Share

VII: WHERE'S THE YACHT?

last update Last Updated: 2025-11-23 22:00:01

PAGKALABAS na pagkalabas ko pa lamang sa kwarto ay nagmadali agad akong maglakad paalis para hindi ako masundan kaagad ni Jago. Kaagad kong inilibot ang mga mata ko sa buong kapaligiran ko at saka ko lamang napagtanto na nasa second floor kami ng isang bahay ngayon.

Nang malaman ko kung nasaan ang hagdan ay mabilis akong naglakad patungo doon para makababa na ako at makaalis na sa bahay na 'to dahil ayaw ko nang makasama pa si Jago rito nang mas matagal pa.

Pagkababa ko pa lamang sa first floor ng bahay ay napatakip na lang ako sa aking bibig habang nakatitig sa labas ng glass wall. Sobrang tirik ng araw sa labas at napapaligiran ang bahay ng pinong puting buhangin.

Nakabukas ang pintuan ng bahay kaya naman lumabas ako rito para kumpirmahin ang nakikita ko ngayon sa aking harapan dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko.

Tumama ang sinag ng araw sa aking mga mata kaya naman mabilis kong itinabing ang mga kamay ko sa itaas ng aking mga mata para makita ko pa rin ang dinaraanan ko kahit na nasisilaw ako sa sikat ng araw.

"What the f*ck? Nasa isang isla ba kami ngayon?"

Napapamurang pagkausap ko sa aking sarili nang makumpirma kong tunay na isang malawak na asul na dagat ang nasa harapan ko ngayon.

Inilibot ko ang paningin ko pero tanging asul na karagatan lamang ang nakikita ko at wala akong natatanaw na kahit isang malapit na pampang lamang.

Hinihingal akong nagpunta sa ilalim ng puno ng niyog para sumilong sandali dahil init na init na ako. Dito muna ako naupo dahil hinihingal na rin ako kakahanap ng paraan paano makakaalis dito sa isla na 'to.

"Bakit walang kahit isang tao rito? Wala akong nakakasalubong na tao kahit kanina pa ako naglalakad dito. Kaming dalawa lang ba talaga ni Jago ang nandito ngayon sa buong island na 'to?"

Muling pagkausap ko sa aking sarili habang naiinis na pinapagpag ang mga paa ko dahil dumidikit ang buhangin sa mga ito.

"Paano na ako makakauwi nito?"

Naiiyak na usal ko sa aking sarili dahil ultimo bangka o sagwan ay wala akong nakita sa buong island.

Napayuko na lamang ako sa aking mga tuhod dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para lamang makalayo sa islang ito... at palayo na rin kay Jago.

"Buwisit na buhay 'to, oh..."

Inis na sambit ko at saka napabuntong hininga ako habang tinutusok ko ng nakita kong isang maliit na sanga ang buhangin na nasa harapan ko.

Kahit na wala na talaga akong makitang kahit anong paraan paano makaalis kaagad dito sa isla ay sinubukan ko pa ring mag-isip ng mga dapat kong gawin para makahingi ng tulong para makaalis dito sa isla dahil imposibleng walang mga bangka o barkong namamangka o bumabiyahe sa gitna ng karagatan. For sure ay may maliligaw na kahit anong barko o bangka malapit dito sa island.

"Isla, kausapin mo na muna ako, please?"

Biglang nagsalita sa likuran ko si Jago kaya naman inis na nilingon ko ito dahil sinundan niya talaga ako hanggang dito. May dala pa itong itim na payong na kaagad niyang itinabing sa akin para hindi ako masiyadong masikatan ng araw.

"Puwedeng lumayo ka muna sa akin, Jago? Baka kasi hindi kita matantiya diyaan..."

Inis na bwelta ko kay Jago at saka mabilis na tumayo dahil nagmamadali akong makaalis muli sa pwestong 'yon dahil nandoon na si Jago pero hindi pa rin ito sumuko at sinundan pa rin ako nito.

"Isa! Sabing lumayo ka sa akin, eh!"

Sigaw ko kay Jago para muling balaan itong huwag na huwag lalapit sa akin at huwag na rin akong sundan pa dahil mainit na talaga ang ulo ko dahil sa kaniya.

"Can you just listen to what I'm going to say, Isla? I'm just trying to explain myself sa'yo!"

Sigaw ni Jago sa akin pabalik dahil huminto na ito sa pagsunod sa akin at nagpatuloy naman ako sa paglalakad.

