LOGINSera POV“Lintik ka, si Sylaila pa pala ang nakapulot ng cellphone ni Chusan! Hindi ko na siya ma-contact, hindi ko na rin ma-detect kung nasaan ang location niya, hindi niya ako nasagot kasi mukhang na-lowbat ang phone. Hanapin mo siya, Nardo, kundi, patay ka talaga sa akin!” sigaw ko sa kaniya.“Yes po, ma’am, hahanapin ko siya agad,” mabilis na sagot ni Nardo. Halatang takot na takot.Binabaan ko siya agad ng linya sa sobrang inis ko.Sa dinami-rami naman kasi ng taong makakapulot ng cellphone ni Chusan, si Sylaila pa talaga na pinatapon ko sa dulo ng Pilipinas. Biruin mo iyon, pinaghiwalay ko na nga sila pero ang lintik na tadhana ang kakampi nilang dalawa. Napakalakas ni Ila sa tadhana na ‘yan.Pero anong laban ng tadhana kapag ako mismo ang kalaban. Hindi ko hahayaang manalo ang tadhana nila. Haharang ako sa abot ng aking makakaya.Nakakabuwisit lang din talaga kasi, kasalanan ito ng morning show na iyon. Bakit kasi sa dinami-rami ng probinsya, doon pa talaga nila dinala si Chus
Sylaila POVPagkaluto ng ulam namin, sabay-sabay na kaming kumain.“Ang bango at mukhang masarap!” masayang wika ni Lusing.“Ano ba ‘yan! Bakit wala pong gulay?” tanong naman ni Isla.“Okay lang ‘yan, baby. May prutas naman,” sagot naman sa kaniya ni Lusing.“Oo nga, anak. Minsan, mag-enjoy ka rin sa manok at baboy. Hindi naman masama. Saka, kailangan din nating kumain ng ganiyan,” paliwanag ko kay isla. Kapag ganiyang pinapaliwanagan siya, sumusunod at nakikinig naman.“Okay po, nay,” sagot ni Isla at saka na niya pinakitang kumain ng manok at pork barbecue.“Very good, anak,” puri ko sa kaniya.Napansin kong walang baso, naiwan ata sa aparment. “Sandali, balikan ko lang ang baso sa aparment, nakalimutan ko doon sa may lababo,” paalam ko sa kanila.“Ate Ila, bilisan mo, hindi po masarap kumain ng pagkain kapag malamig na,” sabi naman ni Lusing.“Sige, mabilis lang ito.” Kinuha ko ang towel at saka sinuklob sa ulo ko. Mainit na kasi ang sikat ng araw. Binilisan ko na lang din ang laka
Sylaila POVMaagang kaming gumising ni Lusing. Tinulungan niya akong magbabad ng karne ng baboy na ima-marinate namin para maihaw mamaya sa tabing-dagat. Mabuti na lang at may ref sila. Nakilagak muna ako para hindi masira ang mga karneng binili ko kahapon sa palengke.“Tapos na ako rito sa chicken, iihaw na lang, Ate Ila,” sabi ni Lusing habang nakalagay sa malaking supot ang manok na binili niya kanina sa palengke.Isang buong manok at softdrinks kasi ang sagot niya.Si Isla naman ay abala sa hipan sa timbulan niya. Halatang kanina pa excited maligo sa dagat.Habang nagtutusok na kami sa stick ng pork barbecue, nagkaroon na ako ng time para makapagtanong kay Lusing. “Paano nga pala bumili ng ticket papunta sa Manila City?” tanong ko sa kaniya.“Madali lang po, may online book, puwede ko po kayong tulungan kung gusto ninyo, may malapit na computer shop dito, doon tayo mag-book,” sabi niya. Ang bait-bait talaga ni Lusing.“Eh, ano bang kailangan para makabili ng ticket pala?” tanong k
Chusan POVPumunta ako sa bahay nila Kuya Keilys dahil birthday ngayon ng anak nilang si Kylaria. Even though Sylaila is no longer here, I’m still close to them because Mama Keilani and Papa Sylas treat me like their own child.Nung una, oo, masama ang loob nila sa akin dahil parang napabayaan ko si Sylaila. Pero nung tumagal-tagal, napagtanto nilang wala rin naman akong kasalanan.Gamit ang luxury car ko, mag-isa akong pumunta sa Yay Town. Pero bago ako tumuloy dito, dumaan ako sa bilihan ng luxury shoes. Sapatos ang gusto kong ibigay kay Kylaria kasi halos dalaga na siya ngayon. Special request din kasi ni Kylaria na pumunta ako dahil marami sa mga kaibigan niya ay idol ako at gusto akong ma-meet sa personal.Kaya kahit may shoot dapat ako ng isang sikat na brand, kinancel ko muna para maka-attend sa birthday.Pinag-awayan pa namin ni Sera iyon. Sayang daw kasi. Hindi naman daw importante ang birthday ni Kylaria. Patay na raw si Sylaila, kaya bakit nagdididikit pa raw ako sa pamilya
