MasukRalia POVAfter one year, sikat na sikat na sina Malfoy, Jason, Madison, Felicity at Borgie. Ang mga artista ng AR TV ay laman ng mga billboard sa edsa. Sa mga mall, puro mukha rin nila ang naka-display. Isang taon lang ang lumipas pero dagsa ang mga commercial nila. Ang dami agad nilang endorser. Kaya naman minsan, naiinis na ang viewers kapag sobrang haba ng palatastas. Sikat na sikat ang teleserye ni Malfoy. Tinutukan din ng mga tao ang series nila Felicity at Jason sa hapon. Hindi rin nagpatalo ang teleserye nila Borgie at ng leading lady niyang bagong female artist. Si Madison naman ay lalong hinangaan ng mga tao. Mas pasabog daw siya ngayong umarte kaysa noon.Basta, sobrang success agad nila kahit isang taon palang. Kaya naman naisip kong bigyan sila ng isang movie na magkakasama. ‘Yung makikita ng lahat ng fans nila na magsasama-sama sila sa iisang movie. Sigurado akong aabangan ito ng mga ito. At ang naisip kong mas pasabog ay mag-special participate pa kami ni Aleron sa dulo.
Aleron POVMaaga kaming umuwi ni Ralia at Alerion mula sa galaan sa Tagaytay. Hindi namin puwedeng palagpasin ang pagkakataon na ito. Naka-on na ang AR TV channel—may countdown sa screen.00:01:32Isang minuto at tatlumpu’t dalawang segundo bago magsimula ang pinakaunang teleserye ng network namin. Napangiti ako habang napapailing.Hindi ko pa rin minsan mapaniwalaan kung gaano kalayo ang narating naming dalawa.“Aleron! Wait lang!”Napalingon ako sa hallway, doon nakita si Ralia na tumakbo palabas ng kusina, halos madulas sa pagmamadali, hawak ang isang malaking bowl ng bagong lutong popcorn. Umaapaw pa iyon, at kita ko pa ang usok na bahagyang umaangat.“Hey, careful!” sabi ko habang tumatayo.“Start na kasi!” sagot niya, na halatang excited.Lumapit siya agad at halos ihagis sa akin ang popcorn bago umupo sa tabi ko.“Okay, okay… ready na!” sabi niya habang inaayos ang sarili sa sofa, parang batang manonood ng paboritong palabas.Napangiti ako. Ganito siya kapag sobrang invested.“
Ralia POVDalawang taon ang lumipas pagkakasal namin. Hindi ko namalayang ganoon kabilis lumipas ang panahon. Dalawang taon na rin si Alerion. At kagabi lang, may naisip akong pagkakaabalahan namin ni Aleron. Nung sabihin ko ito kay Aleron, hindi naman siya nagdalawang-isip na suportahan ako. Para sa kaniya, maganda raw ang naisip namin.Ngayon, nasa harap ko, nakalapag ang blueprint.Logo. Plans. Contracts.Lahat.“Welcome to AR TV,” bulong ko.Naisip ko na kung babalik ako sa industriya, hindi na lang bilang artista. Gusto ko nang ako na ang gagawa ng mundo ng mga bagong artistang magpapakilala sa mundo ng showbiz. Ako na ang magbibigay ng pagkakataon na iyon sa mga bagong artista na gustong sumikat at makilala sa ganitong industriya.Agad-agad, kinasa ko na. Mabuti na lang at napaka-suportive husband ni Aleron.“Good morning, everyone!”Nakatayo ako sa harap ng malaking training hall na isang world-class studio na ipinatayo ko para sa mga future artists ng AR TV.Nasa harap ko na a
Ralia POVHinintay ko lang ang pagbabalik-alindog ng katawan ko pagkapanganak ko kay Alerion. Sabi ko kay Aleron nun, huwag atat. Ayokong magsuot ng gown na malaki pa ang bilbil ko. Naghintay naman siya, pero ginawa ko rin ang lahat para mabalik ng mabilis ang pagiging sexy ko.Kaya pagkalipas ng halos limang buwan, five months na rin ni Alerion, ayon, kinasa na agad namin ni Aleron ang kasal.Hindi kami sa Pilipinas nagpakasal. Ang gusto namin ay sa Paris dahil ang ganda doon.Bandang alas kuwatro ng hapon, nasa loob na ako ng isang glass-walled bridal suite na tanaw ang isang pribadong garden kung saan gaganapin ang kasal namin.Ang paligid ay puno ng puting rosas, peonies, at soft blush na bulaklak. Sa gitna naman nito ay may aisle na gawa sa puting petals, at sa dulo nito ay may isang eleganteng arch na balot ng vines at fresh flowers.Intimate lang ang kasal, hindi na namin pinabongga pa dahil sawang-sawa na kami ni Aleron sa maraming tao na nakapaligid sa amin, lalo na nung arti
