Beranda / Romance / Kidnapped By My Possessive Husband / VI: KIDNAP VICTIM OR KIDNAPPER HIMSELF?

Share

VI: KIDNAP VICTIM OR KIDNAPPER HIMSELF?

last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-21 22:38:17

NAGISING ako sa hindi pamilyar sa akin na silid. Muli kong mariing ipinikit ang mga mata ko nang biglang lumabo ang mga ito at magsimulang umikot ang paningin ko.

Marahil ay nakakaramdam ako ng hilo dahil sa nalanghap kong kemikal na nakalagay sa panyo kanina dahil pinilit itong ipaamoy sa akin ng hindi ko kilalang lalaki.

Napabalikwas ako nang tayo mula sa pagkakahiga ko nang maalala ko na ang mga nangyari sa akin. Natataranta kong inilibot ang paningin ko sa kapaligiran ko pero hindi talaga pamilyar sa akin ang puting kwarto na ito.

Hindi ko alam kung nasaan ako o kung kaninong bahay man ito. Isang bagay na nagpapatunay na hindi talaga panaginip lamang ang lahat at may kumidnap nga talaga sa akin. Nalungkot akong muli dahil naalala kong mukhang may kinalaman si Manong Zaldy kung bakit nandito ako ngayon.

Napasapo ako sa aking sentido nang mas tumindi pa ang sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak sa gitna sa sobrang sakit kaya naman naluluha ang mga mata ko habang sinasapo ko ito.

"T*ngina, nasaan ba kasi ako?"

Napapamurang usal ko sa aking sarili dahil litong lito na talaga ako kung anong nangyayari ngayon at bakit ako kinidnap ng mga hindi ko kilalang lalaki.

"Sumobra na ba ang yaman ng pamilya namin, tapos hindi ko lang alam na soafer rich na kami kasi hindi naman sinasabi sa akin nila Daddy? Sh*t, baka malaking malaki na yung generational wealth ng pamilya namin..."

Pagkausap ko sa aking sarili habang iniisip ko ang mga posibilidad o dahilan kung bakit dinakpi ako ng mga ito at kung bakit nandito ako ngayon.

"O 'di kaya naman... baka ibebenta nila sa mga matatandang afam 'tong sexy kong katawan dahil sobrang ganda ko kaya ako ang tinarget nilang kidnappin at ibenta?"

Natatakot na usal ko sa aking sarili at napayakap na lamang ako sa buong katawan ko dahil hindi pa ako handang maging isang bayaran ngayon. Hindi ko rin naman gustong maging isang bayaran kahit na malugmok pa ang pamilya namin sa kahirapan, 'no.

"O 'di kaya naman... baka human trafficking talaga ito pero ibebenta nila sa black market ang mga healthy organs ko? Huwag naman sana ang kidney ko!"

Nagimbal ang buong sistema ko sa mga naiisip kong mga posibleng rason kung bakit ako kinidnap ng mga lalaking hindi ko kilala ngayon.

'Malamang, hindi ko 'yan sila kilala. May mga kidnapper bang nagpapakilala muna sa mga target nilang kidnappin? Duh. The brain is not braining lang?'

Nagpasya akong tumayo at umalis sa kama para sana inspeksyunin ang buong silid at ang labas nito para malaman ko kung saan talaga ang eksaktong lokasyon ko pero may nakapa ako sa aking tabi nang akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo.

"K-kamay ba 'to? Bakit may kamay rito sa tabi ko? Hindi lang ba ako ang kinidnap nila ngayon? May iba pa ba silang nakitang maganda bukod sa akin kanina?"

Bulong ko sa aking sarili nang mapagtanto kong kamay ng isang tao ang nakapa ko mula sa aking tabi. Nakatabing kasi ang buong katawan at mukha nito ng kumot kaya hindi ko ito kaagad na napansin magmula nang magising ako kanina.

Marahan akong lumapit dito at dahan dahan kong ibinaba ang kumot na nakatabing sa mukha nito para malaman ko kung babae o lalaki ba ito at kung sino itong katabi ko ngayon sa kama.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito dahil pamilyar na pamilyar ito sa akin at hindi ako puwedeng magkamali kung sino ang taong katabi ko ngayon dito sa kama.

