Home / Romance / Kidnap the CEO / Kabanata 3 : Stay

Share

Kabanata 3 : Stay

Author: vlackpanther
last update Last Updated: 2025-03-20 19:10:29

Kabanata 3

Stay

---

Matamlay akong nagising sa higaan. I'll recall what happened last night at hinihiling kong sana ay panaginip ang lahat ng iyon but a phone call woke me to that dream.

"Hey! Good Morning! Anong pakiramdam girl? Nakuha muna ang misyon! Balato naman diyan!" Si Elizabeth iyon. Sino pa ba? Siya naman itong tawag ng tawag sa akin.

"Ang ingay mo!" Napabangon tuloy ako sa hinihigaan ko. Agad kong kinuha ang toothbrush para magsipilyo habang nakikinig sa kanya.

"Uy sorry. Kailangan ko palang magpakabait sayo, baka hatian mo ako sa milyong yan!" tawa niya. Gaga talaga ito. "Magsalita ka naman! Para akong timang dito, nagsasalita, walang kausap!"

Nilagyan ko ng tubig ang bibig ko para luminis at kalaunan ay nilinis ko ang ginamit na toothbrush.

"Paki ko naman! Sinabihan ba kitang tumawag?" Hinawakan ko ng mabuti ang cellphone. Nilagay ko sa ayos ang ginamitang toothbrush.

"Hindi naman pero masama ba ang e congratulate kita? Grabe ka naman sa akin."

Tumawa ako.

"Mamaya ka na tumawag. May gagawin pa ako, may pag uusapan tayo mamaya."

"Okay! Excited na ako dyan! Bye." Inin-end niya ang tawag. Napatingin ako sa mga messages. Madali lang na e transfer ng boss ang pera sa account ko. Napahinga ako ng malalim. Gagawin ko talaga ang misyon? Magagawa ko talaga? Paano ko naman gagawin iyon?

Inisip ko pa lang ang lalaking iyon, para na akong mahimatay. Kung bakit ko pa tinanggap! Kung bakit pa ako binlackmail ng boss ko! Pambihira talaga! Alam na alam talaga niya ang kahinaan ko.

"Ate, kumain ka na ba?" Tanong sa akin ng kapatid ko.

"Hindi pa Anna, kumain na kayo at may lalakarin pa ako."

"May lakad ka ate? E wala kasing magbabantay kay Jayson. May exam kami ni Ella ngayon."

Napasarado ako ng mata. Ou nga pala! "Oh sige, ako na ang magbabantay. Magbihis na kayo."

"Sige ate."

Elizabeth: Huy! Ano na?

Titig ko sa mensahe ni Elizabeth. Plano ko sanang umalis para makausap siya ng private pero mukhang hindi mangyayari iyon.

Ako: Dito tayo mag-usap sa bahay. Binabalaan kita.

Alam niya kung anong ibig kong sabihin. Pag sinabi kong binabalaan ko siya. Ibig sabihin lang nun ay mag ingat siya sa sinasalita niya. Kahit na hindi pa masyadong nakakaintindi si Jayson, ayokong marinig niya ang tungkol sa racket ko.

Elizabeth: Masusunod po maa'm. OTW.

Gising na si Jayson.

"Good Morning, baby ko." I kissed his cheek. Paulit ulit kong ginagawa yun hangga't nakikiliti na siya.

"It's time to eat na," tumango naman siya. Pumunta muna siya sa CR at kalaunan ay lumabas. Anna prepared the food.

"Ate, kain na! Ella! Halika na, malilate tayo sa school."

Nasa hapag na kami nang may kumatok sa pintuan. Alam na alam kong si Elizabeth yun, kaya sumigaw na lang ako. "Pasok!"

Ilang segundo ay bumukas ang pintuan at hindi nga ako nagkamali, may dala pa siyang mga pagkain at mga chocolates.

"Ate Beth!" Sigaw ni Ella.

Naipakilala ko na si Elizabeth sa mga kapatid ko at hindi naman maipagkakaila na naclose na nila ito.

