Home / Romance / Kakaibang Tikim / Season 3 (Kabanata 31)

Share

Season 3 (Kabanata 31)

last update Last Updated: 2025-07-10 21:19:50

Ilaria POV

Mainit ang araw pero presko naman ang hangin ngayon. Alam kong magiging isang perfect na araw ito para sa madaliang plano ni Sir Keilys. Tila nga, introvert ang atake niya rito sa probinsya. Siguro, habang nagbabakasyon siya rito, gusto niyang ma-try ‘yung mga hindi pa niya nararanasan. Siyempre, bilang laking city ka, never pa niya sigurong naranasang maligo sa ilog.

Kaya nung nagtanong siya kahapon about sa ilog, agad kong binida sa kaniya ang Planas river namin sa Apple Street. Sa buong buhay ko, aba, ito na ata ang nakilala kong magandang ilog dito sa amin.

“Heto na po tayo, Sir,” sabi ko habang tinuturo ang daan papasok sa looban. Nasa likod ko siya, nakasuot ng simpleng puting polo shirt at shorts, pero mukhang model pa rin. Hawak niya ang isang maliit na cooler habang si Manong Egay naman ay abala sa pagbubuhat ng mga gamit.

“Wow,” sabi ni Sir Keilys habang palapit kami sa mismong ilog. “This place is incredible.”

Napangiti ako. Ganito rin ang reaksyon ko noon, nung
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Geraldine Abuyog
nakakakilig nman to basahin......... araw araw nag aabang pa para sa update.........more more update miss author....love this one promise recommended ko sa lahat...
goodnovel comment avatar
Raine Se
excited ako kung sno magiging reaksyon ni keilys pag kasama na nya sa parada c ilara,haiiist parang prince and princes lng..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 89)

    Ilaria POV“Hoy, gaga, sasagala ka pa bukas! Lasing ka na ata ah!” saway sa akin ni Jopay nang makitang parang namumula na ako. Sa totoo lang, sa sobrang enjoy ko buong maghapon, pati sa alak, nag-enjoy na rin tuloy ako. Sabayan pa, na sobrang saya nung mga tinutuntog ng live band. Kahit hindi na kami manuod ng palabas sa patio, ayos lang kasi masaya rin naman dito sa villa. Pati nga itong mga kaibigan kong mahilig manuod sa patio, napa-stay din dito sa. Siguro ay dahil nandito ang mga crush nilang politician. Si Jopay, kilig na kilig dahil nandito si Konsehal Warren. Si Charitie naman, kilig na kilig dahil nandito si Kapitan Toji, habang si Golda naman ay si Vice mayor Narin ang trip.Sabi nga nila kanina, kung ako raw ay isang bilyonaryong Keilys ang trip, sila naman daw ay mga politician ang bet. Kay lalande lang, pero sanay na ako. Pero, hindi ko rin naman sila masisi, dahil guwapo naman ang mga crush nilang politician.“Okay lang ‘yan, ubusin na natin itong last bottle, tapos oka

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 88)

    Keilys POVSa ilalim ng mga parol at banderitas na nakasabit sa paligid ng garden ng villa ko, patuloy ang pagtuntog ng live band. Ang sayang pakinggan ng mga kantang bagay na bagay sa fiesta. Halos isang libong bote ng beer ang pina-ready ko.Tuwang-tuwa ang mga tao ngayong dito. Ang iba ay nagsasayaw, ‘yung iba naman ay nagkakantahan, at karamihan naman ay nakaupo sa lamesa, umiinom ng malamig na beer. Ang ilan, may hawak pang pulutan na inaalok sa katabi nila.Pero habang tumatakbo ang oras, unti-unti na ring umuunti ang tao dito sa garden. Hindi dahil nagsi-uwian na, kundi dahil karamihan sa kanila ay lumipat na sa patio kung saan may palabas pa rin—mga cultural dance, sayaw ng mga bata, at iba pang presentasyon na inaabangan tuwing bisperas ng fiesta. Kaya rito sa lamesa kung saan ako nakaupo kasama ang mayor, mga kagawad, at ilang konsehal, mas tahimik kumpara sa kanina.Tahimik, oo, pero mabigat ang pinag-uusapan.“Keilys,” wika ng mayor, sabay lagok ng beer bago ako tinapik sa

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 87)

