Share

Ika labing pitong kabanata

“Woahhh! Amazing…” narinig ko na komento ng ilang mga tao sa aking paligid, makikita sa kanilang mga mukha ang labis na paghanga hanggang kalaunan ay sinasabayan na nila ako sa pagkanta. Nakapaskil ang isang magandang ngiti sa labi ko kaya naman kita ko kung paano kiligin ang mga babae habang ang kanilang mga mata ay nagniningning. Ngunit imbes na matuwa ay tila nakakaramdam ako ng inis ng mahagip ng aking mga mata ang kinaroroonan ni Mr. Hilton.

Hindi na kasi umalis sa tabi nito ang babaeng lumapit sa kanya kanina at mukhang nagka-palagayan na ng loob ang mga ito. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kamay ng babae na masuyong hinihimas ang pagitan ng mga hita ni Mr. Hilton. Hindi ako innocente sa kung ano ang nais mangyari ng babae.

Nang magawi ang aking tingin sa mukha ng binata ay bigla akong napalunok, dahil ng ngumiti siya sa akin ay pakiramdam ko tumalon yata palabas ang puso ko.”

“Every color and every hue

Is represented by me and you

Take a slide in the slope

Take a look
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status