Share

Kabanata 63

Sa palasyo, ang mga tagasilbi ay nagtungo sa labas upang saluhin ang umuulan na mga kumikinang na bagay.

"Napakaganda! Parang umuulan ng mga bituin!" manghang sabi ng mga tagasilbi.

"Prinsesa Yolanda! Saan ka po pupunta?" tanong ni Orilla nang makitang lumabas ng silid ang prinsesa. Dadalhan niya sana ito ng pagkain sa loob.

"Tayo'y magdiwang, Orilla. Ating namnamin ang kapayapaan sa mundong ito," nakangiting wika ni Yolanda.

Sumunod si Orilla sa prinsesa bitbit pa rin ang mga hinandang pagkain para rito. Nais man niyang sundan ito ngunit bigla na lamang itong naglaho. "Mahal na prinsesa!" Sigaw niya. Agad siyang tumakbo palabas ng palasyo upang magtungo sa hardin. Alam niyang mahilig sa mga halaman ang prinsesa kaya ang lugar na iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan.

Nang makalabas si Orilla ay hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha sa nakita. "Ang ganda," sambit niya. Inilahad niya ang nakabukas niyang palad upang saluhin ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status