LOGINKeilys POVNung matanggap ko ang tawag ni Ilaria, agad-agad ay umalis ako sa manisyon para sunduin siya. Pero bago ako umalis ay nagdala ako ng dalawang baril, para sakaling mapasabak ako sa labanan ay may sandata akong hawak.Palabas na ako ng mansiyon nang tawagin ako ni Papa.“Bakit nagmamadali ka? May problema ba?” tanong niya.Tumango ako. “Pauwi na po kasi si Ilaria. Muntik siyang mabaril, pero nakaiwas naman ito kaya safe na siya. Susunduin ko lang po, natatakot e.”Napailing si Papa. “Kailangan mo ba ng tulong. Hindi maganda ‘yan. Ayoko ng ganiyan. Tapos na kami ng Mama mo sa ganiyang gulo noon. Sabihin mo, nangyayari na naman ba ang nangyari noon?”Nagtaka ako. “Ngayon lang po ito. Nagsimula nung isang araw, tapos nagsunod-sunod na, pero wala pa kaming idea ni Ilaria kung sino ang kaaway namin.”“Sandali nga, sino ang may kaaway talaga? Ikaw ba o si Ilaria?” tanong pa ulit ni Papa.“Si Ilaria po kasi ay mabuting babae. Imposibleng siya ang magkaroon ng kaaway,” sagot ko agad.
Ilaria POVPanay ang tawag at message pala ni Keilys buong maghapon. Ni hindi ko nagawang mag-cellphone dahil sa sobrang busy ko kay Loraine. Maghapon ko siyang inasikaso at inusap. Maghapon din kaming nagbabangayan, pero nauwi na rin iyon sa paghawak ko sa kaniya sa leeg. Nakiusap at nagmakaawa siyang huwag ilabas ang mga baho ng anak niyang si Lorcan. Doon ko masasabing mahalaga at mahal pa rin niya si Lorcan, kahit na wala naman pake si Lorcan sa mga magulang niya.“Pauwi na ako, sorry kung ngayon lang nakapag-reply, sobrang busy ko maghapon,” reply ko kay Keilys.Paglabas ko ng mansiyon ng pamilyang Trey, ramdam ko ang pagod. Siguro ay dahil nanghina ang katawan ko sa kakapalo at sampal kay Loraine kanina. Kada sasagot at magmamaldita kasi siya ay sinasampal ko. Ang sarap sa pakiramdam. Pasalamat siya ay ganoon lang, nanay ko nga ay wala na dahil pinatay ng anak niyang si Lorcan.Sa totoo lang, punong-puno ng negative energy ang bahay na ito. Parang hinigop ng lugar na iyon ang la
Keilys POVNagulat ako kasi umuwi ngayong araw sa Pilipinas sina Mama Keilani at Papa Sylas. Kasama na rin ang kapatid kong si Sylaila. Tamang-tama, gusto ko na rin talagang ipa-meet sa kanila si Ilaria, kaya ang saya-saya ko.Pag-uwi ko sa manisyon, nandoon sila, nag-aalmusal lahat sa dining table.“Ma, pa, Sylaila,” bati ko agad sa kanila nung makita ko sila.Napatayo naman agad si Mama para salubungin ako ng yakap. Sumunod ang kapatid kong si Sylaila, na halatang na-miss din ako. Si Papa, tumayo rin, pero talagang kalmado siya. Niyakap din niya ako nang sobrang higpit, senyales na na-miss din ako.“So, nasaan ang girlfriend mong si Ilaria?” bungad na tanong ni Papa Sylas. Talagang si Ilaria ang una niyang hinanap. Patingin-tingin pa siya sa likuran ko, umaasang kasama ko nga siya.Pati sina Mama at Sylaila ay napatingin din sa likod ko. Akala nila ay kasama ko talaga si Ilaria.“Wala po, nasa work. Private nurse kasi siya. Pero, huwag kayong mag-alala, kapag may puwede na siya, iha