"Oh my God!"

Malakas na sigaw ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa tabi ko kanina pa na mahimbing ang pagkakatulog. Kaagad itong naalimpungatan sa malakas na sigaw ko at napabalikwas ito nang tayo habang natatarantang luminga linga sa buong kwarto.

"F*ck, why? Anong nangyari? May sunog ba?"

Natatarantang tanong nito sa akin habang inililibot ang paningin niya sa buong silid. Ako naman ay napatakip na sa aking bibig habang hindi makapaniwalang nakaturo sa kaniya.

Napahinto ito sa paghahanap kung may sunog nga ba sa loob ng kuwarto nang makita nitong gulat na gulat ako dahil kasama ko siya rito ngayon.

"I-isla, let me explain first—"

"Na-kidnap ka rin pala, Jago?"

"Yes, na-kidnap din ako— huh? What do you mean?"

Nagtataka ang mukha ni Jago dahil sa sinabi ko sa kaniya kaya naman lumapit ako rito para yakapin ito nang mahigpit dahil hindi ko inaasahang dalawa kaming maki-kidnap ngayon. Akalain mo nga naman?

"Buti na lang talaga at kinidnap ka rin nila! May taste yung mga kidnappers, ha. Biruin mo, dalawa tayong kinidnap nila? Hindi ko alam ang gagawin ko kung ako lang ang kinidnap nila ngayon! Mabuti na lang at kasama kita rito ngayon."

"T-teka lang, Isla."

Naluluhang usal ko kay Jago habang mahigpit na yumayakap sa kaniya pero pinatitigil ako nito sa pagyakap sa kaniya kaya naman tumigil ako at iniharap ako nito sa kaniya. Hindi ko maiwasang magtaka sa mga ikinikilos ni Jago ngayon.

"What do you mean dalawa tayong na-kidnap at masaya kang kasama mo akong ma-kidnap ngayon?"

Nagtataka ngunit mukhang natatawang tanong ni Jago sa akin kaya naman napanguso ako sa kaniya.

"Bakit ka naman natatawa, ha? Hindi naman biro na na-kidnap tayo ngayon, eh. Masaya lang akong makita ka rito kasi kailangan mong gawan 'to ng paraan! Kailangan nating makatakas dito!"

Muling pagsusungit ko kay Jago dahil naalala ko na naman ang naging alitan naming dalawa nung nakaraan. Napansin naman agad nito ang mabilis na pagbabago ng mood ko at pakikitungo ko sa kaniya kaya naman umayos ito ng upo.

"Well, I'm so glad to know you're very pleased to see me here... with you."

Nakangising usal ni Jago sa akin kaya naman mabilis na nangasim ang mukha ko at umirap ako rito.

"Kapal talaga ng mukha mo, 'no? Bakit ka nga kasi na-kidnap? Ang laki laki niyang mga bisceps mo sa braso, tapos hindi ka man lang nakalaban sa kanila?"

Natatawang tanong ko sa kaniya habang tinutusok tusok ko pa ang mga muscles nito sa kaniyang magkabilang braso.

"Bakit naman ako lalaban?"

"Anong bakit ka lalaban, Jago? Gusto mo ba talagang ma-kidnap, ganoon? Alam mo bang maki-kidnap ako ngayon kaya pumayag kang kunin ka rin nila?"

"No..."

"Eh, ano?"

"Hindi naman kasi ako na-kidnap, Isla..."

Kalmadong usal ni Jago sa akin habang nakatitig ito sa mga mata ko. Nagtataka ko itong tinitigan pabalik.

"Anong hindi ka na-kidnap? Eh, bakit ka nandito ngayon?"

Sunod sunod na tanong ko kay Jago pero hindi ito sumagot sa akin at umiwas lamang sa mga mata ko kaya naman kinutuban na agad ako.

Sumeryoso ang ekspresyon ko nang may mapagtanto ako kung bakit kasama ko si Jago ngayon dito sa kwarto kung hindi talaga siya na-kidnap katulad ko.

"Don't tell me... kasabwat ka nila Manong Zaldy?"

Napatakip akong muli sa bibig ko nang mapagtanto ko kung ano talagang nangyayari ngayon. Kaagad namang umiling si Jago sa sinabi ko at lalapit na sana ito sa akin pero iniharang ko ang paa ko sa kaniya para hindi na siya makalapit pa sa akin.

