Home / Romance / Kidnap the CEO / Kabanata 1 : Court

Share

Kabanata 1 : Court

Author: vlackpanther
last update Last Updated: 2025-03-20 19:09:08

Kabanata 1

Court

---

[This from Riana's POV]

Madilim ang paligid.

Tumawag na naman siya. Sinagot ko.

"Ano na naman ba?" Pagalit kong utas sa kanya. E naman kasi kanina pa niya ako binobola na may ibang raket daw, pero wala naman!

"Chill! Riana. This time, meron na!"

"Ewan ko sayo!" Saka binaba ang keypad kong cellphone.

"Ep~" Pag pigil niya sa akin.

Napakagat ako nang labi. Isa na lang talaga. Sasapakin ko na talaga 'to, pag di na seryoso. Naghintay ako ng ilang segundo.

"Si Boss pinatatawag ka!" Sagot niya.

"Eh! Bakit hindi siya dumeritso sa akin?" Pasigaw kong sagot sa kanya.

"Eh! Ba' t ka naman sumisigaw, inaano ba kita?" tanong niya naman. Napapikit ako ng mata at kinagat kagat ang labi. Wala talaga akong panahon sa lokohan na yan. Nag aaral ang kapatid ko. Kailangan nila ng pang-tuition at pera para pagkain namin kaya kong sasayangin ko ang oras sa lokohang yan! Mabuti nalang ay ihanap ko na lang ng ibang raket ang oras sa kalokohan niya.

"Wala! Sige na! Pupunta na ako."

"Dalian mo raw! Baka maunahan ka!"

Habang sumasagot sa kaniya ay naghanda na ako para umalis.

"Ou na!"

"Tsk."

Nakashorts lang ako at nakawhite shirt. Itinali ko na muna ang mataas kong buhok. Nakainis rin 'tong buhok ko, kailangan pang taliin para di mainit. Bukas o makalawa, pag may oras ako puputulin ko' to.

"Ate, ate, saan ka pupunta?" tanong ng nakababata kong kapatid. Anim na taong gulang na siya. Apat kaming magkakapatid. Ang bunso namin ay lalaki. Ang dalawa naman ay puro babae. Kasalukuyang nag aaral ngayon ng highschool ang isa at ang isa naman ay elementary pa. Ako naman ang mas matanda sa kanila kaya kailangan kong kumayod para may mapakain. Kahit ano! Basta wag lang ang magbenta ng katawan.

"Magtatrabaho lang si ate."

"Trabaho na naman?" Tanong niya ulit. Kailangan ng trabaho para may makain.

"Ou, Jayson. Anna, bantayan mo muna ang kapatid mo." sigaw ko sa kaniya.

"Sige Ate." sagot naman ng kapatid kong si Anna.

"Bigyan mo lang siya ng laruan. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral mo." Utas ko sa kaniya. Lagi ko kasing ipinapasaulo sa kanila na mag aral ng mabuti. Ito lang ang tanging maipapamana ko sa kanila.

Umalis na ako sa bahay. Hindi pa ako kumakain simula kanina. Pag ito, walang kwenta, makakatikim talaga iyon sa akin ng blackeye!

" Heto na palabas na! Nasa'n ka ba?" sigaw ko dahil ang bagal sumagot.

"Dito sa QC,"

"Alam kong sa QC, tanga! Saan sa QC?"

"E text ko sa iyo ang address," Pambihira naman! Pagalit kong tiningnan ang screen at pawaldas na in-end call ang tawag! Buti nga sayo! Binabaan kita! Napakagat ako ng labi dahil sa kabobohan ng kausap ko. E pwede namang e salita na lang!

Chill! Riana! Chill! Dapat pahabain mo ang pasensya. Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa itong atat ng atat.

Sinagot ko ang tawag.

" Ano na naman ba? Magchi-change na naman ng address?" Hindi ko namalayang tumaas na naman ang aking boses.

"Anong magchi-change? Hinahanap ka na ni boss! Gaga! Dalian mo raw baka ibigay pa sa iba ang misyon. Milyon 'to girl. Kaya, dalian mo!"

What the heck! Milyon? Oh my! Hindi naman niya sinabi kaagad. Bullseye' to!! Naku!

