LOGINChusan POVTahimik na rito sa yate. Tanging tunog lamang ng alon ang maririnig sa paligid habang marahan nitong hinahampas ang gilid ng yate.Nasa gitna pa rin kami ng dagat. Malayo sa city. Malayo sa mga tao. Malayo sa magulong mundo. Sa unang tingin, parang perpekto ang gabing ito. Pero hindi para sa akin. Nakasandal ako sa railings ng yate while holding my wine glass. The air was cold. My vision was also starting to blur a little from drinking so much wine.But it wasn’t enough to knock me out. It wasn’t enough to let me sleep. Napalingon ako sa lounge area. Nakahandusay na roon sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl.Mga lasing na. May naghihilik pa nga.Napangiti ako. Mga mahihina talagang uminom. Ako na yata ang pinaka-malakas uminom sa amin. Humigop ako ng wine ulit. At doon ko napansin ang bago kong cellphone na nakapatong sa lamesa.I just bought a new one because my old phone, which held so many memories of Sylaila and me, was lost at Amontala.Tinitigan ko ang bago kong na
Sylaila POVTahimik na ang apartment nang gabing iyon. Nakauwi na kasi sina Lusing at Fabian matapos ang masayang hapunan namin.Masaya akong nakitang busog silang umalis.Lalo na si Fabian na halos hindi na makatayo sa dami ng nakain niyang tinola at pancit. Nag-uwi pa nga siya ng pancit para raw may almusal siya bukas. Hinayaan ko na lang at marami din kasing natira. Pati si Lusing ay nag-uwi na rin. Imbis na masira at masayang, mainam na ipauwi ko na lang din talaga sa kanila.Si Isla nasa sala. Nakahiga sa lumang sofa habang nanonood ng cartoon sa maliit naming telebisyon. Yes, binigay sa akin ni Lusing ‘yung lumang TV niya na hindi na nagagamit. Naisip niya kasing walang ibang pinaglilibangan si Isla kundi ang mag-color ng mga books niya. Binabayaran ko nga, kaya lang ay ayaw niya, gift na lang daw niya sa matalino at cute na si Isla. Tuwang-tuwa kasi siya palagi sa anak ko. Kung buntis lang siya, naku baka pinaglilihian na niya si Isla.Tinignan ko si Isla. Paminsan-minsan ay na
Sera POVKanina pa ako naghihintay. At kanina pa rin ako naiinis. Nakakita na ako ng matutuluyan ko rito sa Amontala, kaya bumalik ako rito sa lugar ni Nardo. Nakatayo ako sa harap ng kubo ni Nardo habang nakapamewang at masamang nakatingin sa malayo.Palubog na ang araw. Unti-unti nang nagiging kulay orange ang kalangitan. Oo, maggagabi na, pero ni anino ni Nardo, wala pa rin.Napasipa ako sa pinto ng kubo. Nakakairita. Hindi ko ugaling maghintay ng tao. Lalo na ng ganito katagal.At lalong-lalo na kung ang taong hinihintay ko ay si Nardo lang naman. Lintik siya, sino ba siya? Kanina ko pa rin siya tinatawagan. Paulit-ulit ko nang ginagawa, pero wala, hindi siya sumasagot. Hindi manlang nagre-reply. Ni hindi man lang nagte-text.Parang bigla na lang naglaho.Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Kung nandito lang siya ngayon, baka naibato ko na ito sa ulo niya.Ano ba ang ginagawa ng lalaking iyon? May balita na ba? Nakita na ba niya ang mga pinapahanap ko?May nabalitaan na ba siya
Chusan POVMinsan, kahit gaano ka kasikat, kahit gaano karami ang pera mo, at kahit gaano karaming tao ang nakapaligid sa iyo, may mga bagay pa ring hindi kayang punan ng lahat ng iyon.At iyon ang nararamdaman ko ngayon. Nakatayo ako sa gilid ng yate habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. Maalon ngayon pero dito ay tahimik.Mahina ang hangin na sumasalubong sa mukha ko habang nakasuksok ang isang kamay ko sa bulsa.Sa likuran ko ay naroon ang mga matalik kong kaibigan na sina Calder, Stellan, Zyric, at Arthyl.We all have free time right now, so we decided to take a break from the chaotic world of showbiz. Out here in the middle of the sea, there's no shooting, no interviews, no endorsements. No manager calling every five minutes.Right now, we just want to relax, catch up, and drink wine in the middle of the sea.Nakaupo sa komportableng lounge area habang nakatanaw sa malayong horizon.“Aaminin ko,” sabi ni Calder habang iniikot ang wine glass niya, “na-miss ko ang ganitong
