KABANATA 9
HUMITHIT ako sa sigarilyong hawak ko at itinapon iyon sa kung saan nang makita si Roan na papalapit sa akin. Mahigit dalawang linggo na nang mangyari iyon. Hindi ko na ulit nakita ang pagmumukha ni Chariol at Randolf. Balita ko, lumipat na sila ng eskuwelahan at magkasama sila roon. Mabuti nga iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanilang dalawa kapag nakita ko ulit silang magkasama. Mga manloloko.
Sabi nga ni Roan, tutulungan niya ako basta tulungan ko rin daw ang sarili ko. Nangako akong susubukan ko nang ayusin ang magulo kong buhay. Susubukan ko nang tanggalin ang lahat ng bisyo ko. Pero hindi pala madali lalo na kung nakasanayan na. Hinahanap-hanap ng sistema ko ang alak at sigarilyo kaya naman pinagbigyan ko muna ang sarili ko.
Isang seryosong tingin ang ibinigay sa akin ni Roan. “Nag-cutting ka na naman.” Huminga siya nang malalim. “’Di ba’t napag-usapan natin ‘to, Elyne?”
“Buwisit kasi si Miss Cantar na ‘yon,” iritadong sabi ko. Kasama sa usapan namin na dapat mag-aral na ako nang mabuti. Pati nga ang mga piercing ko, pinatanggal ni Roan. Simulan ko raw ang pagbabago sa mga maliliit na bagay. “Pinag-iinitan na naman ako. Nakakarindi ang bunganga niya.”
“Ano’ng gagawin mo? Palagi na lang hindi papasok? Palagi ka na lang tatakas? Pa’no ka papasa niyan?” May pagkaseryoso sa tinig ni Roan. “Huwag mo na lang intindihin kung ano man ang sinasabi niya. Mag-aral ka lang nang mabuti. Doon, mapapamukha mo sa kan’ya na hindi ka na katulad ng dati.”
Mariin akong napapikit at bumuga ng hangin. “Sige na. Bukas na bukas din, papasok na ako sa lahat ng subject. Mag-aaral na ako nang mabuti.”
Napailing siya na mukhang hindi pa rin kumbinsido. “Sana nga, Elyne. Sana nga hindi ka lang puro salita. Ipakita mo rin sa gawa.”
Nang marinig naming tumunog na ang bell, magkasabay kaming lumabas ng eskuwelahan ni Roan. Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalayo, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa amin.
“Ano’ng ginagawa niyan dito? Paalisin mo nga ‘yan.”
Umiwas agad ako ng tingin nang biglang magsalubong ang mga mata namin. Napalunok ako nang maramdaman ko na may kung anong bumara sa lalamunan ko at bumagal ang paghinga ko.
Nagulat ako nang lumapit sa akin si Mama at hinaplos ang mukha ko. Gustuhin ko mang umiba ng tingin ay hindi ko magawa. Mas lalong bumigat ang dibdib ko at para bang pinipiga ang puso ko nang makita ang pangungulila sa mga mata niya.
Nang matauhan ako, maharas kong tinabig ang kamay ni Mama. “Huwag mo nga akong hawakan!”
“Elyne!” sita ni Roan. “May gusto siyang sabibin sa ‘yo.”
Isang matalim na tingin ang ibinato ko kay Mama. “Wala akong pakialam sa sasabihin niya.” Inirapan ko si Roan.
“Hayaan mo muna siyang sabihin sa ‘kin ang mga gusto niyang sabihin sa ‘yo,” sabi ni Roan at may isinenyas na naman si Mama. “Umuwi ka na raw sa inyo, Elyne. Palagi siyang nag-aalala sa ‘yo. Palagi niyang iniisip ang kaligtasan mo. Hindi siya mapapanatag hanggang sa hindi ka bumabalik sa inyo.”
