sinuportahan siya ng mga magulang.
Hanggang sa dumating ang madugong trahediya na sumira sa perpekto niyang buhay.
Napatigil sa pag-indayog si Kaytie. Nang makarinig siya ng sunod-sunod na palakpak mula sa direksyon ng pinto.
"Magpanhanggang ngayon ay naipagpapatuloy mo pa rin pala ang pagba-ballet. Akala ko ay tuluyan mo ng kinalimutan ang pangarap mo ng dahil sa-"
"Bakit ka nandito?!" mariin niyang tanong. Tuluyan niyang itinuwid ang mga paa at naglakad papunta sa may gilid upang makainom ng tubig.
Renton seemed surprised at the girl's reaction. Since his arrival there, "I'm sorry, did I hear right?"
Nang hindi pa rin umimik si Kaytie ay ipinagpatuloy ni Renton ang pagpapaliwanag.
"I thought you wanted me to visit you now here at your mansion. I hope I understood correctly what you said last night at my restaurant," replied the young man. She stopped taking off his shoes at that moment.
'Kayt' Tinig iyon na tinawag ang pangalan niya.
Hinarap na niya ang kanyang bisita. Hindi katulad kanina na emosyonal siya. Ngayon, mas mahinahon na siya.
"Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. I mean, napaaga ang punta mo rito, I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin dito.
"That's fine; apology accepted. But for now, coffee with you will help," nangingiti nitong request.
She just nodded at him. "Sure, can you wait for me at the terrace? I'll just get dressed." She said goodbye.
Ginawa nga ni Renton ang ipinagbilin ni Kaytie. Nagpunta siya sa may terasa at siyang pagdating naman ni Yaya Toyang na katulad ng naging reaksyon ng alaga nito ay ikinagulat din ang pagdating niya roon.
"Magandang umaga, kayo po pala Yaya, kumusta na po?"
"Bakit ka naparito? Nakalimutan mo na bang pinagbawalan kang makatungtong sa pamamahay ng mga Aghubad?"
"Mababago na iyon Yaya, dahil mismong si Kayt ang nag-imbita sa akin na pumarito. Maybe it's time to let go of the past and start a new life with her." May pagaasam sa tinig ni Renton.
"Pero ijo, hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ni Kaytie..." Patuloy pa rin pagkontra ng matandang kawani.
Hindi naman nakaimik si Renton. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ng matanda. Paano ba niya gagawin ang ipinag-uutos nito. Kung hindi niya kayang pigilan ang atraksiyon mula sa alaga nitong si Kaytie.
"Sa tingin mo Toyang, ikaw ang nakakaintindi sa sitwasyon meron ako?" wika ng tinig na nagmula sa dulong bahagi ng espasyo.
Mabilis naman na napabaling ang pansin nila mula roon. Nang tuluyan lumapit ang dalaga. Nakapagbihis na ito, isang flaunt dress ang suot nito. Humahakab sa balingkinitan katawan ang sutla ng bestida. Hinayaan nakalugay ang buhok. As usual ay nakapaglagay na rin ito ng koloreti sa kabuuan ng maganda nitong mukha. Nasa labi na naman nito ang pulang lipstick na paborito nitong ilagay sa labi.
"N-nandiyan na po pala kayo S-senyorita." Yuko ang ulong sabi naman nito nang tumapat sa kanya.
"Sino pa ba? Umalis ka na nga lang sa harapan ko! Ipagtimpla mo kami ng kape ni Kuya Renton!" Utos naman niya.
Tumango naman si Toyang. Hindi pa siya nakalalayo ng muli niya itong tawagin.
"Agahan mo palang magluto para sa tanghalian. Para naman makabawi ka sa naging atraso mo sa akin kagabi. Dahil dito na rin kakain ang Senyorito Renton mo," mas pinagdiinan pa nito ang tatlong huling kataga.
"Sige po, m-masusunod Senyorita," wika ni Toyang.
Nandoon naman na namagitan na si Renton.
"Hey! Kayt, Hindi na kailangan. Dumaan lang ako ngayong umaga, para tuparin ang pangako ko. Aalis din ako pagkatapos." Pagkaklaro ni Renton sa ginagawang pag-aabala pa ng dalaga.
Isang matamis na ngiti ang kababakasan mula sa labi ng dalaga.
Lalo tuloy naging tama para sa kanyang makipag-lapit muli rito.
"Hayaan mo ako Kuya Renton." Ngiting-ngiti pa siya.
Pumitik siya sa daliri at muling kinuha ang atensyon ng katulong na nanatiling nakatayo sa may 'di kalayuan habang nakatalikod sa direksyon nila.
"At Toyang, palagi mo na itong gagawin. Dahil magsisimula ngayong araw, officially boyfriend ko na si Renton. Pagsisilbihan mo na siya katulad ng pagsisilbi mo sa akin, maliwanag," walang ligoy niyang anunsiyo.
Nabibigla at nanggilalas naman parehas si Toyang. Maging si Renton hindi inaasahan ang ginawa niyang desisyon sa araw na iyon.