Sylaila POVMay charge na ang cellphone ni Chusan, pero ang problema naman ngayon ay kung paano ito mabubuksan. May password kasi. Hindi siya agad-agad mabubuksan.Ayos na sana, may battery na, password naman ang problema ngayon.“Nanay, tignan mo oh, nandoon sa dagat si Tito Igme,” turo ni Isla sa may dagat habang nakasilip sa bintana.Agad ko tuloy siyang hinila at isinara ang pinto. Tanghali na pero nandito pa rin sila, naghahanap at mukhang sinusuyod mabuti ang buong Colmenares town.“Sara natin at baka makita tayo,” sabi ko habang yakap-yakap siya.“Nanay, pati ang pinto sa likod,” sabi na rin niya, kaya sinara ko na rin.“Ate Ila?” dinig ko namang tawag sa labas ni Lusing.Binuksan ko ang pinto. “Oh, Lusing?”Nakita kong may dala siyang pizza. Pumasok siya sa loob kahit hindi ko naman sinasabi. “Bumili ako ng isang box na pizza, naisip ko, mag-isa lang ako sa bahay kaya dito ko na kakainin para i-share sa inyo,” sabi nito habang nakangiti.“Naku, napakabait mo talaga, Lusing. Sa
Sylaila POVBumalik si Lusing. Dala-dala niya ang platitong pinaglagyan ko ng ulam naming sardinas na may pulang itlog, kamatis, sibuyas at mangga.Nakangiti si Lusing nung lapitan ako. “Ate Ila, nakakahiya man pero puwede bang pahingi pa nung ulam ninyo?”Nagulat ako at napangiti. “Seryoso?” tanong ko pa.“Oo, ang sarap nga pala. Kahit ako, naparami ng kanin kanina nung iuwi ko sa bahay ko. Halos ‘yan na nga lang ang inulam ko, hindi ko na pinansin ang bistek na niluto ko,” sabi pa niya.At nagustuhan naman niya, hindi ako nagdamot. Marami pa naman ‘yung ulam, saka nasarapan din ako sa niluto niyang bistek, kaya nilagyan ko ulit ‘yung platito niya.Ayon, masaya siyang bumalik sa apartment niya.Habang sarap na sarap siya sa sardina na sinabi niyang pagkain ng pusa, heto at sarap na sarap naman ako sa niluto niyang bistek.“Nanay, bukas papasok po kayo sa trabaho ulit?” tanong ni Isla.Umiling ako at ngumiti. “Hindi na, magdadagat tayo bukas, kaya maaga kang matulog, magpahinga kang m
Ilaria POVNung ala una ng hapon, naligo at gumayak ako. Bawal daw sanang lumabas, pero gusto kong dalawin ang Tatay ko. Buhay pa ang Tatay ko, kaya alam kong kailangan niya rin ako.Isang araw na akong umiiwas, hindi dahil ayaw ko siyang makita, kundi dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin an
Ilaria POVBumalik si Sir Keilys sa harapan, may bitbit na siyang maliit na videoke. Doon na nag-umpisang umingay ang gabi. Mabuti na lang at malayo sa mga katabing bahay itong villa.Ang gaganda pala ng boses ng helltrace, lalo na si Vandall. Si Toph, kumanta rin, pero tila hindi para sa kaniya an
Ilaria POVKakatapos lang naming mag-lunch ng helltrace. Sa may damuhan ulit kami kumain. This time, pasta ang lunch namin, pero ‘yung healthy style. Siyempre, pakulo na naman iyon ni Sir Keilys.Nag-enjoy naman ako, nagiging ka-close ko na nga rin ang helltrace. Sa totoo lang kasi, mababait at kal
Keilys POVTahimik na ulit ang buong kapilya kung saan nakaburol pa rin si Nanay Laria ngayong gabi.Si Ilaria, aba, maagang nagpahinga. Sa unang pagkakataon, tulog siya nang maaga.Sabi kanina ni Manang Lumen, parang iniinda nito ang sakit ng ulo. Binigyan naman daw niya ng gamot, pagkatapos ay sa