"No, Isla."

"Eh, ano?! Ano bang nagawa ko sa inyo, ha? Bakit pati ikaw, pumapayag na ibenta ako sa mga matatandang afam o bumibili ng mga laman loob ng tao?!"

Nangingiyak na tanong ko kay Jago dahil hindi ko inaasahan na pati ito ay gagawin din sa akin ito dahil asawa ko siya! Siya dapat ang unang taong pumoprotekta sa akin para hindi ko maranasan ito. Bakit pumapayag siya na ibenta ako sa matandang afam o ang katawan ko at ang mga laman loob ko?

"What?! Walang bumibili ng mga human organs dito, Isla. Also, I won't f*cking let anyone touch you or have you aside from me. Why would I agree to do that to you?"

"Eh, ano nga kasi?!"

"It's the other way around..."

Mahinang sagot ni Jago sa akin kaya naman napatahan ako sa pag-iyak at nakinig nang mabuti sa mga sasabihin nito sa akin.

"Si Manong Zaldy ang kinuntsaba ko para kidnappin ka ngayon at dalhin ka rito..."

Pag-aamin nito sa akin kaya naman napaseryoso ulit ang reaksyon ko at napaurong ako papalayo kay Jago dahil hindi ako makapaniwalang siya ang may pakana nitong lahat.

"Ano kamo?! Ikaw mismo ang nagpa-kidnap sa akin?!"

Inis na sigaw ko kay Jago at nagtangka ulit itong lumapit sa akin pero hinampas ko lamang sa mukha nito ang naabot kong unan sa tagiliran ko.

"Puwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag sa'yo, Isla— Aray ko! Teka lang!"

Pag-aawat ni Jago sa akin dahil patuloy lamang ako sa paghampas sa kaniya ng unan na hawak ko. Nahuli nito ang kamay ko at mabilis nitong tinanggal ang unan sa pagkakahawak ko pero hindi ako tumigil at pinagpapalo ko naman ito gamit ang mga kamay ko mismo.

"Nasisira na ba 'yang ulo mo, Jago?! Alam mo bang ilegal 'tong ginagawa mo sa akin ngayon? Puwedeng puwede kitang ipakulong!"

Galit na galit kong usal kay Jago pero tumitig lamang ito sa mga mata ko.

"Oo, alam ko lahat ng mga ginagawa ko ngayon, Isla... pati na rin ang mga magiging resulta at consequences nito pero... masisira na talaga ang ulo ko, Isla. Masisiraan ako ng bait habang lumilipas ang mga araw na wala ka sa tabi ko. I can't properly sleep or eat everyday without you... I'm going insane every second you're not around, Isla..."

Malambing na sagot ni Jago sa akin at nakikita ko ang mga mata nitong naluluha pa pero kaagad akong tumayo palayo sa kaniya dahil kahit anong dahilan niya ay mali itong ginawa niya sa akin ngayon.

"Grabe yung kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko habang iniisip kung anong dahilan kung bakit na-kidnap ako ngayon... A-at kung anong mangyayari sa akin! Akala ko ito na ang katapusan ko... tapos... tapos malalaman kong ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to?!"

Naiiyak na usal ko kay Jago habang humahakbang ako papalayo rito dahil lumalapit pa rin ito sa akin para hawakan ako at pinipilit ko namang umiwas sa mga hawak nito sa akin dahil nalilito ako kung anong dapat kong maramdaman kay Jago ngayon.

"I-i'm sorry for scaring you, Isla... I just don't have a choice anymore... You kept on refusing to talk to me and that made me really... really desperate to see you, Isla..."

"I'm going home, Jago. I want to go home. Hindi tama 'tong ginagawa mo sa akin, Jago. You're fr*aking scary right now..."

Magkahalong takot at galit na sagot ko sa kaniya at nagmamadali akong lumabas ng kwarto para hindi ako nito maabutan pa dahil kailangan kong makalayo kay Jago.

Gulong gulo ang utak ko ngayon at hindi ko na talaga alam kung ano bang dapat kong gawin o sabihin kay Jago dahil ito pala ang may pakana kung bakit nandito ako ngayon.