Isang hilaw na ngisi ang kumurba sa mga labi ko habang nakatitig kay Mama. “Hindi na ‘ko uuwi kaya umalis ka na,” sabi ko at tinalikuran siya. Binilisan ko ang paglalakad pero laking gulat ko nang harangin ni Mama ang daraanan ko. Nanliit ang mata ko at mas lalong uminit ang dugo ko. “Sinabing umalis ka na, e!” Sa sobrang pagkainis, bigla ko siyang naitulak.
“Tita!” sigaw ni Roan nang mapaupo sa semento si Mama dahil sa lakas ng pagtulak ko. Napahinto ako at bahagyang natulala. Hindi ko naman iyon sinasadya. Sinamaan ako ng tingin ni Roan at dahan-dahang itinayo si Mama. “Ano ka ba naman, Elyne! Ba’t mo ginawa ‘yon?”
Humalukipkip ako at tumingin sa malayo. “Kasalanan niya. Ang kulit niya kasi. Sinabing umuwi na, e!” Nagulat ako nang makitang unti-unting pumatak ang luha ni Mama habang nakatitig sa akin. Huminga ako nang malalim. Pilit kong inilayo ang tingin ko dahil parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Sa totoo lang, ayoko siyang makita. Nasasaktan na naman ako. Pero hindi iyon ang sinasabi ng puso ko. Na-miss ko si Mama. Sobra.
Bigla akong hinila ni Roan. “Hindi ka ba naaawa sa kanya, Elyne?” seryosong tanong niya, pero iniikot ko lang ang mga mata ko. “Nakita kong umiiyak ang Mama mo. Halos araw-araw ko siyang nakikita sa labas ng eskuwelahan natin habang nakatingin sa ‘yo. Pinagmamasdan ka niya. Hinihintay ka niya.”
Napahinto ako sa sinabi ni Roan. Para bang unti-unting dinaganan ng mabigat na bato ang puso ko at biglang nahirapang huminga.
Umiiyak si Mama? Palagi siyang naghihintay sa labas ng school para lang makita ako? Bakit niya ginagawa ‘yon?
“Ngayon mo sabihin sa ‘kin na wala siyang pakialam sa ‘yo. Na hindi ka niya mahal,” sabi ni Roan na nagpatahimik sa akin. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. “Maawa ka naman sana sa Mama mo, Elyne.”
Bahagya kong nilingon ko si Mama na nakayuko lang at tahimik na umiiyak sa isang tabi. Muli akong umiwas ng tingin. Hindi ko kayang pagmasdan siya. Parang binibiyak ang puso ko. “Wala akong pakialam sa kan’ya.”
“Elyne…”
Huminga ako nang malalim. Isang pasya ang nabuo sa isip ko. Unti-unti kong nilapitan si Mama. “Oo na, sige na. Tumahan ka na. Uuwi na ako sa bahay,” sabi ko, saka siya tinalikuran. Ayokong makita nila ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
ISANG buwan na ang nakaraan mula nang bumalik ako sa bahay namin. Natuwa si Roan sa desisyon ko dahil iyon daw ang tama. Maging si Mama, kung minsan ay hindi rin maitago ang kasiyahan. Maya’t maya nga akong sinisilip sa kuwarto ko. Kung hindi ko pa nga sitahin, hindi pa aalis. Si Miana naman, napansin kong hindi mapirmi sa bahay. Palaging umaalis at tila hindi mapakali. Okay na, e. Okay na ang lahat pero sa pagbabalik ko sa bahay, may isang epal na sumalubong sa akin.
“Sabi na nga ba’t babalik ka rin. Siguro wala ka nang makain, ano? Sa susunod, ‘wag mo akong pagmamalakihan dahil palamunin pa rin kita.” Iyan ang mga salitang isinalubong sa akin ni Papa. Kung hindi nga lang ako nakapagtimpi, baka nasagot ko na naman siya.
