SA LABAS habang sakay ng Mercedes-Benz ay umikot sila sa pinakagitnang Bayan ng San Salvation. Kahit paano ay hindi na rin papahuli ang kinalakhan lugar. Marami na rin pasyalan, ngayon may mga hotels, amusement park at resorts.“To that direction.” Turo niya sa driver sa isang katamtamang kainan mula sa may 'di kalayuan. Kaagad naman siyang sinunod nito.Ngunit, malapit na siyang napasub-sub mula sa kinauupuan. Mabuti na lamang at naisangga niya ang kamay mula sa kanyang mukha.“Anong ginagawa mo, balak mo ba akong untugin?” galit niyang sita sa driver.“Naku! sorry senyorita, may bigla kasing tumawid kaya napakambyo ako,” pagrarason naman nito.Naiiling naman siya, hindi siya naniniwala rito. Sa inis na nadarama ay kailangan na niyang lumabas at magpunta sa isang lugar na aalisin ang pagkasira ng mood niya.Pabagsak niyang itinulak pabukas ang pinto. Nang makarinig siya ng nagsalita mula sa labas. Nagmadali na nga siyang bumaba.At tama nga ang driver niya may isang lalaking nakasala
Last Updated : 2025-11-22 Read more