LOGINIliana POVHindi ko na maalala kung ilang minuto na akong sumisigaw. Parang huminto ang mundo ko sa pagitan ng bawat pag-iri, bawat sakit na tila hinahati ang katawan ko sa dalawa. Pawis na pawis na rin ako, nanginginig ang mga kamay, at pakiramdam ko ay mauubos ang lahat ng lakas ko sa bawat segundo na lumilipas.“Iliana, kaya mo ‘yan, please, konti na lang,” nanginginig ang boses ni Kuki sa tabi ko.Napalingon ako sa kaniya, at sa totoo lang, kung hindi lang ako nahihirapan, baka natawa pa ako.Namumutla kasi siya. Mas maputla pa sa akin.“Anak ng—Kuki!” sigaw ko habang humihingal. “Ako ang nanganganak! Hindi ikaw!”Pero imbes na tumawa, mas lalo lang siyang pinagpawisan. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, sobrang higpit na halos ako pa ang nasasaktan.“Hindi kita bibitawan,” bulong niya na parang wala sa sarili. “Kahit ano mangyari.”Napapikit ako sandali. Sabagay, sobrang laking tulong nang ginagawa niya ngayon. Masaya ako na sumama siya rito sa loob habang nanganganak ako. Kail
Iliana POV‘Yung simbahan na pinagkasalan namin ay ‘yung simbahan na malapit lang sa reception para hindi na mahirap ang mga bisita namin na lumipat-lipat pa sa malalayo.Kaya pagdating namin sa beach resort, napahinto ako ng literal. Hindi kami napahiya ni Kuki sa pagpili ng coordinator kasi napakagaling nang pagkakaayos ng lahat. Mula sa simbahan at dito sa reception na napili namin.Huminto ako sa gitna ng walkway, habang hawak ang kamay ni Kuki.“Pasabog naman ang ayos,” bulong ko.Hindi ko alam kung saan titingin. Ang buong resort ay isinara para sa talaga sa amin. Na dapat lang dahil napakamahal din ng arkila namin dito. Mula sa entrance pa lang, may mahabang walkway na gawa sa glass panels na may ilaw sa ilalim na parang naglalakad kami sa ibabaw ng tubig. Ang ganda talaga, grabe. Sa gilid nito, may mga white roses at orchids na nakaayos ng bongga.At sa dulo nito narooon ang isang napakalawak na open reception area sa tabi mismo ng beach.May stage. May live orchestra. May cha
Iliana POVHindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko habang nakatayo ako sa harap ng napakalaking pinto ng simbahan. Nakasuot ako ng puting wedding gown na sobrang ganda. Ito na ‘yung halos katumbas ng isang mansion na presyo na pinatahi namin ni Kuki. Ramdam ko nga ang bigat nito, pero walang mas bibigat sa kabang nararamdaman ko. Ganito pala ang ikakasal, iba ang kaba kahit wala namang dapat ikakakaba.“Ready ka na?” tanong sa akin ni Mama Davina.Paglingon ko sa kanya, nakita ko ang mga mata niyang medyo mamasa-masa, wala pa e, naiiyak na agad.Ngumiti ako sa kaniya.“Ready na po, Ma.”Sa kabilang side ko ay nandoon naman si Papa Braxton. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko, parang ayaw niya akong bitawan. Hindi halata na pati sila ay kabado rin.“Sigurado ka na ba sa kasal na ito, anak?” biro pa niya.“Pa, sure na sure na ito, siyempre, kalahating bilyong piso na kaya ang gastos namin,” prangka ko namang wika sa kaniya.“Ikaw naman, masyadong seryoso, siyempre joke lang ‘yon,”
Iliana POVMatapos ang masayang bakasyon sa China ng halos isang linggo din, balik Pilipinas na ulit kami ni Kuki. Super nag-enjoy ako sa China trip namin, lalo na sa pakikipag-bonding sa Mama at Papa ni Kuki. ‘Yung mga pinsan niya, sobrang saya ring kasama. May isang gabi kasi na nag-movie marathon kami. Nakakatakot pero mas nakakatakot ‘yung salitaan dahil chinese, nakakatawa dahil walang subtitle, sa action na lang din talaga ako tumitingin. Saka, kapag lalabas ‘yung multo, doon lang ako parang matatakot nalang. Pero kahit na ganoon, super nag-enjoy ako sa kanila. Mababait ang pamilya ni Kuki. At gusto ko nga agad bumalik. Soon, pagkatapos ng kasal namin, babalik talaga ako doon.Pagdating namin sa bahay, agad kaming sinalubong ng mga staff. Kinuha nila ang mga gamit namin ni Kuki. Tahimik ang buong bahay, na-miss ko ito. Dinala ng mga staff ko ang mga gamit namin sa loob, habang kami naman ay dumiretso sa living area kung saan naghihintay na pala ang wedding coordinator.Hindi pa