Takot na takot ako, akala ko ay totoong na-kidnap na ako ng mga taong may masamang hangarin sa akin. Kahit na kanina ay nagagawa kong biruin ang aking sarili ay dahil lamang 'yon sa pinapakalma ko ang puso kong kabog nang kabog sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko.

Akala ko katapusan ko na. Akala ko ito na ang huling araw na masisilayan ko ang araw. Akala ko mawawala na ako nang tuluyan... nang walang nakakaalam kung nasaan man ako.

Litong lito ang isipan ko ngayon dahil sa ginawa ni Jago sa akin. Kailangan kong lumayo kay Jago at kailangan ko ring makaalis dito dahil hindi ko alam kung ano ang mga posibleng mangyari habang kasama ko ito.

Hindi ko na gusto pang makipag-usap sa kaniya matapos niyang gawin ito sa akin. Akala ko ay mapapatawad ko pa siya at maaayos pa namin ang relasyon namin pero hindi ko na alam ngayon. Nalalabuan na ako sa lahat dahil sa mga ginawa ni Jago ngayon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XIII: SUNSET

    "GANITO na lang..." Biglang pagsasalita ko para tawagin ang atensyon ni Jago at muling mapunta ito sa akin. Kaagad naman itong tumingin sa akin kaya naman kinalma ko na muna ang sarili ko bago magsalitang muli. "I will... We will both decide what to do after a whole month of staying here." Suwestyon ko kay Jago at agad naman itong tumango tango para ipakitang sang-ayon siya sa mga sinasabi ko. "That's a good idea. I think we can come up with a decision after this month..." "For now, let me just gather myself up since I'm still all over the place." Pagbibigay alam ko kay Jago at muli itong tumango tango dahil sa mga sinabi ko. "I hope we could come up with something good for both of us, Isla..." "I am hoping too, Jago." ***** "Can I go outside for a while?" Pagpapaalam ko kay Jago habang nakangiti sa kaniya dahil malapit na mag-sunset at gusto kong panoorin ito habang nakatambay ako sa harapan ng dagat. "What are you going to do outside, Isla?" Nakataas ang is

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XII: CAN'T SEEM TO LET GO OF THE PAST

    "ARE you really sure you don't need my help, Isla? I can help you with anything if you want." Pang-sampung beses na atang tanong sa akin ni Jago habang pinapanood ako nitong maghiwa ng mga rekados para sa lulutuin kong ulam kaya naman napatingin na ako sa kaniya at hininto ko muna ang paghihiwa ko sa mga gulay na gagamitin ko. "Relax ka lang, okay? Ako naman ang bahala sa tanghalian natin ngayon." Pagpapakalma ko kay Jago dahil kanina pa ito hindi mapakali sa harapan ko. Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa mga hinihiwa kong gulat at tinuloy ko na ulit ang paghihiwa ko. "Ako na lang kaya ang maghiwa ng mga 'yan? Baka kasi masugatan mo na naman 'yang isa sa mga daliri mo, Isla..." Pag-aalok ni Jago ng tulong sa akin kaya naman pabagsak kong inilapag ang kutsilyo sa cutting board dahil nawawalan na ako ng pasensya sa kaniya kakasalita niya habang naghihiwa ako. "S-sabi ko nga, kaya mo na 'yan." "Nasugatan ko lang yung sarili ko kaninang madaling araw habang nagbabalat ak

  • Kidnapped By My Possessive Husband   XI: ACTING LIKE HAVEN'T SEEN EVERYTHING

    KINABUKASAN, maaga akong gumising dahil kailangan ko nang maligo. Paano ba naman ay simula pa yata nang makarating ako rito sa island ay hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan. Ano na lang ang amoy ko nito, hindi ba? "Medyo maantot na nga ang person..." Komento ko sa aking sariling amoy nang amuyin ko ang kili kili ko at doon ko nga nakumpirma na medyo maasim na nga ako. Mabuti nang maligo hangga't hindi pa gaanong malakas ang amoy at ang kili kili power dahil baka may makaamoy pa sa akin at mahirapang huminga dahil sa naaamoy niyang masangsang sa akin. "Pero si Jago lang naman ang makakaamoy sa akin dito..." Pangungumbinsi ko sa aking sarili pero kaagad akong umiling iling at hindi sumang-ayon sa sarili ko dahil gumagawa na naman ako ng dahilan para hindi maligo ngayon. Pati talaga pagligo, kinatatamaran ko na rin? Pero may point naman kasi ako. Si Jago at ako lang naman ang nandito sa buong island kaya hindi naman ako dapat ma-conscious. Wala namang ibang tao rito sa isl

  • Kidnapped By My Possessive Husband   X: WHEN WAS THE LAST TIME?