I am Riana Kellyssa, aka 'agila'. Palipat lipat ako ng trabaho, kung saan maraming pera, dun din ako syempre! Of course! Para sa buhay. Para sa aking mga kapatid. Gusto kong mabigyan sila ng magandang buhay. Kailangan kong kumita. Kailangan kong dumiskarte kahit anong hirap pa yan. Kakayanin ko. Agila kaya ako? Kung saan saan lumilipad.

Agad akong tumakbo. Kung may pakpak pa ako katulad ng agila, aba'y kanina na ako nakarating pero paa ang meron ako eh! Kaya, paa ko na lang ang aking ililipad.

Naisip kong pumara ng taxi pero sa kayrami rami namang nagsisiksikang sasakyan dito ay impossibling makakaabot pa ako sa pupuntahan ko, kaya tumakbo nalang ako ng mabilis.

OH MY SH*T! RED LIGHT! RED LIGHT! GAGA!

Rinig ko ang pagpito ng traffic enforcer sa akin pero bakit pa ako makikinig? Pababayarin lang ako nang bente nun at bibintangang nag jay walking, e jay running ang ginawa ko!

Pero sh*t naman! Naku!

Pft. Pft. Pft.

"Tigil! Tigil!"

Ano ba ang paki alam ng mga traffic enforcer sa akin.

Pft. Pft. Pft.

"Tigil Miss, tigil!"

Lahat ng nadadaanan ko ay tumitigil ang sasakyan. Patuloy lang ako sa pagtakbo.

"MISS TIGILLLL!" Sigaw iyon na ikinabigla ko kaya ako napahinto pero kasabay rin nun ay ang paghinto ng puting ford na kotse sa likod ko. I lifted my head at namilog ang mata ko nang sobrang lapit ko na at konti na lang ay magagasgasan na ang paa ko.

Nanghihingal pa ako.

Bumukas ang nakasunod na kotse at iniluwal dun ang mahigit na limang guards na aktibong naitutuk sa akin ang baril.

Nataranta ako kaya, napataas ako ng kamay. Habang nakataas iyon ay umikot ikot ako para malamang ang lahat ng tao ay napatitig sa akin. Naestatuwa ako sandali pero narealize kong bakit ako matatakot? Ako ang muntik na masagasaan! AKO!

"Huy!" Binaba ko ang dalawa kong kamay at malakas na ibinagsak sa harap ng sasakyan. Bigla namang naalarma ang mga guards kaya inaktibo nila ang dalang baril. I smirked.

Ang pambihirang taong ito! Hindi talaga lumabas! Ano ba siya prinsipe? Prinsipe yung mukha niya! Muntik na niya akong masagasaan at gani - ganito lang? NO NO NO!

"Lumabas ka dyan GAGA!" Ibinagsak ko pa ng makalawang beses ang aking palad sa harap ng sasakyan nito.

Narinig ko ang pagclick ng baril. Napasulyap kaagad ako sa isa sa mga bodyguards. Isang guard naman ang lumabas galing sa kotse, hinawakan at dahan-dahang ibinaba ang baril.

"No touch order, galing kay sir." Sabi pa niya nang nahirapang magbaba ng baril.

"Pero-"

"Babae daw. Pagbigyan na lang." Napatingin ako sa kanila at maangas na parang nanghahamon. At wow? Hindi porke't babae ako, wala na akong laban!

"Huy!" Sinipa ko ang kotse niyang mamahalin but of course, I am making sure sa banda ng lights para masira!

"Lumabas ka dyan! Huwag kang duwag! Panagutan mo itong muntik mo nang masagasaan~" Hindi pa ako natatapos ay mukhang bubuhatin na ako ng guards papalayo.

"Ano ba? Ba't niyo ba ako nilalayo rito? Sino ba yang nasa loob? Prinsipe niyo? Aba'y uso pa ba yan? Mabuti at hindi kabayo ang ginamit niyo! At ou nga naman! Mayaman eh! Of course, maya maya babayaran ang mga traffic enforcer, mga pulis para pagtakpan ang kanilang kasalanan! E kaming mahihirap, aakuin na lang ang kasalanan. MAYAMAN EH! DIBA GANUN KAYO? DIBA? bakit hindi kayo makasagot? DAHIL GANUN KAYO? Nasa'n ang prinsipe niyo? Humarap siya sa akin at sisingilin ko siya!"

"Maa'm hindi niyo po alam kung sino ang nabangga niyo maa'm. Magpasalamat nga kayong pinakawalan kayo ni sir."

