Share

Kabanata 37

Agad na tumakbo si Yulan upang saluhin ang batang si Boboy kahit na alam niyang hindi sapat ang kaniyang liksi upang masalo ito. Pabagsak na ang bata sa lupa at imposible na itong maabutan ni Yulan. Mabuti na lamang at dumating kaagad si Prexius at nasalo ang batang si Boboy. Gagamitin na sana ng reyna ang kaniyang kapangyarihan upang pabagsakin ang ibon pero agad din naman itong sinipa ni Yulan kaya natumba ito. 

Tuluyan nang napalayo ang ibon dala ang batang sugatan. Hinugot ni Yulan ang kaniyang espada at itinutok ito sa leeg ng reyna. Ngunit sa sandaling iyon ay may kung anong masakit ang tumama sa kaniyang likod na nakapanghihina sa kaniyang buong katawan. Nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Napaluhod si Yulan at lumingon sa kaniyang likuran. Kaniyang nakita ang bagong hari na hawak-hawak ang setro at ito'y nakatutok sa kaniya. Pero kahit na nanghihina na ang prinsipe ay hindi pa rin nito binitawan ang kaniyang espada. Hinawakan niya ito nang napakahigpit at i

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status