La Conchita Series 2Kahit Hindi Na Ako"Welcome to Masbate City, baby," bulong ko kanya. Ngumiti lang siya at inalalayan na akong makababa ng eroplano. "This place is quite nice, baby.""No, this place is amazing, baby."Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Naglakad na kami papalabas ng port. Siya na rin ang may dala ng bagahe namin.Mas nauna kasi kaming umuwi kaysa sa kina Lilah at buong angkan ng Hernandez. Bukas pa ang flight ng mga iyon papunta rito. Sa totoo lang din ay kinakabahan talaga ako. Hindi ko sinabi sa pamilya ko na kasama ko ang boyfriend ko."Tito Leandro!" tawag ko sa kapatid ni Papa na siyang sumundo sa amin. "Leigh! Aba'y ang ganda mo na lalo, ah? Sinong kasama mo?""Ahh, si Zeiroh Hernandez po Tito, boyfriend ko.""Hello po Tito Leandro. I'm Zeiroh, nice meeting you po." Pinakatitigan naman siya ng tiyuhin ko. Tila ba kinikilatis. Napakagat labi na lang ako."Ang gandang lalaki mo naman hijo tsaka mukhang mayaman din. Mukhang magkakaproblema ka sa kapatid k
Kahit Hindi Na AkoLC Series #2Unexpected Confession | Unknown feelingsUndoubtedly, Carleigh Quintos renounce Zeiroh Hernandez for confessing his feelings for her. She bluntly said that she doesn't like him and definitely he's not her ideal man.However, her heart pounded strangely every time their eyes met but she just tried to ignore it. She even knows that something in her recognize Zeiroh's presence but she just let her mind to control her. For her, love is just an illusion. A temporary kind of emotion that will surely shot her down anytime— which is she don't want to happen at all.After years since their iconic encounter, they've met again in an unexpected situation. And then this question stuck on her mind— Now that they're completely grown up and had their own triumph in life, will the man still like her despite the rejection it has received from her, way back when she didn't know what
Kahit Hindi Na Ako (LC Series #2) #KHNA Carleigh Quintos "Yuck! Bakit naman ako magkakagusto sa kanya, aber? Yes, gwapo siya pero mukha namang taong bato yan, walang emosyon, tahimik at higit sa lahat ay perfectionist pa. For sure, ang boring niyang maging boyfriend," wagas kong pandadaot sa kay Zeiroh Hernandez na palaging ipinapareho sa akin ng kaibigan kong si Hazel. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ayaw na ayaw ko sa ideyang ang lalaking iyon ang makakatuluyan o katadhana ko. Hindi kami bagay. Hindi. Hindi siya ang ideal man ko 'no? Gusto ko iyong lalaking nuknukan ng sense of humor sa katawan, sweet, clingy at higit sa lahat ay madaldal din tulad ko. In short, kabaliktaran ni Zeiroh ang hanap ko sa isang lalaki. "Hoy, loka ka girl. Ano pang hahanapin mo kay Zeiroh ah? Package na nga iyon eh. Matalino, gwap
Chapter 1Kahit Hindi Na Ako#KHNACarleigh Quintos"Eh kasi naman po DJ Leigh, binasted ko siya noong nanligaw siya sa akin. Hindi ko naman kasi inaasahang magugustuhan ko din naman pala siya eh. Ano pong gagawin ko para mapansin niya ulit? I need your advice for this," ani Den na siyang caller sa 'My Sad Leigh Story' ngayong araw. Isa na akong DJ sa DHK, isang sikat na radio station at itong bahaging ito ang pinaka-inabangan ng listeners sa programa kong 'Leigh-sen To Me'."Ay naku Den, mukhang ang hirap nga niyan. Binasted mo na kasi iyong tao eh, siyempre kung ako ang nasa sitwasyon ng lalaki ay matatakot na ulit akong sumubok. Hindi kasi madaling ma-reject ng taong gusto natin, diba? May communication pa naman kayo?""Yes po. Nagkaka-chat or text naman po kami pero hindi na ganoon kadalas. Something's change, nararamdaman ko 'yon.""At may nililigaw
