Share

3. SCAPE

BREVORAH

"How about we view the CCTV, bro? Para malaman natin kung saan s'ya nagtatago."

Bigla akong kinabahan. Paano kung makita nila ako?

"It isn't available."

Nabunutan ako ng tinik. 'Buti na lang. 

"Kami na ni Kael ang aakyat sa third floor."

"Sa second floor ka na lang Kiego, ako na ang bahala dito."

Narinig ko ang mga hakbang nila paalis. Mas  tinalasan ko ang pandinig. May tao pa kaya sa tapat ng pinto? Kailangan kong makasigurong nakaalis na ito bago lumabas. Hindi nila ako pwedeng makita. Kahit naman marunong ako ng self defense, hindi ko na sila kakayanin labanan lahat.

Ilang minuto ang pinalipas ko bago maingat na binuksan ang pinto. Nakita ko ang nakatalikod na isang lalaki sa di kalayuan pagsilip ko. Naitikom ko ang bibig at dahan-dahang kinabig ang pinto upang hindi makalikha ng ingay.

Shit! Mabuti na lang at hindi niya ako nakita! 

Puno na ako ng pawis at hindi mapakali sa loob. Kasalanan ito ni kidnapper. Kung hindi niya ako kinidnap, hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Tapos siya pa itong may ganang magbanta na parusahan ako?

Sino ba siya sa akala niya? 

Wala na ang lalaki ng muli akong sumilip. Nagmadali kong tinunton ang kaliwang bahagi ng bahay. Sana ay nandoon ang kusina at walang tao doon. 

Daig ko pa ang magnanakaw sa ginagawa, patagu-tago ako sa bawat bagay na madaanan na pwedeng pagtaguan. And thank God, nahanap ko rin sa wakas ang pakay. Sabi ko na nga ba at nandito ang backdoor. Talagang sinuswerte pa rin ako dahil hindi ito naka-lock. 

Nakahinga ako ng maluwag nang matagumpay na makalabas. Kalat na ang dilim sa paligid. Mabilis kong tinungo ang papunta sa gate. Ngatal ang kamay kong binuksan iyon dahil sa pinaghalong nyerbyos at pagmamadali. 

I run the fastest that I could kahit pa nga hirap ako. I was barefooted at sagabal pa sa pagtakbo ko ang suot na gown. Pero tiniis ko lahat dahil kailangan kong makalayo sa lugar at makahingi ng tulong. 

Until out of nowhere ay nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan na padating. Nabuhayan ako ng loob. I gesture, waving my hand to get the attention of whoever is driving the car. Pero bigla akong kinabahan habang papalapit ito sa akin.

Hindi kaya sa bahay ni kidnapper ang punta nito?

Tumakbo ako ng pagkabilis-bilis nang tumapat ito sa harap ko. Hindi ako papayag na ibalik n'ya ako doon. But the damn car made a U-turn at ngayon ay papunta na ito sa direksyon ko.

Shit! Kahit triplihin ko pa ang takbo ko ay aabutan pa rin niya ako. Binuksan niya ang glass ng kotse nang maabutan ako. Sumabay siya sa pagtakbo ko. Mabagal na kasi ang kilos ko dahil nananakit na ang mga paa ko at tila mauubusan na rin ako ng hininga.

"Hija, where are you going? Ihahatid na kita," sabi nito.

Hindi ako huminto, ni hindi ko rin s'ya nilingon. Ayaw kong basta magtiwala sa kahit sinong estranghero. 

"Mapapagod ka sa ginagawa mo. If you don't trust me, you can drive my car," anito.

Natigil ako at sandali s'yang tinitigan. Hindi ko gaanong makita ng maayos ang kabuuan ng mukha niya dahil natatakpan ang right side ng kung anong anino. Pero ramdam ko sa boses nito ang kabaitan. O baka naman nagbabait-baitan lang s'ya?

Binuksan niya ang sa may driver seat saka siya umusog sa may shotgun seat.

Will I grab it? 

