Share

RIVAS 5

"HOY 'te! Tingnan mo oh! Kanina pa nakatitig sayo si kuyang gwapo. Sure ka bang ayaw mo sa kanya?"

Mabilis akong napairap nang makita kung sino ang tinutukoy ni Janna. Halos dalawang linggo na noong magsimula akong tumanggap ng mga lalaking ite-table ako.

Oo, may mga iba na manyak, bastos at hindi makaintindi na hanggang halik lang ako. Hello! Never nilang mababagsak ang bataan ko! Hanggang taas lang sila at doon lang ang kayang sikmurain ng katawan ko.

At saka hindi na rin ako nag inarte, sa awa nga ng Diyos, nafully paid ko 'yung mga pending balance ko sa school. Nakapag exam ako at halos katatapos lang ng exam week namin.

"Hoy Queenie ano na?! Ayaw mo talaga?"

"Ayoko nga, Janna. At saka 'wag kang magulo. May customer ako dito." Saad ko at tinaboy pa ito.

Ngunit ang gaga, hindi nagpatinag at hinila pa ako sa foreigner na customer ko para lang samahan siyang titigan ang lalaking hinalikan ko noon para makapasa sa test kuno ni Sir Ashton nakaraan.

"Tingnan mo nga siya Queenie oh! Gwapo. Matangkad. Maputi at ang pinakaimportante sa lahat, mukhang mayaman!"

"Mukhang mayaman ka dyan? Eh mukha ngang mama's boy eh. At saka hindi ako mahilig sa maputi. Maputi na nga ako tapos ang mapapangasawa ko pa maputi din? Eh di ano nalang itsura ng anak namin, harina?"

"Gaga! Ang layo na agad ng imagination mo. Ang sinasabi ko lang patusin mo na 'yan si kuyang gwapo. Halos gabi-gabi na 'yan nandito at ikaw lang ang tinititigan. Alam mo bang kahit si Mysti ay tinanggihan niya. 'day! Loyal si kuya sayo!"

Nakakunot ang noo ko na tinitigan ang binatang tinutukoy ni Janna. May hawak itong alak sa kamay habang may kausap na isa ring lalaki.

Halos mapatiran ako ng hininga nang bigla itong lumingon at saktong nagtama ang mga mata namin.

The guy slid his tongue in the corner of his lips while staring at me intently. Na para bang sinasadya nitong ipakita sa akin na sa simpleng ginawa niyang iyon ay makukubinsi ako.

"Ayoko talaga Janna. Halika na. Bumalik kana sa customer mo at babalik na ako doon-"

"Excuse me ladies."

Natigil ang ginagawa kong paghila sa kaibigan ko nang marinig ang boses na iyon.

Awtomatikong umarko ang kilay ko nang makitang ang lalaking kausap kanina ng tinititigan namin ni Janna ang nasa harapan namin ngayon.

"H-hi Sir, do you want to spend your night with me?"

Ngali-ngaling hihilain ko sana ang buhok ni Janna dahil sa sinabi nito. Akala ko ba ay hindi siya pumapayag sa take out?!

"Hoy Janna, maghunus dili ka-"

"Ah yeah but can we request you ladies to sit with us?" Malamlam ang boses na tanong naman ng lalaki.

Sinulyapan ko si Janna sa tabi ko at ang gaga! Halos tumulo na ang laway sa sobrang titig sa lalaki. Akala mo naman hindi gabi-gabi nakakakita ng mga gwapong nilalang.

Hello! Si sir Ashton pa nga lang, solve na agad eh!

"No Sir, we still have a-"

"Of course sir! I'm pretty sure that my friend here, Queenie, will gladly grant your request. Hindi ba Queenie?"

Mabilis akong nilingon ni Janna at tiningnan na para bang may halong pagbabanta sa oras na tumanggi ako. Hindi nalang ako umimik at nagkunyaring abala sa pagtingin sa paligid.

"That's great! So let's go to our table? By the way, I'm Cole." Pagpapakila pa nito at nilahad ang kamay.

Mabilis namang tinanggap iyon ni Janna at masayang nakipagkamay.

"I'm Janna, and this is my friend, Queenie. Nice to meet you, Cole." Ngiting ngiting saad pa nito.

Isang pagtango lamang ang ginawa ko kay Cole bago ngumiti ng tipid. Pakiramdam ko kasi ay hindi pa rin ako sanay sa ganitong ginagawa ko.

Kaya mas gusto ko pag foreigner ang tumitable sa akin, hindi sila gaanong kailangan kausapin basta sumasagot ka lang sa mga tanong nila at paminsan minsan ay aalukin ng alak.

"Hoy Quennie, 'wag kang magmamaldita ha. Isusumbong kita kay Sir Ashton-"

"Paano 'yung customer ko na naiwan doon?"

"Hayaan mo siya! Andyan naman si mommy Tasha at sure akong bibigyan agad 'yun ng kapalit pag naghanap na."

"Sure ka ha."

