Kahit Hindi Na Ako
(LC Series #2)
#KHNA
Carleigh Quintos
"Yuck! Bakit naman ako magkakagusto sa kanya, aber? Yes, gwapo siya pero mukha namang taong bato yan, walang emosyon, tahimik at higit sa lahat ay perfectionist pa. For sure, ang boring niyang maging boyfriend," wagas kong pandadaot sa kay Zeiroh Hernandez na palaging ipinapareho sa akin ng kaibigan kong si Hazel. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ayaw na ayaw ko sa ideyang ang lalaking iyon ang makakatuluyan o katadhana ko.
Hindi kami bagay. Hindi.
Hindi siya ang ideal man ko 'no? Gusto ko iyong lalaking nuknukan ng sense of humor sa katawan, sweet, clingy at higit sa lahat ay madaldal din tulad ko.
In short, kabaliktaran ni Zeiroh ang hanap ko sa isang lalaki.
"Hoy, loka ka girl. Ano pang hahanapin mo kay Zeiroh ah? Package na nga iyon eh. Matalino, gwapo, mayaman, mabait..."
"Mabait? Iyon? I doubt it," natatawa ko pang saad.
Lagi ko namang nakakasama ang lalaking itinatambal nila sa akin sa mga competition sa school. Ahead nga lang ito ng isang taon sa amin. At masasabi ko talagang parang may sarili siyang planeta. Hindi palaimik eh. Kaya hindi ako maka-relate sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.
Tapos siya ang itutulak sa aking ng kaibigan ko? Like hello? Tao ang gusto kong makinabang sa kagandahan ko at hindi isang alien.
"Girl, kapag nanligaw sayo si Zeiroh, pagbigyan mo naman muna. Hernandez iyon Carleigh."
Napataas-kilay naman ako. Kapag Hernandez ay talagang big deal for them eh kasi nga angkan ng hindi lang mayayaman na pamilya kundi mukhang hybrid din ang semilyang pinanggalingan nila, ang lalakas ng dating ng mga hitsura eh.
Pero kahit na, ayoko pa rin sa mga seryosong tao. Balita ko pa nga ay isa si Zeiroh sa candidates para maging CEO ng La Conchita Company na pagmamay-ari ng pamilya nila.
Tatlo kasi silang magpipinsang Hernandez na pinagkakaguluhan sa campus. Alester at Enzou naman ang pangalan ng dalawa niya pang pinsan.
Kapag nagsama-sama na ang tatlong iyan ay nayayanig ang buong school sa tilian ng mga kababaihan. Pero kahit isa sa kanila ay wala akong matipuhan dahil pare-pareho naman silang alien eh, para bang pasan-pasan ang sari-sarili nilang planeta.
Tsaka teka nga? Bakit naman nga manliligaw sa akin ang Zeiroh na iyon eh hindi naman namin gano'n kakilala ang isa't-isa.
Too rich. Too boring. Too much is worthless too.
"Diyos ko naman Hazel, bakit ba kasi naisip niyong itambal ako kay Zeiroh? Bukod sa ayaw ko naman talaga sa lalaking iyon eh hindi hamak na ang layo ng agwat ng pamumuhay niyon kaysa sa akin 'no? He's rich. I'm poor. See? We're not even. Langit, lupa, ganern!"
Totoo naman kasi, kaya lang naman ako nakapag-aral sa mamahaling unibersidad na ito ay dahil matalino ako, scholarship lang ang kinakapitan ko rito. Mass communication ang tinatahak kong kurso at nasa 3rd year college na ako ngayon.
"Mataas ang pangarap ko kapag career ang usapan pero kapag about sa love life, okay na ako roon sa kahit magsasaka basta masaya ako. Malaya sa panlalait at panghuhusga," dagdag ko pa. Napangiwi lang naman ito sabay singhap.
"Talaga ba Leigh? Eh di sana nagsaka ka na lang din at hindi na nag-aral sa mamahaling paaralang ito kung magsasaka lang din naman pala ang hanap mo, kaloka 'to. Babaw ng pangarap ha?"
"Ewan ko rin sayo Hazel. Basta iba na lang ang ereto mo sa akin. No, tama na ang pangrereto diyan. Hindi naman ako atat magka-boyfriend eh."
Nailing na lang din ito hindi na ako kinulit pa. Imposible din namang magustuhan ako ng isang Zeiroh Hernandez. Isang malaking kalokohan lang iyon kung magkataon.
