LOGINNardo POVAraw-araw na lang akong nai-stress. Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nakatulog nang mahimbing. Sa umaga, iniisip ko kung nasaan sina Sylaila at Isla. Sa tanghali, ganoon pa rin. Sa gabi, ganoon pa rin.Para bang bawat oras na lumilipas ay lalo akong kinakabahan. Ilang araw na silang wala. Ilang araw nang hindi ko sila makita. Ilang araw nang hindi ko alam kung nasaan sila.At higit sa lahat, ilang araw nang hindi ko napapainom ng gamot si Sylaila. Iyon ang pinakamalaking problema. Hindi ang pagkawala nila. Hindi ang pera. Hindi ang oras, kundi ang posibilidad na unti-unti nang bumalik ang mga alaala niya.Napahigpit ang hawak ko sa baso ng alak habang nakaupo sa harap ng maliit na lamesa.Hindi puwede iyon. Hindi dapat mangyari iyon.Kapag bumalik ang lahat ng alaala ni Sylaila, tapos na ako. Hindi lang ako, pati ang lahat ng itinago ko sa loob ng maraming taon. Pati ang lahat ng kasinungalingan. Pati ang lahat ng ginawa ko matapos ang aksidente niya. Mabubunya
Sylaila POVMay kakaiba akong napansin pagkagising ko ngayong umaga. Hindi ko agad maipaliwanag kung ano iyon. Nakatingin lang ako sa kisame ng apartment habang nakahiga, nakayakap si Isla sa tagiliran ko. Karaniwan kasi, kapag nagigising ako sa umaga, parang may mabigat na nakapatong sa ulo ko. Madalas masakit ang sentido ko. Minsan naman, pakiramdam ko ay lutang ako at hindi ko maalala agad kung anong araw o anong plano ko.Pero ngayon, aba, wala. Walang sakit ng ulo. Walang bigat sa pakiramdam. Walang kakaibang pagkalito. Para bang mahimbing at maayos talaga ang tulog ko.Napaupo ako sa higaan at napatingin sa bintana.Tahimik pa ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa labas at dinig na dinig dito ang nakaka-relax na alon ng dagat.Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pagtira namin sa Colmenares Town o dahil mas naging maayos ang buhay namin nitong mga nakaraang linggo dahil wala na si Nardo.Saka, ramdam kong parang mas malakas ang katawan ko kumpara dati.“Na
Sylaila POVPagkauwi namin galing palengke, wala na kaming sinayang na oras. Diretso agad kami ni Lusing sa kusina. Nakapatong na sa lamesa ang mga pinamili naming karne ng baboy, tenga ng baboy, at mga manok. Mabigat ang mga dala namin kanina, pero ngayon mas mabigat ang trabaho dahil kailangan pa naming ihanda ang lahat para sa paninda bukas.“Unahin na natin asikasuhin ang mga karne bago pa tayo tamarin,” sabi ni Lusing.“Tama, para mamayang gabi, paghiga ay tulog na agad tayo.”Habang si Isla naman ay busy na naman sa pagkukulay ng mga new books niya, agad naming inilabas ang malalaking palanggana. Isa-isang binuksan ang mga supot. Pagkatapos ay sinimulan naming hugasan ang mga karne sa ilalim ng umaagos na tubig ng gripo dito sa likod ng apartment.Malamig ang tubig na dumadaloy sa mga kamay ko habang nililinis ko ang mga manok. May mga nagsasabing hindi na raw kailangang hugasan ang karne, pero nakasanayan na namin iyon para masigurong malinis bago timplahan at ihanda.Pagkatapo
Sylaila POVAlas tres ng hapon na ako nagising.Sa totoo lang, kung hindi pa gumalaw-galaw si Isla sa tabi ko, baka mas matagal pa akong nakatulog. Ramdam na ramdam ko pa rin kasi ang pagod mula sa opening namin kanina ni Lusing.Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at tumingin sa kisame. Ilang segundo rin akong nakatulala bago ko naalala ang nangyari buong umaga.Ang pila, usok ng ihawan, ang halos walang tigil na pag-iihaw ko ng mga barbecue, at ang dami ng customer.Napangiti ako agad. Hindi pa rin ako makapaniwala.“Nanay”Napalingon ako kay Isla. Gising na rin siya at nakangiting nakatingin sa akin.“Ano, gutom ka na?”“Gatas po, gusto ko ng gatas,” sagot niya.Tumango ako at saka siya hinalikan sa pisngi.Pagbangon ko, tinimpla ko na siya ng gatas. Kumuha na rin ako sa fridge ng isang cupcake at saka ko nilagay sa platito.“Isla, anak, oh, mag-merienda ka na,” sabi ko sa kaniya, kaya dali-dali siyang tumakbo sa lamesa.Paglabas ko ng apartment, nakita ko agad si Lusing na nakatayo
