Share

Keeping the Child of Red Rivas
Keeping the Child of Red Rivas
Author: Ydewons

RIVAS 1

QUEENIE ROSE POV

"HI, SIR... Want me to lit you cigar?"

Malagkit na mga tingin ang agad kong ibinigay sa matandang lalaking nadaanan kong nakaupo sa isa sa mga table dito sa loob ng club.

Unang araw ko ito sa trabaho kung kaya naman kahit na naiilang sa nakikitang mga kaganapan sa paligid ay isinasawalang bahala ko na lamang.

Kailangan kong tiisin ang ganitong trabaho dahil ito lang ang alam kong may mabilis na kitaan ng pera.

Mas lalo kong pinalamlam ang mga mata ko nang mapansin kong dahan dahan na bumaba ang tingin ng matanda sa katawan ko at tumigil sa may bandang dibdib ko.

"Sir?"

"A-ahh... Y-yes of course! Go on, lit my cigarettes!"

Agad akong yumuko upang masindihan ang sigarilyong nasa labi ng matanda.

Ngunit halos madurog ang mga ngipin ko sa sobrang inis nang mabilis ako nitong hilain at piliting paupuin sa kandungan nito.

"Ah sir, excuse me. Hindi po pwede ang ganyan dito sa club namin-"

"Oh c'mon miss! Madami akong pera! Kahit na magkano ay kaya kong ibigay, just tell me your price!"

Ang kapal din ng mukha ng matandang 'to! Oo nga at mukha namang makapal ang bulsa niya, kasing kapal ng bilbil niya sa tiyan pero hello!

Hindi naman ako katulad ng kung anumang iniisip niya. I am just here to entertain the customer. Wala sa trabaho ko ang kumandong sa kung sinumang poncio pilato!

"Sir hindi po talaga pwede-"

"Bakit naman hindi? Eh iyon naman ang trabaho niyo dito 'di ba? To entertain your customer and give us pleasure!"

Buong lakas kong itinulak ang matanda at ngali ngaling batuhin ng hawak kong lighter. Agad na nakakuha ng atensyon ng ibang tao ang ginawa kong iyon.

"Ang trabaho namin, to entertain you, oo! Pero to give you pleasure? Hello! Baka nahihilo lang kayo. Napunta na yata ang lahat ng usok ng sigarilyo sa utak niyo kaya ganyan kayo mag isip!"

"Aba bastos ka ah!"

"Talagang bastos eh sa bastos ka din eh!"

"Alam mo miss, sa ginagawa mong 'yan, tinataboy mo lang ang mga customer ng club niyong 'to. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil sa akin manggagaling ang kikitain mo eh-"

"At bakit?! Ikaw ba ang may ari ng club na 'to? Ba't kaya hindi ka nalang umuwi at baka bigla ka nalang ma-stroke dyan sa kinauupuan mo!"

"Sumusobra kana ah!"

Mabilis akong napapikit at napailag nang makita kong marahas na tumayo ang matanda at umambang sasampalin ako.

Ngunit ilang segundo na ang lumilipas ay wala pa rin akong nararamdamang palad na dumadapo sa alin mang parte ng katawan ko.

"Excuse me Sir but I have to get you out of the club. We are securing our employees here so meaning to say you can't just harm any workers here-"

"Akala ko ba pwedeng i-table ang mga babae dito? Na pwede ding ilabas kung gugustuhin namin?"

"Yes Sir, but Queenie is not one of those women whom you can take out. She's just here to entertain and serve the customers."

Awtomatiko akong napamulat ng mga mata at taas noong muling binalingan ng tingin ang matandang malaki ang tiyan na ngayon nga ay namumula na dala siguro ng pagpupuyos ng galit.

'buti nga sayo! Ma-stroke ka sana at humimlay nang maaga!

"Queenie?"

Mabilis na lumipat ang mga mata ko nang marinig ko ang malambing na boses ng boss ko.

Pakiramdam ko ay agad na napawi ang inis na kanina ay nararamdaman ko nang makita ko ang napakagwapong mukha nito.

Para kasing may kung ano sa aura at mukha nito na kahit titigan mo lang ay kusa ka nalang mapapasunod sa kahit na anong utos na sabihin niya.

Kung sasabihin nga nitong maghubad ako ng panty ngayon ay walang pag aalinlangan ko iyong gagawin. Ngayon na mismo! Ura urada!