"May dala akong pagkain at chocolates sa inyo." Masigla niyang sabi.

"Gusto ko chocolate," sumbat naman ni Jayson. Tinitigan niya ako, naghihintay ng pagpayag ko sa kanya. "No chocolates this morning, okay?" Sumimangot siya at ako na lang natawa.

Ini-on ko ang TV matapos umalis ang kapatid kong si Anna at Ella. I let Jayson watched his favorite cartoon Movie bago tuluyang nagpunta sa mesa ng kitchen para dun na kami mag-usap. Natatanaw ko naman si Jayson.

"Oh ano na ang pag-uusapan natin? Ibibigay mo na sa akin yung milyon?" Bulong niya sa akin.

"Gaga!" Natawa ako. "Bi-nlackmail ako ng boss."

"Huh?" Nagtaas siya ng kilay. Naguguluhan kung bakit ko sinabi yun. Ang pagkakaalam niya kasi ay gustong gusto kong makuha ang misyon. E hindi naman! Nung una oo, nung hindi ko pa nabangga yung CEO pero pagkatapos nun, ayaw ko na.

"May mangyayari sa kapatid ko kung hindi ko tatanggapin ang misyon."

"Tapos?" Naguguluhan pa rin siya.

"Kaya ayun! Tinanggap ko."

"E buti naman, tinanggap mo! Nahihibang ka na ba? Milyon yun! Malaki girl! Ano ka ba?"

"Kaya nga, malaki. Malaki rin ang responsibilidad."

"Ano bang gagawin?"

"Kidnap the CEO," nabuga niya tuloy ang tsitsarong kinain niya. Namilog ang mata. "Ano?" Tanong niya sa akin.

"Kidnap the CEO," pag uulit ko naman.

"Aba'y mahihirapan ka niyan! Ang daming connections at guard pa lang, deadz ka na!"

"Kaya nga! Nagpapatulong ako sayo."

"Anong kapalit?" Nakangiti siya at kinurap kurap ang mata.

"May kapalit ba?" Natatawa ko naman.

Agad naman siya bumwelo, "Ou naman! Lahat na may kapait. Gaga!"

"Tse," Natawa siya sa inasta ko. "Sige, hatid tayo sa dalawang milyon, tig isang milyon tayo basta tulungan mo lang ako."

"Ano? Dalawang Milyon. Ilan ba binigay ng boss?" Kuryuso niyang tanong.

"Dalawang Milyon. May dagdag pa daw pag natapos ko ang misyon." Nagulat naman ako nang pumalakpak siya. "Grabe! Talaga? Ang laki ah?! Ikaw na talaga!"

"Basta tulungan mo ako. Hatid tayo. E tatransfer ko kaagad ang isang milyon."

Namilog na naman ang mata niya at tumitig sa akin. "Ano?" Tanong ko naman.

"Tinransfer na agad?" Gulantang niyang tanong.

"Ou kanina," Napahawak siya sa braso ko at nagniningning ang mga mata. "Oh my goodness! Totoo?" Pagsigaw niya, gigil na gigil. Napatango ako. Ako naman ang nagulantang sa inasal niya.

"Kailangan nating e celebrate yan! Nandyan na ang pera? Tara! Mamasyal tayo! Magpakayaman tayo ngayong araw!" Hindi pa rin nawala ang gigil niya. Mukhang nanalo talaga siya sa lotto nang sinabi kong nasa akin na ang pera.

"Ano pa ang hinihintay mo? Tara! E transfer mo sa akin ang share ko. Wag kang mag aalala tutulungan kita sa misyon mo! At huwag ka rin mag alala sa gastusin ngayon! Ako lahat ang gagastos sayo! Tara magbihis ka na! Dalhin mo si Jayson."

Hindi na ako nakaangal pa. Siya na nga ang nagbihis kay Jayson. Marami siyang sinabi sa bata. Lumabas kami. Kumain sa isang mamahaling restaurant. Namasyal. Namili ng mga damit at kung ano-ano pa. Sinukatan pa nga ako ng mamahaling dress.

