공유

Chapter 4

last update 최신 업데이트: 2024-04-23 11:23:41

 “Salamat Alex sumama ka sa akin ngayon.” Napatingin siya sa kasamang lalaki, kasalukuyan silang kumakain sa isang fast food.

Sa may entrance door ng Mall siya hinintay ng kaklase niya. Pero ang gusto talaga sana ni Cedrix ay sunduin siya sa bahay nila, bagay na kinontra niya.

Ayaw niya, mahirap na dahil baka mapagkamalan pa ng mga mgaulang niya na nobyo niya ito. Ayaw pa din niyang ipaalam kung saan siya nakatira. Hindi naman malinaw sa kanya kung may pakay ba sa kanya ang kaklase, baka kasi talagang gusto lang nito na maging kaibigan siya, medyo advance siya yata mag-isip.

Yun pala ay naisip lang nito na yayain siya ng hapon na iyon.

Kanina kasi pagkakita niya dito sa malayo pa lang ay agad niyang nakita ang pagkaway sa kanya ni Cedrix. Pagkalapit naman niya ay agad na humingi ng permiso sa kanya, kung pwede ba siyang manuod ng movie sa theater dahil may dalawang movie ticket daw ito na galling sa cousin nito. Medyo nag-alangan siya dahil wala itong nabanggit sa chat kanina na manunuod pala sila ng sine.

Hindi agad siya nakasagot, kaya agad na humingi ng pasensiya ang binatilyo sa kanya.

Tinanong na lamang niya kung anong movie ang panunuorin nila, nang sabihin nitong comedy movie, tapos dinagdag pa nito na super nakakatawa daw ang movie na iyon ay pumayag na rin siya. Naisip niya na sayang din. Mahilig kasi siya sa lahat ng uri ng comedy, mapa-story or movie. Stress reliever niya ang tumawa ng tumawa.

“Your welcome Drix.” Agad na sagot niya sa kaklase. “Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo kasi free naman itong labas natin.” Dagdag pa niya, pero medyo napangiwi siya, hindi niya ipinakita sa lalaki.

Sumagi kasi sa isip niya na nakikipag-date siya dito, kay Cedrix mismo. Sabi pa ng bahagi ng utak niya na date naman talagang matatawag iyon. Sila lamang dalawa, kumakain sila tapos manunuod naman ng sine after nilang kumain, kaya talagang date iyon na matatawag. First time niya na solo siyang sumama sa isang guy.

Ang paalam pa naman niya sa kanyang ina kanina, na sasama lang siya sa mga kaklase niya sa Mall.

“M-masaya ako na kasama kita ngayon.” Nagulat siya sa narinig, kaya pabigla din siyang napatingin dito. Nakita niyang parang hiyang hiya si Drix sa kanya. Hindi niya maiwasan na hindi mapakunot ang noo. Ayaw man niyang tuluyang isipin, pero she smell something fishy kay Cedrix, nagpapahiwatig yata ito.

“B-Bakit Alex?” Mas lalo yatang itong kinabahan, hindi niya kasi inaalis ang nagtatakang tingin dito.

“Bakit ka naman masaya na kasama ako Drix?” Deretsong tanong niya, nakita niyang nag-iwas ito ng tingin.

“Ahh, basta Alex saka ko na sasabihin.” Mabilis na sagot nito sa tanong niya saka tumingin sa mga taong naglalakad sa labas ng fast food. Minabuti niyang huwag ng mag-usisa pa.

Dama niya na may kahulugan ang lahat, pero not so sure pa siya sa bagay na iyon.

Kinapa niya ang damdamin. Ang tanong niya sa sarili ay kung may dating din ba sa kanya si Cedrix? Kung magkakagusto din ba siya dito. For now kasi ay wala siyang balak na makipagrelasyon, study first muna siya. Iyon ang laging bilin ng Papa niya.

Medyo napabuntong hininga siya na hindi niya namamalayan. Syempre if ever na mahulog ang loob niya kay Drix kung may balak ito sa kanya, ay walang pagdadalawang isip na susunod pa rin siya sa kagustuhan ng Papa niya.

