Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 3 (Kabanata 25)

Share

Season 3 (Kabanata 25)

last update Last Updated: 2025-07-08 22:25:07

Keilys POV

Maaga pa lang, nakatanggap na ako ng confirmation text mula sa assistant ng suki kong stylist na tumutulong sa akin sa mga last-minute online finds.

Sinabi niya sa akin na eksaktong alas dos ng hapon ngayon ay darating ang in-order kong panty para kay Ilaria. Perfect. Exact timing.

Nasa veranda ako ng oras na ‘yon, hawak ang tablet habang tinatapos ang ilan sa mga anime na may bagong update na episode.

Hindi naman sa pagiging pakelamero, medyo na-off lang talaga ako sa suot niya kanina. ‘Yung butas kasi ng panty niya, sakto pa talaga sa gitna, e. Kaya nung pumasok siya kanina sa room ko at nakita kong ganoon lang siya. Nagulat talaga ako. Naisip ko nga na baka sini-seduce niya ako. Na baka, gusto niyang may mangyari. Pero naisip kong hindi siya ganoong babae.

Tawang-tawa ako nung kumakaripas siya ng takbo, palabas ng kuwarto ko. Maging siya, gulat na gulat sa nangyari. Mukha namang seryoso siya na hindi sinadya, masyado lang siguro siyang natuwa dahil sa paglabas ng Nanay n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Budgetarian Cooking Ng Ina Mo
Good Novel talaga to
goodnovel comment avatar
Winelyn Gomez Caba
mas bet ko ang season 3............ nka ka pang teenager ang feelings
goodnovel comment avatar
Rowena Albero
ntwa nman ako doon sa butas n panty.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 40)

    Ilaria POVNagising ako bandang alas nuebe ng gabi. Mainit pa rin ang pakiramdam ko kahit may aircon sa kuwarto, siguro dahil pa rin sa maanghang na dinner namin, samgyup kasi ang request ni Sir Keilys, sobrang naanghangan ako sa dami ng kimchi na nakain ko, pero masarap ah. Nakakatuwa nga, kung hindi pa ako maging kasambahay, hindi ako makakakain ng mga masasarap na pagkain. Sobrang suwerte namin dahil kung anong pagkain ng amo namin, ‘yun ang pagkain namin mga kasambahay niya.Nanunuyot ang lalamunan ko kaya agad akong bumangon. Gusto ko nang masarap na malamig na malamig na tubig, pero pagkalabas ko ng kuwarto, may narinig akong mahinang hikbi.Napahinto tuloy ako sa paglakad. Sa una, akala ko may multo dito sa villa—dahil sa dami ng mga kuwento-kuwento ni Manang Lumen tungkol sa mga nagpaparamdam dito sa lupang tinayuan nitong Villa. Pero hindi. Hindi iyak ng multo ang naririnig ko. Malinaw sa pandinig ko na hikbi ng isang lalaki ang naririnig ko. Parang pamilyar. Naglakad ako pap

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 39)

    Ilaria POVAFTER ng lunch, matutulog na si Sir Keilys, pero hindi ko siya sasabayan ngayon. Hindi ko kailangang matulog, kailangan ko muna kasing umuwi para kumustahin si Nanay. Si Tatay lang kasi ang kasama nito sa bahay, hindi puwedeng ‘di ko sila sisilipin, lalo na’t habang tumatagal, palabo na nang palabo ang mata ni Tatay, baka kasi mali ang napapainom niyang gamot kay Nanay.“Five hours lang, Ilaria. Basta bumalik ka bago mag-dinner,” 'yun ang bilin ni Sir Keilys kanina bago siya pumasok sa kuwarto niya. Payag naman siya agad nang malaman niyang si Nanay ang pakay ko. Wala na siyang sinabi pa, kundi ang usual niyang pagtango at pag-instruct kay Manong Egay na ihatid ako gamit ang sasakyan.Bitbit ko ang malaking supot ng mga gulay, prutas at pagkain na binigay ni Manang Lumen. Tuwing may sobrang pagkain sa villa, sinisigurado niyang may mai-uuwi ako. Sobrang suwerte ko sa amo at sa mga kasama ko sa villa na ‘to, lahat kasi sila ay mababait.“O, Ilaria, bigay mo ‘yan kay Aling La

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 38)