" Ito! Bagay 'to sayo! Isukat mo na." That was a night dress na alam kong fit na fit sa akin, medyo revealing ito sa likuran, hindi ko tuloy alam kung saan ko ito isusuot kung sakaling bilhin niya.

Hindi na ako nakaangal pa. Sinukat ko iyon. At ang fit nga, mukhang bagay sa akin pero ayaw kong magsuot ng ganyan ngayon. Sumusuot naman ako ng ganyan pag may okasyon.

"Sige na! Isuot muna gaga! Magpretend tayo bilang mayayaman ngayon!" Nae-excite pa siya. Natawa na lang ako.

"Ayoko nga!" Pagpipigil ko naman sa balak niyang gawin. Kung ano-ano talaga ang naiisip ng gagang 'to!

"Ngayon lang naman Riana! Ang OA mo naman!"

"Anong OA djan! Alangan namang magdi-dress ako at fit na fit pa! Gayung hindi naman tayo aatend ng party! "

Her smile wides louder. Parang alam na alam niya ang gagawin niya ngayon ah?! Nafufrustrate tuloy ko. Ano kaya ang plano niya. " Alam mo Riana, siyempre naman aatend! Alam mo naman yung hobby ko? At hindi naman kita pasusuotin ng ganyan para mamasyal lang! Of course, we'll go to a party."

"Pass," umangal na ako. Nagtaas ako ng dalawang kamay para ipagpaliban kong ano mang binabalak niya. Dala-dala ko si Jayson, jusko! Tapos, magpa-party ako?

"Ano ba?! Kailangan mo akong sabayang sumaya ngayon! At magsasaya tayo ngayon! Hindi natin alam, baka sa susunod na araw, busy na tayo dahil sa misyon! Kaya Riana! Magsaya tayo ngayon! Sabayan mo ako."

"Ayoko nga! Nandito si Jayson, babantayan ko siya."

"Ang OA mo! Mamaya pa naman! At uuwi rin naman sila Ella at Anna, sila na ang magbabantay." Ani niya.

Magsasalita na sana ako ng hinarangan niyang bibig ko sa kanyang isang daliri. "Ops, wag kang aangal. Ngayon lang naman Riana, pagbigyan mo na ako at malay mo, makakahanap ka ng jowa sa club."

"Ano? Sa club?" gulantang kong tanong. Hindi talaga ako makapaniwala. Umiling na lang ako.

"Yeah pero sa mamahalin tayo, dun sa moonleaf."

"Tigilan mo nga ang pag-iisip niyan, Elizabeth! Hindi nakakatuwa!" Ayoko talagang pumunta kung saan saan at iiwanan ko pa ang mga kapatid ko? Paano kung malasing ako dun? Paano kung matagal akong makakauwi. I'm sure matagal! Kung si Elizabeth pa ang kasama mo! I'm sure matagal na matagal!

" Riana! Ako na ang bahala! Kung iniisip mo ang mga kapatid mo, pababantayan ko sila."

"Sino naman ang magbabantay?"

"Heh, as if hindi mo naman ako kilala."

I smirk. Totoo naman, maraming kakilala si Elizabeth na marunong magbantay. Kahit mga bad guys sasaludo sa kanya. At isang salita lang niya sa mga iyon ay papayag na.

"Ano? Payag na?"

"Ayoko nga," medyo nag aalangan na ako. It's not my first time in club. At mukha namang tama si Elizabeth sa puntong kailangan magsaya bago ang sakuna. This mission is freaking my whole mind. Ayoko nang kunin ito pero binlack mail naman ako? Ayoko na sanang makita ang lalaking iyon pero kailangan naman dahil siya ang misyon ko, kikidnapin ko siya. Kaya, pumayag na lang ako. I wear that night dress. Kulay pula ito na kumikintab. Fit na fit sa akin at napakarevealing sa likod. Exposed na exposed ang legs. It's kinda sexy. Ano pa ba ang susuotin sa isang club? E di ganun naman dapat!