Sylaila POVMula nang makita namin ni Isla si Nardo sa palengke, hindi na talaga nawala sa isip ko ang posibilidad na baka makita niya kami. Kaya naman ilang beses akong sumilip sa bintana ng apartment.Ilang beses kong siniguradong nakasara nang maayos ang pinto. At ilang beses ko ring pinagsabihan si Isla na huwag basta-basta lalabas mag-isa.Ayokong magkamali. Ayokong mabigyan ng pagkakataon si Nardo na malaman kung nasaan kami.Kaya nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mga pamilyar na boses nina Lusing at Fabian, agad akong napalingon.“Nandito na po kami, Ate Ila!”Napangiti ako. “Kumusta ang benta?”Hindi pa man nakakalapit si Lusing ay malaki na agad ang ngiti nito. At nang makita ko ang ekspresyon niya, alam kong may gusto siyang ikuwento.“Ay naku, Ate Ila!”Napakunot agad ang noo ko. “Bakit?”Napahawak siya sa bewang niya. Tapos ay tila proud na proud na ngumiti. “May nailigaw akong salot sa buhay ninyo ni Isla.”Agad akong natigilan dahil sa sinabi niya.“Anong ibig
Nardo POVPagod na pagod na ako. Mula umaga hanggang hapon, halos malibot ko na ang buong Colmenares Town pero wala pa rin akong nakikitang bakas nina Sylaila at Isla. Nakakainis at nakakabuwisit. Parang mga bula silang naglaho sa hangin.Napailing ako habang naglalakad sa gitna ng palengke. Mainit pa rin kahit papalubog na ang araw. Nanlalagkit ang likod ko sa pawis at mabigat na mabigat na ang mga paa ko.“Lintik, Sylaila at Isla, nasaan na ba kayo?” bulong ko.Kung hindi lang dahil sa utos ni Sera at dahil nandito siya, hindi ko gagawing mag-isa ito. Pero hindi puwede. Alam kong hindi biro ang mga banta niya kanina sa akin. Ang dami niyang pananakit na ginawa sa akin, kaya nakakatakot siyang magalit.Kapag sinabi niyang babarilin niya ako, kaya niya talagang gawin.Kaya kahit sawa na ako sa kakahanap, wala akong magawa kundi magpatuloy.Habang naglalakad ako sa loob ng palengke, bigla akong napahinto. May naamoy akong parang mabangong pagkain na lalong nagpakulo sa tiyan ko.Napali
Ilaria POVPAGLABAS NIYA NG BANYO, inalalayan ko ulit siya papunta sa kama niya. Jusko, paglabas niya, latang-lata lalo. Lasing na kasi, nagpakawala pa ng lakas. At hindi lang ‘yon, nakakaloka dahil wala pa rin siyang saplot paglabas. Literal na, nakita ko na talaga ang lahat-lahat sa kaniya. Para
Ilaria POVSimula nung mahuli ako ni Sir keilys na tinitignan ko ang underwear niya, aba, hindi na ito lumabas sa kuwarto niya. Hindi rin ito nag-uutos, tila natulog naman after makapag-gym.Kaya ang ginawa ko, namahinga rin muna sa kuwarto ko, tutunog naman ang cellphone o telepono kapag may utos
Sylas POVMas maaga akong nagising ngayon. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil may iniisip ako. Nagsimula ang araw ko sa tahimik na pagmamasid sa hardin habang hawak ang isang tasa ng kape.Kagabi, naisip ko ang nalugi nang Merritt wine company na kauna-unahan kong hinawakang company. Asawa ko pa s
Sylas POVSa lahat ng bagay na pinagdaanan ko, sa lahat ng trahedya’t karahasang nasaksihan ko sa mundo ng kapangyarihan at negosyo, hindi ko kailanman inakalang darating ang gabing ganito. Ang gabing napagkulo ulit sa dugo ko.Iyak nang iyak si Keilani, halos mawalan na ito ng boses sa kaiiyak. Hi