Ralia POVBandang alas tres ng madaling araw nang magising ako sa matinding kirot sa ibabang bahagi ng tiyan ko. Para akong hinahati sa dalawa. Napahawak ako agad sa kumot habang napapikit sa sakit.“Aleron,” sigaw ko agad sa kaniya.Sa isang iglap, nagising naman agad siya. “Ralia? What’s wrong?”Napahinga ako nang malalim bago sumagot. “I think oras na para lumabas si baby.”Nanlaki ang mga mata niya. “Oh my God… okay, okay, don’t panic, baby, I’m here.”Pero siya itong halatang mas kinakabahan kaysa sa akin.Ilang minuto lang, nasa loob na kami ng sasakyan papunta sa pinakamalaking hospital dito sa New York City. Hindi ko na maalala ang pangalan, ang alam ko lang, sobrang sakit na talaga. Pakiramdam ko ay parang nasa hukay ang isang paa ko. Dito pa talaga sa New york. Nandito kami kasi um-attend si Aleron at ang kambal niyang si Lalia ng same na event. Fashion show kung saan ay ginaganap ang pinaka-malaking fashion show ng mga sikat na international fashion model.Pagdating namin,
Ralia POVToday is island hopping day. Isa ito sa inaabangan naming magkakaibigan. Paglabas namin ng kuwarto, nadatnan na namin sina Jason, Borgie, Felicity, at Madison sa may dining area ng villa. Nakahain na ang breakfast, fresh fruits, toasted bread, scrambled eggs, at mango juice na naman. Marami kasing natirang mango kahapon kaya gumawa na naman siguro sila.“Uy, gising na ang mga VIP!” sigaw ni Borgie habang nagkakape.“Excited na ako!” halos tumalon si Felicity sa tuwa. “First time ko mag island hopping dito!”Napangiti ako sa energy niya. Umagang-umaga e, full charge agad.Tahimik lang si Madison habang umiinom ng juice, pero halata ko na nag-eenjoy din siya kahit papaano. Si Jason naman, nakatingin kay Felicity habang nagpapalaman ito ng peanut butter. Marami na rin ang nakakapansin na parang may pagtingin siya kay Felicity. At kung ako naman ang tatanungin, bagay naman silang dalawa.“Guys, bilis ang kain at gayak, maaya tayong aalis. Naka-set na ang lahat,” sabi ni Borgie
Ralia POVNakahinga na ako ng maluwag nung nakapasok na ulit kami ni Aleron sa sasakyan.“Wow!” sabi na lang niya bigla. Siya pa ang unang nagsalita. “Hindi ko ata nabilang kung ilang tao ang nagpa-picture sa akin. Never ko pang naranasan iyon sa pagiging sikat kong vlogger, ngayon palang.”Nginiti
Ralia POVHindi ako handa sa araw na ‘to.Pagmulat ko pa lang ng mata, nagulat ako kasi hindi pumasok sa work si Guison. Karaniwan, wala na siya roon bago pa ako magising. Lagi siyang maagang umaalis para pumasok sa trabaho, laging may hinahabol na hindi natapos na work sa office, at laging akala m
Aleron POVGalit na galit si Guison habang sinusuyod ang lahat ng parte ng condo ko. Lahat ay pinuntahan niya, kuwarto, banyo, closet room at pati mga kabinet at ilalim ng kama. Tahimik lang siya, hindi nagsasalita, pero malinaw na hinahanap niya talaga si Ralia.“Oh, ano, sasagot ka na ba sa akin?
Aleron POVIlang beses kong tinanong si Ralia kung tatanggalin ko ba ‘yung hindi kasali sa scene na kissing scene namin, pero siya ang nagpumilit na isama talaga.Excited na tuloy akong ma-upload ito. Grabe kasi ang inabot nung part one na ginawa naming short film, halos fifty million reads na ngay







