LOGINSylaila POVTahimik akong nakatago sa likod ng malaking puno habang nakamasid sa farm. Sa totoo lang, kabado akong isipin na baka hindi maging epekto ang pampatulog na nilagay ko sa kakanin.Panay ang dasal ko na sana ay maging epektib kasi halos sampung minuto na akong nakatago rito ay parang walang nangyayari.Pero maya maya ay isa sa mga armadong lalaki ang unang napahikab. Napangiti ako kasi parang ayan na. Ilang segundo pa ay tila napahawak ito sa ulo, pagkatapos ay napaupo na siya sa lupa.Makalipas ang isang minuto, tuluyan na itong bumagsak sa lupa.Napangisi ako kasi tagumpay, nakatulog na ang isa.Maya maya pa ay nagsunod-sunod na silang bumagsak sa lupa. Parang mga punong isa-isang pinuputol.“Tang-ina ninyo ah! Sige, matulog muna kayong mga hayop kayo!”Ang iba ay nakaupo pa habang inaantok. Ang iba naman ay sinusubukang tumayo, pero wala ring nangyari. Isa-isa silang bumagsak sa lupa, hanggang sa wala nang natirang nakatayo.Lahat silang sampu at nakanganga at mahimbing n
Sylaila POVMahigpit kong kinuyom ang mga kamao ko habang naglalakad palayo sa farm. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang iyak ni Isla. Ang paghingi niya ng tulong. Ang pagtawag niya sa akin.Sa bawat segundo na lumilipas, lalo kong gustong sugurin ang mga armadong lalaking nagbabantay sa kaniya. Pero alam kong hindi pa puwede. Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos.Sampu sila at kahit kaya kong lumaban, hindi ko alam kung gaano karami ang baril nila.Mas lalong hindi ko alam kung ano ang mangyayari kay Isla kapag nagkamali ako.Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong maging matalino. Kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.Naglakad ako papunta sa kabilang bahagi ng Amontala hanggang makarating ako sa Calye Lumipak. Doon ko agad nakita si Aling Bibet. Ang galing, parang ang suwerte ko. Tulad ng dati, nakaupo siya sa gilid ng kalsada habang nagtitinda ng iba’t ibang kakanin.May sapin-sapin, kutsinta, puto, suman, at kung anu-ano pang matamis na pagkain.“Aling Bibet!”Napatingin siya
Sylaila POVHindi ko na maalala kung ilang beses akong napaluha sa biyahe. Hindi ko na rin maalala kung ilang beses akong napapikit habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ko.Kailangan kong mahanap si Isla. Kailangan kong mailigtas ang anak ko.Pagkatapos kong marinig mula kay Lusing ang nangyari, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko na halos narinig ang iba niyang sinabi. Ang malinaw lang sa isip ko ay ang mga salitang dinukot nila si Isla. Paulit-ulit na umaalingawngaw iyon sa utak ko. Parang martilyong paulit-ulit na humahampas sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako nakasakay sa jeep. Hindi ko alam kung paano ko nagawang mag-impake ng ilang gamit. Hindi ko alam kung paano ako nakapagdesisyong bumiyahe agad papuntang Amontala.Basta ang alam ko, wala akong ibang pupuntahan. Doon dinala ang anak ko, at doon ko rin siya kukunin. Kahit ano pang mangyari, babawiin ko siya dahil nag-iisa lang ang Isla ko.Tahimik akong nakaupo sa pinakadulong bahagi ng jeep. Dumadaan ang mga puno
Lusing POVPagkaalis nina Sylaila at Fabian para ihatid ang malaking order sa beach resort, ako muna ang naiwan sa puwesto habang kasama ko si Isla.Nakaupo siya sa isang maliit na monoblock chair sa gilid ng ihawan habang tutok na tutok sa kinukulayang activity book. Paminsan-minsan ay inilalabas pa niya ang dila niya kapag masyado siyang naka-focus sa pagkukulay.Napangiti ako. Ang cute talaga ng batang ito.“Isla.”Napatingin siya sa akin. “Yes po, Ate Lusing?”“Tapos mo na bang kulayan ‘yang prinsesa mo?”Agad siyang napangiti. “Hindi pa po.”“Parang limang oras mo nang kinukulayan ‘yan ah.”Napatawa siya. “Matagal ko talaga akong mag-color para maganda ang kakalabasan,” sagot naman nito habang seryoso sa pagkukulay.Nasa harap namin ang isang plato ng bagong ihaw na hotdog. Paminsan-minsan ay kumukuha kami pareho. Mainit-init pa iyon. Libre na iyon sa amin kasi sold out kami. Kumbaga, tiba-tiba na talaga kaya hayahay na lang.“Ang sarap.”Tumango agad si Isla habang ngumunguya. “