"Sir Ashton..."

"Apologize to our customer. And then sumunod ka sa akin sa opisina."

"Yes sir..."

Ang matamis na ngiting kanina ay nasa labi ko ay biglang nawala nang ang matandang customer na ngayon ang tinitingnan ko. Hindi pa rin umaalis si Sir Ashton kaya naman kailangan kong gawin ang utos nito.

Syempre kailangan ko rin namang magpa-good shot dito 'no! Unang araw ko sa trabaho tapos parang maghahasik agad ako ng lagim!

"Sorry po Sir-"

"No! I don't want your apology! I want you to come with me to my condo unit now and warm my bed-"

Hindi na natapos ng matandang mataba ang sinasabi nito dahil isa isa nang nagsidatingan ang mga naglalakihang bouncer namin at mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat ang matanda.

"What the fuck?! Hindi niyo ba ako nakikilala? Hoy ikaw! Ikaw ba ang may ari ng club na 'to? Utusan mo 'tong mga bouncer niyo na bitawan ako!"

"No. Kick him out. And banned him to all of my establishments."

"Yes, Sir Ashton."

Mahina akong natawa nang walang kaabog abog na hinila palabas ng mga bouncer namin ang walang modo at bastos na customer na iyon. Halatang lalo itong nagalit nang magtama ang mga mata namin at taasan ko lang ito ng kilay.

'buti nga sa kanya! Napapala ng mga matandang bastos. Parang ilang lechon na nga lang ang kakainin nito tapos mamamaalam na sa mundong ibabaw tapos puro kasamaan pa rin ang ginagawa dito. Imbes na nagpapakabait nalang para dagdag ligtas points kay San Pedro eh.

Huhulaan ko! Hindi sa langit ang punta ng matandang 'yon! Baka nga nasa hagdan palang ito paakyat sa langit ay sinuka na ito agad eh. Napakasama ba naman ng tabas ng dila!

"Queenie?"

"Yes Sir Ashton?"

"Come with my office, I have to remind you something."

Pakiramdam ko ay tila may kung anong nakabarang malaking bato sa lalamunan ko dahil bigla na lamang akong nahirapan sa paglunok.

Ano kayang sasabihin ni Sir Ashton? Tanggal na ba ako agad sa trabaho ko? Eh kakasimula ko pa nga lang eh. Mag aadvance pa naman sana ako sa sweldo kasi ilang araw na akong puro noodles nalang ang kinakain.

Ayaw na din akong pautangin ng kapitbahay kong may tindahan. Mahaba na daw ang listahan ng mga utang ko sa kanya. Huhu, ano na ang gagawin ko?

"Queenie?"

"Yes sir ito na po, pasunod na..."

Hinayaan kong ilang hakbang ang layo ko sa boss ko.

Ayoko namang mag feeling na same level lang kami.

"Lagot ka kay Sir!"

Pinandilatan ko ng mga mata ang kaibigan kong si Janna nang madaanan ko ito.

Agad siguro nitong naramdaman na mapapagalitan ako ng boss namin. Medyo malakas din kasi ang radar ng babaitang iyon pagdating sa mga chismisan eh.

Naunang pumasok ang boss ko sa loob ng opisina niya at ilang segundo muna ang pinalipas ko bago ako sumunod dito.

Habol habol pa rin ang kaba sa dibdib ko at halos lahat ng Santo ay natawag ko na sa utak ko.

"Take a seat, Queenie..."

Naiilang akong ngumiti habang dahan dahan na naglakad papunta sa upuang nasa harap ni Sir Ashton.

"A-ah Sir... Bakit po? May sasabihin po ba kayo-"

"Obviously yes, kaya nga kita pinasunod dito, hindi ba?"

Anak ng pitong tupa 'yan! Imbes na matakot ako sa pagsusungit ng boss ko ay parang mas lalo lang lumuluwag ang garter ng panty ko!

Grabe naman kasi makatitig si Sir! Parang inuutusan akong maghubad sa harap niya. Ay joke!

"Eh hehe, pasensya na po pala sa nangyari kanina Sir. Pinapangako ko po sa inyong hindi na iyon mauulit."

"Normal na ang mga ganoong pangyayari sa lugar na ito. Pero as long as possible, hindi ko pinahihintulutan ang kahit na sinumang mangbastos sa mga empleyado ko. So now, I'm asking you, sigurado ka ba dito sa pinasok mo? You're only eighteen, Queenie. Marami pang ibang trabaho ang maaari mong pasukan."