“Alex?” Naputol ang pag-iisip niya dahil sa pagbanggit nito sa pangalan niya. “Bakit ang lalim yata ng buntong hininga mo?” Nakatawang tanong ni Drix. Napakurap kurap tuloy siya. Absent of mind siya ng sandaling iyon.

“W-wala, wala Drix.” Aniya.

Nakauwi na siya ng bahay.

Hindi siya naboring sa lakad nila ng Cedrix, para sa kanya ay cool ang lalaki. Nakita niya ang effort nito na mapatawa siya and ofcourse nagpapasalamat siya sa panlilibre nito sa kanya. Lalo na yung movie na pinanuod nila. Masasabi niyang nawala lahat ng stress niya sa katawan sa kakatawa. Super comedy talaga. Kakaumpisa pa nga lang ay nakarami na siya ng tawa. No bored scene, at talagang hindi pwedeng hindi matatawa sa mga eksena. Isang American comedy movie iyon. Sabi nga niya kay Drix na sulit ang panuorin iyon, kung kasama sana nila si Cecile ay mas maingay sila sa kakatawa. All in all ay very entertaining ang movie at nakakaalis ng bad vibes sa katawan.

Nagpahatid na lang siya sa may sakayan ng trycicle. Kahit na pinipilit siya ng binata na ihatid siya sa bahay nila ay hindi siya nito napapayag.

Hindi pa panahon na malaman nito ang bahay nila, saka walang dahilan para alamin nito kung saan siya nakatira.

Nang magsabi pala si Cedrix na sana daw ay maulit ang ganong paglabas nila ay nanatili siyang tahimik dahil hindi niya alam ang isasagot dito.

“Alexandra kakain na, tara na sa kusina.” Malakas ang boses ng Mama niya kasabay ng pagkatok sa kanyang kwarto. Dinner time na nila, at kapag ganoon ay dapat na sabay sabay silang buong pamilya sa pagkain. Kabilin bilinan iyon ng Papa niya sa kanilang lahat.

Mabilis na siyang umupo sa pwesto niya, siya na lang pala ang hinihintay sa hapag kainan. Kahit hindi pa siya gutom dahil sa mga kinain nila ni Drix.

“Kumusta pag-aaral mo Angel?” Tanong ng Papa niya sa kanyang panganay na kapatid. Angelica ang buong pangalan nito. Alam niya na siya ang susunod na tatanungin nito.

“Okay naman Pa,” Sagot ng kapatid niya, tumango naman ang Papa niya. “Good.” Saka bumaling sa kanya. “Eh ikaw Alex?” Kahit alam niya na tatanungin siya nito ay nakadama siya ng kaba.

Yung pakiramdam na guilty siya, dahil sa ginawa niyang pakikipagdate kay Cedrix kanina. Kahit sabihin niya sa sarili na wala lang iyon at hindi date iyon.

Hindi tuloy siya agad nakasagot.

“Alex?” Napaangat ang tingin niya dito, pansin niya rin na nakatingin sa kanya ang Mama niya. Sa totoo lang ay may pagka-istrikto ang Papa niya.

“Pa?”

“Sabi ko kumusta pag-aaral mo?”

“O-okay n-naman po Papa.” Nanginig pa tuloy ang boses niya.

Hindi nakaligtas sa kanyang pansin ang mapanuring mga mata nito.  Gusto niyang batukan ang sarili tuloy.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ng Papa niya. Feeling guilty talaga siya. Nasabi niya tuloy sa sarili na hinding hindi na siya ulit sasama kay Cedrix o sa kahit na sinong lalaki na magyayaya sa kanya.

Katulad ng dati ay inararo na naman sila ng pangaral ng Papa niya. Hindi naman galit magsalita, kumbaga ay pinapayuhan lang sila na magkapatid na unahin ang pag-aaral bago ang anumang bagay. Naiintindihan niya ito, kahit katiting ay wala siyang tutol sa mga pangaral ng tatay niya.