Nagpanting ang tenga ko dahil napalakas ang boses nito habang nakikipag-usap sa akin. Nilingon ko si Jago at saka tinaasan ito ng isa kong kilay.

"Ano kamo?! Bakit ka sumisigaw, ha?! Sinisigawan mo na ba ako ngayon? Nagagalit ka pa talaga sa akin ngayon, Jago?"

Gigil na sagot ko kay Jago at pabulusok akong naglakad pabalik sa harapan nito kaya naman napaurong pa ito nang magkatapat na ang mukha naming dalawa.

"S-sorry for raising my voice at you... Pakinggan mo na muna kasi ako bago ka umalis, please?"

"Ano pang papakinggan ko sa'yo, Jago? May sira na ata 'yang ulo mo kaya ginagawa mo sa akin 'to, eh."

Nababanas na usal ko kay Jago dahil walang taong nasa matinong pag-iisip niya ang gagawin ang lahat ng ito sa kaniyang asawa para lamang magkausap na silang muli.

"Ano bang ginamit mong sasakyan papunta rito sa island na 'to?"

"Yung yacht natin..."

"Oh, nasaan na yung yacht na 'yan? Bakit hindi ko nakikita? Kanina pa ako naglalakad dito pero hindi ko man lang nakita. Saan ba nakalagay yung yacht? Sa likod ba ng bahay na 'yan?"

Muli akong lumingon lingon sa kapaligiran namin dahil may yacht naman pala itong ginamit papunta rito sa island.

Nagkaroon akong muli ng pag-asang makabalik sa pampang at makauwi na sa bahay namin ng mga magulang ko dahil paniguradong nag-aalala na ang mga ito kung nasaan at napano na ako.

"I hired someone else to drive it back to the shore..."

"What the f*ck?!"

Gulat na gulat na usal ko kay Jago nang sabihin nito sa akin na ipinibalik niya ang yacht sa pampang kahit na nandito pa kaming dalawa sa island.

"Eh, paano tayo makakabalik sa pampang niyan? Paano na tayo makakaalis dito sa island? Kailan ang balik nila rito sa isla kung ganoon?"

Natataranta at sunod sunod na tanong ko kay Jago dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nito sa akin ngayon.

Habang tumatagal ay ginugulat lamang ako ni Jago sa mga ginagawa at sinasabi niya kaya dapat talaga ay lumayo na ako sa kaniya dahil kung hindi ay baka masakal ko na ito sa mga kalokohan niya o hindi kaya naman ay mahimatay na ako rito sa sobrang stress sa kaniya.

"They are not coming back... The yacht is not coming back..."

Kalmadong sagot ni Jago sa akin at napaawang naman ang bibig ko dahil sa pagiging kalmado nito habang sumasagot sa akin. Pagak akong natawa dahil para na talaga akong masisiraaan ng bait dahil sa kaniya.

"Hindi na babalik yung yacht dito sa isla? Hahaha..."

Pag-uulit ko sa mga sinabi ni Jago sa akin at napasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil sobrang frustrated na talaga ako sa kaniya. Huminga ako nang malalim at naglakad na lamang ako papalayo kay Jago para pakalmahin ang sarili ko at muling makapag-isip.

"Pumasok muna tayo sa loob ng bahay. Mainit sobra ngayon, Isla. Tirik na tirik pa masiyado ang sikat ng araw..."

Pinigilan ako ni Jago makalayo sa kaniya sa pamamagitan ng paghawak sa kanang kamay ko. Kaagad akong nagpumiglas sa kaniya pero ang higpit ng hawak nito sa kamay ko at ayaw talaga akong bitawan nito.

"Hayaan mo na nga ako, Jago! Ayokong bumalik doon, uuwi na ako sa Maynila!"

Pagmamatigas ko kay Jago dahil hinding hindi niya na ako mapapabalik pa sa loob ng bahay dahil gagawa ako ng paraan para lamang muling makabalik kaagad sa lupa.

'Over naman sa makabalik kaagad sa lupa? Akala mo naging si dyesebel na siya at nasa ilalim na talaga ng dagat, eh 'no.'

"Talaga bang ayaw mong pumasok sa loob?"

"Talagang talaga! Ayaw ko talagang pumasok sa loob!"

"This is the last time I'm going to ask you nicely, Isla. Let's go back inside the house."