Mabilis na nagbaba ako ng ulo at huminga ng malalim.

Oo nga at eighteen lang ako, at maniwala man ang boss ko o hindi, hinintay ko talagang tumuntong ako sa tamang edad para makapagtrabaho sa ganito.

Tiniis ko ang kakarampot na kita mula sa pagiging tagahugas sa karinderya malapit sa amin para lang magtuloy tuloy ako sa pag aaral.

Pero ngayon na nasa kolehiyo na ako, hindi na iyon sasapat sa akin lalo na at may binabayaran rin ako sa eskwelahan.

"Queenie?"

"Sir, opo. Sigurado po ako. Pasensya na po kayo medyo lumilipad ang isip ko."

Mariin lang akong tinitigan ni Sir Ashton bago dahan dahan na umiling. Marahil maging siya rin ay nanghihinayang sa akin.

"You know what, you're tall, have a nice body and you're also beautiful. Hindi ko maisip bakit dito mo pa napiling magtrabaho."

"Ay nako Sir ha! Baka type niyo 'ko ah. Pasensya nalang po kayo Sir Ashton pero hindi ako lumalandi sa trabaho! Iyon po ang turo sa akin ni Mommy Tasha!"

Ang mommy Tasha na tinutukoy ko ay ang manager ng club ni Sir Ashton. Dito kasi ako nagpatulong para makapasok ako rito.

"Silly. Hindi din naman kita papatulan-"

"Ouch! Ang sakit niyo naman pong magsalita! Tumatagos hanggang likod ko."

Natawa nalang din ako nang makita kong natawa si Sir Ashton. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.

"Basta, sabihan mo lang ako kapag ayaw mo nang magtrabaho dito. You can always just quit whenever you want, hindi kita pipigilan. Sayang nga lang, mukhang malaki ang kikitain ko sayo kung ibebenta nalang kita sa mga customer-"

"Ay mahabaging Diyos! Alisin niyo po ang masamang espiritu sa loob ng seksing katawan ng boss ko! Sayang naman po kung iyon lang ang makikinabang, hati nalang po kami!"

Naputol ang pag oorasyon ko nang bigla akong batuhin ni Sir ng unan. Sapul ang mukha ko kaya napatikom agad ako ng bibig.

"Sir naman eh! Panira kayo ng dasal-"

"Sir Ashton."

Halos sabay kaming napabaling ng boss ko sa pinto ng opisina niya nang marinig naming bumukas iyon. Si Mommy Tasha pala ang pumasok.

Agad na umarko ang kilay nito nang makita akong nakatayo habang hawak hawak ang unan na kanina ay binato sa akin ng boss namin.

"Anong ginagawa mo dito Queenie? Hindi ba dapat ay nasa labas ka at nag aasikaso ng mga customer?"

"Nag quickie lang po kami saglit ni Sir Ashton-"

"Queenie stop it, you're too much. Pwede kanang bumalik sa trabaho. And also refrain yourself from talking too much bold. Kaka eighteen mo lang, polluted na agad ang utak mo."

"Yes Sir!" Saad ko at sumaludo pa. "Aalis na po ako Sir at Mommy Tasha-"

"Maigi pa nga para hindi masayang ang pinapasweldo ko sayo. By the way Tasha, what is it?"

"A VIP customer is looking for you, Sir. He said that his name is Red Rivas. Sasabihin ko po bang busy kayo?"

Hindi ko na narinig ang kasunod na pag uusap nila Sir Ashton at Mommy Tasha dahil agad na rin akong lumabas ng naturang silid.

Pero hindi ko pa man nailalapat ang pagkakasara ng pinto nang bigla itong pigilan ng kung sino.

"Hoy bawal pumasok dyan. Hindi ka naman empleyado-"

"Employee or not, I have all the rights to do whatever I want. Now, move away because you're wasting my previous time talking with a person like you."

Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil dire diretso nang pumasok sa loob ang mayabang na lalaking iyon.

Ang huli ko nalang naabutan para tingnan ay ang malapad nitong likod na hapit na hapit ang suot nitong royal blue polo.

In fairness ha, ang lakas maka gwapo ng likod. Huwag nalang siyang haharap kasi halata namang panget ito, kasing panget ng ugali niya. Tse!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status