Share

Chapter 12- COMMITMENT

Kahit Hindi Na Ako

#KHNA

LovieNot

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto habang bihis na bihis na. Napakagat ako sa labi nang makitang tulog pa rin si Zeiroh sa sofa. Marahan akong lumapit sa kanyang kinaroroonan.

Nakatulog kaya siya ng maayos?

Napasinghap na lang ako. Kailangan kong makalabas dahil inaya ako ng mga kaibigan ko kagabi na magsimba. Baka kasi hindi ako payagan nito na lumabas kaya tatakasan ko na lang siya.

Safe naman na siguro ako sa labas dahil naipakulong niya na iyong nagtangkang pumatay sa akin kasama na iyong dalawang adik sa bar.

Akmang maglalakad na ako papuntang pinto ng bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko. Halos mapatalon pa ako dahil sa gulat. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapakuyom na lang.

"Good morning," bati niya pa sabay siring ng tingin sa suot ko. Bahagya na agad na nakakunot ang kanyang noo.

"Good morning."

"Where are you going, huh? Ang aga pa," aniya sabay hikab. Napatitig tuloy ako sa kanya. Gwapo pa rin kahit na medyo magulo ang kanyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status