Biglang pagseseryoso na usal ni Jago sa akin habang matiim na nakatitig sa mga mata ko pero hindi pa rin ako nagpatinag dito at nagmatigas pa rin ako sa kaniya.

"Oh, eh, ano naman kung last mo na 'yan? Ano namang gagawin mo kung magmatigas at umayaw pa rin ako?"

"Ganito lang naman."

"Ahh! H-hoy, ibaba mo nga ako!"

Matinis na pagtili ko nang bigla akong buhatin ni Jago at inilagay ako nito sa balikat niya kaya bumaliktad ang paningin ko.

Pinagpapalo ko ang likod ni Jago para bitawan at ibaba na ako nito pero naririnig ko lamang na tumatawa pa ito habang nagsisimula na siyang maglakad papasok muli sa loob ng bahay.

"I hate you, Jago! I hate you so much!"

Inis na sigaw ko kay Jago habang buhat buhat ako nito sa kaniyang balikat.

"Ahh! Buwisit ka talaga!"

Napatili ulit ako nang imbes na sumagot sa akin si Jago ay pinalo nito ang puwetan ko. Malakas ang pagkakapalo niya sa akin dahil tumunog talaga ang puwetan ko.

Mas lalo akong nakaramdam ng inis kay Jago dahil nagagawa pa talaga nitong tumawa kahit na alam niyang galit na galit na ako sa kaniya.

"You don't really hate me, Isla. You seriously don't..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XIII: SUNSET

    "GANITO na lang..." Biglang pagsasalita ko para tawagin ang atensyon ni Jago at muling mapunta ito sa akin. Kaagad naman itong tumingin sa akin kaya naman kinalma ko na muna ang sarili ko bago magsalitang muli. "I will... We will both decide what to do after a whole month of staying here." Suwestyon ko kay Jago at agad naman itong tumango tango para ipakitang sang-ayon siya sa mga sinasabi ko. "That's a good idea. I think we can come up with a decision after this month..." "For now, let me just gather myself up since I'm still all over the place." Pagbibigay alam ko kay Jago at muli itong tumango tango dahil sa mga sinabi ko. "I hope we could come up with something good for both of us, Isla..." "I am hoping too, Jago." ***** "Can I go outside for a while?" Pagpapaalam ko kay Jago habang nakangiti sa kaniya dahil malapit na mag-sunset at gusto kong panoorin ito habang nakatambay ako sa harapan ng dagat. "What are you going to do outside, Isla?" Nakataas ang is

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XII: CAN'T SEEM TO LET GO OF THE PAST

    "ARE you really sure you don't need my help, Isla? I can help you with anything if you want." Pang-sampung beses na atang tanong sa akin ni Jago habang pinapanood ako nitong maghiwa ng mga rekados para sa lulutuin kong ulam kaya naman napatingin na ako sa kaniya at hininto ko muna ang paghihiwa ko sa mga gulay na gagamitin ko. "Relax ka lang, okay? Ako naman ang bahala sa tanghalian natin ngayon." Pagpapakalma ko kay Jago dahil kanina pa ito hindi mapakali sa harapan ko. Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa mga hinihiwa kong gulat at tinuloy ko na ulit ang paghihiwa ko. "Ako na lang kaya ang maghiwa ng mga 'yan? Baka kasi masugatan mo na naman 'yang isa sa mga daliri mo, Isla..." Pag-aalok ni Jago ng tulong sa akin kaya naman pabagsak kong inilapag ang kutsilyo sa cutting board dahil nawawalan na ako ng pasensya sa kaniya kakasalita niya habang naghihiwa ako. "S-sabi ko nga, kaya mo na 'yan." "Nasugatan ko lang yung sarili ko kaninang madaling araw habang nagbabalat ak

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XI: ACTING LIKE HAVEN'T SEEN EVERYTHING

    KINABUKASAN, maaga akong gumising dahil kailangan ko nang maligo. Paano ba naman ay simula pa yata nang makarating ako rito sa island ay hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan. Ano na lang ang amoy ko nito, hindi ba? "Medyo maantot na nga ang person..." Komento ko sa aking sariling amoy nang amuyin ko ang kili kili ko at doon ko nga nakumpirma na medyo maasim na nga ako. Mabuti nang maligo hangga't hindi pa gaanong malakas ang amoy at ang kili kili power dahil baka may makaamoy pa sa akin at mahirapang huminga dahil sa naaamoy niyang masangsang sa akin. "Pero si Jago lang naman ang makakaamoy sa akin dito..." Pangungumbinsi ko sa aking sarili pero kaagad akong umiling iling at hindi sumang-ayon sa sarili ko dahil gumagawa na naman ako ng dahilan para hindi maligo ngayon. Pati talaga pagligo, kinatatamaran ko na rin? Pero may point naman kasi ako. Si Jago at ako lang naman ang nandito sa buong island kaya hindi naman ako dapat ma-conscious. Wala namang ibang tao rito sa isl

  • Kidnapped By My Possessive Husband   X: WHEN WAS THE LAST TIME?

