LOGINHindi kailanman pinangarap ni Quia na maging ibang tao. Ang gusto lang niya ay kumita ng sapat na pera para sa kaniyang pamilya. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Jino Montecarlo, na humiling sa kaniyang magpanggap bilang si Jianna—ang nawawala nitong kapatid na eksaktong kamukha niya. Pumayag si Quia para sa kapakanan ng kaniyang pamilya. Ang kailangan lamang niyang gawin ay gampanan ang papel ni Jianna hanggang sa matagpuan ito. Ang problema? Kailangan din niyang harapin si Yvo Ramirez, ang lalaking iniwan ni Jianna sa altar. Galit si Yvo sa babaeng pinaniniwalaan niyang sumira sa kaniyang buhay. Determinado siyang iparanas kay Jianna ang sakit na dinanas niya. Ngunit habang patuloy na nagpapanggap si Quia, unti-unti namang nahuhulog ang dalawa sa isa’t isa. Sa unang pagkakataon, nakaranas si Quia ng pagmamahal na hindi niya kailanman inakalang matatanggap niya. Ngunit paano kung ang lalaking mahal niya ay hindi siya minamahal bilang Quia, kundi bilang anino ng babaeng kamukha niya? Nang matuklasan ni Yvo ang katotohanan, pinili ni Quia na lumayo. Lumipas ang mahigit dalawang taon bago sila muling nagkita—ngayon ay may anak na si Quia, si Hugo, na hindi maikakailang anak ni Yvo. Sa pagbabalik ni Yvo sa buhay nila, muling bumalik ang mga sugat, selos, at pagmamahalan na hindi nila tuluyang natakasan. Ngunit kasabay nito ang pagbabalik ng isang mas malaking panganib mula sa nakaraan ni Quia. Habang hinahanap nila ang taong responsable sa pananakit kay Hugo, isang lihim ang mabubunyag na tuluyang magbabago sa lahat ng kanilang pinaniniwalaan. Dahil ang pagkakahawig nina Quia at Jianna ay hindi pagkakataon. Magkambal sila. At sa huli, kailangang harapin ni Quia ang pinakamahalagang tanong: kung buong buhay siyang naging kapalit ng ibang tao, kaya ba niyang piliing maging siya mismo?
View More"What did you say?!" malakas na tanong ko bago tumayo. Nakuha ko tuloy ang atensiyon ng mga kausap ko tungkol sa kasal namin ni Quia. Huling meeting na ito dahil bukas na ang kasal. Kasal na plinano kong mabuti dahil gusto kong masurpresa si Quia. Kinausap ko lang ngayon ang mga taong inupahan ko para masigurong handa na ang lahat. Pero mukhang magkakaaberya pa yata. "Damn it!" malakas kong sigaw bago lumabas ng aking opisina. "Sir, is there something wrong? May mali ba sa preparation?" tanong sa akin ni Samantha. "Call Damon for me. Pakisabing nasa panganib ang buhay ni Quia!" Mariin kong sabi bago patakbong sumakay sa elevator. Hindi ko inaasahan ang ibabalita sa akin ng isa sa mga tauhang pinasunod ko kay Quia. Punong-puno ng galit ang puso ko ngayon. Nang
"Ma'am, Quia's here." Baritonong boses ang nagpagising sa akin. Masakit pa rin ang tiyan ko dahil sa pagkakasuntok sa akin roon.Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Isang lumang kuwarto ang kinaroroonan ko. Naaamoy ko sa buong paligid ang kalawang ng mga bakal na nasa loob ng kuwarto.Nasaan ako?"Ohh, you're awake." nakangising sabi ng isang babae."Sino ka? Anong ginawa ninyo sa akin?!" Malakas kong sigaw. Bigla akong nagtaka nang hindi nakatali ang mga kamay at paa ko. Kaya kunot ang noong tinitigan ko ang babaeng kaharap.Matamis itong ngumiti sa akin bago ako nilapitan. "I'm Samantha, Yvo's secretary." pakilala nito bago inilahad ang kamay.Biglang tumalim ang tingin ko. "Secretary ka ni Yvo? Anong ginawa mo sa akin? Bakit mo ako pinadukot?!"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang biglang tumawa ang babaeng kaharap. Hindi
"Where are you going?" tanong sa akin ni Yvo nang maabutan niya akong naglalagay ng concealer sa aking pisngi.Mabilis akong nagpakawala ng malalim na paghinga bago tinapos ang ginagawa. "I'm going to meet Damon. Marami akong itatanong sa kaniya.""Gusto mo bang samahan kita?"Napapangiting nilapitan ko si Yvo. Marahan kong ipinulupot ang mga braso ko sa kaniyang leeg. Nakapamewang na tumitig lang siya sa akin. "Walang magbabantay kay Hugo.""Pwede mo namang sabihin na ayaw mo akong kasama." Nakangising sabi sa akin ni Yvo bago pinitik ang noo ko.Hindi ko tuloy napigilan ang mapahagikhik. Hindi na ako nabigla nang mabilis na idinampi ni Yvo ang mga labi niya sa akin. "Basta mag-iingat ka. Panatag naman akong ligtas ka kay Damon, pero mag-iingat ka pa rin. Hindi pa nahuhuli ang anak ni Ocampo.""I will." Nakangiti kong sagot bago hinalikan si Yvo sa mga
Mariing pagpikit at mahabang paghinga ang ginawa ko. Mag-isa ako sa garden habang pilit na tinatanggap ang mga sinabi ni Mama Betty.Jia and I are twins. Kahit siguro hindi kami magpakuha ng DNA test ay mapapatunayang kambal kami. Dahil hindi pa ako nakakakita ng dalawang taong magkamukhang-magkamukha pero hindi magkamag-anak. Ibig sabihin rin ng mga nalaman namin ay hindi kapatid ni Jino si Jia."Sabi ng Mommy noon, kulang daw ako ng dalawang buwan noong ipinanganak ako. Noong una walang kaso sa akin iyon dahil may ilang tao na ganoon rin noong ipinanganak." Napalingon ako nang may biglang magsalita sa aking likuran. "Pero nang marinig ko ang mga sinabi ni Ate Betty, parang may kung anong nag-uudyok sa aking paniwalaan iyon.""Gusto mong maging magkapatid tayo?" napapangiti kong tanong bago umisod para makaupo si Jia sa tabi ko."Ayaw mo ba noon? Sa buong buhay ko, lagi kong pinagdarasal na sana may


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.