"Oh my, ang ganda ganda talaga ng katawan mo! It's like an hour glass."

"Wa mo akong bulahin! Hindi ako nagpabola gaga!" I said as I applied a red lipstick on my lips. Hindi naman ako umaangal o naninibago pag suot ko ang mga ganitong damit dahil sa bahay naman, puro sleveless ang mga damit ko, cheap lang kasi ang mga ganoong damit kaya lagi akong bumibili.

Aalis na sana kami ng napansin niya ang bag na dala ko. Napabuntong hininga siya, "Change your bag!" May kinuha siya sa kwarto niya at ibinigay sa akin. Nakasupot pa ito kaya halatang halata na bago. "Suotin mo yan, my ghad Riana! Hindi tayo pupuntang palengke at dapat mayaman tayong tingnan ngayon! Ok na ang mga outfit-an natin, ang bag mo na lang, kaya ito suotin mo."

I looked at the bag. It's channel. Maliit lang ito Tinanggap ko na lang. Ayoko namang magtalo na namin kami.

Ang sabi niya pupunta kami sa mamahaling club dito. It's our first time actually na pumunta sa moonleaf. It's a home of silver and spoon. Afford ni Elizabeth eh!

"Oh my gosh! I'm so excited!" Deklara niya nang nasa pintuan na kami. May bodyguards sa gilid. I smirk.

"Napadalas na ang pag e-english mo ah?!" I jokingly said. Umirap siya sa akin.

"Of course, kailangan mag-improve tayo sa bagay-bagay!" Ako naman ang umirap sa kanya. Siya naman ang tumawa.

Pumasok na kami. Akala ko, loud noise ang masasaksikan namin katulad ng ibang mga clubs but it's not. Just a colorful dancing lights, a dj playing romantic sound and the ladies and gentlemen wearing their most elite suit and dresses. Ang elegante tingnan. Pagpasok namin ay simpleng sinulyapan lang kami at ibinaling muli sa taong kausap with of course, wine and beverage.

"Ganito ba talaga, makipagclub ang mga social? Naku! Parang lugi ang plano mong magsaya ngayon ah?! E wala ngang sumasayaw sa dancefloor."

"Baka meron, mamaya." Pagbabakasakali niya. Umupo kami. Some of them were just busy talking of course, with a girl beside it. May nagbigay sa amin ng drinks, yun ang sinisimsim namin throughout the night.

"Ano ba yan! Akala ko ba, masaya rito." Ani ni Elizabeth na feeling ko inip na inip na sa solemn ng kanta.

"Diba? Sayang lang ang pera mo." Natawa ako.

"Tara na nga, punta tayo sa iba, mas mabuti pa sa mumurahin, maeenjoy ko pa ang pagsasayaw."

"Mamaya na." Actually, sinabi ko iyon para mainip siya lalo, nakatawa kaya, panoorin ang mukha niyang inip na inip. She wants to enjoy, to dance with stranger and forget all of these tomorrow but it seems like hindi niya makakalimutan ang experience niya ngayon.

Nagtagal kami ng sampung minuto with only drinks in our hands. Yayayain ko na sana siya umalis nang lumabas ang isang babae na may dalang mic. She turned it on, and begin speaking.

"Good evening everyone, we're so sorry for waiting a long time for the floor to heat but it's worth it naman! Alam niyo na, kung sino ang makikita niyo ngayon diba?"

Tumawa ang lahat but in most graceful way. Iba talaga pag mga social eh nu? Nagkatinginan kami ni Elizabeth.

" Thanks everyone for coming in here. And to those guest na kusa talagang pumunta rito to join the celebration of our beloved, daughter of the country's tycoon, Ms. Tricia Elizabeth Flores."

"Uy kapangalan mo," I teased her. She spat. Natawa ako.