    Ilaria POVPagkatapos ng buong ikot ng parada, ramdam ko pa rin ang tuwa at saya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang pakiramdam na iyon, parang artista, parang reyna, at higit sa lahat, ang sarap sa pakiramdam na matupad ang pangarap kong ito.Pero aba, hindi pa pala tapos ang lahat. Nang bumalik kami ni Sir Keilys sakay ng karosa papasok ulit ng villa, bumungad agad sa amin ang napakaraming tao na nag-abang. Ang iba, halatang gutom na at nakapila na para sa catering. Pero marami rin ang nakatayo, naghihintay at ang iba naman ay nakahanda na ang mga cellphone nila.“Grabe, Ilaria, parang artista ka talaga!” bulong ni Jopay sa tabi ko habang inaayos ang laylayan ng gown ko bago pa ako bumaba.At totoo nga, hindi pa man ako nakakapagpahinga, pero sunod-sunod na ang mga tao. Ang mga kababaihan, diyos ko, halos magsisigawan habang nakikipag-selfie kay Sir Keilys. Halos mabingi ako sa bawat tilian nila tuwing ngingitian sila ni Sir. ‘Yung tipong simpleng titig lang niya, ayan na,

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 86)

    Ilaria POVBandang alas tres ng hapon, nagsimula na talaga ang pinakahinihintay kong moment. Nakatayo na kami sa gilid ng malaking karosang sasakyan na inihanda para sa amin, at halos manginig ang tuhod ko sa kaba kasi sa laki ng gown ko, hindi ko alam kung paano nga pala ako iaakyat sa karosang iyon. Pero ang hindi ko makakalimutan ay kung paano ako inasikaso ni Sir Keilys. Bago pa siya sumampa, sinigurado muna niyang ako ang maunang makakasampa nang maayos. Nakatutok ang mga mata niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko, para bang isang maling hakbang lang ay sasaluhin niya agad ako. Tila, nakita ko rin na ayaw niyang masilipan ako, kasi tinatakpan niya ng isang karton ang ibaba ko habang inaakyat ako.“Dahan-dahan lang,” sabi niya at ang seryoso ang boses niya. Pinawisan kami sa eksenang iyon.Kinakabahan ako pero sa loob-loob ko, sobra akong tuwang-tuwa dahil success akong nakaakyat sa karosa namin. Ramdam ko talaga na pinapahalagahan niya ako sa part na iyon.Nang maayos na a

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 85)

    Ilaria POVHindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam.Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng kuwarto, halos lahat ng tao sa paligid ay napahinto at napatingin sa akin. Parang biglang tumahimik ang buong villa at ako lang ang naging sentro ng atensyon. Pakiramdam ko, kung hindi ko hawak ang laylayan ng gown ko, baka kanina pa ako natapilok dahil sa kaba at sa bigat ng mga tingin nila sa akin.Hindi ako makapaniwala. Ako ba talaga ‘to?Sa gilid ng hallway, halos tumatalon si Jopay habang paulit-ulit ang sigaw niya.“Grabe, Ilaria! Mukha kang artista! As in artista talaga, swear! Diyos ko, hindi ko kinakaya. Para kang leading lady sa isang korean drama!”Napaikot ko na lang ang mata ko sa sobrang kulit niya. Kanina pa niya ako pinupuri at halos mabutas na yata ang tenga ko sa kakaulit ng gagang ito.“Jopay naman, tumigil ka na. Nakukulili na ako sa ’yo,” natatawa kong sagot. Pero kahit anong reklamo ko, hindi ko rin maitatanggi na sa loob-loob ko, kinikilig din ako. Hindi araw-araw may

  • Kakaibang Tikim   Season 3 (Kabanata 84)

    Keilys POVHindi naman ako kagaya ng mga babae na kailangang ayusan nang matagal. Sa totoo lang, kanina pa ako nakaupo sa harap ng salamin, pinapahiran lang ng konting wax at inaayos ang buhok ko. Sabi ng stylist, simple lang daw, clean and sharp look, kasi hindi naman dapat ako ang magmukhang clown na sobrang kapal ng makeup. Saka, para sa akin, mas natural ang makeup, mas okay. Hindi naman na rin kailangan pa ng makapal ng makeup, proud naman ako sa kung anong mayroong mukha ako.Ngayon, tapos na ako halos isang oras na ngang tapos. Hindi ko alam kung bakit parang ang bagal ng oras. Kanina pa kasi hindi lumalabas si Ilaria mula sa kuwartong pinapasok ng mga makeup artist at stylist. Ang tagal nila.Gusto ko na siyang makita.Pero dahil hindi ko kayang nakaupo lang at nag-aantay, nag-ikot muna ako sa labas ng villa.Unang ininspeksyon ko ang catering. Tatlong catering service ang sabay-sabay na naghahanda sa malaking garden. Ang daming round tables na may puting mantel, nakaayos nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status