ISLA'S POV "Anak, you don't have to tell me everything pero pwede bang libangin mo naman 'yang sarili mo? Maglilinis lang ako rito sa kwarto mo..." Pagkausap sa akin ni Mommy at dinig ko sa boses nitong hindi na nito alam ang gagawin sa akin. "Ayoko pong lumabas, Mommy. Gusto ko lang pong matulog..." "Allona, baka masanay ang katawan mo sa ganiyang lifestyle. Lumabas ka naman ng bahay, anak. Mag-unwind ka muna o kaya mag-shopping..." "Wala po akong ganang gumalaw, Mommy. Let me just sleep for the rest of the day po." "Hay nako, ang tigas talaga ng ulo mo. Kapag ikaw hindi ka lumabas within this day, papayagan ko na talagang umakyat si Jago rito sa kwarto mo once na bumisita ulit siya rito!" Inis na usal sa akin ni Mommy at saka ito lumabas sa kwarto ko kaya naman napatayo na ako mula sa pagkakahiga. "Ayoko ngang lumabas, eh..." Nakangusong angal ko dahil wala talaga akong ganang gumalaw at lumabas matapos ang nangyaring pagtatalo naming dalawa ni Jago. Wala naman
Last Updated : 2025-11-12 Read more