Muntik ng mawala ang mga ngipin ko sa kakahalakhak. Wow naman?

"Bitiwan niyo nga ako," I gather all of my force para pakawalan nila ako, pinakawalan naman... Pero nang tuluyan akong nakawala at naglakad pabalik sa kotseng iyon ay-

"Maa'm," tumawag ang isang bodyguard, of course, sa akin. Ramdam ko ang pagsunod nila pero napahinto nang biglang bumukas ang pintuan ng kotse.

Unang iniluwal dun ang makintab na sapatos na kahit alikabok ay tatago sa sobrang kintab nito. Sumunod naman ang itim na pants, sinabayan ng kanyang puting shirt sa ilalim at itim na coat sa labas nito. Hindi nabubunotesan ang tatlong butonos, ewan ko kung sinadya o naunlocked ito nang hindi niya nalalaman pero ang cool niya ah? Tinitigan ko ang malamoreno niyang mukha. Makinis ito. Matangos ang ilog. Nasa kompleto at malaperpektong hugis ang mukha. Kahit buhok niya ay...

Oh? Ano na Riana? Ang akala ko ba'y galit na galit ka? Bakit namamangha ka sa ugok na lalaking walang ibang magawa kundi ang magpagwapo lang!

"Buti naman lumabas ka sir!" I said it with full sarcasm. "Ang tagal kong naghintay! Ang akala ko naduduwag ka na." Patuya ko sinabi.

Napatagpo ang kanyang mga kilay. He's wearing sunglasses by the way. Lumapit ako sa kanya. Handa ko na sanang ituro ang hintuturo ko sa damit niya nang hinarangan ako ng guard.

" Maa'm, bawal po~"

" No, it's okay. " Agad naman niyang agap. His low voice echoed in me. Walang kahirap hirap niyang sinabi iyon. It feel as if hindi niya binibigyang paki ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya.

Umatras ang guard at hinayaan akong gawin kung ano man ang gusto kong gawin sa kanya but instead of doing something, walang akong ibang magawa kundi ang tumunganga sa harap niya.

"You need anything? " He asked me. Again with his so low and cold voice. Hindi ko alam kung bakit wala akong masabi. I remained speechless. Damn it! At ngayon pa talaga?!

"Nothing?"

Nanatali ako nakatayo. Hindi makasagot. He step closer to me at kahit na ramdam na ramdam ko siya na malapit na malapit sa akin. I didn't move. I don't know. He bend and looked at me. I can hear him smirked at the side of my right ear.

He smirked again, His cold voice echoed again. "Well, see you in the court."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kidnap the CEO   Kabanata 42: Lust

    Kabanata 42 Lust --- Alam ko sa pagkakataong ito ay tuluyan na akong nabihag. Hindi ko na mapigilan ang pang-iinit sa gitna ng halik niya. He kissed me everywhere and anywhere. Wala na akong paki. All the rationals in me had started to go away. Pinihit niya ang pintuan ng kwarto niya. Nang nakapasok kami ay agad niya akong hinila at tinulak sa likod ng pintuan. He begun kissing me, from lips down to my neck. I moaned. My voice was even louder when his lips moves towards my breast, pababa tungo sa puson ko. He stopped abruptly from there. Bumaba ang tingin ko dun. Namilog ang mata ko ng unti - unti niyang kinuha ang pambabang suot ko. He touched my panties and slowly, he kissed it. Humina ang mundo ko. It seems like the world had stopped. All I felt was his tongue against mine. He rubbed and slowly, h

  • Kidnap the CEO   Kabanata 41: Kiss

    Kabanata 41 KissWala na akong magawa. Wala na akong panahon para humindi. Wala na akong panahon sa kaartehan. Kahit na ayaw ko, hindi ko naman papairalin ang pride ko. Kung kapalit lamang nito ay ang buhay ng kaibigan ko, handang handa kong ibaba iyon.I watched my phone as he drive along the direction I gave him. Alam naman niya kung sino ako. Alam niya ang nature ng trabaho ko nun. He just follow me while I was being so serious, at the same time worried because of her. Bakit siya sugatan? May bagong misyon ba siya? Hindi ko naitanong yun. I was busy occupying with my problems, that I even forget to asked her. Narinig ko ang panginginig ng kamay ko. “Left,” sabi ko focusing on the direction. Malalim ang titig niya sa akin. I was about to say something when he reach my phone and put it in a more comfortable way. Nakikita niya ang direction doon. Tumatakbo yun. It wa

