Share

Chapter 6

Sa wakas ay lumaya ang labi niya mula sa napakapusok na halik na iyon. Mabilis siyang humigop ng hangin para mapuno ang kanyang baga. Dama niya ang kanyang paghingal, pati na ang nagliliyab niyang labi na mamasa masa pa.

Gusto niyang matakot sa lalaking nasa ibabaw niya. Pero magsisinungaling siya kung sasabihin niyang ayaw niya ang mga ginagawa nito sa kanyang katawan.

Tuloy ang ikinatatakot na niya ay ang sariling katawan. Ayaw na nitong sumunod sa utak niya. Daig pa niya ang nalasing sa alak. Naliliyo na kasi siya sa naranasan niyang paraan ng paghalik.

Sinasabi ng puso niya na kilala niya ang lalaking ito, wala lang siyang sapat na panahon para malaman kung totoo ang kanyang hinala.

Dahil ang nagliliyab na labi nito ay patuloy na gumagapang sa kanyang leeg. Parang sarap na sarap iyon sa ginagawang pagsipsip sa mga nakatago niyang nectar sa bahaging iyon.

Ang dalawang palad niya ay hindi na niya namalayan na mahigpit na pa lang nakakapit sa katawan ng lalaki. Ang isa niyang palad ay nakahawak sa napakatigas na masel sa bahaging braso nito, samantalang ang isa pa ay pasabunot na nakahawak sa malagong buhok nito. Na parang nais niyang kumuha doon ng lakas. Dahil sa totoo lang ay nanghihina siya sa nararamdamang sensasyon.

Ayaw ng gumana ng isip niya.

Yung pakiramdam na unti unti na siyang nahuhulog sa kailaliman ng kamunduhan, gusto na niya ang lahat ng nangyayari.

Ewan ba niya, kung ang dahilan niyon ay ang matagal niyang walang pagkakaroon ng sex life.

Sa nakalipas na walong taon kasi, ay ibinuhos niya ang lahat ng oras sa pagtatrabaho at pagpapaunlad sa sarili.

Sabi nga niya noon sa kanyang kaibigan na si Annie na wala na siyang nadaramang atraksyon sa mga lalaki, hindi na siya naaakit at lalong hindi na niya kailangan ang sex.

Bagay na tinawanan ng kaibigan.

Pero ng mga pagkakataon na iyon ay napagtanto niya na mali ang inaakala niya.

Ang nangyayari ngayon sa kanyang katawan ang indikasyon na hinahanap hanap niya ang bagay na iyon. Dahil kahit hindi siya nakakasigurado kung sino ang kanyang kaniig ay nananatili siyang nasisiyahan, kahit pa nagsasabi ang utak niya na huwag siyang magpatangay.

“Alex.” Muli niyang narinig ang very masculine voice na iyon, boses na hindi niya makakalimutan. Pero wala siyang pagkakataon na kilalanin kung sino ang nagmamay-ari.

Abala siya sa pagdama ng lahat ng napakasarap na sensayon na dulot ng mamasa masa at mainit na halik na iyon, lumilibot sa lahat na bahagi ng kanyang leeg.

“Aahh.”

Nang bigla siyang napaso sa kung anong dumampi sa isa niyang malusog na dibdib ay hindi niya napigil na hindi paimpit na mapaungol. Hindi niya namalayan na tuluyan ng nakapasok sa kanyang suot o baka nga wala talaga siyang suot na damit na, ang mapangahas na palad na iyon. Parang gusto niyang manginig sa tindi ng nadarama niyang pagnanasa sa lalaking nasa kanyang ibabaw.

“Ugh.” Narinig niya ang ungol na iyon, hindi nga lang niya alam kung siya ang may gawa. Damang dama niya kasi ang ginawang paghimas at bahagyang pagpisil pisil sa maselang bahagi ng katawan niyang iyon. Gustong gusto niya ang pakiramdam, sabi ng katawan niya sa utak niya. Lalo siyang napasabunot sa lalaki, kasabay ng isa pa niyang pag-ungol dala ng sarap na nadarama.

“Aahh.”

Nakaramdam siya ng malamig na hangin sa bahaging leeg niya. Parang aircon yata na lamig iyon, kaya kahit gusto niyang muling sakupin ng mapanakop na mga halik ang bahaging leeg niya ay wala siyang nagawa.