    Ilaria POVHapong-hapo ako nang magising ako bandang alas kuwatro ng hapon. Medyo masakit pa ang batok ko, siguro dahil sa puyat o baka dahil sa sobrang pagod kahapon sa meeting para sa pagiging hermano mayor ni Sir Keilys. Isama pa na, naging busy kami kagabi ni Manang Lumen sa ginawa naming papaya cake, kakaiba ‘yun, pero ang sarap nung kinalabasan.Pero, ang sarap sa pakiramdam kapag nakakatulog ng hapon. Mabuti na lang, tulog din sa hapon si Sir Keilys, kahit pa paano, nasasabayan ko siyang matulog sa hapon.Pagbukas ko ng pintuan ng kuwarto ko, kaagad kong narinig ang boses ni Sir Keilys. Nakaupo siya sa sofa sa may sala, hawak ang phone, halatang seryoso sa kausap niya.“Yeah, Toph. I’m just thinking maybe Iliana would be a good match—she fits the vibe,” narinig kong sabi niya.Napahinto ako sa paglalakad.Iliana? Sino ‘yun? Siya na ba ang magiging partner niya sa parada at sagala?Parang may kumurot sa dibdib ko. Akala ko ba ako ang isasama sa parada ni Sir Keilys? Ang buong ak

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 37)

    Ilaria POVPagkauwi ko mula sa barangay, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad kong hinanap si Sir Keilys sa villa at nakita ko siya sa may hallway, kakababa lang ng hagdan. Hawak ko ang maliit kong notebook na punung-puno ng notes, at kahit medyo pagod pa rin ako, pinilit kong ngumiti. Ayaw kong makita niyang mukha akong na-stress sa dami ng request ng mga tao kanina sa baranggay.“Sir Keilys,” tawag ko sa kaniya habang inaabot ang notebook. “Ito po lahat ng napag-meeting-an namin kanina tungkol sa fiesta.”Tahimik niyang kinuha ang notebook mula sa kamay ko. Tumango lang siya at nagsimulang basahin ang mga nakasulat.Kabado nga ako. Sa totoo lang, hindi biro ang mga gastos na nailista ko roon. May bayad sa mosiko, sound system, catering, prizes para sa mga contest, mga kahot at bulaklak sa sagala at parada, bayad sa mga host, tarpaulin, stage setup—lahat-lahat. Ang ibang item, umabot pa sa libu-libo bawat isa. Akala ko talaga ay tataas ang kilay ni Sir Keilys.Pero kabaligtaran ang

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 36)

    Ilaria POVPAGKAGISING ko ngayong umaga, narinig kong kausap ni Manang Lumen ang isa sa mga officer para sa magaganap na fiesta. Narinig ko sa pag-uusap nila na may meeting na pupuntahan si Sir Keilys mamaya.Naisip ko, hindi puwedeng um-attend ni Sir Keilys, baka mabinat siya, kakagaling lang nito.Alam kong makakarating agad ‘yun kay Sir Keilys, kaya ako, naupo sa kama ko at naghintay sa tawag niya. Alam ko na rin kasi na hindi siya a-attend, at ako ang sure din na pupunta para mag-proxy sa kaniya.Ganoon nga ang nangyari. Pagkahintay ko ng halos ilang minute, nag-ring ang cellphone ko.Hindi ko na kailangan pang marinig ang sasabihin niya, alam ko na agad. Nagpa-awa effect pa ang bundol kong alaga. Sinabi niya na baka maliyo siya mamaya sa meeting, kaya mahalaga na ako na lang daw ang pumunta. E, ano pa nga bang magagawa ko? Wala namang ibang maaasahan kundi ako lang.Nag-almusal lang ako, pagkatapos ay naligo at gumayak. Ayokong ma-late, baka kasi may makaligtaan akong ganap doon.

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 35)

    Keilys POVPagmulat ng mata ko kinabukasan, ang unang bagay na naramdaman ko ay wala na ‘yung sakit ng ulo kagabi. Wala na ‘yung panghihina na para akong binagsakan ng mundo. Medyo mainit pa rin ang noo ko, pero malayo na sa naramdaman ko kagabi.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, pero agad akong natigilan.Sa gilid ng kama ko, nakasubsob sa braso niya si Ilaria. Nakaupo pa siya sa maliit na armchair na hinihila +niya siguro sa tabi ng kama kagabi. Naka-jacket siya at ang buhok niya ay magulo, parang pinatong lang sa balikat. Nakapikit siya, at marahang humihinga.Nagulat ako sa itsura niyang iyon.Ibig sabihin ay she stayed the whole night, dito sa kuwarto ko.Tinignan ko ang paligid. Maayos ang kuwarto. May bagong towel sa may bedside table. May basyo ng tubig. At may isang maliit na papel—note na nakapatong sa tissue box.“Sir, gisingin ninyo na lang po ako kung kailangan niyo. Hindi po ako aalis hangga’t hindi kayo okay. - Ilaria :)”Napanganga talaga ako ng husto. Ilang segu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status