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotNakabusangot na bumangon na ako. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng gising ko. Halos mapatili pa ako nang matapat ako sa salamin ng banyo. Akala ko zombie, iyon pala ay sarili ko mismo, tsk.Hindi ako masyadong nakatulog kagabi eh at hindi ko alam kung bakit puro mukha ni Zeiroh ang nasa isipan ko. Tsaka nagpapaulit-ulit din sa aking kukuti ang sinabi niyang wala daw 'nice' sa pagkikita namin.Eh di wow. Just wow. Di man siya gwapo ba, batig nawong!Naiinis ko na dinuro ang sarili sa salamin. "Please naman Carleigh, maawa ka sa kaluluwa mo, huwag mong iisipin ang kugtong na iyon, okay? Maligno ang lalaking iyon! Maligno!" Sinampal-sampal ko pa ang aking sarili at bigla na lang binuksan ang shower. Napatili na naman ako dahil sa lamig."Sus, ginoo! Katugnaw ba!" Sina
LC Series #2Kahit Hindi Na Ako“Oh shit!” Mahinang pagmumura ang tanging nagawa ko dahil sa pakiramdam ko ay may nakasunod talaga sa akin eh. Kanina ko pa nararamdaman iyon mula ng lumabas ako ng Mall hanggang dito sa Coffee Shop.Dali-dali akong pumasok ng CS at agad na naghanap ng makukublian. May taong nagbabasa ng libro sa isang sulok kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, agad na pinuntahan ko ito at basta na lang na inagaw ang librong hawak niya at nagkunwari rin na nagbabasa. Ginawa kong pantakip sa mukha ko ang libro pero nakikiramdam pa rin ako. Pasimple akong sumisilip sa entrance door ng coffee shop.Mula sa kinauupuan ko ay nakita kong pumasok ang lalaking nakacap at sunglass. Para akong nakakita ng gangster in real life sa katauhan nito. Bumilis ang tibok ng aking puso. Huli na ng namalayan kong napahilig na pala ako sa katabi ko na siyang may-ari ng librong na hawak ko.
Kahit Hindi Na Ako“What?! Nagkita ulit kayo ni Zeiroh? Tapos? Anong nangyari? Excited ako sa ganap niyo, ‘langya! Kwento ka na dali!” masiglang saad ni Hazel. Nasa La Conchita CS kami ngayon sa loob mismo ng LC Mall, hindi doon sa CS na palagi kong pinupuntahan. After ng programa ko kanina ay dito na agad ang diretso ko.“Wait lang, sinong Zeiroh?” naguguluhang usisa ni Kyra. Napakamot na lang ako sa noo, wala nga pala silang alam ni Ryza tungkol sa bagay na ito. Hindi ko naman na kasi pinagtuonan pa ng pansin ang pangbabasted ko noon kay Zeiroh Hernandez eh. Hindi big deal iyon sa akin. Ang gusto ko lang naman kasi noon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang pamilya ko sa hirap. That’s it and I’m happy that I did it already.Pakiram
Kahit Hindi Na AKoLC Series #2“Ah yes Joeyce? I’m sorry, what’s your question again?” usisa ko sa caller. Kanina pa talaga ako wala sa hulog at alam kong nahahalata na ako ng mga kasamahan kong nasa labas lang. Paano ba naman eh wala akong tulog. Binagabag ako ng konsensiya ng apakan ko ang paa ni Zeiroh dahil sa inis at tumatakbong tinalikuran siya kagabi.“Masakit? Sa tingin mo sino ang mas nasasaktan? Iyong taong laging tinatalikuran o iyong taong tumatalikod na lang ng basta?” Whatever. Itinuon ko na lang ulit ang atensiyon ko sa caller.“Nararamdaman ko pong hindi na talaga ako ang gusto niya, na parang lumalamig na siya sa akin. Tama pa po b