Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 3 (Chapter 255)

Share

Season 3 (Chapter 255)

last update Last Updated: 2026-01-21 16:30:32

Keilys POV

Bumalik ako sa pool area na masaya na medyo kabado rin. Siyempre, kinabahan ako sa nangyari sa babaeng mahal ko. Naisip ko, paano kung nabagok ang ulo niya at hindi na magising. Natutuwa naman ako dahil naisiip kong—baka buntis na nga siya. Sana nga, kasi handa na rin naman na akong maging ama sa magiging anak namin. Kung saka-sakaling buntis nga siya, sana ay dalawa na ang anak namin ngayon kung hindi lang nawala ang first baby namin.

Pagbalik ko, nandoon pa rin sina Toph, Ryle, at Jake. Buhay pa ang mga ito. May mga bote pa ng alak sa lamesa, may yelo sa timba, at nagtatawanan na parang walang iniintinding mundo. Kasama na rin dito ang helltrace dahil inaya namin kanina.

Pero nang makita nila akong paparating, sabay-sabay silang tumahimik.

“Oy,” bungad ni Jake, na agad tumayo. “Ano na? Kumusta na si Ilaria?”

Sumunod si Ryle. “Bro, okay na ba siya?”

Si Toph naman, tahimik lang, pero kita sa mata niya ang pag-aalala. Diretso ang tingin niya sa akin, naghihintay lang din ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Red Celestial
Thank you author
goodnovel comment avatar
ann
nice.. more please...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 258)

    Ilaria POVNasa labas na ang lahat ng boys, parang mga batang sigawan nang sigawan sa swimming pool area. Nakatanaw lang ako sa bintana, bawal makisali at baka kung mapaano pa ako.Masaya akong makita silang gano’n. Lalo na si Keilys. Bihira siyang maging ganap na carefree, kaya hinahayaan ko lang siya. Mabuti na lang at nandito ang mga kaibigan ko, kaya may makaka-bonding ako kahit na may ibang kasiyahan sa labas.“Guys, cinema room tayo,” sabi ko nung lapitan ko na ulit sina Golda, Charitie, at Jopay. “Masakit na sa tenga ‘yung sigawan nila. Doon tayo sa tahimik.”“Totoo,” natatawang sagot ni Golda. “Akala mo may gera sa pool.”“Sige na,” sabat ni Jopay. “Excited na akong makita ang sinehan dito sa villa ninyo.”Sabay-sabay kaming tumawa habang naglalakad papunta sa cinema room ng villa. Tahimik doon, malamig na rin ang aircon dahil binuksan ko na kanina bago ko pa sila ayain. May malaking screen sa harap, at naka-ready na ang movie.“Wow! Totoo nga, may sinehan dito sa bahay ninyo!

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 257)

    Keilys POVExcited akong makauwi sa villa. Pakiramdam ko, napaka-angas ko dahil magiging daddy na ako. Excited akong ipaalam sa lahat na magiging daddy na ako at magiging mommy na si Ilaria. Mabuti na lang at nandito ang mga kaibigan ko. On the spot kong maipagmamalaking nabuntis ko na si Ilaria.Pagpasok pa lang namin sa villa, ramdam ko na agad ang presensya ng lahat. May mga yabag ng paa, may mahinang usapan, at may amoy ng kape na halatang galing sa kusina. Halata ding kakagising lang ng karamihan, lalo na sina Toph, Ryle, at Jake na halatang puyat pa dahil sa kalasingan kagabi. Nasa kusina rin si Manang Lumen, habang ang Helltrace ay nagkalat sa sala, may nakahigang dalawa sa sofa at isa pang nakasandal sa dingding.Si Ilaria, naghanap agad ng upuan. Nakaupo siya agad sa sofa nang makapasok kami. Huminga ako nang malalim.“Makinig kayo,” malakas kong sabi.Tumigil ang lahat.Literal na napatingin sila sa amin.Si Jake na may hawak pang tasa ng kape, napatigil sa pag-inom. Si Ryle

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 256)