  • Kidnap the CEO   Kabanata 40: Sakay

    Kabanata 40 Sakay --- Magkatabi sina Jayson at ang CEO. Tinitingnan ko pa lang ang itsura nilang dalawa sa harap ko ay para na akong mawawalan ng hininga lalong lalo na dahil nakikita ko ang pagkislap ng mga mata ng kapatid ko. It has been two years. Walang alam ang mga kapatid ko sa nangyayari. I don't want them to know. Gusto kong mabuhay sila nang hindi nakikilala ang masamang gawain sa mundo. I want them to smile genuinely. I want to show them the world na ibang iba sa pananaw ko. “Tito Bryan, come here more often. I haven't seen you for two years,” kwento ng kapatid ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Thinking that my brother missed him is another kind of story. Ewan ko kung bakit ganito sila ka-close. He even stopped crying when sir William told me he will visit him. “Did you miss me?” He asked him. Tumango naman ang kapatid ko. “Yeah, I miss you tit

  • Kidnap the CEO   Kabanata 39 : Weakness

    Kabanata 39 Weakness --- Akala ko hindi na niya ako kilala. Hindi na rin kasi ako nakabisita sa kaniya. He hugged me. Kasing tangkad niya si Jayson, kapatid ko. "Kamusta ka na?" I face him. He looks so happy when he saw me. "I'm okay ate Iana. You don't visit me. I miss you." He said. I suddenly touched his face. May dumi pa ito sa bandang cheeks. Hinawi ko naman ang duming yun habang nagsasalita. "I'm sorry. Ate Iana was busy. I miss you too. Did they treat you right here? Tell me." "Yes Ate Iana. Sister Joanna took care of me!" I curved my lips. Alam kong nasa magandang kamay na siya. He would be more safer here compared to the outside. "Is she here? Can you lead me to here? By the way I bring chocolates fo

  • Kidnap the CEO   Kabanata 38: Bata

    Kabanata 38Bata---Ayaw ko na sanang dalhin ang baon na ipinahanda sa'kin ni Jayson when he really insist it to bring with me. Magkasama pa kaming umalis to make sure."Bye baby ko." I kissed him goodbye before he walked out of the car."Bye Ate!" He also said goodbye to me. Hinatid na ako ng driver sa compound ng mga Montenero. Hindi ko inaaasahan ito. Akala ko hindi na ako makakabalik dito. Nakabalik ako, hindi bilang sekretarya niya kundi isa na ring taong tulad niya. Tinuruan ako ni sir William pero hindi ko maabsorb lahat ng tinuro niya tungkol sa kompanya. Ayaw ko rin naman ang posisyong ito. Dumalo lang ako dahil gusto kong makausap si Bryan."Hello Ma'am. Good Morning. From Alfonso Corporation po?" Sabi ng guard. Sinadya kong magsuot ng sunglasses para hindi ako makilala kaagad. He was the same guard before. Hindi ko na alam kung sag ulo pa niya ako.

  • Kidnap the CEO   Kabanata 37: Withdraw

    Kabanata 37Withdraw---He was staring at me and I was staring at him. Lumakas ang tibok ng puso ko. Nanunusok ang kaniyang mga mata, para akong aatakihin sa kaniyang malamig na titig.Hindi ko alam kung bakit nandito sila. Tapos na ba ang party? Tadhana ba naman! Sa lahat ng bar, dito pa sila nagpunta! Eh pang-cheap lang 'to. Hindi' to nababagay sa mga mayayamang katulad nila."Tara , sayaw na tayo." yaya niya sa akin. Elizabeth pulled me out of that table. Isang hila lang niya nakapunta na kaagad kami sa sentro ng bar kung san maraming tao. Sanay naman akong mag bar pero hindi ako sanay na feeling ko, tinitingnan ako. Dinala ako ni Elizabeth sa kung saan saan. Marami nang humahawi at sumasayaw sa akin. Pilit kong makatakas mula dun pero hindi ko magawa gawa dahil sa tuwing ginagawa ko iyon, inuunahan ako ng mga taong gusto akong masayaw. Hinarap ko na naman sila pero mabilis l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status