Sylaila POVHindi biro ang isang daang stick ng pork barbecue.Hindi rin biro ang isang daang stick ng tenga ng baboy. At lalo namang hindi biro ang limampung buong inihaw na manok. Kaya naman simula pa kanina ay parang piyesta ang ihawan namin.Mainit sobra at ang usok. Nakakapagod, pero masaya aahil alam naming malaking kita ang kapalit nito.“Fabian! Tignan mo nga kung sunog na ‘yang manok!” sigaw ko.“Ayos pa po ‘yan!" sagot niya habang pinapahiran ng sauce ang isa sa mga manok.Sa kabilang banda naman ay abala si Lusing sa pagbibilang ng mga barbecue.“Pitumpu’t lima…Siyamnapu…Siyamnapu’t lima…Teka lang! Nalito ako!”Natawa nalang ako sa kaniya.“Ayan kasi, panay kasi titig kanina sa lalaking um-order kaya nagkakandalito ka,” buska ni Fabian sa kaniya.“Aba, hindi ko kasalanan kung gwapo si Marco!”Ayan na naman silang dalawa. Panay tuloy ang tawa ko kapag silang dalawa ang nag-aasaran. Hindi na rin talaga kumpleto ang tindahan namin dito kung walang maingay na Fabian at Lusing.
Chusan POVI quietly took the elevator up to my condo. As I stared at the numbers lighting up on the elevator door, I couldn't help but remember what I did on the yacht. The live. The wine. The things I said.Sa totoo lang, nahihiya ako sa parents ni Sera. Ano kayang iniisip nila matapos mapanuod ang mga sinabi ko?Bumukas ang elevator. As soon as I stepped out, I immediately saw Mara. She was standing outside my condo unit with her arms crossed. Naku. Alam ko na ang mangyayari.Paglapit ko ay nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya nagsasalita at mas nakakatakot iyon.“Miss Mara—”“Pumasok muna tayo sa loob.”Binuksan ko ang pinto at pumasok kami sa loob.Pagkasara pa lang ng pinto ay agad siyang humarap sa akin.“Alam mo ba kung gaano ka ka-viral ngayon?”Napakamot ako sa batok. Mukhang alam ko na kung saan papunta ito.” “Trending ka sa lahat ng social media platforms!”Napabuntong-hininga ako. “Oo na.”“Oo na?” Lalo siyang nainis. “Chusan, milyon-milyong tao ang nanood sa live mo!
Ilaria POVHabang nakahiga ako sa bedroom ko at namamahinga, nakarinig ako sa labas ng busina ng sasakyan. Hudyat na nandito na si Toph. Sakto, kakagising ko lang, kanina ko pa siya hinihintay dahil naigayak ko na ang pagkain at gamit na dadalhin namin sa ilog ngayong hapon.Bumangon na ako at nagl
Ilaria POVNandito na ako sa loob ng kuwarto ni Sir Presang masungit na ngayon. Pagkasundo niya sa akin sa kayawan business nila Kiyo, panay ang sermon niya sa akin kanina sa loob ng sasakyan.“Stress na ako sa katigasan ng ulo mo.”“Hindi mo na ako pinapakinggan.”“Wala na bang pagkain sa villa at
Ilaria POV“Ito ang gusto ko, tahimik, magandang spot at masarap na merienda, grabe, Ilaria, natanggal ang stress ko bigla. Salamat sa magandang bonding at experiece na ito,” sabi ni Toph, habang panay ang tingin sa mga naging picture ko sa kaniya kanina.Tapos na rin kaming mag-merienda, ginutom k
Ilaria POVPagkatapos kong maligo, nagsuot lang ako ng simpleng damit na pang-araw-araw. Nagpulbo lang ako at konting liptint, saka ako lumabas ng kuwarto. Nang makalabas na ako, tumuloy agad ako sa kusina para magtanong kay Manang Lumen kung may almusal na rin ba. Ngunit bago pa ako makakain, naal