Galing sa taas ay lumabas ang babaeng sinasaad ng emcee pero, "and of course, the one we're all waiting for, her escort, the one and only CEO, Mr. Bryan Kent Montenero, the third." dagdag na saad niya.

Namilog ang mata ko. Nakatutok ako sa paglabas nilang dalawa. Inalayan niya ang babae sa pagbaba ng hagdanan at pinalakpakan ng maraming tao.

"They will be joining our party tonight and it's been a really and great experience. It's an honor."

Tinitigan ko ang kanilang pagbaba. It was graceful. Kung ako yan, walang isang minuto, nakababa na ako djan!

"Tara na nga!" Yaya ko kay Elizabeth. Nagfi-fairytale pa siya, kakatingin sa kanilang dalawa. Matamis ang kanyang ngiti. I smirked. Nakakainis! Parang nagdidiwang siya. Samantalang ako dito, halos itago na ang sarili.

Sumulyap siya sa akin. She's really enjoying. When she looked at me, she smile more. She's teasing me as a revenge of what I did to her a few minutes ago.

"No! We're staying here for the whole night!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kidnap the CEO   Kabanata 70: Beat

    Kabanata 70Beat---The day went fast and my head still hurt from all of those plans. Bryan explained everything to me. I do have a lot of questions and he patiently explains to me one by one. May nacheck ako at may mga suggestions din kaya may pagkakataong pinatawag namin ang mga engineers at architects na gagawa nun.Its messy on his room kaya nagpatawag ako ng lilinis doon. I also ordered some food for him. Sabay kaming kumakain. Lolo seems so pleased with what I have been doing. I suddenly got curious about the company.“Iyong cook mo nun, nandito pa siya?” I asked in the middle of eating. Umiling siya.“She reported right away the thing you did to her.” Napanganga ako nang narinig iyon galing sa kanya.“Tapos?” Tanong ko.“I fired her.” Nalaglag ang panga ko. “Na-observe ko siya noon, she seems so different.” Pag-amin ko sa kanya. Nilingon niya ako. Nakatitig na siya ngayon.“Alam mo diba? Kaya hindi ka kumakain na gawa niya dahil alam mong ikaw ang punterya niya?” Tanong ko

  • Kidnap the CEO   Kabanata 69 : Playful

    Kabanata 69 Playful --- I don't have the choice but let him be. Hinatid niya ako sa bahay. He kissed me again, now that I'm going to say goodnight to him. "Come back to the office tomorrow. If you don't understand it, I'll call engineers or I can explain it to you. You're opinion is really important. You are part of this project, so you deserve to know everything." Sabi niya bago pa ako makababa sa sasakyan. " Hindi na. Kung ano ang desisyon mo, okay na iyon. Nacheck na rin ba ni Lolo ang plans? "Tanong ko, umiling siya. " He trust me for this but he ask me, you." Napataas ang kilay ko. " But you don't ask me. Kung hindi ako pumunta para e check, hindi mo rin ba ako aalukin? " " Aalukin but I need to check it first before passing to you." Ngumisi ako. Napangisi rin siya. " Goodnight,"sabi ko nang nakababa na. I waved my hand to said goodbye at the same time. "Goodnight. I fetch you here early in the morning so we could talk immediately about the project." Umiling kaa

  • Kidnap the CEO   Kabanata 68 : Kiss

    Kabanata 68 Kiss --- Hindi ako matalino tulad ng lahat ng nakasabayan ko. Hindi ako ganun kagaling pero kung sa pakikipag-awayan, alam na alam ko na medyo, may alam ako. Sa corporate world, wala akong alam. Ni ayoko ngang pumasok pero kung ito ang paraan para mapagtagumpayan ko ang misyon, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakuha. Hindi ko alam kung ano ang naging basehan niya. Hindi ako nakapagtapos at inaamin ko na hindi naman talaga ako maalam sa computer, lalong lalo na sa pagiging sekretarya niya. Wala akong alam sa ganun. "Ayaw mo ba?" Tanong niya sa akin. He started to eat. My lips curved, thinking that he could eat my food, it means he trust me again. "Siyempre gusto pero bakit?" Hindi ko rin alam kung ano ang sinulat dun ni Elizabeth. Hindi ko na rin siya natanong pa tungkol doon. Baka naglagay siya don na computer savvy, kaya natanggap ako. "Siguro dahil magkakilala na tayo bago pa lang ang interview." I already met him befor