    "OH, ano naman 'yang kondisyon mo?" "Do not ever try to leave this island... Do not ever dare to leave me alone here..." Seryosong usal ni Jago sa akin kaya naman hindi ko naiwasang matawa sa kaniya dahil sa sinabi nito. "At bakit naman ako bawal umalis dito sa island, ha?" "That's what I am asking you to do, Isla. I promise you, after this month, iuuwi na kaagad kita sa Maynila..." Muling pangako ni Jago sa akin kaya naman saglit akong natigilan para makapag-isip isip bago sumagot sa kaniya. Wala rin naman akong mapapala kung hindi ako sasang-ayon sa gustong mangyari ni Jago dahil ito lang ang nakakaalam sa aming dalawa ng kabuuan ng island at kung kailan muling babalik ang pulang bangkang dumating dito sa island kanina. Kung hindi ako makikipag-cooperate sa kaniya ay mas matatagalan at mahihirapan lang akong makabalik kaagad sa pampang at makauwi na sa Maynila. Napabuntong hininga na lamang ako bago muling tumingin kay Jago na naghihintay sa magiging sagot ko sa kaniy

  • Kidnapped By My Possessive Husband   IX: THE RED BOAT

    KINAGABIHAN, mahimbing na mahimbing na ang pagkakatulog ko sa higaan matapos ang nakakabusog na kain ko sa pagkaing dinala ni Jago para sa akin kanina nang biglang maalimpungatan ako dahil sa pamilyar na tunog na naririnig ko. Marahan kong idinilat ang mga mata ko at saka ko pinakinggan muli nang mabuti ang tunog na naririnig ko na nagmumula sa labas dahil baka nananaginip lang naman pala ako pero mas lumakas pa ang tunog na naririnig ko kaya naman napabalikwas na ako nang tayo dahil sa pagkabigla rito. Hindi ako makapaniwala sa naririnig kong tunog ngayon kaya naman naglakad agad ako papunta sa bintana ng kwarto para tignan kung tama nga ba ang naririnig ko ngayon dahil baka nanonood lang ng tv si Jago sa kabilang kwarto at tumatagos lang ang tunog papunta rito sa kwartong tinutulugan ko ngayon. "Oh my God, T-tama ba ako nang nakikita ngayon? Tulog pa ba ako? Nananaginip pa rin ba ako ngayon?" Gulat na gulat na pagkausap ko sa aking sarili habang nanlalaki ang mga mata ko sa

  • Kidnapped By My Possessive Husband   VIII: ALL BECAUSE OF YOU

    "IBABA mo na nga ako, Jago! Isa! Nahihilo na ako rito, oh!" Inis na usal ko kay Jago dahil kahit na nasa loob na kami ng bahay ay hindi pa rin ako nito ibinababa at nakabaliktad pa rin ako sa balikat nito kaya nagsisimula na akong mahilo. Nangangamba na rin ang buong sistema ko nang bigla na namang naglakad paakyat ito sa hagdan papunta sa second floor ng bahay. "H-hoy! Ibaba mo na nga sabi kasi ako, Jago!" "I'm going to put you down, okay? Sa kwarto na kita ibababa, maghintay kang makarating tayo doon." Pagbibigay alam ni Jago sa akin kaya naman hindi na ako nagpumiglas pang muli dahil baka mawalan pa ito ng balanse sa katawan habang umaakyat sa hagdan at pareho pa kaming mahulog pababa. Nang makapasok kaming dalawa sa kwarto ay tumupad naman ito sa usapan namin at mabilis ngunit marahan akong ibinaba nito sa kama. "Don't you dare try to escape from me, Isla. I'm really serious. Huwag kang magtatangkang umalis sa isla na 'to without my knowledge." Muling pananakot n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status