เข้าสู่ระบบSylaila POVNandito na kami ni Lusing at Isla sa puwesto dito sa palengke. Tagaktak ang pawis namin pareho dahil paghahakot.Amoy na amoy ko na ang pinaghalong usok ng uling at matamis na timpla ng barbecue na binabad namin kaninang madaling-araw. Nakakakaba at nakaka-excite nang sabay.Kaya habang inaayos ko ang mga nakatusok na pork barbecue, manok, at hotdog sa lalagyan, hindi ko maiwasang mapangiti.“Ready ka na ba talaga?” tanong ni Lusing habang inaayos ang kaha sa cashier.Napalingon ako sa kaniya at tumango.“Ready na. Ikaw ba?”“Ready na ready. Sana lang may bumili na agad.”“Siyempre meron naman ‘yan.”Kahit sinabi ko iyon, pareho kaming kinakabahan.Umupo na si Lusing sa puwesto niya sa cashier habang ako naman ay pumuwesto sa harap ng ihawan.Maya-maya, may unang customer na agad kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Lusing. Mabuti na lang at behave si Isla sa may loob ng cashier, doon ito nagkukulay ng mga book niya.“Ate, limang barbecue po.”Halos mapatalon ako sa tuwa. “
Sylaila POVAlas tres pa lang ng madaling-araw ay gising na ako. Madilim pa ang paligid at halos alon ng dagat palang ang maririnig.Kahit inaantok pa ako, mabilis akong bumangon. Alam kong marami kaming kailangang gawin ni Lusing ngayong araw. Ilang araw pa lamang kaming nagsisimula sa negosyo namin, kaya gusto naming siguraduhing maayos ang lahat ng ihahain namin sa mga customer.Sakto, kumakatok na sa apartment ko si Lusing kaya mukhang gising na rin siya.“Good morning, Ate Ila,” bati niya.Ngumiti ako. “Good morning, Lusing. Oras na ulit para mag-work,” sagot ko.Nakasuot na siya ng apron at nakatali na rin ang buhok niya.Nandito sa apartment ko ang mga aasikasuhin. Nakahilera na sa lamesa ang mga sangkap na gagamitin namin. May mga manok, liempo, tenga ng baboy, hotdog, at mga karne para sa barbecue.Nakakatuwang tingnan dahil parang unti-unti nang nagiging totoo ang pangarap naming negosyo.Kahapon lang kasi ay naisipan naming magdagdag ng ibang iihawin o menu para marami-rami
Sylaila POVMarami ang nagsabing mahirap magsimula ng negosyo, lalo na kung kapos sa puhunan at walang kasiguraduhan kung kikita ba ito o hindi. Pero para sa akin, mas mahirap ang manatili sa isang sitwasyong alam mong hindi ka na masaya at wala nang pag-asang umunlad.Simula nung matikman ko ang recipe ni Lusing, hindi na nawala sa isip ko ang business na iyon.Isang gabi, habang nakaupo kami sa labas ng apartment at nagkakape, napag-usapan namin ang tungkol sa kanyang espesyal na recipe ng barbecue at inihaw na manok. Hindi ko rin makalimutan talaga at napakasarap kasi.“Lusing,” sabi ko sa kanya, “sayang naman ang talento mo sa mga recipe ng sauce mo. Bakit hindi tayo magnegosyo?”Napatingin siya sa akin at bahagyang natawa.“Negosyo? Naku, Ate Ila, saan naman tayo kukuha ng puhunan?” tanong niya.“May kaunti naman akong naipon. Tapos ikaw, may recipe ka. Puwede nating pagsamahin ang kakayahan natin.”Napaisip siya nang ilang sandali. Nakita kong parang may pag-aalinlangan pa rin s
Sera POV“Lintik ka, si Sylaila pa pala ang nakapulot ng cellphone ni Chusan! Hindi ko na siya ma-contact, hindi ko na rin ma-detect kung nasaan ang location niya, hindi niya ako nasagot kasi mukhang na-lowbat ang phone. Hanapin mo siya, Nardo, kundi, patay ka talaga sa akin!” sigaw ko sa kaniya.“Yes po, ma’am, hahanapin ko siya agad,” mabilis na sagot ni Nardo. Halatang takot na takot.Binabaan ko siya agad ng linya sa sobrang inis ko.Sa dinami-rami naman kasi ng taong makakapulot ng cellphone ni Chusan, si Sylaila pa talaga na pinatapon ko sa dulo ng Pilipinas. Biruin mo iyon, pinaghiwalay ko na nga sila pero ang lintik na tadhana ang kakampi nilang dalawa. Napakalakas ni Ila sa tadhana na ‘yan.Pero anong laban ng tadhana kapag ako mismo ang kalaban. Hindi ko hahayaang manalo ang tadhana nila. Haharang ako sa abot ng aking makakaya.Nakakabuwisit lang din talaga kasi, kasalanan ito ng morning show na iyon. Bakit kasi sa dinami-rami ng probinsya, doon pa talaga nila dinala si Chus
