Aleron POVCarbonara at graham?Napangiti ako sa hinanda niyang merienda. Ibig sabihin, kapag magkakasama kami nila Jason at Guison ay napapakinggan niya kami. Kasi, madalas kong banggitin iyon sa kanila.Ganito pala siya ka-sweet. Wait, sweet na ba kapag ganito, alam niya ‘yung mga gustong-gusto ko. Hindi naman siguro siya magtatanong sa mga kaibigan ko kasi mahuhuli nila kami.“Thank you, alam mo na agad ang mga favorite kong pagkain,” sabi ko sa kaniya nung maupo na ako sa hapagkainan.“Sandali, gusto mo ba ng juice o coffee?” alok niya.“Ano sa tingin mo ang gusto ko?” tanong ko naman sa kaniya. Nang sa ganoon, dumami na rin ang alam niya sa akin.“Kape, mas masarap siyang partner sa carbonara at graham,” sagot niya, kaya napangiti ako bigla.“I love you na, Ralia,” mabilis kong sabi, kaya napalingon siya bigla sa akin.“Ganiyan ka pala kabaliw,” sabi niya habang pinipilit na huwag matawa o kiligin, pero halata sa mukha na natuwa siya. Nag-uumpisa na ako, ganito naman dapat ang gi
Huling Na-update : 2025-12-02 Magbasa pa