Sabi niya sa sarili na talagang nakatalaga ang puso niya na sumunod dito, dahil unang una ay magulang niya ito at ang lahat ng sinasabi sa kanila ay tama.

“Lex!” Tawag sa kanya ni Cecile. Nagtatanong ang tingin niya dito ng lumingon siya. Iniwan na niya ang kaibigan sa classroom kanina dahil may kausap ito. Gusto na niyang makauwi agad ng bahay.

At ang kausap nito ay si Cedrix, kaya minabuti niya na hindi na lumapit. Senyas lang ang ginawa niya kay Cecile na uuwi na siya.

Pagkatapos ng tagpong iyon, ay umiwas na siya kay Cedrix. Ayaw na niyang makipaglapit dito.

Umiiwas lang siya, dahil kasi sa date nila ng lalaki ay hindi maialis sa isip niya na may gusto ito sa kanya. Wala siyang kabalak balak na magkaroon ng nobyo agad. Tama ang Papa niya nag-aaral pa siya, hindi pa iyon ang tamang panahon.

Inamin sa kanya ng Papa niya na nakita siya nito na patawid ng kalsada, para makapunta sa Mall sa bayan. Tatawagin sana daw siya nito pero nakita nito si Cedrix. Nakita daw ng Papa niya na may kinatagpo siyang lalaki.

Halos manliit siya sa sarili habang sinasabi iyon ng tatay niya. Hiyang hiya siya dito. Naiyak pa nga siya at agad na humingi ng tawad. Ipinaliwanag niya ang buong pangyayari, ang buong katotohanan.

Tapos ay nangako siya na hindi na mauulit na makikipag-date siya sa kahit na sinong lalaki habang nag-aaral pa siya.

Buti na nga lang talaga, hindi galit ang Papa niya. Bibigyan pa daw siya ng chance para baguhin ang mali. Niyakap pa siya nito kaya lalo siyang naiyak, kahit alam niya sa sarili na hindi niya intension ang lahat, ang pakikipag-date na iyon. Feeling guilty pa rin talaga siya.

“Bakit uuwi ka na agad?” Tanong ni Cecile, medyo hingal pa sa paghabol sa kanya.

“Gusto ko ng umuwi Cecile, ikaw ba hindi pa uuwi?” Balik tanong niya dito.

“Uuwi na rin, si ano kasi.” Saka may itinuro sa likuran. “Si Cedrix may sasabihin yata.” Dama na niya ang ibig sabihin ni Cecile.

“Cecile diba sinabi ko na sa iyo ang dahilan.” Agad na putol niya sa mga gusto pang sabihin ng kaibigan.

Nagkausap na talaga sila ni Cecile. Nalaman nito ang lahat ng nangyari. Nagulat nga rin ito dahil sa paglabas nila ni Cedrix. Ang opinion nga rin sa kanya na date ang tawag sa pagsama niya sa kaklase nila. Sabi pa nga ni Cecile na first time niya na sumamang makipagdate.

Sinabi niya rin sa kaibigan na iiwas na siya kay Cedrix, na ayaw na niyang mauulit na sasama siya dito.

“M-may sasabihin daw sana sa iyo si Drix, Lex.” Dugtong nito. Batid niya na boto si Cecile kay Drix. Saka may iba ng crush ang kaibigan niya.

Medyo napasulyap siya kay Cedrix na nakatayo sa di kalayuan.

“Ano daw?” Napapasibangot na siya, nakita niyang umiling si Cecile, tanda na wala itong alam sa sasabihin sa kanya ng lalaki. “Ang tagal nyung nag-usap, tapos hindi mo alam ang pakay niya?” Nahihiwagahang turan niya. Sa tantiya niya ay nasa fifteen minutes ag pag-uusap ng dalawa.

“Give him a chance na makausap ka Lex. Sabi niya ay never mo na siyang pinansin after nung umalis kayo. Nagtataka daw siya.” Pagtatanggol nito sa lalaki. Totoo iyon, never na niyang kinausap si Cedrix, maraming beses na lumapit iyon sa kanya, pero todo iwas siya. Ang rason niya ay wala naman silang dapat na pag-usapan.