Sylaila POVNandito na kami ni Lusing at Isla sa puwesto dito sa palengke. Tagaktak ang pawis namin pareho dahil paghahakot.Amoy na amoy ko na ang pinaghalong usok ng uling at matamis na timpla ng barbecue na binabad namin kaninang madaling-araw. Nakakakaba at nakaka-excite nang sabay.Kaya habang inaayos ko ang mga nakatusok na pork barbecue, manok, at hotdog sa lalagyan, hindi ko maiwasang mapangiti.“Ready ka na ba talaga?” tanong ni Lusing habang inaayos ang kaha sa cashier.Napalingon ako sa kaniya at tumango.“Ready na. Ikaw ba?”“Ready na ready. Sana lang may bumili na agad.”“Siyempre meron naman ‘yan.”Kahit sinabi ko iyon, pareho kaming kinakabahan.Umupo na si Lusing sa puwesto niya sa cashier habang ako naman ay pumuwesto sa harap ng ihawan.Maya-maya, may unang customer na agad kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Lusing. Mabuti na lang at behave si Isla sa may loob ng cashier, doon ito nagkukulay ng mga book niya.“Ate, limang barbecue po.”Halos mapatalon ako sa tuwa. “
Sylaila POVAlas tres pa lang ng madaling-araw ay gising na ako. Madilim pa ang paligid at halos alon ng dagat palang ang maririnig.Kahit inaantok pa ako, mabilis akong bumangon. Alam kong marami kaming kailangang gawin ni Lusing ngayong araw. Ilang araw pa lamang kaming nagsisimula sa negosyo namin, kaya gusto naming siguraduhing maayos ang lahat ng ihahain namin sa mga customer.Sakto, kumakatok na sa apartment ko si Lusing kaya mukhang gising na rin siya.“Good morning, Ate Ila,” bati niya.Ngumiti ako. “Good morning, Lusing. Oras na ulit para mag-work,” sagot ko.Nakasuot na siya ng apron at nakatali na rin ang buhok niya.Nandito sa apartment ko ang mga aasikasuhin. Nakahilera na sa lamesa ang mga sangkap na gagamitin namin. May mga manok, liempo, tenga ng baboy, hotdog, at mga karne para sa barbecue.Nakakatuwang tingnan dahil parang unti-unti nang nagiging totoo ang pangarap naming negosyo.Kahapon lang kasi ay naisipan naming magdagdag ng ibang iihawin o menu para marami-rami
Keilani POVMatapos ang mga pasabog naming rebelasyon ni Sylas, ramdam ko pa rin ang tindi ng excitement sa buong event hall. Pero hindi pa tapos ang engrandeng selebrasyon.Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na pagdiriwang.Pagkatapos ng announcement, dumiretso kami sa main showroom ng Merritt L
Keilani POVMas maaga akong nakauwi sa mansion kaysa sa asawa ko. Hindi na muna kasi ako nagpunta sa training ko sa martial arts dahil busy ako ngayong buong maghapon.Pagdating ko, nagbihis na agad ako ng pambahay at saka ako dumiretso ako sa kusina. Nandoon sina Manang Letty at ang iba pang kasam
Keilani POVAng katahimikan ng mansiyon ay tila lalo pang nagpapalalim ng aking iniisip ngayon. Sa bawat araw na lumilipas, habang patuloy na lumalaki ang tiyan ko at patuloy din anb amin pagsasama ni Sylas sa lugar na ito, hindi ko mapigilang magtanong sa sarili ko—ano na ba talaga ang plano niya?
Keilani POVMakalipas ang ilang araw ng pag-inom ng gamot na inireseta ng ob-gyn, naramdaman kong bumalik na rin ang sigla ng katawan ko. Hindi na barado ang ilong ko at wala na rin ang mabigat na pakiramdam sa ulo. Sa wakas, pakiramdam ko ay kaya ko na ulit gawin ang mga bagay na gusto ko.Isang u







