Keilys POVGabi na. Hawak ko pa ang tasa ng kape habang nakaupo sa veranda, pinagmamasdan ko kasi ang malayong kalsadang dinaraanan ng mga sasakyan paminsan-minsan. Pagod ako, oo, pero hindi ko magawang matulog agad. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mukha ni Ilaria—ang mga matang puno ng galit, ng lungkot, ng kung ano-anong emosyon na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako sanay sa ganoong awra niya.Nakita ko kasi siyang dumating kanina, tulalang pumasok ng villa. Parang hindi siya ang dating Ilaria na kilala ko. Mabagal siyang naglakad, na parang pagod na pagod sa buhay.Sa pinto pa lang, tinawag na siya ni Manang Lumen. “Ilaria, hija, kumain ka na muna. Huwag ka munang umakyat, may inihanda akong sinigang.”Kasunod noon, lumabas si Tatay Iggy, na kahit namatayan din ng asawa, nakangiti pero halatang pinipilit ang sariling maging ganoon para sa anak niyang alam niyang nati-trigger ngayon ang dati na nitong sakit. “Anak, sabay tayo kumain, ha? May niluto si Manang, masarap ‘yun.”Tahimik l
Ilaria POVSa park ng school kami huminto. Sa damuhan, naglatag na kumot si Rook, pagkatapos ay saka nilapag at hinanda ni Vandall ang box ng pizza, box ng chicken wings, box ng donut at mga milktea. May tubig din naman. Ang dami, at ayon sa kanila, utos ito ng bossing nila. Siyempre, walang iba kundi si Sir Keilys.“Ayos ka lang, Miss Ilaria?” tanong ni Nomad.Dahan-dahan akong tumango, pagkatapos ay saka ako lumingon ulit sa malaking cafeteria ng school namin. “Kung hindi tumawag si Sir Keilys, baka dumanak na ang dugo sa loob ng cafeteria,” pag-aamin ko sa kanila. Sa totoo lang, natakot ako kanina. Natakot ako bigla kasi ganoon ang iniisip ko. Basta, kakaiba, e. Para bang na-e-engganyo akong makakita ng taong madugo.“Anong ibig mong sabihin, Miss Ilaria?” tanong naman ni Vandall. Nahinto siya sa pagkagat sa pizza dahil sa sinabi ko.“Hindi ko alam. Habang mag-isa ako kanina, parang wala ako sa sarili ko. May mga ginawa ako na parang hindi ko matandaan. Basta, ang huling natatandaa
Ilaria POVIsang linggo na ang lumipas mula nang ilibing namin si Nanay Laria, pero para bang kahapon lang iyon. Naaamoy ko pa rin minsan sa hangin ang halimuyak ng bulaklak sa sementeryo, naaamoy ko pa rin ang kandilang unti-unting nauupos sa tabi ng larawan niya.Narito na ako sa White Cross College of Nursing. First day ng last sem ko. Graduating na ako. Dapat masaya ako, ‘di ba? Dapat puno ako ng inspirasyon at saya. Pero habang pinagmamasdan ko ang campus na ito, parang wala akong maramdaman kundi panlalamig. Basta, ang plain masayado ng lahat, na dati kapag nag-aaral ako ay araw-araw akong masaya.Bitbit ko ang bag ko habang naglalakad papunta sa building. Tahimik akong tumingin sa paligid—mga bagong mukha, mga dating kaklase, mga nagkukumahog sa paghanap ng room assignment. Lahat sila, parang may direksyon. Ako, parang wala. O baka meron, pero hindi gaya ng sa kanila. Ang direksyon ko ngayon ay hindi na lang diploma. Hindi na lang titulo. Dugo, gusto kong makakita ng mga taong
Keilys POV“Sabihin ninyo na po, Tatay Iggy. Sige po, makikinig at tutulungan ko po kayo.”Tumulo na ang luha sa mga mata niya kaya naisip ko agad na mukhang seryoso na ang inaalala niya. Lalo lang tuloy akong kinakabahan.“Nung elementary pa si Ilaria, nagkasakit siya. Hindi ‘yong pisikal na sakit, kundi… ‘yong sa pag-iisip.”Napatingin ako sa kaniya. Atat na atat akong marinig kung anong sakit iyon.“Pag-iisip po?” tanong ko.“Oo.” Tumango siya, habang pinipisil ang rosaryo sa kamay. “Ilang taon din naming itinago ‘yon sa mga kapitbahay. Nasa ospital pa nga siya noon, sa isang espesyal na ward. Akala namin, wala nang pag-asa. Ang sabi ng doktor… may mga sandali raw na nawawala siya sa sarili.”Tahimik lang ako, habang nakikinig pero ‘yung kabog ng dibdib ko, sobrang lala na dahil sa paunti-unting pag-amin niya. Ramdam ko kasi ang panginginig sa boses niya.“Pag nagagalit siya,” patuloy ni Tatay Iggy, “hindi siya umiiyak gaya ng ibang bata. Hindi rin siya nagsisigaw. Pero bigla na la
Keilys POVTahimik na ulit ang buong kapilya kung saan nakaburol pa rin si Nanay Laria ngayong gabi.Si Ilaria, aba, maagang nagpahinga. Sa unang pagkakataon, tulog siya nang maaga.Sabi kanina ni Manang Lumen, parang iniinda nito ang sakit ng ulo. Binigyan naman daw niya ng gamot, pagkatapos ay saka na pumasok sa kuwarto at natulog.Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa gilid ng lumang bangko sa labas ng kapilya, habang pinagmamasdan ang ilaw ng mga kandilang nakahanay sa gilid ng kabaong ni Nana Laria.Kasama ko ang ang helltrace—sina Vandall, Rook, Nomad, at Jink.Pinakiusapan ko silang magpuyat ngayong gabi, hindi lang para tumulong, kundi para may makasama si Tatay Iggy. Hindi kasi ako mapalagay kung siya lang mag-isa. Baka may gawin na naman ang gagong si Lorcan.“Boss,” bulong ni Vandall habang nagbubuhos ng kape sa styro cup. “May napansin po ako kanina kay Miss Ilaria.”Agad nakuha ni Vandall ang atensyon ko. Basta tungkol kay Ilaria, may pake ka agad ako. “Bakit, anong napansin mo
Keilys POV“Sir, what if, i-train namin si Miss Ilaria?” suggest bigla ni Vandall.Napatingin ako sa kaniya bigla. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko tuloy.“Mukhang mapagti-trip-an na siya palagi nung Lorcan na iyon. Mainam po na may alam manlang siya sa self defense. Mas mainam din kung marunong siyang lumaban na. Para mapaghandaan niya ang mga laro sa buhay nung Lorcan Trey na iyon,” sagot niya, kaya napaisip ako.“So, mauuna pa si Ilaria sa pagte-train kaysa akin?” tanong ko, kaya napangiwi silang apat.“Siyempre, Bossing, sabay na kayo. Suggest lang naman po ito. Kasi, kawawa si Ilaria kapag napag-trip-an lang ito nang mapag-trip-an ni Lorcan.”“Sasabihan ko kayo kapag nakausap ko siya. Pero kung anuman ang maging desisyon niya, igalang natin. Kung hindi siya papayag, ako na lang ang magte-training. Gusto ko na ring paghandaan ang lintik na Lorcan na ‘yan. Nangako na rin ako kay Ilaria na tutulungan ko siya, kaya tutuparin ko iyon. Kaming dalawa ang magtutulong para mabura siya