Ilaria POVKahit nakaligtas na si Vandall sa pagkakabaril nung mga taong naka-motor, hindi pa rin ako tumigil sa pag-alam kung sino ang nasa likod nang pangyayaring ‘yon. Kaya ngayong araw, maaga akong pumasok sa manisyon ng pamilyang Trey para tanungin si Lorcan. Alas sais palang ng umaga ay nandoon na ako. Walang ano-ano, tumuloy agad ako sa kuwarto ni Lorcan. Pagpasok ko roon, mahimbing pa siyang natutulog. Hindi ako nagdalawang-isip na buhusan siya ng tubig na nakita ko sa may gilid ng table niya. Napabalikwas siya ng tubig, habang parang nalunod sa pagkakabuhos ko sa kaniya. Pagkatapos, galit siyang tumingin sa akin.“What the hell, what’s wrong with you?!” sigaw niyang tanong sa akin. Nabigla siya nang gising kaya alam kong lalabas ang galit niya.“Sabihin mo nga, ikaw ba ang may pakana nang nangyari sa akin kahapon?” tanong ko agad sa kaniya. Siyempre, habang nagtatanong ako, nakabalandara sa cellphone ko ang pananakot sa kaniya. Sa screen ng phone ko ang isang video niya na ku
Ilaria POVNagpasya akong umuwi sa Yay town para tignan ang bahay. Baka kasi nalooban na kami. Si Tatay, hindi na umuwi simula nung magka-farm. Day off ko naman sa pagiging private nurse ng mama ni Lorcan.Sa mga oras na ito, alam kong masaya si Lorcan kasi hindi niya ako makikita. Hindi siya ma-stress.Habang nagmamaneho ako ng sasakyan, biglang nag-ring ang phone ko. Pagtingin ko, si Keilys pala.“Yes, mahal?”“ILARIA, MAG-INGAT KA, MAY SUSUNOD SA IYO PARA PATAYIN KA!” pasigaw na bungad niya sa kabilang linya.“A-ano? Pa-paano mo nalaman?” Kinabahan tuloy ako. Napa-ready ako bigla ng sarili. May mga patạlim naman akong dala palagi, pero mas maganda sana kung baril.“May natanggap akong message sa hindi naka-register sa phone ko. Ayon sa nakalagay sa message, mag-uumpisa na siyang maningil. Hindi ko alam kung si Lorcan ba, pero parang hindi. Alam ni Lorcan na may hawak tayong alas, kaya hindi niya ito magagawa sa iyo. Pero, mag-ingat ka pa rin, mag-ingat ka, mahal. Pinasunod ko na rin
Ilaria POVSinulit agad namin ang pag-stay sa farm. Nung araw ding iyon, lahat ng mga kababayan ko, kinuha ko. ‘Yung mga gusto lang mag-work sa farm at marami-rami din sila, kaya ang sabi ni Tatay, gusto na niyang mag-stay dito. At gusto rin daw niyang isama muna si Manang Lumen. Hindi naman tumutol si Keilys. Gusto nga raw niya na may kasama pang matanda dito si Tatay.Nilagasan agad namin ang mga alaga roon. Naglitson sila ng limang manok, isang baboy at isang baka, para sa biglang blessing na rin ng farm ni Tatay Iggy. Ako ang nagpahanap ng pari na magbe-bless sa farm. Mga lima sila na nagtulong-tulong para mabasbasang mabuti ang buong farm.Pagkatapos, kainan na. Masarap ang pagkakaluto ng mga manok, baboy at baka, kasi lutong galing sa Yay Town. Iba pa naman magluto ang mga taga sa amin. Talagang walang lansa ang mga karne, malinamnam at malambot pa.“Mahal, ang galing talaga nilang magluto. Ayos ‘to, puwedeng gawing negosyo ng tatay mo ang litsong manok, baboy at baka, tiyak na