Ilang saglit pa ay pumunta na kami ni Hazel sa gym dahil may announcement daw. Ipinagbigay alam na ang tungkol sa isang field trip na gaganapin sa susunod na araw. 30 students each year lang ang kailangan at sa 3rd year ay isa ako sa makakasama.
Hindi na ako umalma pa. Pinaghandaan ko na lang ang nasabing field trip. Tuwang-tuwa pa ang kababaihang makakasama sa trip dahil sa nandodoon din daw ang Hernandez boys.
Like duh? Bakit ba parang 'Hernandez boys' is life ang tema nila? Tsk.
Pagsapit ng araw na pinakahihintay ng lahat ay siya namang ikinatamalay ng katawan ko. Bus pa ang sinakyan namin kaya halos mauga ang kaloob-looban ko.
"Everyone's must be careful. Watch your own actions. Hindi natin kabisado ang lugar na ito. Walang gagala kung wala kayong kasama, naiintindihan ba?" anunsiyo ng isa sa professors na kasama namin.
"Yes Sir!" sagot naman naming lahat.
Totoo ngang kompleto ang Hernandez boys. May kanya-kanya pa itong sasakyang dala. Hitsura ng mga babae ay parang mga clown sa make-up. Hindi ba sila inform na natural beauty is the best own kind of beauty? Ay ewan!
Dahil nakaramdam ako ng bagot at nagsasawa ako sa puro tungkol sa kung gaano kagwapo ang mga Hernandez na usapan ng mga kababaihan ay nagpasya akong gumala mag-isa. Matigas ang ulo ko kaya sinuway ko ang kaisa-isang habilin ng kalbo naming professor eh.
Dahil sa kamag-anak ko si Dora the explorer ay malayo ang narating ko. Hiningal pa ako dahil sa naglakad lamang ako pero sulit naman dahil sa tulay na gawa sa kahoy na aking nadiskubre. Tumalon-talon pa ako at tsaka naupo sa pinakagitna nito. Nagawa ko pang kunan ng litrato ang sarili ko.
Tumawid pa ako ng ilang beses, paulit-ulit hanggang sa mapagod ako. Sanay ako sa tahimik na kapaligiran kaya na enjoy ko nang todo ang oras ko rito. Tumambay pa muna ako at ilang sandali pa ay naisipan ko na bumalik na sa camp site namin.
Pagpihit ko ay pigura ng lalaki ang tumambad sa aking paningin. Napaatras ako ng konti.
"I'm sorry kung nagulat kita," pagpapaumanhin pa nito. It's Zeiroh Hernandez at hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa niya rito.
"It's fine. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" direktang usisa ko sa kanya.
Kasalukuyan kaming nasa pinakagitnang bahagi ng tulay na kinaroroonan namin. Malamig na rin ang hanging dumadampi sa aking balat, marahil ay palubog na ang araw.
"Sinundan kita." Napanganga ako. Ang gwapo niya namang stalker kung gano'n.
"What? Bakit mo naman ako sinundan, aber?" Napasinghap pa siya bago nagsalita.
"Because I like you Carleigh. I want to talk to you."
Sobrang nagulat talaga ako dahil sa pangdidirekta niya sa akin. Iyon din ang dahilan kung bakit biglang napaatras ulit ako at natawa. Wala pang lalaking nagtapat sa akin ng ganito kadiretso. Ang iba pa nga ay nauutal eh.
But this man? Wow, just wow.
"What's funny?" nakakunot-noo niyang tanong. Mas natawa pa ako.
"What's funny? Ikaw, ang ganda ng joke mo eh."
Nasobrahan naman yata ito sa sense of humor. Balak niya bang sirain ang sistema ko? Napahawak tuloy ako sa hawakan ng tulay dahil sa bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang aming paningin.
"I like you... a lot Miss Carleigh Quintos," pormal nitong saad. Napangiwi na lang ako.
Too serious. Too boring. I don't like him. Period.
"Thank you Mr. Hernandez but you're not my type." Gano'n na lang din kadiretso ang pagkakasambit ko niyon. Dati naman ng hindi kakakitaan ng emosyon ang kanyang mukha kaya hindi ko matukoy kung ano ang kanyang reaksyon sa sinabi ko.
"Bakit? Ano bang tipo mong lalaki?" Hindi ko naman inaasahang magtatanong pa ito, kung iba-iba pa ay nag walk-out na.
But this man? Wow, just wow.
"Ano bang pangarap mo sa buhay?" balik tanong ko pa.
"To be an architect." So ayaw niyang maging CEO ng company nila? Mabuti naman dahil kung magkataon ay mas lalo siyang magiging seryosong tao.
