Share

Kabanata 62

Ipinikit ni Alea ang kanyang mga mata at ninanamnam ang malamig na hanging yumakap sa kanya na parang pinapakalma ang nagagalit niyang puso. Parang ang panahon at siya ay naging iisa.

"Huminahon ka na, Alea. Tapos na ang laban," wika ng isang tinig mula sa kalangitan. Tumingala si Alea at muli niyang nakita ang mukha ng isang babae na binubuo ng mga ulap. Minsan na niyang nakita ito noon. Namangha man noon sa nakita ngunit ngayon ay may katanungan na nabubuo sa kanyang isipan. Ang boses na kanyang narinig ay nagmumula sa wangis ng isang babae na binubuo ng mga ulap. "Sino ka?"

"Ako ang iyong karamay."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Alea. Halos maiyak siya dahil sa kabutihang pinapakita nito. Ngayon ay napagtanto niya na sa mga panahon na siya ay malungkot ay hindi siya palaging nag-iisa. Kasama niya ito at isa ito sa mga naging karamay niya. Ang diyosa ng panahon sa mundong iyon ay naging karamay niya. "Maraming salamat sa iyong kabutihan."

"P
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status