Dahil napaigik siya sa sarap ng naramdaman niya nang mainit na labi na ang sumayad sa isa sa kanyang mga tutok. At nang s******p iyon doon ay para na siyang nagdeliryo sa tindi ng pagnanasa na nasa kanyang katauhan. Para na siyang nakalutang sa alapaap dahil sa paulit ulit na pagsimsim nito sa tuktok ng kanyang dibdib, tila inuubus ang lahat ng nakatagong nektar doon. At kung iisipin niyang mabuti ay mukhang natatamisan ang kanyang kaniig kaya sarap na sarap ito.

Sinasabi ng kanyang buong kamalayan na kailangan niyang magpaangkin sa lalaking kaniig niya, at hinding hindi niya nanaisin na tumigil iyon sa mapangahas na ginagawa sa kanya.

Kailangan niya ito.

Ayaw na muna niyang mag-isip, saka na. Dahil tuluyan na siyang napailalim sa espiritu ng kamunduhan. At dahil doon ay kusa siyang lumiyad, gusto niyang lalong idiin ang nagbabaga niyang katawan sa lalaki. Kasabay ng pagsabunot at bahagyang pagdiin niya sa ulo nito.

Naramdaman niyang parang nasiyahan ang lalaki sa kanyang ginagawa. Umungol kasi iyon ng dalawang ulit.

“Easy Alex.” Narinig niya ang mahinang sinabi nito. “O-oo aangkinin kita don’t worry.” Dagdag pa, kaya para siyang nasiyahan sa narinig. Nakakasigurado na kasi siya na pagkatapos ng walong mahahabang mga taon ay muli niyang malalasap ang sarap kung paano angkinin ng isang lalaking mahal niya.

Damang dama din niya ang tila isang nagbabagang bakal sa bahaging ibaba ng lalaki, kumikiskis iyon sa kanyang malambot na hita. Nagpapahiwatig ng kahandaan sa pagpasok sa kanyang naghihintay na hiyas.

Tanda pa niya ang maraming beses na mga pagkakataon na iyon na paulit ulit niyang isinusuko ang sarili kay Cedrix. Yung pagpasok ng napakatigas na pagkalalaki nito sa kanyang napakalambot na hiyas ay hindi matatawaran ang ligayang idinudulot sa kanya. Napapangiti pa siya lagi noon sa tuwing lubusan niyang nararating ang r***k ng kasarapan na hindi niya maintindihan na nararanasan niya kapag kaniig niya si Drix.

Dahil sa isipin na iyon ay natigilan siya.

Naalala niya si Drix pati na ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya. Na parang kapareho ng ginagawa ng lalaki na ito na nasa kanyang ibabaw.

Kasunod niyon ay ang muling pagbabalik ng matinding sakit na pinaranas sa kanya ng lalaki ng iwanan siya nito, na halos ikabaliw niya yata.

Bigla tuloy niyang naitulak ang buong lakas ang lalaki sa dibdib nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, kaya dagling nawala ang nagliliyab na pakiramdam na nararamdaman niya kanina lang.

Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang lalaki sa dilim na kasama niya ngayon, para kasing kay damot ng liwanag ng mga sandaling iyon. Hindi niya talaga maaninag ang mukha ng lalaki.

Dahil kung hindi siya nagkakamali na si Drix ang kanyang kaniig ay hinding hindi siya papayag sa mga nangyayari ngayon. Sinaktan siya ng matindi ng lalaki, iniwanan na siya.

Kaya bakit siya nito kinuha ng walang permiso? Bakit siya kinidnap? Anong dahilan? Maya asawa na ito, matagal na, kaya anong ibig sabihin ng lahat?

“Sino ka!?” Napakalakas na tanong niya. Halatang nagulat ang lalaki sa biglang pagbabago niya ng mood. Kanina lang ay lubos na siyang nagpapasakop sa kamunduhan na taglay nito. Pero sa isang saglit ay nagawa niyang alisin ang init at palitan ng galit ang nadarama. Hindi rin niya alam kung paano niya nagawa iyon.

Nakaangat ang kalahating katawan nito mula sa kanya, pero ang ibabang bahagi ay nananatiling magkadikit. Noon lang niya napansin na nakabukaka pala ang ayos niya at nakaayos ito sa kanyang gitnang ibabang katawan.

Naisip niya na kung sasalakayin ng matigas na parte ng katawan nito ang kanyang naguguluhang hiyas ay tiyak na wala siyang kalaban laban.

“Sino ka?” Malakas na ulit niya sa tanong.