"Oh? Good for you but sorry, engineer kasi ang gusto ko eh," nakangiti ko pang saad. Totoong engineer ang gusto kong mapangasawa at totoo rin gusto kong ipamukha sa lalaking ito na hindi ko talaga siya gusto.
Titig na titig lang siya sa akin na para bang pinag-aaralan ang bawat pimples na nasa mukha ko. Just kidding. Clear skin naman ang mukha kong hindi naman kagandahan pero heto at may gwapong nilalang na nagkakagusto raw.
What should I do? What should I say? Whatever.
"I still like you," pagdidiinan niya. Nailing na lang ako sabay singhap.
"Look here, Mr. Hernandez. We're too different from each other. Hindi tayo bagay. Kung maging tayo man ay maghihiwalay lang din naman tayo. Hindi tayo magwo-work kasi ang layo talaga ng agwat mo sa akin. Mula Babuyan hanggang Tawi-tawi, ganern. So, ibang babae na lang ang gustuhin mo ha? Iyong makakasabay sa buhay na meron ka..."
"If you're not, then who? You're the one I like as what as I said."
Doon ko na nabakasan ng lungkot ang kanyang mga mata at tono. Bigla na naman lang kumalabog ang dibdib ko sa hindi ko nalalamang dahilan. Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang tibok ng aking puso.
"Gusto mo ako? Sige, sabihin natin gusto mo nga ako pero paano naman ako Zeiroh? Hindi... Kita gusto. Marami naman diyang iba eh. Iba na lang, huwag ako."
"But..."
"Please? Iba na lang. Don't force me to like you just because you like me. That's not right. Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo."
Pagkasabi ko niyon ay tinalikuran ko na siya. Merong bumubulong sa akin na lingonin ko siya pero hindi ko ginawa.
Walang patutunguhan kapag isang Hernandez ang minahal ko. Wala. Dahil langit siya, lupa lang ako.
I'm sorry Zeiroh.
...
Vote. Comment.
La Conchita Series 2Kahit Hindi Na Ako"Welcome to Masbate City, baby," bulong ko kanya. Ngumiti lang siya at inalalayan na akong makababa ng eroplano. "This place is quite nice, baby.""No, this place is amazing, baby."Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Naglakad na kami papalabas ng port. Siya na rin ang may dala ng bagahe namin.Mas nauna kasi kaming umuwi kaysa sa kina Lilah at buong angkan ng Hernandez. Bukas pa ang flight ng mga iyon papunta rito. Sa totoo lang din ay kinakabahan talaga ako. Hindi ko sinabi sa pamilya ko na kasama ko ang boyfriend ko."Tito Leandro!" tawag ko sa kapatid ni Papa na siyang sumundo sa amin. "Leigh! Aba'y ang ganda mo na lalo, ah? Sinong kasama mo?""Ahh, si Zeiroh Hernandez po Tito, boyfriend ko.""Hello po Tito Leandro. I'm Zeiroh, nice meeting you po." Pinakatitigan naman siya ng tiyuhin ko. Tila ba kinikilatis. Napakagat labi na lang ako."Ang gandang lalaki mo naman hijo tsaka mukhang mayaman din. Mukhang magkakaproblema ka sa kapatid k
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"Oh? Kanina ka pa?" nakangiti kong tanong kay Zeiroh na prenteng nakasandal sa kotse na nakaparke sa harap ng radio station. "Uhm... About 10 minutes. Let's go?""I have my own car. Where are you going, by the way?' "It's Alester and Lilah's engagement party, remember?" Napakamot naman ako sa noo. Nakalimutan ko pala. Tinawagan pa naman ako ng isang iyon kagabi. Buti na lang at ipinaalala niya."Oo nga pala. Pwedeng dumaan muna ako sa condo? Maaga pa naman eh. Just want to take a nap." Tumango naman siya at inakbayan ako. "Pasabay na lang ako, nakisakay lang din ako papunta rito kanina kay Enzou.""Eh kaninong kotse 'yan?" usisa ko sabay turo ng sinandalan niya. Nagkibit-balikat lang siya. "Ayaw mo akong pasabayin...""Ang drama mong kugtong ka, let's go."Naglakad na ako papuntang sasakyan ko at agad na sumampa sa driver seat. Walang imik na pumasok din siya."Bakit naka-hood ka? Hindi ka ba naiinitan?" puna ko pa."Hindi tsaka mukhang uulan nam