    "OH, ano naman 'yang kondisyon mo?" "Do not ever try to leave this island... Do not ever dare to leave me alone here..." Seryosong usal ni Jago sa akin kaya naman hindi ko naiwasang matawa sa kaniya dahil sa sinabi nito. "At bakit naman ako bawal umalis dito sa island, ha?" "That's what I am asking you to do, Isla. I promise you, after this month, iuuwi na kaagad kita sa Maynila..." Muling pangako ni Jago sa akin kaya naman saglit akong natigilan para makapag-isip isip bago sumagot sa kaniya. Wala rin naman akong mapapala kung hindi ako sasang-ayon sa gustong mangyari ni Jago dahil ito lang ang nakakaalam sa aming dalawa ng kabuuan ng island at kung kailan muling babalik ang pulang bangkang dumating dito sa island kanina. Kung hindi ako makikipag-cooperate sa kaniya ay mas matatagalan at mahihirapan lang akong makabalik kaagad sa pampang at makauwi na sa Maynila. Napabuntong hininga na lamang ako bago muling tumingin kay Jago na naghihintay sa magiging sagot ko sa kaniy

  • Kidnapped By My Possessive Husband   IX: THE RED BOAT

    KINAGABIHAN, mahimbing na mahimbing na ang pagkakatulog ko sa higaan matapos ang nakakabusog na kain ko sa pagkaing dinala ni Jago para sa akin kanina nang biglang maalimpungatan ako dahil sa pamilyar na tunog na naririnig ko. Marahan kong idinilat ang mga mata ko at saka ko pinakinggan muli nang mabuti ang tunog na naririnig ko na nagmumula sa labas dahil baka nananaginip lang naman pala ako pero mas lumakas pa ang tunog na naririnig ko kaya naman napabalikwas na ako nang tayo dahil sa pagkabigla rito. Hindi ako makapaniwala sa naririnig kong tunog ngayon kaya naman naglakad agad ako papunta sa bintana ng kwarto para tignan kung tama nga ba ang naririnig ko ngayon dahil baka nanonood lang ng tv si Jago sa kabilang kwarto at tumatagos lang ang tunog papunta rito sa kwartong tinutulugan ko ngayon. "Oh my God, T-tama ba ako nang nakikita ngayon? Tulog pa ba ako? Nananaginip pa rin ba ako ngayon?" Gulat na gulat na pagkausap ko sa aking sarili habang nanlalaki ang mga mata ko sa

  • Kidnapped By My Possessive Husband   VIII: ALL BECAUSE OF YOU

    "IBABA mo na nga ako, Jago! Isa! Nahihilo na ako rito, oh!" Inis na usal ko kay Jago dahil kahit na nasa loob na kami ng bahay ay hindi pa rin ako nito ibinababa at nakabaliktad pa rin ako sa balikat nito kaya nagsisimula na akong mahilo. Nangangamba na rin ang buong sistema ko nang bigla na namang naglakad paakyat ito sa hagdan papunta sa second floor ng bahay. "H-hoy! Ibaba mo na nga sabi kasi ako, Jago!" "I'm going to put you down, okay? Sa kwarto na kita ibababa, maghintay kang makarating tayo doon." Pagbibigay alam ni Jago sa akin kaya naman hindi na ako nagpumiglas pang muli dahil baka mawalan pa ito ng balanse sa katawan habang umaakyat sa hagdan at pareho pa kaming mahulog pababa. Nang makapasok kaming dalawa sa kwarto ay tumupad naman ito sa usapan namin at mabilis ngunit marahan akong ibinaba nito sa kama. "Don't you dare try to escape from me, Isla. I'm really serious. Huwag kang magtatangkang umalis sa isla na 'to without my knowledge." Muling pananakot n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status