Share

RIVAS 4

QUEENIE POV

"HOY 'TE! Ba't nakabusangot 'yang mukha mo? Mahina ba bigayan ng tip?"

Pabagsak akong naupo sa tabi ng kaibigan kong si Janna at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan.

"Bayaran na naman sa school, Janna. Tapos pati 'yung apartment na tinitirhan ko, nagpadagdag pa ng upa." Lumbay kong sagot dito.

Umalis sa pagkakaupo si Janna at naglakad patungo sa akin. Nilagay niya rin ang kanyang kamay sa balikat ko at pinisil pisil iyon.

"Alam mo friend, sabi ko naman sayo, mag-stop ka muna sa pag aaral para makapag ipon. At kapag may ipon kana, doon ka ulit mag aral. Mahirap lumaban sa giyera pag nabibitin ka sa bala, bahala ka, baka mas lalong hindi ka lang makatapos sa ginagawa mo."

Imbes na gumaan ang loob ko sa pagpapayo ni Janna ay mas lalo lang akong nanlumo.

Ayoko naman sanang tumigil. Ito lang kasi ang tanging nagiging dahilan ko para magpatuloy. Ito ang nagbibigay ng direksyon sa buhay ko kaya hangga't maaari ay pinipilit kong mairaos ang pag aaral ko sa kabila ng lahat ng hirap.

"At saka, first year ka palang naman. I'm sure pag tumigil ka kahit isang taon at nag focus sa pagtatrabaho dito ay malaki ang maiipon mo. Sapat na siguro para hindi ka mamroblema sa tuwing may bayaran sa school niyo."

Kahit papaano ay naiintindihan ko na ang pinupunto ni Janna. At sa totoo lang, tama rin naman ito. Kung titigil ako ngayon at ibibigay ang karamihan ng oras ko sa pagtatrabaho, tiyak na makakaipon ako. Hindi naman ako magastos at saka sarili ko lang naman ang binubuhay ko.

"Ay oo nga pala friend! May isa pa akong naiisip na paraan kung paano ka magkakaroon ng sobrang pera-"

"Paano?" Hindi na ako nagpatumpik tumpik at sumingit agad sa pagsasalita nito.

Isang malapad na ngiti ang agad na sumilay sa labi ni Janna kung kaya't nakaramdam agad ako ng hindi maganda. Wala na naman yata sa katinuan ang sasabihin nito.

"Huwag mo nang ituloy ang kung anumang sasabihin mo Janna kung kalokohan lang."

"Hindi 'to kalokohan 'no!" Depensa pa nito.

"Eh ano nga? Sabihin mo na-"

"What if pumayag kana makipag table? Irequest mo na kay sir Ashton! Sigurado naman akong papayag 'yon. At saka hindi ka naman na minor, hindi ba? Eh di i-go mo na!"

Kulang nalang ay magtatatalon sa tabi ko ang kaibigan ko sa sobra nitong katuwaan. Na para bang isang brilliant idea ang naisip nito.

Pero kung sabagay, easy money nga ang mangyayari kung papayag ako sa suggestion ni Janna. Pwede ko din naman sigurong irequest kay Sir Ashton na payag ako sa lahat, huwag lang ang ilalabas ako at doon ako gagawan nang labag sa kagustuhan ko.

"Ano na Queenie? Napapaisip kana ba? Gusto mo samahan na kita kay Sir?"

"Saglit muna Janna, nag iisip ako-"

Naputol ang pagsasalita ko nang biglang mag vibrate ang cellphone ko na nakalagay sa gilid ng palda ko. Mahigpit na pinagbabawal ni Mommy Tasha ang pagdadala ng cellphone sa oras ng trabaho. Hindi ko na kasi ito natago kanina sa sobrang pagmamadali kaya inipit ko nalang sa palda ko.

"Hoy! Bawal 'yan ah!" Pinandilatan ko ng mata si Janna at sinenyasan itong tumahimik.

Itinago ko sa ilalim ng table ang cellphone ko at pasimpleng tiningnan ang screen nito. Isang text message ang pumasok.

Pakiramdam ko ay unti unting nagdidilim ang paningin ko habang isa isang binabasa ang bawat salita na nakapaloob sa text. Text lang naman kasi iyon galing sa eskwelahan ko.

Pinapaalala lang daw nila na kung hindi ako makakapagbayad sa sunod na araw ay hindi ako makakapag exam.

Ang hirap pa namang maghabol sa mga professor sa lintik na school kong iyon. Parang mas lalong nagtatago kapag alam nilang hinahanap sila ng mga estudyante.

"Ano na Queenie? Nakapag desisyon kana ba? Kung hindi pa ay aalis na muna ako. Tawag ako ng customer sa isang table-"

"Janna… nakapag decide na ako…"

"Oh ano? Ayaw mo talaga? Sayang din ang kikitain mo doon-"

"Magsasabi na ako kay sir Ashton. Handa na akong makipag table kung kani kaninong lalaki. Kahit nakakapandiri at kahit nakakasakit ng sikmura-"

"Grabe ka naman Queenie! Baka nakakalimutan mong tumi-table din ako sa mga customer natin. Hindi nga lang ako nagpapa-take out." Nanghahaba ang nguso na saad ni Janna.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at mahinang humingi dito ng sorry. Ngumiti namang muli ang kaibigan ko at parang walang nangyari ay isang malapad na ngiti ang muling sumilay sa mga labi nito.

"Oh tara na? Samahan na kita kay sir-"

Mariin agad akong umiling. "Hindi na Janna, ako nalang. Mamaya na ako pupunta kay sir pag medyo humupa na ang mga customer natin."

"Hindi na, Queenie. Sasamahan na kita." Pagpupumilit pa rin nito.