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotNakahinga ako ng maluwag nang makalapat ang likuran ko sa kama ng sarili kong kwarto. Sa wakas ay nasa unit ko na ulit ako. Dalawang araw din akong namalagi sa unit ni Zeiroh at kanina nga ay nagulat na lang ako nang kausapin niya ako na maayos na ulit itong unit ko.Bumangon na ako at pumasok sa shower room para maligo. Nagbihis at nag-ayos na rin naman agad dahil gusto ko pa munang dumaan sa La Conchita CS eh. Namiss ko ring tumambay doon.Tahimik na lumabas ako ng building. Siguro nga ay totoong hiwalay na talaga si Zeiroh at Marie dahil sa hindi ko naman na nakikita ang babae na napapadalaw dito. Napailing na lang ako at sumakay na ng kotse. Pinaharurot ko na iyon papuntang CS. Pagkarating ko ay agad akong pumanhik sa loob. "Uy, 'day! It's nice to see you here!" Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng matinis na boses iyon. Napakurap-kurap pa muna ako. "Vernitt? Is that you?" masiglang usal ko. Classmate at naging barkada ko rin ito
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"T-eka," angil ko sabay hinto sa paglalakad nong nasa harapan na kami ng main door nila.Sobrang ganda at laki ng bahay nila. Iyong mga halaman na nakikita ko ay halatang mamahalin at hindi pankaraniwang ang mga ito."Bakit?""Kinakabahan ako Zeiroh, bakit kasi pabigla-bigla ka naman? Tingnan mo nga't ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko," walang alinlangang kong saad.Bahagya naman siyang tumungo at inilapat sa dibdib ko ang kanyang isang tenga. Talagang pinakinggan niya nga ang kalabog aking puso."I can hear it, baby."Napaatras naman ako, muntik pa akong sumubsob sa halaman na nasa likuran ko, buti na lang at nahapit niya agad ang aking bewang papalapit sa kanya. "Relax, okay? Nandito naman ako eh. Ako ang bahala sayo, trust me, mababait naman ang parents ko," bulong niya pa sa akin at sakto namang pagbukas ng pinto. Bumungad ang nakataas-kilay at nakapamewang na agad na babae. Sa hula ko ay mas bata ito sa akin ng isa o dalawang taon. Maganda
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNotDahan-dahan akong lumabas ng kwarto habang bihis na bihis na. Napakagat ako sa labi nang makitang tulog pa rin si Zeiroh sa sofa. Marahan akong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Nakatulog kaya siya ng maayos? Napasinghap na lang ako. Kailangan kong makalabas dahil inaya ako ng mga kaibigan ko kagabi na magsimba. Baka kasi hindi ako payagan nito na lumabas kaya tatakasan ko na lang siya. Safe naman na siguro ako sa labas dahil naipakulong niya na iyong nagtangkang pumatay sa akin kasama na iyong dalawang adik sa bar.Akmang maglalakad na ako papuntang pinto ng bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko. Halos mapatalon pa ako dahil sa gulat. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapakuyom na lang."Good morning," bati niya pa sabay siring ng tingin sa suot ko. Bahagya na agad na nakakunot ang kanyang noo."Good morning.""Where are you going, huh? Ang aga pa," aniya sabay hikab. Napatitig tuloy ako sa kanya. Gwapo pa rin kahit na medyo magulo ang kanyang
Kahit Hindi Na Ako#KHNALovieNot"If you need something, sabihan mo lang ako Leigh."Masamang titig ang ibinigay ko sa mga paper bags na nasa harapan ko ngayon. Mga bagong biling damit at kung ano-ano na binili niya para sa akin. Mukhang wala man lang siyang balak na pauwiin ako sa sarili kong unit. Na-appreciate ko naman pero bakit kailangan ay bilihan niya pa ako ng mga gamit eh nasa harapan lang naman ang tinitirahan ko? Pwede ko namang kunin ang anumang gamit na kailangan ko."Don't worry, ang mga undergarment diyan ay si Jazh ang bumili, hindi ko rin 'yan tiningnan o hinawakan."Pakiramdam ko naman ay nanginit ang mukha ko. Napapikit ako dahil sa frustration na nararamdaman dahil sa sitwasyong ito."Sa kwarto ka na lang din matulog, dito na lang ako sa sala.""No, ako na lang ang dito, ikaw na lang sa kwarto mo," tanggi ko. Nakakahiya naman kasi, siya itong may-ari ng unit na ito pero mukhang siya pa ang kailangang mag-adjust."Doon ka nga sa kwarto ko.""Dito lang ako.""Leigh