Share

Kabanata 66

"Mabuti naman at hindi itinapon ni itay at inay ang aking mga damit," wika ni Alea habang sinusuri ang laman ng kanyang cabinet sa kwarto.

"Alea, may dapat ka pang i-kwento sa akin."

Pinili ni Alea ang kanyang pinakamagandang damit at inilahad sa harapan ni Iris. "Ito, suotin mo. Magbihis ka na muna."

"Alea, ipaliwanag mo na sa akin ang lahat."

"Oo na, sige na. Sasabihin ko na sa iyo ang lahat-lahat."

Saglit na natahimik si Iris pagkatapos niyang marinig ang kwento ni Alea. "Hindi talaga ako makapaniwala. Talaga bang napunta ako roon? Ang daya naman! Bakit kailangan ko pang makalimot?"

"Alea, anak! Lumabas na kayo riyan dahil kakain na!" pagtawag ni Milagros.

"Opo, inay. Lalabas na po kami."

"Si Ash, Alea? Anong nangyari sa kanya?" biglang tanong ni Iris.

"Ah, Iris. Gutom na gutom na kasi ako. Kumain na muna tayo." Lumabas kaagad si Alea sa kanyang kwarto upang iwasan ang tanong ni Iris.

Lahat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status