Hinawakan siya sa kamay ni Cecile.

“Alex kausapin mo na, kahit ngayon lang tapos explain mo side mo. Then sabihin mo rin na last na iyon at wala na talagang kasunod.” Pilit pa rin sa kanya ng kaibigan. “Mas okay na maintindihan niyo ang isa’t isa. Kawawa din kasi iyong tao.” Payo ni Cecile sa kanya.

kiyomi the otor

hello readers, thank you for supporting my story here in GN. hoping na mapasaya ko ang aking mga readers at mag-enjoy while reading this novel. promise that i will do may best in writing my romance story. please follow this KIDNAPPED BY MY EX, and also my account. Thank you so much

| 6
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Kidnapped by my Ex   Chapter 22

    "Buti ay dumating ka na Drix" Napatitig siya sa mukha ng nobya, nakita niya na naiinip na nga ito sa paghihintay sa kanya.Pagsilip niya nadatnan niya ang nobya sa loob ng ospital room ng Mama niya, nakabantay pa ito habang nakahawak pa sa palad ng nanay niya na walang malay, sa wari ay pinalalakas nito ang loob ng Mama niya. Kahit na wala itong maiambag para sa pagpapagamot ay damang dama naman niya ang full support ni Alex sa pamilya nila. Isang kapamilya na ang turingan nila sa isa’t isa kasama ng nanay at mga kapatid niya. Kaya nga sa araw araw ay lalo itong napapamahal sa kanya. Napakabuting nobya nito para sa kanya.Napatayo si Alex agad pagkakita sa kanya, at umaliwalas ang mukha. Alam niya na naghihintay ang babae sa magandang balita na sasabihin niya."Kumusta si Mama?"Tanong niya habang hinahalikan niya ang nobya sa noo."Ayos lang naman siya, nagising siya kanina, pero nakatulog din agad. Dalawang beses na rin na nagrounds yung nurse." Hinawakan ni Alex ang palad niya.Niya

  • Kidnapped by my Ex   Chapter 21

    “Cedrix please sit down.” Kasunod ng isang matamis na ngiti sa kanya, yung tipong ngiti na gagaan talaga ang loob mo. Kaya kahit no idea siya kung bakit siya kakausapin ng boss niya, ay nagkakaroon siya ng pag-asa na baka ang boss niya ang kanyang magiging big blessings para sa kanyang ina.Agad na tinawag nito ang isang waiter at ito na mismo ang umorder ng pagkain na para sa kanya, nang dumating kasi siya doon ay may juice and bread na ito sa lamesa.Nagpasalamat siya agad.Mabilis namang dumating ang order niya.Inilapag ng waiter sa tapat niya ang dalawang slice ng cake at may isa pang bread, may kasama pa iyong cold coffee latte.Nahihiyang nagpalasamat siya sa kaharap.Sa totoo lang ay kahapon pa ang last na kain niya. Nakakaramdam siya ng gutom pero wala kasi siyang gana dahil sa dami ng kanyang iniisip. Kaya hindi niya nabibigyan ng oras pa ang kumain.“Cedrix I know you’re tired, please eat first.” Anyaya sa kanya habang nakangiti, hindi pa niya kasi ginagalaw ang pagkain na

  • Kidnapped by my Ex   Chapter 20

    Naging maayos naman na ang pakiramdam ng asawa niya kinabukasan.Wala siyang ideya kung bakit nagdugo ang ilong nito, siguro napagod talaga o baka na-stress dahil sa paghihintay sa kanya. Batid niya kahit hindi magsabi ang asawa ay nag-iisip ito kapag nawawala siya sa paningin nito.Nang matiyak na niya na nakahanda na ang lahat, katulad ng pagkain ni Diana, gamot, ang mga gagamitin nito sa araw na iyo ay umupo na siya sa kanyang setup table. Nakapagsabi na siya sa babae na magsisimula na siyang magtrabaho sa kabilang silid.Naroroon lang naman ito sa may veranda nila at kasama ng mga alaga nitong bulaklak.Excited siya habang binubuksan ang kanyang computer. Sa totoo lang ay muli siyang nakaramdam ng eagerness to work, sa tingin niya ay gusto talaga niya ang trabaho na iyon.Agad na nag-join siya sa meeting nila online. Some of his workmate ay binati siya na ginantihan naman niya ng pagbati, binati din siya ni Miss Angel.Very impormative ang lahat ng mga narinig niya sa kanyang hand