Huminga ako ng malalim bago nagpasya na tanggapin ang alok niya. Bahala na! Tutal magaling naman ako sa martial arts. I am an educated person who knows how to politely respect others pero kapag gumawa ng maling galaw ang matandang ito, I swear, babalian ko s'ya ng buto!

I expertly drive his car while keeping myself guarded. Pareho kaming nanatiling tahimik at diretsong nakamasid lang sa daan, ni hindi kami sumusulyap sa isa't isa kaya habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan. This is the first time I let myself hop into a car with a stranger. 

May nasalubong pa kaming isa pang itim na kotse nang paliko na kami. Posible kayang sa bahay ni kidnapper ang punta nito? Maybe another batch of his men? Good choice din pala na sumakay na ako dito. 

Malayo pa ako sa mansyon ay tanaw ko na ang maraming nakaparadang sasakyan sa may tarangkahan. Some of them were police cars. Tama nga ako ng iniisip, pinapahanap na talaga nila ako. 

"Is that your house?"

Nagulat pa ako sa biglaang pagtatanong niya. I slow down the car before looking at him. Noon ko pa lang malinaw na nakita ang mukha nito. He was an old man. Halos ka-edad siguro ni Dad. At kung hindi ako nagkakamali ay ama s'ya ni kidnapper. Magkahawig kasi sila. Kaya pala nandoon siya sa lugar na iyon. 

Alam kaya niya ang tungkol sa pagkidnap sa akin ng anak n'ya?

"I'm sorry young lady, I believe, you can walk right here," mababa ngunit madiin nitong sabi, malayo sa malumanay niyang boses kanina, bago pa man ako makasagot sa nauna niyang tanong. 

Napansin ko ang biglaang pagpasada niya sa akin, nagtagal iyon sa belo na nasa ulo ko pa rin hanggang ngayon, pababa sa wedding gown na suot ko.

"I don't have any idea why a bride like you would be in that place where I saw you running awhile ago. Wala akong karapatan na magtanong, but I'm not dumb enough to not realize what's going on. Do understand that I don't want to be mistaken for something I'm not aware of," pagpapatuloy niya. 

I was dumbfounded, totoo kaya na wala siyang alam sa kalokohang ginagawa ng anak n'ya? O kinukunsinti niya ito?

Pero pakiramdam ko naman ay mabuti siyang tao, the fact that he helped me get away from that place. 

Kimi akong tumango at dali-daling bumaba ng kotse. Naiintindihan ko ang punto niya. Madadawit nga naman siya sa nangyari sa akin kung sakaling makita siya ng pamilya ko. At kahit ano pa ang paliwanag na gawin ko ay hindi pa rin ito makakaligtas sa akusasyon nila, lalung-lalo na kay Dad. 

Kaagad nitong pinasibad ang kanyang sasakyan. Ang nagawa ko na lang ay pagmasdan ito hanggang tuluyan itong naglaho sa paningin ko. Saka ko lang naisip na hindi man lang pala ako nakapagpasalamat sa kanya. I hope I could have the opportunity to thank him someday. 

Nakita kong palakad-lakad si Lami sa may labas ng gate, balisa ang itsura nito habang may kausap sa kanyang cellphone. For sure, private detective ang kausap nito para utusang hanapin ako. Nanakbo siya sa direksyon ko nang mapabaling sa gawi ko. 

Mahigpit niya akong niyakap. "Sweetie, I am worried! Ano'ng ginawa niya sa'yo?"

Naramdaman ko ang paghikbi niya sa balikat ko. Kahit hapo ay pinilit kong pagaanin ang loob niya. Paulit-ulit ko s'yang hinagod sa likod. 

"I'm fine Lami."

Bumitaw siya at sinuri ang kabuuan ng katawan ko na para bang hindi ito kuntento sa sinabi ko, saka niya ako muling niyakap na tila ba takut na takot akong bitawan. "I shouldn't let you alone, I'm sorry sweetie, sinamahan dapat kita…"

Muli ko na lang siyang pinatahan. Lagi na lang niyang sinisisi ang sarili sa mga bagay na wala naman siyang kasalanan. Paano naman niya ako masasamahan kanina? When I should be alone in that bridal car?

