Beranda / Romance / Kakaibang Tikim / Season 3 (Kabanata 21)

Share

Season 3 (Kabanata 21)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-08 19:48:55

Ilaria POV

Bitbit ko ang tray ng almusal ni Sir Keilys—dalawang pinakuluang itlog, mainit na kape na walang asukal, at isang basong malamig na tubig, habang naglalakad ako papunta sa likod ng villa kung saan naroon ang sinasabi niyang home gym niya. Kanina ko lang nalaman na may gym pala rito. Ang akala ko, puro halaman lang sa likod ng greenhouse. Pero totoo nga, may maliit na building na may salamin ang harapan at halatang bago ang gawa.

Medyo kinakabahan ako habang papalapit. Siguro ay dahil
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 14)

    Iliana POVNakaupo ako sa sofa sa living room habang hawak ang cellphone ko. Katatapos lang ng exercise ko kanina kasama ang Helltrace at Bloodtrace, pero kahit pagod na ang katawan ko ay hindi pa rin mapakali ang isip ko.Paulit-ulit na naman sa utak ko si Mama Davina.Nasaan na kaya siya ngayon? Kumain na kaya siya? Okay lang kaya siya?Minsan iniisip ko, baka takot na takot na siya. Baka hinihintay niya ako. Baka umaasa siyang darating ako para iligtas siya.Patayo na ako para umakyat sa kuwarto ko nang tumunog ang cellphone o. Napatingin ako sa cellphone. May bagong message na dumating.Napakunot ang noo ko. Unknown number ang nakita ko sa screen.Pero nang buksan ko ang message ay anlaki ang mata ko.Nag-message sa akin ang pekeng Lola Daryl.Nanigas ang katawan ko. Ito talaga ang hinihintay ko nitong mga nagdaang araw. Sa wakas ay nagparamdam na ulit sila.Hindi na ako nagpatumpik-tumpik na basahin ang message.“Iliana, sumuko ka na. Wala kang mapapala kung ipaglalaban mo pa ang

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 13)

    Iliana POVPagdating namin ni Vandall sa mansion ay halos hindi ko na maitago ang excitement ko.Hawak-hawak ko pa rin ang espada na nakabalot sa tela. Kahit mabigat ito ay hindi ko ito pinabuhat kay Vandall. Gusto ko ako mismo ang may hawak.Pakiramdam ko kasi ay parang espesyal ito. Parang may kakaibang koneksyon na agad ako sa espada.Habang naglalakad kami papasok sa malaking pintuan ng mansion ay hindi ko maiwasang ngumiti.“Miss Iliana,” sabi ni Vandall habang nakatingin sa hawak ko. “Sigurado ka talagang gusto mong gumamit ng espada?”Tumingin ako sa kanya. Kanina pa kami magkasama sa labas pero ngayon lang talaga siya nagtanong.“Oo, Vandall.”“Hindi ito biro,” sabi niya agad. Alam ko naman iyon pero alam ko rin na napagsasanayan naman ang lahat ng bagay. Lalo na ang paggamit ng espada.“Alam ko.” Nginitian ko siya para ipakitang seryoso ako. “Pero gusto ko pa rin talaga.”Hindi na siya nagsalita pa. Tumango na lang siya.Pagpasok namin sa loob ng mansion ay napansin kong tahi

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 12)

    Iliana POVAnong oras na, pero hindi pa rin ako makatulog. Tumingin ako sa wall clock ko dito sa kuwarto ko, halos mag-a-alas onse na ng gabi.Panira kasi ang tinimplang kape ni Kuki kanina. Nakatambay ako nung alas sais sa terrace ng mansion nung lumapit siya. Aba, nagulat na lang ako dahil may dala-dala na siyang kapeng mainit. Dalawa iyon, isa sa akin at isa sa kaniya. Ininom ko at nasarapan ako. Uwi raw niya kasi galing sa China. Pero, putek na ‘yan, heto ang epekto, hindi ako makatulog. Hinding-hindi na ako titikim ng kape niya. Daig ko pa nakapag-adik, gising na gising pa ang diwa ko hanggang ngayon.Napaupo ako sa kama at kinuha ang remote ng TV sa side table.“Manood na lang kaya ako,” bulong ko sa sarili ko.Baka sakaling antukin ako. Binuksan ko ang TV at nagsimulang mag-scroll sa mga movie channels.Romance. Drama. Comedy.Pero hindi ko alam kung bakit, hindi ako interesado sa mga iyon ngayon.Hanggang sa may napili akong isang pelikula. Action movie.Nagsisimula pa lang ka

