LOGINSylaila POVAlas tres pa lang ng madaling-araw ay gising na ako. Madilim pa ang paligid at halos alon ng dagat palang ang maririnig.Kahit inaantok pa ako, mabilis akong bumangon. Alam kong marami kaming kailangang gawin ni Lusing ngayong araw. Ilang araw pa lamang kaming nagsisimula sa negosyo namin, kaya gusto naming siguraduhing maayos ang lahat ng ihahain namin sa mga customer.Sakto, kumakatok na sa apartment ko si Lusing kaya mukhang gising na rin siya.“Good morning, Ate Ila,” bati niya.Ngumiti ako. “Good morning, Lusing. Oras na ulit para mag-work,” sagot ko.Nakasuot na siya ng apron at nakatali na rin ang buhok niya.Nandito sa apartment ko ang mga aasikasuhin. Nakahilera na sa lamesa ang mga sangkap na gagamitin namin. May mga manok, liempo, tenga ng baboy, hotdog, at mga karne para sa barbecue.Nakakatuwang tingnan dahil parang unti-unti nang nagiging totoo ang pangarap naming negosyo.Kahapon lang kasi ay naisipan naming magdagdag ng ibang iihawin o menu para marami-rami
Sylaila POVMarami ang nagsabing mahirap magsimula ng negosyo, lalo na kung kapos sa puhunan at walang kasiguraduhan kung kikita ba ito o hindi. Pero para sa akin, mas mahirap ang manatili sa isang sitwasyong alam mong hindi ka na masaya at wala nang pag-asang umunlad.Simula nung matikman ko ang recipe ni Lusing, hindi na nawala sa isip ko ang business na iyon.Isang gabi, habang nakaupo kami sa labas ng apartment at nagkakape, napag-usapan namin ang tungkol sa kanyang espesyal na recipe ng barbecue at inihaw na manok. Hindi ko rin makalimutan talaga at napakasarap kasi.“Lusing,” sabi ko sa kanya, “sayang naman ang talento mo sa mga recipe ng sauce mo. Bakit hindi tayo magnegosyo?”Napatingin siya sa akin at bahagyang natawa.“Negosyo? Naku, Ate Ila, saan naman tayo kukuha ng puhunan?” tanong niya.“May kaunti naman akong naipon. Tapos ikaw, may recipe ka. Puwede nating pagsamahin ang kakayahan natin.”Napaisip siya nang ilang sandali. Nakita kong parang may pag-aalinlangan pa rin s
Sera POV“Lintik ka, si Sylaila pa pala ang nakapulot ng cellphone ni Chusan! Hindi ko na siya ma-contact, hindi ko na rin ma-detect kung nasaan ang location niya, hindi niya ako nasagot kasi mukhang na-lowbat ang phone. Hanapin mo siya, Nardo, kundi, patay ka talaga sa akin!” sigaw ko sa kaniya.“Yes po, ma’am, hahanapin ko siya agad,” mabilis na sagot ni Nardo. Halatang takot na takot.Binabaan ko siya agad ng linya sa sobrang inis ko.Sa dinami-rami naman kasi ng taong makakapulot ng cellphone ni Chusan, si Sylaila pa talaga na pinatapon ko sa dulo ng Pilipinas. Biruin mo iyon, pinaghiwalay ko na nga sila pero ang lintik na tadhana ang kakampi nilang dalawa. Napakalakas ni Ila sa tadhana na ‘yan.Pero anong laban ng tadhana kapag ako mismo ang kalaban. Hindi ko hahayaang manalo ang tadhana nila. Haharang ako sa abot ng aking makakaya.Nakakabuwisit lang din talaga kasi, kasalanan ito ng morning show na iyon. Bakit kasi sa dinami-rami ng probinsya, doon pa talaga nila dinala si Chus
Sylaila POVPagkaluto ng ulam namin, sabay-sabay na kaming kumain.“Ang bango at mukhang masarap!” masayang wika ni Lusing.“Ano ba ‘yan! Bakit wala pong gulay?” tanong naman ni Isla.“Okay lang ‘yan, baby. May prutas naman,” sagot naman sa kaniya ni Lusing.“Oo nga, anak. Minsan, mag-enjoy ka rin sa manok at baboy. Hindi naman masama. Saka, kailangan din nating kumain ng ganiyan,” paliwanag ko kay isla. Kapag ganiyang pinapaliwanagan siya, sumusunod at nakikinig naman.“Okay po, nay,” sagot ni Isla at saka na niya pinakitang kumain ng manok at pork barbecue.“Very good, anak,” puri ko sa kaniya.Napansin kong walang baso, naiwan ata sa aparment. “Sandali, balikan ko lang ang baso sa aparment, nakalimutan ko doon sa may lababo,” paalam ko sa kanila.“Ate Ila, bilisan mo, hindi po masarap kumain ng pagkain kapag malamig na,” sabi naman ni Lusing.“Sige, mabilis lang ito.” Kinuha ko ang towel at saka sinuklob sa ulo ko. Mainit na kasi ang sikat ng araw. Binilisan ko na lang din ang laka