"Oo, 'day! Kaya 'wag mo na masyadong isipin 'yun. Pumunta na tayo sa mga daddy natin at handa na akong magpapitas ng bulaklak!"

Hindi ko sinasadya na mapalakas ang tulak ko kay Janna. Maigi na nga lang at mabilis ang reflexes ni Cole at nasalo niya agad ang makati kong kaibigan dahil kung hindi ay baka nakipag lips to lips na ito sa sahig ng club.

Malaki ang table nila Cole kasama ang lalaking hanggang ngayon ay hindi naman umiimik. Kahit na magkatabi na kami ngayon at tanging halos dalawang dangkal lang naman ang layo namin sa isa't isa ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagtitig sa akin.

"Red, batsi muna kami."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Cole. Walanghiyang Janna 'to! May balak na nga yata talagang ibigay ang bataan!

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at akmang lalapitan si Janna nang ito na ang naunang tumingin sa akin.

"Stay here, Queenie. I'm good." Nakangiti pang saad nito. Wala na nga akong nagawa kung hindi tanawin ang papalayong bulto ng kaibigan ko kasama ng lalaking nagngangalang Cole.

Napabuntong hininga ako ng malalim nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang dalawa.

Pinakiramdaman ko muna ang binata sa tabi ko at nang lumipas na ang halos sampung minuto ay hindi pa rin ito nagsasalita ay nagpasya na akong maghanap ng ibang customer. Hindi ako magsasayang ng oras sa lalaking akala mo ay pipi ay hindi kumikibo.

"Sir please enjoy the night-"

"Stay."

Ha? 'nak ng tokwa! Akalain mo 'yon? Nagsasalita pala ang lalaking 'to. Akala ko habang buhay walang imik eh.

"Ah sir, I think mas gusto niyo pong mapag isa. Especially ngayon na umalis na ang kaibigan n'yo-"

"No. I want you here. I want you to accompany me."

Hindi naman pupwede 'yon! Ano nalang ang kikitain ko? Baka mamaya n'yan tambay tambay pa ko dito sa tabi niya tapos ang ending sardinas at itlog na naman ang uulamin ko kinabukasan. Hindi na 'oy.

"Ah Sir, nanghihinayang po kasi ako sa oras. Mukhang ayaw niyo naman pong makipag usap sa akin-"

"I will pay for your time. Just stay here."

"Pero Sir-"

"It's Red. You don't have to address me as Sir. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin." Mariing wika pa nito at inisang lagok lang ang alak na nasa kamay.

Nababadtrip man ay pinigilan ko ang sarili ko at nagkusa nang lagyan ang baso nito ng alak. Syempre trabaho ko 'to eh! Alangan namang mag inarte ako.

"Ah okay Sir Red- I mean Red, kung gusto mo ay ihahanap kita ng iba. 'yung mae-entertain ka talaga-"

"No, Queenie. I want you. I want you to come with me tonight and warm my bed."

Palihim akong umirap at ginawa ang lahat ng makakaya ko para ngitian pa rin si Red kahit na gustong gusto ko na itong layasan.

"Hindi ko po ginagawa ang gusto niyo Sir-"

"I said don't address me as sir. It's Red."

"Okay Red, so ihahanap nalang kita ng iba. Iyong pwede at willing gawin 'yung bagay na gusto mo. So now, iiwan na muna kita at pupunta ako kay mommy Tasha."

Agad na akong tumayo at akma na sanang maglalakad nang maramdaman kong may mga kamay na pumigil sa akin.

"Don't go, Queenie. I want you and no one else-"

Naiirita akong bumuntong hininga. Kailangan mong habaan ang pasensya mo Queenie. Customer 'yan Queenie. Customer.

"Sir hindi nga po ako pwede sa gusto niyo. Sa iba nalang po-"

"No, you stay here and do what I want."

Mabilis kong hinila ang braso ko mula kay Red at hinarap ito. Kahit na inis na inis na ako ay pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko.

Ayokong gumawa ng eksena at baka tuluyan na akong sipain ni Sir Ashton palabas ng club niya.

Aalis nalang sana ako dahil hindi naman muling nagsalita si Red. Tinitigan niya lang ako at ang titig niyang iyon ay ramdam kong tumatagos sa kaibuturan ng kaluluwa ko.

I smiled. I really try hard myself to smile kahit na gustong gusto ko nang suntukin sa mukha si Red.

"Enjoy the night, Red-"

"I said you stay here, Queenie."

Halos magpantay na ang mga kilay ko nang muli ay hawakan ako ni Red sa braso para pigilan. Ano ba talagang trip nito sa buhay at dinadamay ako?!

"Bitawan mo ako." Mariin kong saad. Pinilit kong huwag sumigaw dahil ayokong makakuha ng atensyon ng iba.

"No."

"Ano ba talagang gusto mo?!"

"You. I want you, Queenie Rose Sandoval, laying on my bed as I fuck you hard and scream my name. Tell me, magkano ka ba?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status