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 11)

    Iliana POVOras na para kumilos. Tama na ang pagkakaroon ko ng distract kay Kuki. Dapat ko nang sundin ang sinabi ng doctor ko kagabi.Ang dami kong kailangang gawin. Uminom ng vitamins. Kumain ng mga pampalakas lalo at mag-exercises.Pagbangon ko sa kama ay agad kong kinuha ang maliit na tray sa lamesa kung saan ko inayos kagabi ang lahat ng vitamins at supplements.Tinitigan ko ang mga bote. Vitamin B complex, vitamin C at magnesium.At ilang protein supplements na ibinigay ng doktor.“Okay,” bulong ko sa sarili ko. “Simulan na.”Isa-isa kong ininom ang mga iyon kasama ng isang basong tubig.Habang ginagawa ko iyon ay naaalala ko ang sinabi ni Doc kagabi. Kailangan mong ihanda ang katawan mo. Kung mahina ang katawan mo, hindi mo kakayanin ang training.Napahinga ako nang malalim. Para kay Mama Davina, laban, sisipagin ko ang mga dapat gawin.Pagkatapos kong magbihis ng workout clothes na isang simpleng sports bra at training leggings ay lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa tra

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 10)

    Kuki POVAlam ko na sinusundan ako ni Iliana. Sa totoo lang, ilang minuto pa lang mula nang pumasok ako sa mall ay ramdam ko na agad. Isa iyon sa mga bagay na hindi mo na maaalis sa katawan kapag matagal kang nabuhay bilang assassin. At iyo ay ang pakiramdam kapag may taong nakatingin sa’yo o sumusunod sa mga galaw mo.Una ko siyang napansin sa reflection ng salamin sa isang clothing store. Nasa likod siya. Kunwari tumitingin ng damit.Pero halatang nakasilip sa akin. Pagkakita ko palang sa kaniya ay natatawa na agad ako. Pero hinayaan ko siyang mag-enjoy sa pagsunod sa akin. Nagkunwari akong walang alam.Pumasok ako sa ilang store, nagtingin ng mga shirt, pantalon, at sapatos. Kahit saan ako pumunta, nandun din siya at palihim na nakasilip.Kung hindi lang ako sanay, baka hindi ko mapansin.Sumunod siya at tinignan siguro kung totoo ang paalam ko sa kaniya kanina. Iyon agad ang naisip ko.Kaya nang makarating kami sa parking area, doon ko na siya hinuli.“Lumabas ka na.”Halos marini

  • Kakaibang Tikim   Season 5 (Chapter 9)

    Iliana POVBandang gabi na nang dumating ang doktor na tinawagan ko kanina. Eksaktong alas-sais ng gabi nang ipaalam ng guard sa intercom na nasa gate na siya. Pinapasok ko agad siya sa loob ng mansion. Hindi naman ako nagkamali sa pinili kong tawagan dahil ilang beses na rin siyang naging consultant ng mga atleta at ilang kilalang personalidad na kailangang ihanda ang katawan para sa matinding physical training. Aba, palagi kaya siyang trending sa social media, kaya na-save ko talaga noon ang phone number niya.Pagpasok niya sa living room ay may dala siyang malaking black bag.“Good evening, Miss Iliana,” bati niya.“Good evening, Doc,” sagot ko.Pinaupo ko siya sa sofa at agad niyang inilapag ang bag sa lamesa. Binuksan niya iyon at isa-isang inilabas ang kung anu-anong bote ng vitamins, supplements, at ilang papel.Napakurap ako.“Grabe naman, Doc. Parang pharmacy na yata ‘yan.”Ngumiti lang siya.“Kung sasabak ka sa matinding training, kailangan talagang ihanda ang katawan mo. Hi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status