  • Kidnap the CEO   Kabanata 67: Malalim

    Kabanata 67 Malalim --- Hindi ko alam. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba talagang liligawan niya ako? Ayaw ko. Ayaw ko na… pero gusto ko siya. Kaya ko pa bang pagbigyan ang aking sarili ngayon? Pero paano kong masaktan muli ako? Paano kong may magawa naman ako sa kaniya? Makakaya ko pa ba? Masaya ako na masaya ang mga kapatid ko sa pagpasyal namin. I see the glitters on Lolo`s eyes. We are his family . Masaya ako na masaya din siya. I think its time to forget and forgive everything. Ayaw ko namang hindi kalimutan `to. Gustong gusto kong magpatuloy sa buhay na walang nararamdamang galit sa mundo. I want to leave the world peacefully. Nakikita ko naman kay Lolo na bumabawi din siya at sapat na sa akin iyon. Sabay naming binisita ang puntod ng magulang namin. Dahan dahan kong hinakbang iyon. Mabigat. Naninikip ang puso ko. Sa tuwing naalala ko ang pagkamatay nilang dalawa, nadudurog ang puso ko. Lolo was looking at me. He then laid his hands to my back. May luha sa kaniyang mga

  • Kidnap the CEO   Kabanata 66 : Tibok

    Kabanata 66 Tibok --- It's true and I'm not even guilty about it. Ginawa ko iyon, nagbabasakaling maligtas siya ng mga pulis bago ako magpunta sa ibang bansa. It is to lessen the guilt I had felt when I told him to come and get me. It's a trap for him, hindi ko namang inaakalang pupunta siya at ililigtas ako pero naligtas niya na ako at hindi ko maintindihan, bakit niya ginawa sa akin iyon. Am I important to him? Ni hindi siya nag-atubiling puntahan at iligtas ako. Hindi ko alam. Napahawak ako sa sa mukha galing sa sampal niya sa akin. B was never been violent to me but today, I think, is special. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin. Alam niya na ako ang tumawag ng pulis. Maswerte pa nga ako dahil hindi niya ako sinundan sa ibang bansa at pinatay. "You can kill me if -" He slapped me again. This time, on my left side. Naestatuwa ako. Alam ko ang kasalanan ko at hindi ko maitatanggi iyon. Siguro, ito ang kabayaran ng lahat. Kung ito man ang katapusan ko, wala na akong mag

  • Kidnap the CEO   Kabanata 65: Slap

    Kabanata 65Slap---Hindi ko alam kung kailan ako magtatagal sa mundo. Nobody knows the perfect time for that. But if I'm going to decide, I hope I live endlessly. I want to spend my time with my love once. Nong namatay sila mama at papa, akala ko katapusan na ng mundo ko. Kahit na nagluluksa ako nun, pinipilit ko pa rin ang aking sarili na maging matatag dahil sa mga kapatid ko. Ayaw kong makita rin nila na nasasaktan ako. Ayaw kong makitaan nila ako ng kaonting kahinaan. I`ll live with enough courage and hope that things would be better after these. Minsan, dahil tao lang, nakakaramdam din ako ng pagod pero sa tuwing makikita ko ang mga kapatid ko. The enough light they show to me is enough for me to go on and strive."Ilalabas ko lang siya sister. Uuwi rin kami pagkatapos." paalam ko kay sister. Siya ang nagpalaki kay Rayle dito. Utang na loob ko ito sa kaniya. Marami akong nirequest na bawal na naiiba sa ibang bata dito. Hindi naman siya naging kuryoso pa. She just nodded and acc

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status