Naalala ko ang ipinangako ko kay Roan na magbabagong buhay na ako. At sa pagbabagong iyon, parte roon ang pakikitungo ko kay Papa. Mahirap. Kung minsan, masasakit na salita ang ibinabato ni Papa at gustong-gusto kong sumagot pero humihinga na lang ako nang malalim at pinapalagpas iyon.
Napatigil ako sa pagbabalik-tanaw nang matanaw ang isang pamilyar na mukha sa parke na hdi kalayuan mula sa kinatatayuan ko. Bahagya pa akong lumapit upang kumpirmahin kung si Miana iyon at hindi ako nagkamali ng akala. Hindi siya nag-iisa. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita kong magkasama na naman sila.
“Ano’ng gagawin natin?” tila kinakabahang sabi ni Miana. Halatang seryoso ang usapan ng dalawa at hindi napansin ang paglapit ko.
“Hindi ko alam, Miana. Hindi ko alam,” sabi ng lalaki na para bang nababalisa. Napahilamos pa ito ng mukha. “Itatakwil ako ni Papa.”
Kinagat ni Miana ang ibabang labi niya. “Ako rin naman. Hindi ko alam ang maaaring gawin ni Papa kapag nalaman niya ‘to. Mapapatay niya ako.”
Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan kaagad kung ano ang pinag-uusapan nila.
“Hindi mo naman ako iiwan, ‘di ba?” Nanginginig ang boses ni Miana at hinawakan ang kamay ng lalaki.
Mariin itong napapikit at bumuga ng hangin. “Hindi pa ako handa, Miana.”
Nalaglag ang panga ko nang tabigin ng lalaki ang kamay ng kapatid ko. Tuluyan nang bumuhos ang luha ni Miana. Napatakip siya ng mukha at humahagulgol. “P-paano n-na a-ko? Pa’no na ang—”
“Buntis ka, Miana?”
“E-elyne?” Nanlaki ang mga mata ni Miana. Kitang-kita ko kung paano nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Napalunok siya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
Matalim ang mga matang tiningnan ko si Miana. “Sagutin mo ang tanong ko. Buntis ka?”
Tumingin siya sa lalaki at dahan-dahang napailing. “Hindi.” Napayuko si Miana at napansin kong parang may itinatago siya sa likod.
“Sinungaling. Narinig ko ang usapan ninyo.” Hinawakan ko ang kamay ni Miana.
“Elyne, huwag!”
Hinablot ko sa kamay ni Miana ang isang pregnancy test at nakita kong mayroong dalawang pulang guhit sa ginta.
Nag-igting ang panga ko. “Positibo. Buntis ka nga. Alam na ba ‘to ni Papa?”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Namuo ang luha sa mga mata niya. Punong-puno iyon ng pagsusumamo. “Elyne, pakiusap ‘wag mong sasabihin kay Mama. Mas lalo na kay Papa. Mapapatay niya ako sa galit,” pakiusap niya at unti-unti tumulo ang mga luha. “Ipapaalam ko rin naman ito sa kanila. Pero hindi pa ngayon. Hahanap pa ako ng tiyempo.”
Tiningnan ko nang masama ang ama ng batang dinadala ni Miana at muling napatingin sa kapatid ko. Bumuntong hininga ako at tumango. “Bahala ka kung iyan ang desisyon mo. Basta mag-ingat ka palagi,” sabi ko at tinalikuran ang dalawa.
Bago pa man ako makalayo, naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Hindi ko lang maamin sa sarili ko pero naaawa ako kay Miana. Naaawa ako dahil hindi ko kung alam kung paano niya haharapin ang problema niya. Hindi ko alam kung saan siya huhugot ng lakas para resolbahin ang lahat ng iyon. Naaawa ako sa posibleng gawin ni Papa kapag nalaman niyong buntis si Miana.
Hindi dapat ako mangialam sa buhay niya dahil ginusto niya iyon. Sila ang gumawa niyon. Hindi ko man siya matulungan pero sana kayanin niya.
KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong
KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.
KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd
KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l
KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para
KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo