Home / Romance / Kidnap the CEO / Kabanata 2 : Kidnap

Share

Kabanata 2 : Kidnap

Author: vlackpanther
last update Last Updated: 2025-03-20 19:09:49

Kabanata 2

Kidnap

---

Court? Court agad? Nahihibang na ba ang lalaking iyon? Hindi ako makapaniwala na nangyari sa akin ngayong araw. Gold na sana! Naging bato pa! Pambihira naman kasi eh! Hindi ako nakaabot kanina! Nakuha na ng iba ang misyon! Kundi lang sa lalaking iyon! May pa court court pa! Pero paano kung totohanin ng lalaking iyon? Mukha namang totoo. Ang seryoso pa nga niya!

NAKAKAINIS!

"Ate! Ate," tawag ng nakakabata kong kapatid.

"Ano yun Jayson?" Malambing kong sabi. I sweetly laid my smile to him. Hindi halata na galing pa ako sa inis. Of course, hindi ko naman dapat ipakita sa kanila ang gayong mga emosyon. Dapat mahinahon, malambing at puno ng pagmamahal ang ituturo ko sa kanila para mahawa naman sila sa mga emosyong iyon.

"Ikaw ba yan, ate?" Itinuro niya sa akin ang laman ng telebisyon. I buy television dahil kailangan para sa trabaho at para na rin sa aking kapatid. Tiningnan ko ang laman ng screen. Hindi ko mapigilang huwag mapakagat ng labi.

Nice. Nice one. It's in the news. Bravo.

Inilapit ko ang mukha kay Jayson. I pinched his cheeks. "Tingin mo ako yan? Ang sama ng babae, sana lang ay nagpakumbaba siya."

I said it kasi hindi pwede tularan ang ginawa ko.

He didn't answer. I sighed. "Hindi yan ako okay? Mas maganda pa ako niyan." Dinaan ko sa tawa ang mga iyon. Tumawa naman siya.

"Did you wash your hands na? And brush your teeth?" I asked para ibahin ang usapan at ma-divert ang attention niya sa ibang bagay.

Umiling siya sa akin. "Hindi pa ate." Nakita ko ang paghikab niya. I smiled. "Inaantok na ang baby ko pero kailangan pa niyang magwash ng hands at magtoothbrush," sinabi ko iyon sabay buhat kay Jayson.

Pinatay ko muna sandali ang TV bago pumunta sa banyo. Nilinis ko muna ang kapatid ko bago ko siya inihiga sa kama. Kinumutan ko siya at tinitigan sandali. I smiled. They are so precious to me. Ang mga kapatid ko ay ang buhay ko kaya kahit anong mangyari, patuloy akong lalaban para sa kanila.

Akmang tatayo na ako nang tumunog naman ang cellphone ko. Pagkakita ko sa caller ID ay nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi.

"Anna!" Tawag ko kay Anna.

"Ate!" Sagot niya naman.

"Dito ka muna mag-aral sa kwarto. Bantayan mo si Jayson matulog. Sa labas lang ako." Utos ko.

"Sige po ate,"

Lumabas ako. Hindi ko muna sinagot ang tawag. Umilaw ang cellphone sa isang mensahe.

From Elizabeth :

huy! Gaga. Sagutin mo tawag ko.

Kaya sinagot ko na sa pangalawang beses.

"Ano na naman ba? Raket na naman ba na wala?" Sabi ko sa kabilang linya. I crossed my arms, tamad na nakinig sa ibabalita niya.

"Ang feeling mo! Artista yan?!" Pagsikmat niya sa akin. Wala akong planong matawa sa kanya ngayon.

"Ano ba pakay mo? At ibababa ko na!"

"Uy! Wait lang ikaw naman! Ano yun? Ah? Sa TV, ikaw yun diba? Di mo ba alam na dahil don, ikinancel ni boss ang taong gagawa sana ng misyon?" Balita niya sa akin.

"Ano? At ano naman ang kinalaman ko dun?" Tanong ko kaagad sa kanya. Nashocked ng kaonti at taimtim na nagpasalamat.

"Kaya nga eh! Oh? Tapos ayaw mo pang sagutin tawag ko? Artista yan?!"

"Tumahimik ka nga!" Natawa ako.

"Talaga ba?" Rinig ko ang pagtawa niya. "May good news pa ako sayo!"

"Ano yun?" Bigla kong sagot. Good news. Gusto ko ng good news.

"Ayon sa aking source, ikinancel ni boss dahil may naisip na siya kung sino ang gagawa ng misyon!" Masigla niyang balita sa akin. "At alam mo kung sino iyon?" Intriga niyang tanong sa akin.

"Ba't ko naman malalaman?" Tanong ko naman. Pambihira naman 'tong babaeng ito, marami pang pasikot sikot, e kung deritsuhin niya lang ako sa magandang balita.

"Kaya nga eh! Alam mo kung sino yun?" Tanong niya sa akin.

"Ano?" Nagtagpo ang aking kilay. Konti na lang malilintikan ko itong babaeng ito.

"IKAW."

"Huh? ANO?!" Nataranta ako.

"Totoo ba yan? Galing ba yan sa credible source?"

"Gaga! Totoo! At alam mo kung ano ang misyon?"

"Ano?"

"Hindi lang ako sure ah? Pero usap usapan, ang lalaking yun!"

"Lalaki? Sinong lalaki?" Nagtaas ako ng kilay. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya sa akin.

"Si Bryan Kent Montenero, the third!" Pagsigaw niya pero kahit 'the third' wala akong kilala.

"Ha? Sino yun?" Tanong ko naman. Di ko kilala ang lalaking yun.

"Si Bryan! Yung CEO!" Napasigaw siya sa slowness ng utak ko.

"Sino?"

"Ano ba yan? Akala ko ba ako ang bobo? Ikaw pala!"

"E sino nga? At bakit ko naman makikilala! Kahit nga artista! Di ko kilala!"

"Hayst! I can't believe you!"

Pumalakpak naman ako saka humalakhak. "Improving ka na ngayon ah?! May pa-english-english ka pa!"

"E sino namang hindi mapapaenglish? CEO YUN!"

"CEO? paki ko ba sa ganun?"

"Pwes, Ngayon magkakapaki ka na! Dahil misyon mo iyon!

" Ha? Ano? "

" Si Bryan, YUNG CEO, SIYA ANG MISYON MO. YUNG LALAKING NAKILALA MO KANINA!" Sumigaw pa siya sa akin. It took me two minutes to process what she said and to my horror! F*ck! Sh*t!

" ANO YUNG SINABI MO? " Nagulantang ako sa nalaman. Nagtakip ako ng bibig at napadilat ang mga mata.

" SI BRYAN! YUNG CEO! SIYA ANG MISYON MO! YUNG LALAKING NAKILALA MO KANINA!" Sigaw niya ulit sa akin. Napalingon lingon ako.

"Talaga?" Unti unting nanghihina ang boses ko. Milyon pa naman ang price. Ba't sa dinami dami nang lalaki, siya pa talaga? Tadhana ba naman!

"Oh? Ba't parang nanghina ka yata kaagad? di ka ba masaya?" utas niya sa kabilang linya.

At bakit naman ako magiging masaya? Kung alam mo lang talaga! Kahit inireport sa TV! Hindi naman detalye ang pagkakareport at yung video? Edited! May cut! Naku!

"Bakit? Paano ba maging masaya?" Tanong ko kaagad sa kanya. Binalewala ang misyon.

"Hindi ka nga masaya! Hala, bakit? Ang alam ko ba, gusto mo ang misyong ito! Milyon 'to girl! Huwag ka nang magpatumpik tumpik pa!"

Milyon nga! Pero yari naman ako! Ang daming connections nun at kung makulong ako? I' ll have to decide. Pambihira naman! Kailangan ko pang kausapin ang boss kung ako ba talaga! O kung totoo na yung lalaki ang magiging misyon ko!

Ayokong e risk ang buhay ko katumbas ng milyon. Mapera yun. Mayaman. Pag nagkita kami at paniguradong matatandaan niya ang sinabi niyang ipapakorte ako. Edi deadz na ako. Horror pa sa lahat ng horror kung matutupad iyon and with his power, kung totoo man na CEO siya, madali lang niya akong patumbahin.

Kung mapapatumba niya ako, paano na ang mga kapatid ko? Sino ang mag aalaga sa kanila? Kung sakaling makukulong ako. Pambihirang buhay naman!

KAYA AYOKO! AYOKO! AYOKO!

Hindi na sana ako pupunta dun when our boss message me. Hindi ko nilagay sa contacts ang number niya pero sag ulo ko naman.

09XXXXXX562:

See you. Same Venue - B

Wala na akong magagawa. Pag boss na ang nagmessage, hindi na ako papalag, baka hindi na ako makaraket dito. Sasabihin ko na lang na ayaw ko sa misyon. Pwedeng iba na lang.

Mabait ang boss pero matinik. Pag gusto niyang humandle ang isang tao ng misyon, gagawin niya ang lahat para ito ay papayag. Mabait ito sa paraan ng kahit anong gusto mo, more than satisfaction pa ang ibibigay niya sayo. Pera? Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha nun pero ang dami niyang pera, grabe!

Nagpunta kaagad ako sa dati naming tagpuan. Sira sirang sakyanan ang nandun. Kaya walang pumupunta sa lugar at saka maliblib. Patago tago pa ako sa gilid baka may makakakita sa akin. Nakasuot ako ng itim na jacket at mask. Mahirap na! In case may tao, hindi ako madaling makilala. It's been our rules to be careful pero kung nakarating ang boss before sa akin, i'm sure the place is safe to talk.

Nagtago muna ako at nagmasid masid sakaling dumating na ang boss. Kalaunan ay narinig ko ang habag at rinig na rinig ko ang pinag-usapan nila galing sa cellphone. It was our boss. Pamilyar na sa akin ang kanyang boses pero ang katawagan niya ay hindi.

"May naisip na akong gagawa dun. Wag ka nang mag alala. Makukuha niya ito sa lalong madaling panahon." sabi ng boss.

"Paano kung hindi? Matagal ko na itong inatas sayo! Hindi mo parin magawa. Siguraduhin mo, B."

"Sisiguraduhin ko." At pinatay na sa kabilang linya ang usapan. Tumitig muna siya sa kakaend na tawag bago nagtipa ng mensahe. Alerto naman akong ini-off ang tunog ng notification baka sakaling sa akin bumagsak ang mensahe. At sa akin nga, bumagsak. Kinabahan ako bigla! Naku! Baka malaman niyang narinig ko pala ang tawag nila.

09XXXXXXXX562:

Same place. I'm here. - B

Nagtipa ako.

Ako: Malapit na boss. Sorry nalate. Hehehe.

Makailang minuto ay nagdecide na akong lumabas. Wala siyang dalang guard. Understandable naman dahil magaling naman siyang makipaglaban, sanay na sanay na.

"Magandang gabi po," Pag greet ko sa kanya. Nakaitim rin siya, bagay kami. Charaught! Nakacoat siyang itim at nakasumbrero ng itim rin ang kulay. Matangkad siya. Hindi masyadong mataba, sakto lang. Mga 30's, pero hindi ko makita kita ang mukha simula nung una hanggang ngayon, lagi kasing nakafacemask na itim.

Tinanong ko si Elizabeth tungkol dito, ang sabi niya, wala pang nakakakita sa mukha ng boss, hindi kasi ito nagpapakita ng mukha. Mata lang at kilay.

Tumango lang siya saka naglahad ng picture sa akin. Tinanggap ko naman yun at tiningnan. It was a picture betwen that CEO and me. Nagsasalita siya habang ako naman ay seryosong tinitingnan ang litrato naming dalawa.

"May nakakuha na ng misyon but I'll cancel it dahil gusto kong ikaw ang gumawa."

Napahinto ako. I'll look at him. Ayokong tanggapin ang misyon ito. Ang sabi ko matinik siya, gagawin niya ang lahat para mapapayag lang ang taong inatasan niya pero sa pagkakataong ito ay ayoko talaga.

Ibinigay ko sa kanya pabalik ang litrato pero tiningnan lang niya ito.

"Sorry po pero hindi ko po tatanggapin ang misyong iyan."

Buo na ang desisyon ko. Ayaw ko lang e risk ang buhay ko. Paano ang mga kapatid ko. Kung malaking halaga lang ang pagbabasehan, mabubuhay naman ako at mga kapatid ko sa mga racket na yan.

"Bakit? Ano bang sinabi niya?" Inilahad niya sa akin ang panibagong litrato. Yun ay ang pagbulong ng CEO sa akin. May ibinulong siya, "Yung see you on court."

"Walang kabuluhan yun boss." Kahit na makabuluhan naman. Natawa siya sa akin.

"Talaga ba? O may tinatago ka sa akin?" Puno ng paghahanap ang kanyang mga mata. Hindi siya naniniwala sa akin.

"Wala naman po kayong paki kung may tinatago ako o hindi."

"Gagawin mo ang misyon o hindi?" Pagbalik niya sa usapan.

"Hindi po." Buo na ang desisyon ko.

"Talaga? Paano mga kapatid mo? Mapapahamak sila pag hindi mo gagawin ang misyong ito."

Natigil ako. Hindi ko inaasahang gagawin niyang pangblackmail ang mga kapatid ko... Ang taong malapit sa puso ko.

"Huwag niyo po silang saktan." Matigas na salita ang ipinukol ko sa kanya.

"Alam mo kung sino ako. You've been my people for almost two years at alam ko rin kung sino ka. Mapapahamak yung mga kapatid mo, kung hindi mo tatanggapin ang misyon."

"Tatanggapin ko ang misyon." Napasirado ako ng mata sandali at napakagat ang labi.

Totoo ba ito?

Wala naman akong takas. Mahal ko ang mga kapatid ko. Hindi ko inaasahang e bablackmail ako ng boss.

"Good," Pumalakpak siya sa harapan ko. "Your mission is easy, that is, to kidnap him. . . kidnap the CEO."

Napalaglag ang panga ko. Pambihira namang buhay ito.

"Ikaw na ang bahala. I'll send you two million on your account at may dagdag pa yan pag nakidnap mo na siya."

I was left dumbfounded.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kidnap the CEO   Kabanata 70: Beat

    Kabanata 70Beat---The day went fast and my head still hurt from all of those plans. Bryan explained everything to me. I do have a lot of questions and he patiently explains to me one by one. May nacheck ako at may mga suggestions din kaya may pagkakataong pinatawag namin ang mga engineers at architects na gagawa nun.Its messy on his room kaya nagpatawag ako ng lilinis doon. I also ordered some food for him. Sabay kaming kumakain. Lolo seems so pleased with what I have been doing. I suddenly got curious about the company.“Iyong cook mo nun, nandito pa siya?” I asked in the middle of eating. Umiling siya.“She reported right away the thing you did to her.” Napanganga ako nang narinig iyon galing sa kanya.“Tapos?” Tanong ko.“I fired her.” Nalaglag ang panga ko. “Na-observe ko siya noon, she seems so different.” Pag-amin ko sa kanya. Nilingon niya ako. Nakatitig na siya ngayon.“Alam mo diba? Kaya hindi ka kumakain na gawa niya dahil alam mong ikaw ang punterya niya?” Tanong ko

  • Kidnap the CEO   Kabanata 69 : Playful

    Kabanata 69 Playful --- I don't have the choice but let him be. Hinatid niya ako sa bahay. He kissed me again, now that I'm going to say goodnight to him. "Come back to the office tomorrow. If you don't understand it, I'll call engineers or I can explain it to you. You're opinion is really important. You are part of this project, so you deserve to know everything." Sabi niya bago pa ako makababa sa sasakyan. " Hindi na. Kung ano ang desisyon mo, okay na iyon. Nacheck na rin ba ni Lolo ang plans? "Tanong ko, umiling siya. " He trust me for this but he ask me, you." Napataas ang kilay ko. " But you don't ask me. Kung hindi ako pumunta para e check, hindi mo rin ba ako aalukin? " " Aalukin but I need to check it first before passing to you." Ngumisi ako. Napangisi rin siya. " Goodnight,"sabi ko nang nakababa na. I waved my hand to said goodbye at the same time. "Goodnight. I fetch you here early in the morning so we could talk immediately about the project." Umiling kaa