  • Kidnapped by my Ex   Chapter 19

    Four Months Later…“Good morning my wife, your looking good and beautiful today.” Nakangiting bati niya sa kanyang asawa. Hinalikan rin niya ito sa humpak nitong pisngi.“Good morning too.” Mahinang balik bati nito sa kanya, nakaupo na ito sa wheel chair ng datnan niya. Alam niya na hirap ang babae na lumipat sa wheelchair mula sa higaan nito. Pero kusa pa rin nitong ginagawa kung minsan, dama niya na nahihiya ito sa kanya.Ayaw siya nitong istorbohin sa pagtulog, kaya naman daw nito, ang laging katwiran sa kanya. Kaya nga sa madalas ay pinipilit niya na mas maunang magising sa asawa. Pero may mga pagkakataon na paggising niya ay hindi na nga niya ito katabi.Nadatnan niya ang asawa sa may balcony nila. Hinihimas himas nito ang mga bumukang bulaklak ng mga alaga nitong rose at sunflower.Kahit papaano ay nabawasan aang pag-aalala niya dahil nakita niyang parang masaya si Diana. Marami kasing mga nagsibukahan na mga bulaklak kaya masaya ito.“Wait Honey, I will prepare our breakfast, o

  • Kidnapped by my Ex   Chapter 18

    Kahit lalaki siya, ay talagang napaiyak siya pagpasok pa lang ng kanilang private room. Buti na lang, at mahimbing na natutulog si Diana.Wala itong kaalam alam sa nararamdaman niyang bigat ng kalooban. Hindi pa siya handa na maiwan mag-isa ng asawa niya. Kahit inaalis niya sa isip ang posibilidad na iyon, ay hindi pa rin niya magawa.Actually, kanina pa niya pinipigil ang mabigat na emosyon sa harapan ng Doktor ng kanyang asawa.Less than an hour after Diana fell asleep. The nurse called him para pumunta siya sa doctor’s office. He knew why, but he was still worried at natatakot sa sasabihin sa kanya. Kung pwede lang na mamaya na, saka na or wag na lang siyang makipag-usap.Doon niya nalaman na mas malala pa pala ang misis niya kaysa sa kanyang inaasahan. The laboratory result tells na hindi na tinatanggap ng katawan ni Diana ang anumang gamot na ibinibigay dito. Mas lalo pa daw iyon nakakapagdulot ng sakit na nadarama ng asawa niya, kaya ang payo ng Doctor ay iuwi na lamang niya ang

  • Kidnapped by my Ex   Chapter 17

    He feels so hopeless na umuwi siya ng bahay nila ni Diana. He tried to be strong para sa kanya kakapit ang asawa, pero sa kalooban niya ay nanghihina siya. lalo pa at kitang kita niya kung paano ito pinahihirapan ng sakit.Siya bilang lalaki, pakiramdam niya ay sobrang hina niya, wala siyang kayang gawin kundi ang maghintay ng isang himala.Yeah, himala nang matatawag ang ganoon, na malagpasan ni Diana ang sakit na cancer.The Doctor also advise him na don’t stop praying for the heal of her wife. He know na hindi lang direct to the point ang manggagamot sa pagsasabi na walang imposible sa prayers. Dahil ang imposible ay yung gumaling ang asawa niya sa sakit nito.Iniwan niya ang asawa, pero bibilisan lang niya as fast as he can na makabalik sa ospital. May limang araw na kasing nakaconfine ang asawa niya, at siya ay ngayon lang makakauwi para makakuha nang something that they needed.Wala kasi sa plano na mako-confine pala ang misis niya.Her wife need some clothes to change, some hea

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status