Wala na akong nagawa nang hilain na ako nang malakas ni Janna at ito na mismo ang nagpatiunang maglakad papunta sa pangalawang palapag ng club kung nasaan nandoon ang opisina ng boss namin.

Buo na ba talaga ang desisyon ko? Itutuloy ko na ba talaga 'to? D'yos ko! Sana isang sakong kapal ng mukha ang biglang sumampal sa mukha ko para sa gagawin kong 'to!

"ARE YOU SURE about this Queenie? Baka naman pinagtitripan ka lang ni Janna ah."

"Hoy hindi ah sir! Gusto po talaga 'to ni Queenie. Desidido na daw po siyang umangat mula sa kahirapan! Hindi ba friend?"

Isang malakas na pagsiko mula kay Janna ang bigla kong naramdaman. Pinandilatan ko ito ng mga mata na ganoon lang din naman ang ginawa sa akin.

"Sumagot ka… huwag mo akong ipahiya kay sir. Mamaya isipin pa niya, binubugaw kita eh." Saad pa nito sa pabulong na boses.

Mabilis kong sinulyapan ang boss namin sa harap namin dahil ang mga mata nito ay animo'y nanunuri kung nasa tama pa bang katinuan ang mga empleyado niya o napasukan na rin ng usok ng sigarilyo ang mga utak.

"Ah sir Ashton-"

"Tell me Queenie, do you really want to do this? Sigurado ka ba?"

Napansin siguro ni Sir Ashton na parang nagdadalawang isip ako dahil katabi ko si Janna kung kaya't mabilis niya itong inutusang lumabas na muna.

"Give us a second please, Janna. I want to talk to Queenie privately."

"Sure boss!"

Bago tuluyang lumabas si Janna mula sa pinto ng opisina ng boss namin ay isang beses niya muli akong pinandilatan ng mga mata. Alam ko naman agad kung ano ang pinahihiwatig nito.

"So tell me, are you sure about this? Pwede pa namang humindi kung nag aalinlangan ka-"

"Hindi po Sir. I really wanted to do this. I want to do this po, Sir Ashton."

Isang mapanuring mga titig ang agad na pinukol sa akin ng boss namin. Marahil ay maging ito ay nagdadalawang isip.

Ngunit hindi lumipas ang ilang segundo ay malakas itong napabuntong hininga at muling nagsalita.

"Okay, if you really determine to your decision, I have a short test for you-"

"Ay ano ba 'yan Sir! Hindi po ako nakapag review. Wait lang Sir, kukuha lang po ako ng papel."

Akma na sana akong tatalikod at maghahanap ng papel at ballpen nang mabilis akong pigilan ng boss namin.

"I'm not talking about that particular test, Queenie. Ano ka ba? At saka what do you think of me, your professor?"

"Hindi ba sir?" Balik tanong ko rito.

"Of course not!" Mariin na sagot naman nito at umiling pa. "So here's my test for you, look for a guy and kiss him torridly-"

"Kadiri naman Sir! Baka naman magkasakit ako nang wala sa oras dahil dyan sa pinapagawa niyo!"

"Exactly my point! Kaya nga tinatanong kita kung desidido ka sa desisyon mo eh. You can still back out and remain as a waitress here in the club."

Umiling ako at taas noong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Hindi Sir Ashton! Desidido po ako at walang makakapagpabago ng isip. You want me to kiss anyone here? Just to prove that I really want to do this? Okay fine, gagawin ko ang gusto niyo."

Hindi ko na hinintay na makapagsalita si Sir Ashton at dali dali na akong lumabas ng opisina niya.

Inalis ko na muna ang apron ko at tinaas nang kaunti ang palda para makita nang husto ang mahaba at maputi kong mga binti.

Saglit akong luminga sa paligid, kung hindi mga matatanda na lalaki ang nakikita ko ay puro naman na may mga kasamang babae ang mga binatang customer namin dito.

Mawawalan na sana ako ng pag asa sa pinapagawa ni sir Ashton at babalik nalang sa pagiging waitress nang maramdaman kong may kumalabit sa likod ko.

"Excuse me miss, can I ask where is the-"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang kung sinumang iyon at basta na lamang hinalikan ito nang mariin sa labi.

Saglit ko munang ipinikit ang mga mata ko at sa pagmulat ay isang gwapong mukha ang agad na sumalubong sa akin.

Nakatitig lang ito habang puno ng pagtataka ang mga mata.

Tumagal rin ng ilang segundo ang halikan na iyon at nang matapos ay mabilis akong tumingala para tingnan ang opisina ni Sir Ashton. At ganoon na lamang ang ngiti sa labi ko nang makita ang boss ko na animo'y nakangiting aso at tuwang tuwa sa ginawa ko.

Magsisimula na sana akong maglakad at pumanhik sa ikalawang palapag para itanong kay Sir Ashton kung pasado na ba ako nang bigla kong maramdaman ang isang kamay na humawag sa braso ko.

"Excuse me miss. What the hell did you do?!"

Halatang halata ang irita sa boses ng lalaking hinalikan ko kanina.

Arte pa ba siya? First kiss ko 'yon 'no!

"Answer me woman! Why did you kiss me?!"

"I said answer me-"

"Ano ba? Lugi ka pa ba? That was my first kiss! You are my first customer. Ayaw mo ba n'on? You had me without paying a peso? So if you excuse me, will you please let go of my hand?"

Mukhang matalino naman ang lalaking hinalikan ko dahil dali dali nitong binitawan ang kamay ko nang titigan ko ito nang husto sa mga mata.

Malalaki ang mga hakbang na naglakad akong muli para pumunta kay Sir Ashton. Pasado na ako 'di ba? Nagawa ko naman nang maayos ang pinapagawa niya 'di ba?

Sana nga!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status