“Alex.” Parang naguguluhang bigkas nito sa kanyang pangalan. “Hindi mo pa ba ako nakikilala?” parang tumaas ang dugo sa ulo niya, sa tanong na iyon.

Isip isip niya na kung kilala ba niya ito ay magtatanong pa siya? At bilib siya sa lakas ng loob ng lalaki na tanungin pa siya gayong wala naman siyang nalalaman sa mga nangyayari. Kung ano ba ang plano nito talaga sa kanya?

“Bakit ayaw mong sabihin kung sino ka?” Naiiyak na siya, unti unti na siyang nakadarama ng takot.

“Alex ako ito.” Narinig niyang sagot sa kanya.

Kasunod niyon ay bahagya yatang dumukwang patagilid ang lalaki at may inaabot ito.

Nang bumaha ang liwanag sa paligid ay napamaang siya sa nakita niyang mukha. Kanina sinasabi ng katawan niya na kilala niya ang kaniig pero tumatanggi ang isip niya. Ayaw niyang malaman ang katotohanan, kahit pa na damang dama na niya iyon.

“Alex ako ito si Drix.” Bahagyang bumuka ang kanyang labi sa pagkabigla.

Napakatagal na panahon na hindi niya ito nasilayan, na hindi niya nakita ang mukha nito.

Sa lahat kasi ng social media niya ay nablocked niya ang lalaki. Kaya wala na talaga siyang balita. Wala na kasi siyang balak na malaman kahit na katiting na impormasyon tungkol dito.

“Alex patawarin mo ako.” Narinig niyang pagsamo nito. Pero hindi pa siya makapagreact. Ayaw gumana ng kanyang utak. Para siyang namanhid sa pagbugso ng napakaraming emosyon sa damdamin niya.

Hindi siya handa na muling makita ito. Wala sa plano niya na muling magkrus ang landas nila at mas lalong ayaw niyang muli itong makaniig ng mga sandaling iyon.

Hinawakan ni Drix ang nanginginig niyang palad at saka hinalikan ng mariin.

“Alex p-patawarin mo ako.” Ulit nito sa kanya.

“C-cedrix b-bitawan mo ako.” Nanginginig na utos niya gusto na niyang makalaya ang kanyang katawan dito. “B-bitawan mo na ako.” Kasabay ng isang paghikbi. Hindi na niya mapigil ang pag-iyak. Marami kasi siyang naaalala sa mga nangyari sa nakaraan sa kanila ni Drix.

Muli kasing nanariwa ang sakit ng kahapon na ito mismo ang nagdulot sa kanya.

Minahal niya kasi ng lubos ang lalaki, sobra sobra pa nga. Pero sa isang iglap ay nagawa nitong iwan siya. At sa pagkakatanda niya ay hindi na siya nito mahal. Sinabi iyon ni Drix sa mukha niya. Kaya bakit siya napunta ngayon sa sitwasyon na iyon. Napakalaking katanungan niya kay Cedrix.

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani muna. Hindi sila parehong kumikilos.

Buo ang loob niya na magmamatigas siya sa lalaki.

Pagkatapos ay huminga ito ng malalim saka dahan dahan na umalis sa ibabaw niya. Lulugu lugu ito na tumayo. Na parang pasan nito ang buong daigdig.

Agad na iniiwas niya ang paningin dito. Alam niya na kahinaan niya iyon.

Noon kasi kapag nakikita niya si Drix na nasa malungkot na sitwasyon ay hindi niya ito kayang tiisin. Agad niya itong aaluin, dadamayan. Gagawa siya ng bagay na makakapagpagaan sa nadarama nitong problema. At kung ang dahilan ng kalungkutan nito ay ang hindi nila pagkakasundo ay siya na mismo ang lalapit dito. Gagawa siya ng paraan para magkabati na sila. Ganoon niya kamahal ang lalaki.

Pero hindi na ngayon. Hindi na siya tanga.

Naikuyom niya ang isang kamay niya dahil sa bumabahang galit sa kanyang damdamin. Hindi na siya ang Alex noon, malayo na siya sa ganoong ugali.

Agad na tinakpan niya ang nabilad niyang katawan. Kasabay ng naramdaman niya na bigla siyang nilamig ng dahil sa malamig na hangin ng aircon. Doon niya napagtanto na wala pala talaga siyang kahit na anong saplot sa kanyang katawan. Hinubaran siya ni Drix.

Lalo tuloy siyang nakadama ng matinding galit sa lalaki dahil sa kapangahasan nito. Wala itong karapatan sabi niya sa sarili.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status