Sylaila POVPagkaluto ng ulam namin, sabay-sabay na kaming kumain.“Ang bango at mukhang masarap!” masayang wika ni Lusing.“Ano ba ‘yan! Bakit wala pong gulay?” tanong naman ni Isla.“Okay lang ‘yan, baby. May prutas naman,” sagot naman sa kaniya ni Lusing.“Oo nga, anak. Minsan, mag-enjoy ka rin sa manok at baboy. Hindi naman masama. Saka, kailangan din nating kumain ng ganiyan,” paliwanag ko kay isla. Kapag ganiyang pinapaliwanagan siya, sumusunod at nakikinig naman.“Okay po, nay,” sagot ni Isla at saka na niya pinakitang kumain ng manok at pork barbecue.“Very good, anak,” puri ko sa kaniya.Napansin kong walang baso, naiwan ata sa aparment. “Sandali, balikan ko lang ang baso sa aparment, nakalimutan ko doon sa may lababo,” paalam ko sa kanila.“Ate Ila, bilisan mo, hindi po masarap kumain ng pagkain kapag malamig na,” sabi naman ni Lusing.“Sige, mabilis lang ito.” Kinuha ko ang towel at saka sinuklob sa ulo ko. Mainit na kasi ang sikat ng araw. Binilisan ko na lang din ang laka
Sylaila POVMaagang kaming gumising ni Lusing. Tinulungan niya akong magbabad ng karne ng baboy na ima-marinate namin para maihaw mamaya sa tabing-dagat. Mabuti na lang at may ref sila. Nakilagak muna ako para hindi masira ang mga karneng binili ko kahapon sa palengke.“Tapos na ako rito sa chicken, iihaw na lang, Ate Ila,” sabi ni Lusing habang nakalagay sa malaking supot ang manok na binili niya kanina sa palengke.Isang buong manok at softdrinks kasi ang sagot niya.Si Isla naman ay abala sa hipan sa timbulan niya. Halatang kanina pa excited maligo sa dagat.Habang nagtutusok na kami sa stick ng pork barbecue, nagkaroon na ako ng time para makapagtanong kay Lusing. “Paano nga pala bumili ng ticket papunta sa Manila City?” tanong ko sa kaniya.“Madali lang po, may online book, puwede ko po kayong tulungan kung gusto ninyo, may malapit na computer shop dito, doon tayo mag-book,” sabi niya. Ang bait-bait talaga ni Lusing.“Eh, ano bang kailangan para makabili ng ticket pala?” tanong k
Keilys POVTahimik akong nakatayo sa hallway ng mansion namin habang pinagmamasdan ko ang bumabagsak na niyebe sa labas. Ang lamig-lamig, sobra. Kung nandito lang si Ilaria, okay sana kasi palagi ko talaga siyang mayayakap.Kanina pa ako nag-iisip. May apoy sa loob ko na gusto nang lumiyab ng husto
Ilaria POVAlas diyes ng umaga nang makalabas ako ng Yay town. Ang biyahe mula rito hanggang Tagaytay ay halos apat na oras, depende pa traffic. Mabuti na lang at maaliwalas ang panahon ngayon. Habang nagmamaneho ako, napapatingin ako sa tanawin ng mga bukirin, bundok at mga maliliit na karinderya
Ilaria POVTapos na akong maligo, habang siya naman ang nasa banyo. Wala na akong suot na brạ at pạnty. Naka-bathroab na lang ako, gaya nang napag-usapan. Habang nagsisimula palang siyang maligo, lumabas ako saglit sa kuwarto para kunin ang mga nuts na dinala ko rito sa condo niya. Nagmadali ako s
Keilys POVPagmulat ko ng umagang iyon, ramdam ko agad ‘yung gaan ng paligid. Kaninang madaling araw palang, puro good news na ang nakikita ko about sa balita sa Pinas. Wala na raw ‘yung nakakabinging kulog, wala na rin daw ‘yung malakas na hangin na halos gawing tambourine ang mga bintana ng mga b







