Share

Chapter 17.17

" Ako ang girlfriend ni Kurt at future wife! Bakit? at sino ka nga? Bagong chimi a a ka ba dito? Hindi mo ako kilala?! " nanginginig ang buong kalamnan ko. Ito ba si Sally? Anung ginagawa niya dito? Hindi niya ba alam na may asawa ng tao si Kurt? At anung sabi niya? Girlfriend at future wife daw?

"Alam mo Ms. baka nagkakamali ka lang kasi ako ang asawa ni Kurt... I'm Jade Morgan." Kung hindi lang ito babae siguro nahampas ko na to ng hawak ko.

" What? Anung sabi mo? Asawa ka ni Kurt? Asan ba si Kurt? Isa ka ba sa mga parausan niya?" nag pupumilit itong pumasok at halos maitulak pa ako kaya tumaas ang dugo ko.

" Hoy Ms. kung ayaw mong magalusan ng hawak ko ang mukha mo mabuti pang lumayas ka sa harapan ko. Narinig mio!?"

Ipinalandakan ko sa kanya ang pangtabas ng ligaw na damo. Sabagay mukha siyang ligaw na damo. Hindi pa talaga siya nag patinag at nag sisisigaw.

" Kurt lumabas ka dyan. Alam kong andyan ka at pakana mo tong lahat. Hayop ka! hindi mo ko pwedeng palitan animal ka."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status