Inakay na niya ako papasok sa mansyon nang humupa ang emosyon nito. Agad kong nakita ang maraming tao sa may sala. Nandoon si Jester, kasama ang pamilya niya. Sina Mom at Dad at ilang kamag-anak. May naroon ding mga pulis. 

Tumayo at nagliwanag ang mukha ng lahat pagkakita sa akin pero si Mom ang naunang nakalapit at niyapos ako nang pagkahigpit-higpit habang nanginginig at umiiyak. 

"I thought I'd lost you," anas niya.

Alam ko pa ang paglapit ng iba sa akin. Puno sila ng pag-aalala pero hindi ko na gaanong maintindihan ang sinasabi nila dahil bigla kong naramdaman ang pananakit ng buong katawan ko, lalung-lalo na ang mga paa at binti ko. Bunga ito nang dinanas ko sa maghapon, most especially ang pagtakbo ko kanina. Hanggang tuluyan na akong mawalan ng malay. 

****

"Here are the documents you needed." Inilapag ni Cruger ang dalang folder sa desk ni Kiego.

Nagulat si Kiego pagkabasa sa nilalaman nito. "Is this legit?" 

"Alam mo ako magtrabaho," confident na sagot naman ni Cruger.

"Kung gano'n, kailangan kong makausap si Mr. Reynoso."

"I heard he's already in the country." 

"Good, I need to have an appointment with him sooner than she does." 

Isa si Mr. Reynoso sa mayaman at maimpluwensya na negosyante, subalit palaisipan sa karamihan kung paano siya umabot sa ganoong estado. Kahit nahirapan si Cruger na makakuha ng appointment ay nagawan pa rin niya ng paraan. 

"What are you doing here?" nagmamalaking tanong ni Mr. Reynoso kay Kiego nang pumasok ang huli sa opisina nito.

Walang emosyong naupo si Kiego sa naroong sofa sa harap ng table nito, kahit hindi siya nito pinaunlakang maupo.

"I will buy the property."

Umani iyon ng nakakalokong tawa mula kay Mr. Reynoso. "I'm very sorry, Mr. Alcazer, as far as I know, the moment you left me on that day of our meeting means our negotiation is off."

Kiego maintains his calm yet firm aura. No one has the power to make him feel bothered and threatened. May kinuha siyang isang bagay mula sa dalang attache case, pinirmahan niya iyon saka maingat na inilapag sa mesa. It's a blank check.

"Name your price."

Napataas ng kilay si Mr. Reynoso. Halata sa mukha nito na nagugustuhan niya ang nangyayari. Inabot niya iyon at pinasadahan ng tingin. 

"Pretty tempting. I'll accept it in one condition…"

Tumiim ang bagang ni Kiego dahil nakikita niya kung gaano katuso ang kaharap, pero gayonman, kinalma pa rin nito ang sarili upang maiwasan na makapagsalita ito ng hindi maganda. 

"Spill."

"Give me the right to visit there whenever I want and also a 40% profit share."

"What the—"

"Kung gano'n wala na tayong dapat pang pag-usapan," putol ni Mr. Reynoso sa pag-alma ni Kiego saka muling inilapag ang hawak na tseke.

Tuluyan ng dumiin ang kamay ni Kiego sa armrest ng sofa na kanina pa niya pinipigil gawin dahil sa inis. Hindi lingid sa kanya ang pagiging ganid ni Mr. Reynoso, pero hindi niya inaasahan na ganito siya kasakim. Pinakaayaw niya sa lahat ang taong mapanlamang. Kung hindi lang mahalaga na makuha niya ang lupa ay hindi niya ito patitikimin ni kusing sa kanyang pera. Pero wala siyang pagpipilian.

"Deal." 

Agad nang tumayo si Kiego at walang paalam na nilisan ang opisina pagkatapos niyang sabihin iyon.

Naiwan naman si Mr. Reynoso na manining ang matang nakatitig na ngayon sa tseke, saka sumilay ang mala-demonyong ngiti sa kanyang mga labi.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status