Sylaila POVMaagang kaming gumising ni Lusing. Tinulungan niya akong magbabad ng karne ng baboy na ima-marinate namin para maihaw mamaya sa tabing-dagat. Mabuti na lang at may ref sila. Nakilagak muna ako para hindi masira ang mga karneng binili ko kahapon sa palengke.“Tapos na ako rito sa chicken, iihaw na lang, Ate Ila,” sabi ni Lusing habang nakalagay sa malaking supot ang manok na binili niya kanina sa palengke.Isang buong manok at softdrinks kasi ang sagot niya.Si Isla naman ay abala sa hipan sa timbulan niya. Halatang kanina pa excited maligo sa dagat.Habang nagtutusok na kami sa stick ng pork barbecue, nagkaroon na ako ng time para makapagtanong kay Lusing. “Paano nga pala bumili ng ticket papunta sa Manila City?” tanong ko sa kaniya.“Madali lang po, may online book, puwede ko po kayong tulungan kung gusto ninyo, may malapit na computer shop dito, doon tayo mag-book,” sabi niya. Ang bait-bait talaga ni Lusing.“Eh, ano bang kailangan para makabili ng ticket pala?” tanong k
Chusan POVPumunta ako sa bahay nila Kuya Keilys dahil birthday ngayon ng anak nilang si Kylaria. Even though Sylaila is no longer here, I’m still close to them because Mama Keilani and Papa Sylas treat me like their own child.Nung una, oo, masama ang loob nila sa akin dahil parang napabayaan ko si Sylaila. Pero nung tumagal-tagal, napagtanto nilang wala rin naman akong kasalanan.Gamit ang luxury car ko, mag-isa akong pumunta sa Yay Town. Pero bago ako tumuloy dito, dumaan ako sa bilihan ng luxury shoes. Sapatos ang gusto kong ibigay kay Kylaria kasi halos dalaga na siya ngayon. Special request din kasi ni Kylaria na pumunta ako dahil marami sa mga kaibigan niya ay idol ako at gusto akong ma-meet sa personal.Kaya kahit may shoot dapat ako ng isang sikat na brand, kinancel ko muna para maka-attend sa birthday.Pinag-awayan pa namin ni Sera iyon. Sayang daw kasi. Hindi naman daw importante ang birthday ni Kylaria. Patay na raw si Sylaila, kaya bakit nagdididikit pa raw ako sa pamilya
Ilaria POVNakahawak si Tatay sa kamay ko. Masaya pa siyang nakatingin sa bintana, panay ang ngiti at hirit. “Anak, ano’t tila ibang daan itong tinatahak natin? May dadaanan pa ba tayo?”Humigpit ang kapit ko sa kamay niya. Hindi ko masabi, hindi ko mailabas ang totoo. Parang lahat ng salitang nag-
Ilaria POVHalos ilang minutong kinakain ni Sir Keilys ang pagkababaë ko. Tila ba wala nang natira sa lasa nito. Lahat ng kung anong lasang mayroon ako bago pumasok dito sa kuwarto niya ay nawala na dahil kinain na nito. Himod na himod at halos napapatulala na lang ako habang hinahayaan siya sa pag
Ilaria POVNung ala una ng hapon, naligo at gumayak ako. Bawal daw sanang lumabas, pero gusto kong dalawin ang Tatay ko. Buhay pa ang Tatay ko, kaya alam kong kailangan niya rin ako.Isang araw na akong umiiwas, hindi dahil ayaw ko siyang makita, kundi dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin an
Ilaria POVBumalik si Sir Keilys sa harapan, may bitbit na siyang maliit na videoke. Doon na nag-umpisang umingay ang gabi. Mabuti na lang at malayo sa mga katabing bahay itong villa.Ang gaganda pala ng boses ng helltrace, lalo na si Vandall. Si Toph, kumanta rin, pero tila hindi para sa kaniya an