Iliana POVKinabukasan dito sa China, nagpasya kami ni Kuki na mag-stay lang sa bahay at doon magpahinga o mag-bonding.“Aalis muna kami,” sabi ni Papa Kirr habang inaayos ang cuff ng polo niya. “Isasama ko si Kuki sa business namin. Time na rin siguro para makita niya ulit ang operations.”“Uuwi rin ako agad,” paalam naman ni Kuki, pero bago siya tuluyang lumabas, lumapit muna siya sa akin. “You’ll be okay?” tanong niya ng pabulong.Tinaasan ko siya ng kilay. “Kaya ko ‘to, saka mabait naman ang mama mo.”Ngumiti siya. “I know.”Bago pa siya umalis, hinalikan niya ako ng tatlong beses sa lips.Pag-alis nila, kami na lang ni Mama Karina ang natira rito sa bahay.Nasa sala ako nung magkatinginan kami. Hindi ko alam kung bakit, pero medyo kinabahan ulit ako sa tingin niya.Pero bago pa ako makapag-isip ng kung anu-ano ay bigla na niyang binasag ang katahimikan.“Iliana, Hija,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin, “marunong ka bang magluto?”Napapikit ako sandali. Ito na ba ‘yon
Iliana POVTahimik na ang malaking bahay nila Kuki pagkagising ko ngayong umaga. Wala na ang mga tito, tita, lolo at mga pinsan niya. Nag-uwian na pagkatapos ng welcome party sa akin kagabi.Maaga akong gumising dahil may usapan kami ni Kuki.“May pupuntahan tayo ngayong araw, Iliana,” sabi niya matapos kaming kumain ng almusal. “Favorite place ko iyon.”“Ah, tourist spot?” tanong ko habang excited na agad. Kahapon ko pa gustong gumala talaga. Nang makita ko rin ang ganda ng China.“For sure, matutuwa ka sa pupuntahan natin,” sabi pa niya habang pasakay na kami sa magandang sasakyan ng pamilya niya.“Enjoy kayo,” sabi ni Mama Karina nung kumakaway sa amin.“Salamat po, see you later,” sagot ko habang kumakaway din.Mahaba ang biyahe namin. Hinahayaan ako ni Kuki na magmasid at maging tahimik habang may baon kaming food incase magutom, pero mga chichirya, cookies, chocolate at juice lang. Sabi niya kasi ay may kakainan kaming masarap mamaya. Habang kumakain ng chichirya na parang heal
Ilaria POVPagdating ko sa Manila, natutuwa ako dahil sinalubong agad ako ni Keilys sa ibaba ng building ng condo niya. Sabi niya, dito daw ako mag-review sa Manila. Siyempre, bilang gusto ko ulit lumandi, pumatol ako. Alam kong kaya niya ginawa ‘yon ay para ma-solo ako. Sa bahay kasi, parang palag
Ilaria POVNasa Maynila na ako bago pa man makauwi si Keilys sa Yay Town. Kahit gusto ko na siyang makausap at makita ulit, pinilit ko na lang umalis muna. Ah, basta, wala muna akong balak na makita siya ngayon. Hindi pa ngayon. Pakiramdam ko kasi, mas papagalitan niya ako sa personal. Ilang beses
Ilaria POVBusog na busog kami pagkatapos mag-merienda. Kaya naman nag-walk kami saglit sa labas. Nagpunta kami sa malapit na mall, namili ng mga damit, kasi kapwa kami walang damit. Siya, wala ring damit doon dahil mga nasa labahan. Ako, kaunti lang din ang dala, tapos nagpasya pa siyang mag-stay
Ilaria POVAng lakas ng ulan. Parang walang balak tumigil. Signal number 3 na rin dito sa town namin. Kanina pa umuugong ang hangin, kumakalampag ang bubong, at halos mapuno na ng tubig ang labas ng bahay.Nasa sala ako ngayon, nakasilip sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga dahon ng puno ng man







