LOGINAleron POVUmingay bigla ang group chat namin nila Jason at Guison. Biglang nag-aya si Guison ng chill night sa kanila. Sino ba namang hindi papayag, kung makikita ko si Ralia doon. Hindi dapat ako puwede dahil may collaboration ako sa isang sikat na vlogger, pero pina-move ko na dahil gusto kong patulan ang aya ni Guison.“Ano, game ba kayo, Jason at Aleron? Bakit ayaw niyong mag-reply?” message ulit ni Guison sa group chat. Naka-hold kasi ako, kaya kahit hindi ko ma-seen ang message niya ay nababasa ko pa rin.Nakita kong nagta-typing na si Jason, kaya hinintay ko ang sagot niya.“Saglit lang kasi, may nagpapalinis ng ngipin, pero game ako, anong oras ba ‘yan?” reply ni Jason, kaya napangiti ako. Ibig sabihin lang ay tuloy na tuloy na ang night chill sa bahay nila Ralia.Doon na rin ako nag-reply. “Ako, wala naman akong masyadong gagawin, kaya puwede rin ako.”“Ayos, sige, maghahanda ako ng mga pulutan. Sagot ko na ang alak, ako naman ang nag-aya, e,” reply ni Guison.Nung kasado na
Ralia POVPawisan at halos pagod na pagod ko nung lumabas ako sa gym. Talagang sineryoso ko na ulit ang pagpapapawis dito at pagbabalik sa dati kong katawan, kahit pa sabihin nilang payat pa naman ako. Hindi kasi nila ako gets. Hindi ba nila alam na medyo nagkapisngi na ako at nagkabilbil, oo, hindi nga kalakihan, pero gusto ko pa ring ibalik ‘yung dati.Papunta na ako sa parking area para sumakay sa kotse nung mapansin kong may nakatayong lalaki sa may dulo. Nung tignan ko siya, bigla itong nagtago sa may poste. Kahit nasa malayo siya, alam ko na agad kung sino. Sa dami nang ginagawa niya ngayon, talagang nakuha pa niyang sundan ako.“Alam kong nandyan ka, nakita kita,” sabi ko. Mabuti na lang at walang tao sa parking area.Kaya nung magsalita ako, dahan-dahan siyang lumabas. Pero hindi siya lumapit. Parang naghihintay pang magsalita ako ulit.“Anong kailangan mo, Aleron?”“Puwede ba kitang lapitan?” tanong niya habang seryoso ang boses. Parang nahihiya pa siya.Tumingin ako sa palig
Aleron POVKahit pa paano, malilibang ako ngayong araw. Mabuti na lang at hindi na maga ang mga mata ko. Nasa studio ako ngayon para sa isang magazine photoshoot.Nagdatingan na ang ibang staff kaya binubuksan na ang mga ilaw. May nag-aayos na rin ng reflector. May stylist na naglalakad sa likod ko, hawak ang clipboard. Naghahalo-halo na rin ang amoy ng hairspray, kape. Halos lahat kasi ay may kani-kaniyang kape.Excited ako kasi Topless ang datingan ko. Underwear lang ang suot, kapag ganito ang photoshoot. Palagi kong tinatanggap ang ganitong trabaho, para palagi ko ring nababalandara sa publiko kung gaano kaganda ang katawan ko. Sa ganitong paraan, baka sakaling makuha ko ulit ang atensyon ni Ralia. Kahit alam kong nagpapaloko na naman siya sa kaibigan ko.Pagkatapos akong ayusan ng makeup artist ko, nag-start na rin kami. Puno na naman ng langis ang katawan ko.“Okay, Aleron,” sabi ng photographer. “Relax lang. Natural.”Tumango lang ako. Huminga ako nang malalim habang inaayos ng
Ralia POVGumagawa ako ng fruit shake nang mag-ring ang phone ko. Nasa lapag lang ito ng lamesa kaya agad kong nakita kung sino.Si Felicity.Hininto ko muna ang pagbe-blender at saka ko sinagot ang phone call niya sa akin.“Oh, Felicity, napatawag ka ata ng ganitong kaaga?” bungad ko sa kaniya.“Girl, nandito kami ni Borgie sa labas ng bahay mo. Pagbuksan mo kami, now na,” sagot niya, kaya nagulat ako.“Mga baliw na ‘to!”Agad akong lumabas ng pinto. Natawa na lang ako nang matanaw ko silang kumakaway sa labas ng gate. Binaba ko na rin ang linya ko.“Anong ginagawa ninyo rito?” tanong ko nung binuksan ko na ang gate.May dala-dala silang milktea at pizza. Napairap tuloy ako. “Chikahan tayo,” sagot ni Felicity.“Saka, oh, may dala kami, siguradong matutuwa ka rito,” sabi pa ni Borgie.“Hindi na ngayon. Diet ako at naggi-gym na,” sagot ko, habang papasok kami sa loob ng bahay. Si Borgie na ang nag-lock ng gate.“Ay, akala mo talaga mapapanindigan ang pagiging healthy,” kontra naman aga
Aleron POVAko ang kauna-unahang nasa gym. Kahit walang tulog, nagpunta pa rin ako para maglibang. Simula kagabi, wala akong maayos na tulog dahil kay Ralia. Hindi ko matanggap na ang aga naming natapos. Hindi ko inaasahang magkakaayos pa ulit sila ni Guison.Kalalaking tao ko, napaiyak ako kagabi ni Ralia. Nung sabihin niyang huwag na raw akong mangulit, tumaas ang balahibo ko at talagang nabiyak ang puso ko. Doon ko lalo napagtantong gustong-gusto ko siya. Na sobra akong nanghihinayang dahil ang aga niya akong inayawan.Tumingin ako sa salamin ng gym pagkatapos kong magbuhat ng barbell. Kung titignan, halata ang pamamaga ng mga mata ko. Halatang nag-iiyak ako kagabi. Sa ganitong edad pa talaga ako na-broken. Sa ganitong edad pa talaga ako nakaranas ng ganito. Iba ang epekto ni Ralia sa akin, sobra, para kaming dalaga’t binata.Nag-ring ang phone ko kaya dinampot ko ito. Tumatawag si Jason, kaya agad kong sinagot.“Oh?” bungad ko sa kaniya.“Nakita mo na?” tanong niya, kaya nagtaka a
Ralia POVPatulog na ako nung mag-ring ang phone ko. Mabuti na lang at naliligo si Guison, kaya nasagot ko agad. Lumabas ako sa kuwarto at pumunta sa sala.“Aleron, huwag ka munang mangulit, please. Nagiging okay na kami ni Guison. Pasensya na,” sagot ko agad sa kaniya.Narinig kong bumuntong-hininga siya. “Kaya pala hindi ka na nagpaparamdam at sumasagot. Nalungkot ako bigla.”Nakunsensya naman ako. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon. Eh, ganoon naman siguro talaga.“Sorry,” sabi ko na lang.“Okay lang, tanggap ko naman. Sige, hindi na ako mangungulit, pero kung kailangan mo ako, nandito pa rin ako,” sabi niya habang ramdam na ramdam ko ang pagkalungkot sa boses niya.Hindi na ako sumagot. Binaba ko na lang ang linya ko at baka kasi lumabas na sa banyo ang asawa ko.Excited akong mahiga. Kasi pakiramdam ko, may mangyayari sa amin ni Guison. Kanina nga, habang nasa banyo ako sa may kusina, nag-ugas akong mabuti at naglinis ng katawan, ‘yung kunyari ay wala akong ligo. Na para bang n







