Share

Kabanata 56

Nalilito si Alea sa lugar na kanyang pinasok. Ang tahanan ng mga dragon ay parang isang napakalaking kweba na may napakaraming pasikot-sikot. Posible siyang maligaw doon at ang daan palabas ay hindi matunton. Ngunit kahit na gano'n ay pinagpatuloy niya pa rin ang paglalakad. Sa Bawat gilid ng daang kanyang tinatahak ay may apoy na sa paligid ay nagbibigay liwanag. Tahimik lamang siyang naglalakad, minsan ay tumatago sa madilim na sulok upang hindi makita ng mga kalabang palakad-lakad.

Hindi pa nahahanap ni Alea ang kanyang lola nang marinig na niya ang sigawan mula sa labas. Huminto siya saglit at pinakiramdaman ang paligid. "May mga kalaban!" rinig niyang sigaw ng isang boses lalaki na malapit lamang sa kanyang kinatatayuan.

Agad siyang nagtago sa likod ng bato nang makita ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa kanya. Nang malampasan siya nito ay tahimik niya itong sinundan. Pumasok ito sa isang silid. "Nilusob tayo ng mga kalaban, mahal na hari," rinig niyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status