  • Kidnap the CEO   Kabanata 68 : Kiss

    Kabanata 68 Kiss --- Hindi ako matalino tulad ng lahat ng nakasabayan ko. Hindi ako ganun kagaling pero kung sa pakikipag-awayan, alam na alam ko na medyo, may alam ako. Sa corporate world, wala akong alam. Ni ayoko ngang pumasok pero kung ito ang paraan para mapagtagumpayan ko ang misyon, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakuha. Hindi ko alam kung ano ang naging basehan niya. Hindi ako nakapagtapos at inaamin ko na hindi naman talaga ako maalam sa computer, lalong lalo na sa pagiging sekretarya niya. Wala akong alam sa ganun. "Ayaw mo ba?" Tanong niya sa akin. He started to eat. My lips curved, thinking that he could eat my food, it means he trust me again. "Siyempre gusto pero bakit?" Hindi ko rin alam kung ano ang sinulat dun ni Elizabeth. Hindi ko na rin siya natanong pa tungkol doon. Baka naglagay siya don na computer savvy, kaya natanggap ako. "Siguro dahil magkakilala na tayo bago pa lang ang interview." I already met him befor

  • Kidnap the CEO   Kabanata 67: Malalim

    Kabanata 67 Malalim --- Hindi ko alam. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba talagang liligawan niya ako? Ayaw ko. Ayaw ko na… pero gusto ko siya. Kaya ko pa bang pagbigyan ang aking sarili ngayon? Pero paano kong masaktan muli ako? Paano kong may magawa naman ako sa kaniya? Makakaya ko pa ba? Masaya ako na masaya ang mga kapatid ko sa pagpasyal namin. I see the glitters on Lolo`s eyes. We are his family . Masaya ako na masaya din siya. I think its time to forget and forgive everything. Ayaw ko namang hindi kalimutan `to. Gustong gusto kong magpatuloy sa buhay na walang nararamdamang galit sa mundo. I want to leave the world peacefully. Nakikita ko naman kay Lolo na bumabawi din siya at sapat na sa akin iyon. Sabay naming binisita ang puntod ng magulang namin. Dahan dahan kong hinakbang iyon. Mabigat. Naninikip ang puso ko. Sa tuwing naalala ko ang pagkamatay nilang dalawa, nadudurog ang puso ko. Lolo was looking at me. He then laid his hands to my back. May luha sa kaniyang mga

  • Kidnap the CEO   Kabanata 66 : Tibok

    Kabanata 66 Tibok --- It's true and I'm not even guilty about it. Ginawa ko iyon, nagbabasakaling maligtas siya ng mga pulis bago ako magpunta sa ibang bansa. It is to lessen the guilt I had felt when I told him to come and get me. It's a trap for him, hindi ko namang inaakalang pupunta siya at ililigtas ako pero naligtas niya na ako at hindi ko maintindihan, bakit niya ginawa sa akin iyon. Am I important to him? Ni hindi siya nag-atubiling puntahan at iligtas ako. Hindi ko alam. Napahawak ako sa sa mukha galing sa sampal niya sa akin. B was never been violent to me but today, I think, is special. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin. Alam niya na ako ang tumawag ng pulis. Maswerte pa nga ako dahil hindi niya ako sinundan sa ibang bansa at pinatay. "You can kill me if -" He slapped me again. This time, on my left side. Naestatuwa ako. Alam ko ang kasalanan ko at hindi ko maitatanggi iyon. Siguro, ito ang kabayaran ng lahat. Kung ito man ang katapusan ko, wala na akong mag

  • Kidnap the CEO   Kabanata 65: Slap

    Kabanata 65Slap---Hindi ko alam kung kailan ako magtatagal sa mundo. Nobody knows the perfect time for that. But if I'm going to decide, I hope I live endlessly. I want to spend my time with my love once. Nong namatay sila mama at papa, akala ko katapusan na ng mundo ko. Kahit na nagluluksa ako nun, pinipilit ko pa rin ang aking sarili na maging matatag dahil sa mga kapatid ko. Ayaw kong makita rin nila na nasasaktan ako. Ayaw kong makitaan nila ako ng kaonting kahinaan. I`ll live with enough courage and hope that things would be better after these. Minsan, dahil tao lang, nakakaramdam din ako ng pagod pero sa tuwing makikita ko ang mga kapatid ko. The enough light they show to me is enough for me to go on and strive."Ilalabas ko lang siya sister. Uuwi rin kami pagkatapos." paalam ko kay sister. Siya ang nagpalaki kay Rayle dito. Utang na loob ko ito sa kaniya. Marami akong nirequest na bawal na naiiba sa ibang bata dito. Hindi naman siya naging kuryoso pa. She just nodded and acc

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status