Share

Chapter 10- Savior

Nagising ako na masama ang pakiramdam. Siguro ay dahil na rin sa pagpapaulan na ginawa ko. Pinilit kong bumangon at pumasok sa CR. Naligo ako kahit pa alam kong meron akong lagnat.

Lumabas ako at dumiretso sa kitchen. Kinuha ko ang heater at nilagyan ng tubig. Napapalatak ako ng hindi na gumana iyon. No choice ako kundi sa rice cooker mag-init ng tubig.

Hindi advisable pero since hindi naman malalaman ng lahat na ginagamit ko din ang rice cooker para mag-init ng tubig ay ayos lang. Kanya-kanyang trip lamang 'yan.

Kumuha ako ng cup noodles at nilagyan ng mainit na tubig. Habang hinihintay na maluto ito ay pumunta ako sa sala at binuksan ang music player ko.

Napatawa ako ng pagak dahil sa kantang una-unang pumaimbabaw. Kinuha ko ang gitara na nasa wall at umupo sa sofa. Sinabayan ko ng pagkaskas ang kantang 'Tear drops on my guitar' ni Taylor Swift.

Drew looks at me, I fake a smile so he won't see...

Napailing na lang ako. Ngayon mas nadama ko na ang mensahe ng kantang ito. Tunay nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status