    Ilaria POVNagising ulit ako ng alas otso ng umaga. Maganda na ang pakiramdam ko, wala na ‘yung pakiramdam na hilo. Wala na rin akong nararamdaman na pagsusuka. Sinubukan kong bumangon nang dahan-dahan, wala, okay na talaga ako.Nasa tabi ko si Keilys. Nagising din siya kaninang madaling-araw nang dahil sa pagsusuka ko. Pagkatapos kong uminom ng tubig kanina, hinehele pa niya ako ng parang baby, gumaan lang ang loob ko. Actually, nakatulong ‘yun para makatulog ako ulit. Kailangan ko kasing itulog dahil iba ang panlalata ko nung madaling-araw na iyon. Hinaplos ko ang buhok ni Keilys. Parang kahit tulog siya, naka-alert pa rin ang katawan niya sa bawat kilos ko. Umangat ang talukap ng mga mata niya at agad siyang umupo, nakakunot pa ang noo.“Okay ka lang ba?” agad niyang tanong, habang paos pa ang boses. Kawawa, mukhang puyat pa siya nang dahil sa akin.Tumango ako at ngumiti nang kaunti. “Oo. Kaya ko nang bumangon ng walang hilo.”Hindi pa rin siya kumbinsido. Bumangon siya at inalala

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 255)

    Keilys POVBumalik ako sa pool area na masaya na medyo kabado rin. Siyempre, kinabahan ako sa nangyari sa babaeng mahal ko. Naisip ko, paano kung nabagok ang ulo niya at hindi na magising. Natutuwa naman ako dahil naisiip kong—baka buntis na nga siya. Sana nga, kasi handa na rin naman na akong maging ama sa magiging anak namin. Kung saka-sakaling buntis nga siya, sana ay dalawa na ang anak namin ngayon kung hindi lang nawala ang first baby namin.Pagbalik ko, nandoon pa rin sina Toph, Ryle, at Jake. Buhay pa ang mga ito. May mga bote pa ng alak sa lamesa, may yelo sa timba, at nagtatawanan na parang walang iniintinding mundo. Kasama na rin dito ang helltrace dahil inaya namin kanina.Pero nang makita nila akong paparating, sabay-sabay silang tumahimik.“Oy,” bungad ni Jake, na agad tumayo. “Ano na? Kumusta na si Ilaria?”Sumunod si Ryle. “Bro, okay na ba siya?”Si Toph naman, tahimik lang, pero kita sa mata niya ang pag-aalala. Diretso ang tingin niya sa akin, naghihintay lang din ng

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 254)

    Ilaria POVMay malamig na dumampi sa pisngi ko. Hindi ko agad mawari kung ano ba iyon. Basta, parang amoy gamot. O amoy alcohol ata. May mahinang ugong ng electric fan at isang ilaw na tumatama kahit nakapikit pa ang mga mata ko. Parang nanghihina ako, ramdam ko ‘yun kahit nakapikit pa ako.“Il… Ilaria?”Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Nanginginig pa ata ang tono na iyon na halatang may halong takot. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at ang unang bumungad sa akin ay ang kisame ng clinic ng villa, kilala ko na ito dahil madalas akong nandito noon pa man.Napapikit ulit ako sandali bago muling nag-adjust.At doon ko nakita ang nag-aalalang si Keilys.Nakatabi siya sa kama, nakaupo sa maliit na upuan, hawak ang kamay ko nang mahigpit na para bang kapag binitiwan niya ako ay mawawala ulit ako. Gusot-gusot ang buhok niya, mukhang kanina pa siya stress sa lagay ko. Lasing pa naman siya dahil nag-iinom sila ng mga kaibigan niya. Ang huling natatandaan ko ay magdadala na ako

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Chapter 253)

    Ilaria POVSumisingaw ang amoy ng calamansi at sibuyas sa buong kusina. Pinunasan ko ang pawis sa noo habang patuloy na hinihiwa ang pulang sibuyas, medyo nangingilid ang luha ko hindi lang dahil sa tapang nito, kundi dahil sa init na rin ng kalan. Nakabukas ang exhaust fan pero parang kulang pa rin. May kumukulong mantika sa kawali, hinihintay na lang ang huling halo ng pork sisig na paboritong pulutan nina Keilys at ng mga kaibigan niya.“Konti na lang,” bulong ko sa sarili ko habang hinahalo ang tinadtad na baboy, atay, sili, at toyo. Dinagdagan ko ng kaunting mayonnaise, saka tinikman. Sakto na, masarap na ito para sa akin.Ngumiti ako. Kahit pagod, masarap sa pakiramdam na may inihahanda akong ganito. Matagal na rin nung huling malutuan ko sila ng ganito. Ang natatandaan ko, dakilang alalay pa ako noon ni Keilys. Personal nurse ako, pero napaluto ako noon ng puluntan nila. Ngayon, iba na, syota ko na ang bundol na si Keilys.Habang abala ako, biglang umilaw ang phone ko sa gilid

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status