Share

Kabanata 57

Hinugot ni Alea ang espada sa sisidlan nito na nakasabit lamang sa kanyang likuran. Hinawakan niya ito nang mahigpit at itinutok sa lalaking papalapit. Nakatutok lamang ang kanyang mga mata rito. Ngunti nagulat na lamang siya nang bigla na lamang itong nawala sa kanyang harapan. Lilingon na sana siya nang maramdaman niyang nasa likuran niya ito ngunit hindi paman siya nakakilos ay naramdaman na niya ang malakas na sipa nito. Muntik pa siyang masubsob sa lupa dahil sa napalakas na sipa na tumama sa kanya mula sa likuran.

Umayos siya ng tayo at agad na umikot upang harapin si Dargon ngunit hindi niya ito nakita. Isang sipa na naman sa kanyang likuran ang kanyang natanggap at tuluyan na nga siyang natumba sa lupa. "Ang bilis niya," sambit niya sa isipan.

Agad siyang tumayo at hindi na muling kumilos pa. Nanatili lamang siyang nakatayo ngunit ang kanyang isipan ay nasa kalaban. Pinakiramdaman niya nang maigi ang bawat galaw nito. Alam niya na nasa likuran niya pa rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status